talahiban

“THE MATCHA INVASION ( Pero hindi naman matcha-rap duh )”

Oo. Kelangan nating pag-usapan ang ‘Matcha’ dahil lubhang nakakabahala na ang matcha invasion sa daigdig. Out of 7.4 bilyong tao sa mundo, ako lang ang hindi maka-appreciate ng lasa ng matcha. Sapat na dahilan para iwan ako ng mga taong mahal ko.

Akshwally, nakatikim na ako isang beses pero hindi na naulit. Sinubukan kong i-convince ang sarili ko na masarap through meditation ngunit sa pagkakataong iyon, hindi deserving ang matcha para bigyan ng second chance. Kulay pa lang jinudge ko na. Ayoko ng pagkain na kulay berde. Nung isang beses na tumikim ako lasang damo. Parang lasang talahiban. Sa loob ng limang segundo ng buhay ko, naramdaman ko kung paano maging kambing at ayoko ng maulit ‘yon. Lasang joke. Kahit libre di ko susubukan ulit.

Tska yung mga inumin na matcha-flavored tapos kulay green? 

Para akong umiinom ng tubig na tumulo sa alulod ng yero namin. Lasang lumot. Tapos ang lakas pa ng loob lagyan ng kung anu-anong design na kulay puti sa ibabaw na parang may gustong patunayan, akala mo naman maiimpress ako. Pero hindi. Ayoko pa din. Parang sipon ng bata.

Nakakaalarma lang kasi na parang lahaaaaaaaat ng pagkain dito sa mundo may matcha na.

I was like,

And that pakingshet matcha was like,


Parang nung nagpasabog ng matcha sa kalawakan, walang taklob lahat ng pagkain. May milktea matcha, matcha cake, matcha ice cream, matcha cookies, matcha donut. Baka dumating ang araw na meron na ding matcha kwek-kwek, matcha lechon at matcha galunggong. Pati yung bagong flavor ng Lucky Me Pansit Canton may matcha seasoning na din tska yung manggang hilaw matcha na yung sawsawan. Baka mangisay na ako. Kung pwede ko nga lang sigawan yung matcha ng “Magmaganda ka ng naaayon sa sarap!”

Hindi katanggap-tanggap.

Sanay naman akong MATCHAktan. Pero please lang, ayoko talaga ng matcha.

*Kung wala ka ng maintindihan….”