tagalog poetry

Huwag mo muna akong pakawalan, pakiusap. Hindi pa ako handa. Hindi mo naman ako inabisuhang malapit na pala tayo sa dulo. Wala pa sa kalahati ang may marka sa mga planong balak sana nating kulayan. Akala ko'y may pang habang-buhay pa tayong pagsasamahan. Akala ko nangako tayong walang wakas. Akala ko maghahawak kamay tayo sa bawat sayaw ng buhay. Akala ko hindi magpapatangay sa alindog na nasa kapaligiran. Akala ko takot ka sa mga pansamantalang bagay. Hindi ko maunawaan ang pananaw mo. Hindi ba’t kabisado mo na ang kinaroroonan kahit hindi na kita gabayan. Alam mo na dapat ang bawat pasulong. Hindi ko alam kung bakit naliligaw ka. Hindi ko alam kung bakit pinili mo ang pait ng lumbay laban sa tamis ng pag-ibig.
Getting over you would be a tragedy. It would be taking out all the stitches on a healing wound, or closing your eyes as the northern lights glisten across the sky. It would turning off the radio during long road trips, letting the static fill your car. It would be letting the static fill my heart until it’s the only thing I can hear but I can’t make out a single word. Getting over you, it would be settling for something less than love.
—  I’m sorry I still love you @numbteenagers
Alam kong tapos na tayo kahit hindi naman talaga tayo nagsimula. Pero sa puso ko parang totoo ang lahat.

I

Akin nang tatapusin ang mga gabi ng pagluha
Mga tanong na walang tugon na makuha
Ang paggunita sa iyong mukha
Paghihilumin na mga sugat na tinamo
Ng pusong nasaktan nang husto

Salamat sa lahat ng lungkot at ligaya
Sa mga masaya’t mapait na ala-ala
Sa mga aral na sa ‘yo'y aking nakuha
Sa sandaling panahon na tayo'y nagkasama

Handa na akong tanggapin na wala ng Tayo
Na sandali lamang ang parte mo sa buhay ko
Na hindi talaga ikaw ang para sa puso ko
Pinapalaya ko na ang aking sarili
Mula sa tanilakang ala-ala ng dati

II

Masakit man ang ginawa mo'ng paglisan
At ang iyong biglaang pag-iwan
Hindi na hahayaang manirahan
Ang galit sa aking puso’t isipan

Paunti unti ay akin nang susubukan
Na kalimutan ang ating mapait na nakaraan
Ngunit kung sa paglimot ko ako'y masaktan
Tatanggapin ko kung kinakailangan

Ako'y magsisimula ng panibagong landas
Hindi na muling babalikan ang mga oras
At ang mga pangako ng pag-ibig na wagas
Buburahin ang lahat ng natitirang bakas
Ng pagmamahalan na tuluyan nang nagwakas.


Collaboration by: @euphonystar (first) and @scribblermikay (second)

He’s not coming back.
He’s not coming back.
He’s not coming back.
A mantra in my head
that seems would never end.
Yet deep within me
there’s still a little hope
that he might
come back.
—  Thoughts of Dessa // Mantra

Mahal, makakapunta ka na sa inaasam mong kanlungan.

Ganito pala ‘yong pakiramdam na ika'y pinalaya, masaya at walang tinatagong pait. Binubulong sa aking sarili na nanggagaling sa apoy, at sa wakas ay muling bubuksan ang iyong mga pakpak upang makalipad.

Kapag pinalaya mo na ‘yong taong mahal mo, wala ka ibang hihingilin kung ‘di ang sarili niyang kaligayahan, dahil tanggap mo na hindi kayo tugma, at may sari-sarili pa kayong buhay na inaayos para magpatuloy pa.

Mga pangarap na pinangako’y bubuuin ay unti-unti nang nawasak, ngunit sa pagwasak nito’y pundasyon ng kalooban ay tumitibay. Lakas ng loob ay nagmula sa mga luhang pumapatak sa aking mata, at dahil sa iyong paglisan, ako’y natuto.

Mahal, makakaalis ka na.

Muli, tayo ay tatapak na sa panibagong yugto. Ika’y patungong hilaga, at ako naman’y pa-biyaheng timog. Hindi man natin nababantayan ang isa’t isa, ‘pagkat palagi mong tatandaan na ika’y nasa isip ko pa rin. 

Ipangako mo sa akin na kahit ika’y anghel na tagapagligtas ng lahat, ay pipiliin mo maging masaya parati. Ikaw ang nagmimistulang liwanag sa dilim upang makita ang kagandahan ng buhay. Ipagpatuloy mo pa rin ang paggabay sa mga taong nawawala at naguguluhan; ikaw ang napili nila upang makita nila ang iyong dedikasyon.

At heto ako, na busilak ang puso at malinis na intensyon, na pinipilit maging buo at maging maaliwalas muli, ay pinapakawalan ka na. Ikaw ang nagrepresentang anghel ng aking buhay. Ang ating mga alaala ay mananatili sa aking puso. 

Mahal, paliliparin na kita.
Makakalipad ka na sa inaasam mong ulap.
Pinapalaya na kita.

Ang dami sigurong positibong posibilidad ang nangyari na sa atin kung hindi tayo hinintuan ng ikot ng mundo. May dalawang puso pa sigurong palaging ngumingiti dahil kinikilig sa tamis ng pag-ibig. Mahirap talagang kakumpetensya ang tadhana. Hindi mo alam kung sino ang itutukso sayo kaya parang magpapatangay ka na lamang. Pinaglaruan nga yata tayo ni kupido kaya nang sa oras na tumama ang paningin mo kanya ay parang pinana at napatid yung lubid na nagduduktong sa relasyon natin. Nakakalokong isipin na nasira ng mahabang daluyong ang nakampante na sa isang samahan. Para bang ikinulong kita sa masikip na sitwasyon kaya sobra na lamang ang ligaya mo nang makilala mo siya. Ayokong humingi ng pasensya dahil ramdam kong ni minsan sa buong pinagsamahan natin ay naging masaya ka rin. Naniniwala ako. Napasaya rin kita kahit minsan. Alam kong minahal mo rin ako ng pabalik. Alam kong ibinigay mo rin yung parte mo sa relasyong ito. Ramdam kita. Naramdam kita. At pakikiramdaman ko parin hanggang ngayon kung sakaling ganon parin ang hinahanap-hanap mong timpla dahil nakahanda parin ako dito na iginhawa ang patlang sa buhay mo. Sana ako parin ang hanap mo pagdating sa dulo. Sana lapitan mo ako pag nakita mong hinihintay kita sa dulo ng laban. Sana akapin mo ako at sabihing matagal kang nangulila sa ganitong pakiramdam. Sana ang yapos ko parin ang kayang magpagaan ng mga iniinda mo. Sana ako yung sagot na magpapaamo sa buhay mo. Sana ako parin yung init na kinaugalian mo. Hindi ba’t ang sarap ibalik ng nakasanayan? Sana ako parin yung hinahanap mong pakiramdam na nakagawian mo noon. Dahil hindi ko binago ang sarili ko dahil inaasahang kong kapag bumalik ka ay makita mong ito parin yung sarap ng kalinga na nagustuhan mo sa nakaraan.

Kaybilis ng panahon.

Ang dating tayo.
Napalitan ng kayo.

Ang dating mahal ka.
May mahal ng iba.

Ang dating itinuturing mong mundo.
Umiikot na sa iba.

Ang dating sayo.
Nasa kanya na.

Ang dating nagpapangiti sayo.
May pinapangiti ng iba.

Ang dating mahalaga sayo.
May pinahahalagahan ng iba.

Ang dating mahal mo at hanggang ngayo'y mahal mo.
May mahal at minamahal ng iba.

O, kaybilis ng panahon.
Parang isang iglap lang nangyari ang kahapon.

—  EuphonyStar

(i)  isanlibong hakbang—
        ito ang distansyang
             tinahak ng iyong
                  mga paa

                                  p  a  l  a  y  o

                                                          sa akin.

(ii)  isanlibong hakbang—
                        higit pa rito ang pagitan
                ng ating mga            palad,
                      labi,        hininga,          kaluluwa

                          kahit na ilang pulgada lamang
                      ang pagitan ng ating mga katawan.

(iii) isanlibong hakbang
                                                palayo
           ngunit narito pa rin ako
                                                                         naghihintay
                   kahit man lang sa paglingon mo.