tag araw

i. Balang araw, maikukuwento ko rin sa iba ang istorya nating dalawa na walang luhang papatak sa'king mga mata.

ii. Darating rin araw na marinig ko man ang pangalan mo o makasalubong man kita kasama ang mahal mo, wala na'kong mararamdamang bigat sa dibdib ko.

iii. Balang araw, maghihilom lahat ng mga sugat na dulot mo, at magiging masaya rin ako.

Hindi ako si Ryan Bang, na kayang gawin ang lahat para sa fudgee bar. Pasensya ka na, may hangganan ang abilidad ko. Hindi ko kayang gawin ang lahat para sa'yo kahit pa ito ang gusto ko.

Hindi ako si Marcelo Santos, na bibigyan ka ng mga mababaw na salita pero malalim ang kahulugan, at masasabi mong, “Oo, tama nga naman..” Pasensya ka na, kulang ako sa salita at mas lalong kulang ako sa gawa. Hindi ko kayang pagaanin ang mabigat na dinadala mo. Pinipilit ko lang gawing malalim ang mga sinasabi ko pero mababaw lang talaga ang kahulugan nito.

Hindi ako si Juan Miguel Severo, na susulat ng huling tula para sa'yo, at mag iiwan ng sampung utos na natutunan ko sa pag-ibig. Pasensya ka na, hindi ako magaling sumulat, hindi ako marunong tumula, at mas lalong wala akong maipapayo sa'yo tungkol sa pag-ibig. Ang alam ko lang okay lang kahit mag-isa, pero minsan hindi masaya.

Hindi ako si Tito Boy, na mag-aayaya sa'yong, “Tara kaibigan, usap tayo.” Pasensya ka na, hindi ako masyadong nagsasalita. Hindi ako masarap kausap. Ang kaya ko lang gawin ay makinig. Kahit gaano kahaba ang sasabihin mo, kahit abutin pa tayo ng umaga, o daigin man nito ang kwento ng pangako sa'yo, papakinggan kita. Halika dito, makikinig ako sa'yo.

Hindi ako si Daniel Padilla, wala akong ka-love team na Kathryn Bernardo. Pasensya ka na, akala ko pwede mong gampanan ang pagiging Yna Macaspac sa buhay ko kasi alam kong nasayo na ang lahat, ngunit hindi ka naniwala sa akin nung sabihin ko sa'yong minamahal kita ng tapat. Minahal kita… ng tapat.

Hindi ako si Alden, na kayang sundin ang lahat ng utos ni lola. Pasensya ka na, hindi ko nahintay ang sinabi mong tamang panahon para sa atin. Hindi ko sinunod ang utos ng puso ko na maghintay pa. Dumaan ang tag-araw at tag ulan, saan ba doon ang para sa atin? Mali ito. Maling mali. Walang tamang panahon para sa atin. Naubusan ka na ng panahon para sa akin.

Hindi ako sila.
Pasensya ka na.
Hindi ko ata kaya.

Para akong naliligaw, katulad ng isang asong kalye na naghahanap ng makakain na buto sa daan, at masisilungan tuwing bubuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong lamigin at nasanay akong yakap mo ang nagbibigay ng init sa akin, ang mga bisig mo ang nagsisilbing silungan ko hanggang sa tumila ang malakas na agos ng bawat luha, hanggang sa maubos ang lahat ng sakit.

Hindi ako sila.
Pasensya ka na.
Hindi ko pa kaya.

Para akong naliligaw, katulad ng mga batang hamog na sumasabit sa jeep at nanghihingi ng limos, ng kaunting oras, ng atensyon. Uhaw sa pagkalinga at pag aaruga. Naghahanap ng pwedeng kapitan. Umaasa na sana kaya pa, pero may pagdadalawang isip rin na baka nga wala na.

Hindi ako sila.
Hindi ka nila kilala.

Pasensya ka na.
Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko kaya na wala ka.

—  Hindi Ako Sila, (V.G)

Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko’t lambing
Sa bawat pagtago
Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Kung may darating man na umaga
Gusto kita sana muling marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila…

Masakit? Masakit.

3

Unang Ulan ng Abril. Ang inaabangan naman talaga ng mga tao ay ang unang ulan ng Mayo, at tila wala silang pakielam sa unang ulan ng Abril dahil walang nagsabi na mahalaga ito, na mayroon itong ibig sabihin. Nakita ko ang unang ulan ng Abril katulad ng iyong unang pagbuhas sa aking buhay.

Walang nagsabing darating ka. Walang naghintay na magkakaroon ng isang tulad mo sa buhay ko, na para bang isang biglaang ulan. Ngunit ang iyong pagbuhos ang muling bumuhay sa natutupok kong pag-asa. Ang iyong mga halik ay tila mga ambon sa aking natutuyot na lupa, at sa iyong pagdating, naramdaman ko ang nakukulob na init na dumirikit sa aking balat. Ang pawis ko ay wala na, tulad ng luha, tulad ng init na hindi mapawi, ngunit alam kong dadalhin na sila ng iyong pag-agos patungo sa mga estero.

Hindi man ikaw ang unang ulan ng Mayo na aking pinakaaabangan, ikaw ang ulan na dumating sa mga panahong naghihintay ako sa isang bagay na hindi ko alam kung darating pa nga ba. Ikaw ang pumawi sa init ng tag-araw, ang nagdala sa akin ng paborito kong pagkakataon.