tado jimenez

youtube

Musician, writer, actor, director, radio host, designer, entrepreneur, comedian, activist. He was that rare person who could make you laugh at the smallest things yet consider the bigger issues at the same time, or make you simultaneously revile and admire him for refusing to take a bath for 6 weeks for the sake of art. In the early 00s Tado was the stamp of Philippine indie cinema: everyone had to have him in their films. Then he became a mainstream phenomenon, and frightened the suits because of his refusal to compromise his political views. He died on the way to yet another advocacy project, instagramming wisecracks along the way. 

“kung ako ang pagpipiliin, gusto ko na maalala nila ako bilang hindi isang pulitiko kundi isang rebolusyonaryo na naghahangad ng tunay at ganap na pagbabago.”

Thank you for your endless passion, Tado Jimenez. There is a light that never goes out.

VARIATIONS NG MURANG 'PUTANGINA MO'

1. PUTANGINA MO - Delikadong lumapit, maaaring may mapahamak.

2. POOTANG (may mahabang ‘o’ sa simula) - Hindi makapaniwala.

3. PUTAKTE - Gusto ka niyang murahin kaso nahihiya sayo.

4. P*KIN*NG *NA MO - wag ka nang sumagot, tumakbo ka nalang.

5. PUSANG GALA - Disenteng murahan. Di makawala sa utak ang intensyon.

6. POTAH! - May mali kang ginawa. Gusto ka lang niyang itama. 

7. POOTCHAA! - Panghihinayang.

8. PUTANGINA NAMAN - Parang tinatanong ka lang, 'bakit?’

9. POWTANNA KA! - Pagpapakita ng paghanga, gulat at sorpresa

10. POWTEK - Hindi magawang magalit.

Natuwa kayo diba? Marami pang ibang expressions. Bumili kayo nung libro ni Tado Jimenez. Nag-iisa Lang Ako 3 ang title. Meron sa National Bookstore. 150.00 lang. Regalo niyo sa sarili niyo sa Pasko. Pramis, ang daming sense nung libro. Pati Brewrats terminologies, andon. :) Hindi to pang-laking aircon lang kaya bili na! Published by PSICOM.

Kung wala kayo nito, o hindi niyo kilala si Tado Jimenez… PUTANGINA NAMAN!

3

Ang Nag-iisa Lang Ako: Ang Ikatlo Sa Huling Libro ay isang librong isinulat ng komedyante/bokalista ng bandang Live Tilapia (na hindi ko alam kung ano ang klase ng tugtugan nila)/radio personality na si Tado Jimenez. Sa pinaka-payak na paraan, ang librong ito ay katulad ng mismong awtor – sabog!!! Sa unang pahina pa lang, hindi ko na ma-gets kung ano  ang nais ipahiwatig ni Tado sa pagsabi niya ng “Buti pa ang unggoy hindi nya alam sya ay unggoy, ang tao kinalimutan nang magpakatao, sa lakas paggawa iniaalay ko ang librong ito.”

Sa totoo lang, naglalaro sa isa hanggang dalawang bituin (one to two stars) ang rating ko sa librong ito. May mga pagkakataon kasi na para bang gusto ko nang itapon ang libro at matulog na lang. Nag-skip pa nga ako ng ilang pahina sa bandang dulo dahil ika nga nila sa ingles, “I can’t help it”. Naitanong ninyo siguro kung bakit? Nasabi ko na sa unang paragraph ang dahilan. Sabog ang libro n'ya! Wala itong kaayusan at halu-halo ang nilalaman. Merong litrato ng pamilya n'ya, litrato ng diyaryo nila sa Marikina, mga mensaheng halaw sa fan page ng Brewrats, kung anong formal letter para sa alkalde ng Marikina, at kung anu-ano pang mga sanaysay na para bang napadaan lang sa isip mo sabay sulat kaagad. Pero kung iisipin mo eh mamamangha ka’t nakakapagkuwento pala ng ganito si Tado.

Bagamat walang patutunguhan ang libro, meron pa ring ilang mga nakatutuwang punto sa loob nito. Astig kung gagawin mo ang “100 Must Do’s Before I Die” ni Tado subalit tulad ng kanyang suhestiyon (‘de, suhestiyon ko lang pala), mas astig kung gagawa ka ng sarili mong “Must Do’s”. Mapapatango ka rin at mapapasang-ayon sa“Pinoy ang Bahay mo kung…”“Pinoy ang Probinsya mo Kung…” at iba pang listahan ng “kung…”, na actually ay pinagtipun-tipon lang na sagot mula sa internet. Meron pang mas sabog d'yan: ang mga listahan ni Tado tungkol sa kung anu-anong bagay tulad ng nabanggit ko kaninang “100 Must Do’s Before I Die”“Mga Kasinungalingang Pwedeng Sabihin sa mga Mangmang”“10 Not So Easy Steps”(ito talaga ang pinaka-sabog na listahan!), “100 Things About Marikina”, at iba pa.

Sa tingin ko, isa sa mga dahilan kung bakit nasabi kong sabog ang libro ay ang kakulangan sa pag-proofread nito. Ang dami ding typographical errors (kung tutuusin, kapag sinubukan mong magbasa ng librong gawang PSICOM eh kailangan mo nang ihanda ang sarili mo dahil wala ata silang librong walang typographical error). Naiimagine ko kung paano ginawa ni Tado ang librong ito. Sa proseso ng kanyang libro, para bang bigla lang n'yang naisipang gawing libro ang utak n'ya. Automatic. Hindi uso ang pagrerebisa. Kung ano ang matipa ng daliri, 'yun na. Parang ganito:

Isang ordinaryong araw, naisipan kong mag-sign up sa isang blogging platform habang nakikipag-inuman sa mga tambay sa aming barangay. Matapos kong magkaroon ng official account, nag-post agad ako ng kung anu-ano. Ikinuwento ko ang tungkol sa napanaginipan kong palaka noong isang gabi. Dumaldal din ako tungkol sa inaalagaan kong surot sa bahay namin. Para mas astig, nagpaskil din ako ng mga litrato ko at kung anu-anong litrato sa inaamag naming photo album sa bodega. Nag-copy paste na rin ako ng mga nakatutuwang mensahe sa aking official website. Dahil dito, masaya na ako! The End.

Dahil nabanggit sa librong ito ang programang Strangebrew (kung wala kang idea kung tungkol saan ang programang 'yan, pakihanap na lang sa internet dahil tinatamad akong magpaliwanag), naaalala ko tuloy ito. Nakapanood ako nito pero isa o dalawang beses lang. Hindi ko maintindihan ang programang 'yon dati. Naalala ko 'yung isang episode. Ang episode na 'yon bagamat kaisa-isang episode ngStrangebrew na napanood ko eh tumatak sa isipan namin ng kapatid kong bunso noon ('de, actually 'yung memorable na dialogue ni Tado ang tumatak sa amin ni utol): “Ito ang carrot, paborito ng parrot.” Ano daw?

Aaminin kong noong una eh medyo na-excite ako sa libro ni Tado dahil makapal ito, bagay na hindi ordinaryo kapag ang mga librong gawang PSICOM ang pag-uusapan. Tapos maganda din 'yung kulay ng libro, at gawa pa ni Tado na kilala bilang mahusay na komedyante, kaya naman naengganyo talaga akong bumili.

Ewan ko kung mag-iiba ang rating ko kung sakaling naging maayos ang pagkakagawa sa librong ito (walang typographical errors, maayos ang pagkakatipa ng mga letra, etc). Maaaring tumaas pa siguro o maaari ding two stars pa rin ang rating ko. Sa totoo lang, sa tingin ko eh mas maayos pa 'yung pagkakasulat ko sa blog ko. Joke lang pero pwedeng seryosohin! (Uy simpleng promotion. Pakibisita ang blog ko para dumami ang hits. Kailangan lang para magkaroon ng ads. Hehehe. Maraming thank you po!).

(PS: Ang review na ito ay ginawa nang walang proofread-proofread at sabog kung sabog, bilang pagbibigay-pugay na rin sa kakaiba at dakilang awtor ng librong ito. Sabi nga ng titulo ng libro: “Nag-iisa lang ako”. Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng kasabugan ng librong ito eh nakagawa pa ako ng mahabang review, sabog nga lang. Pasensya na nga pala kung naging dahilan ang kakornihan ko ng sakit ng ulo ninyo. Minsan lang naman ito eh. Peace!)

Rating:★★☆☆☆

For those who are still confused sa line na: "MAS MABUTI PANG MAGNAKAW KESA MAMAKLA"

Ang nagpauso ng line na yan ay si tado. At maganda ang message na iniimply ni tado diyan while he was supporting the gay federation “LADLAD”. There is something wrong sa word na “MAMAKLA”. It sounds really degrading. When you say mamakla it’s like you are using gays to have financial stability. So, what tado is trying to say is, it’s better to steal than using love to steal other people’s money. :) Kasi mas masahol ka pa sa magnanakaw kung mamahalin mo ang bading or paniniwalaing mahal mo sila for the sake na mahuthutan sila ng pera.