tabong

May 1 2015

Naalala mo pa ba yung biruan natin na sasama tayo ngayon sa Edsa para magwelga?Gusto kong mangyari yun .pero alam ko namang imposible .Kaya plinano kong tawagan ka nalang ng saktong 12am ng May 1 para batiin ka ng “Happy Labor Day!”.Kaso pinagtawanan mo lang ako..

Sabi ko sabay nating sasalubungin ngayon yung new month , kaso sinabihan mo lang ako ng korni.

Aminado ako,nung una na nahihiya pa ako sayo.Halata naman diba?Pero nag ipon ako ng isang tabong lakas ng loob.Hanggang sa…..for the very first time , sinabi ko sayo over the phone yung nararamdaman ko …na Mahal kita..

Hindi ko alam kung naramdaman mo yung sincerity ko nung sinasabi ko yun..Hindi ka na nagsalita hanggang sa maputol na yung tawag.

Sinend ko nalang sayo yung sinabi ko nun baka kasi di mo narinig ng maayos. Pero sabi mo , narinig mo ng malinaw .at namumula ka ngayon .

Natawa ako .Inimagine ko tuloy , ang cute mo siguro .Para kang bata na ang sarap ipoke sa pisnge . Nakakainlove lalo..