sweetanes

3

Sabi mo ililibre mo ako ng tinapay kaya sinamahan kita sa BPI. Surprise Birthday treat pala. Salamat sa araw araw na kilig at ka'sweetan, halos wala ng mapaglagyan yung ngiti sa mukha ko pagkasama ka. Magbi-birthday na ako at imbis na tumanda, pabata ako ng pabata dahil sayo. Salamat sayo, sobra sobra na to, wala na kong hihilingin pa. Mahal na mahal kita Regina 💖

February 14, 2014

Night before valentines day, magkausap kami (as usual) hanggang sa makatulog kaming dalawa, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero naging sobra akong madrama and bitter. Kasi nga, pagbukas ko ng facebook, puro ka-sweetan nababasa and nakikita ko, hindi naman ako dun nabibitter pero dun lang sa nakikita kong magkasama ang mga mag boyfriend-girlfriend sa valentines day, bastaaaaa. Super drama and iyak ko kasi nga gusto ko siya makasama. As innn!! Tapos habang umiiyak ako, pinapatahan niya ko and paulit ulit niya kong sinasabihin ng “mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.” Hehe Bastaa! Yun na yun. So ayun nga, sobrang antok na niya and pagod pero sinusubukan parin niyang wag matulog. Kasi nga gusto ko hanggang 12am gising kaming dalawa, sasalubungin namin ang valentines. Pero sobrang sweet niya na sakin as in grabe! Kahit nga matulog na kami agad agad okay lang eh. So ang ending 11:57pm nakatulog na siya. Di ko na siya magising, so nag message nalang ako sakanya, syempre yung sweet at sinabi ko kung ano talaga nilalaman ng puso ko. After kong mag message natulog narin ako.

Then pagkagising ko (syempre valentines day na) pagtingin ko sa viber 15 missed calls. Then ang daming messages. So eto nga. Nag reply siya sa message kos akanya and nag message din siya sakin..

“Ako isa lang masasabi ko, I LOVE YOU MORE! Ay dami na pala! :)) HAPPY MITCHI DAY para sakin tong araw na to, kasi ikaw tong puso ko eh. :) yung sinabi mo mahal, isa yun sa mga pangarap ko. Magtulungan tayo mahal na maabot ang pangarap natin. Babe maraming salamat sa lahat ng binibigay mong pagmamahal at panguunawa, pasensya na minsan kasi di ko alam kung anong gagawin para mapasaya ka at madalas nag eend naman sa tampuhan. Kaya pinangako ko sa sarili ko pag nagsama tayo babawi ako dun sa mga araw na nakaramdam ka ng lungkot at pangungulila. Mahal na mahal kita babe. Kaya wag na ma-sad asawa ko. *insert heart* *insert smiley face* *insert sweet emoticons* *insert HAPPY BIRTHDAY Logo* ay mali na! Hahaha! Pero sabi nga magkamali man, hindi naman nauubos yung pagkakataon para baguhin yun. :)”

4:33 am – dun na niya ko tinatawagan sa viber, nanghiram pa siya ng cellphone kay “Pulong” –(siya yung isa sa mga inuutos utusan nila sa house nila) –nanghiram siya kasi nga nawala phone niya, so ilang beses siyang tumawag pero di niya ko macontact, lowbat kasi pala cp ko di ko napansin. Kaya ayun ang ending isang oras ata siya naghintay magising ako, nagbabakasakaling marinig ko call niya sa viber, kaso hindi ako nagising, kaya natulog nalang siya ulit.

7:30 am
“Good morning asawa ko I love you!”

8:05 am
“Dito na ko sa work babe I love you!”

– So ayun nga, syempre ang ganda lang ng gising ko, maiimagine niyo naman siguro kung gano katamis at abot tenga ang ngiti ko diba. Tangina! Yung kilig na naramdaman ko promise! Winner! Hahaha. Hashtag: KiligPepe Charot! Hahaha basta so ayun na nga. Nag message-an na kami and everything. Hangganggggggg.. Hanggang sa umabot na ng hapon. Nanunuod ako nun ng TV ng biglang may nag doorbell. Inisip ko wala naman akong inaasahang bisita, wala din namang bisita si mommy. So nung sinilip ko lalake na naka uniform. Si maning pala na delivery boy! Hahaha. So ayun nga, pagbukas ko ng gate, eto agad nakita ko. Isang box. Inisip ko, baka yung inorder ko sa isang online shop dumating na, pero nagtaka ko kasi box ang ipinadala.

Kaya nagtaka ako, kung bakit medyo malaki ata. So pag tingin ko kung kanino nanggaling..

Aba namannnnn! Galing pala sa asawa ko. Haha. Super napatili talaga ko sa kilig. Tapos super nagulat si manong delivery boy, super smile din siya sabay sabing.. “Valentines day kasi eh, pinadalhan ka ng boyfriend mo.” —haha.aba aba! Pano naman nalaman ni kuyang galing sa boyfriend ko yun. Pero sabagay sa tili at kilig na naramdaman ko gets na niya agad. HAHAHA. So eto naman, chumika ulit si kuya. Tapos sabay tinuro sakin yung nakasulat sa box..

With chocolates pala ehhhh! Nako. Nako so umalis na nga si manong. Tapos nung binuksan ko na ang surprise sakin ng baby ko. Eto na yun..

Except dun sa flowers kasi bigay sakin yun ng nanay at tatay ko. Nakasabay lang sa pic. Hehe. So syempre sobrang nagulat ako kasi wala naman siyang kinkwento na nagpadala pala siya, tapos pinapafeel niya sakin na wala siyang gift and haharanahin niya nalang ako sa valentines day– which is lagi niyang ginagawa, lagi niya kong hinaharana. Hehe. Sweet noh? :“”>

So nung pagkaopen ko ng gift, sinabi ko agad sakanya. Sabi ko… “Ikaw ahhh may surprise ka pala di mo sinabi. Bad boy ka! Punta ka naman sa condo ko mamaya.”– CHAROT, DI KO NAMAN YUN SINABI. AYAW KO NAMAN SIYANG MABUGBOG EH. HAHAHAHAHAHA. pero seryoso, nagpasalamat ako, and sobrang naramdaman ko na ang sarap pala talaga pag yung taong mahal mo, mahal ka rin o kaya naman mas mahal ka niya. Hayyy. Tapos etong reply niya.

“Hahaha ang bilis ahh talagang hinabol haha. Akala ko hindi aabot eh. Di mahal ko sabi ko kasi kay mommy ipadala nalang kahit di umabot ng valentines, akala ko sa sabado nalang ipapadala, pagdating ko kagabi sabi ni mommy napadala na daw niya yung pinapadala ko. Huh? Sabi ko. Ang bilis naman, may ipapadala pa sana ako eh. Ayun. Pagpasensyahan mo na babe yung bigay ko. Sorry din kung di ko nasulatan ng kahit anong message yan, si mommy kasi pinadala kaagad. Anyway baby sana kahit papano napasaya kita ngayong araw. Sa totoo lang napaka natural saken tong araw na to. Nothing special. Wala lang, lagi ko kasing nararamdaman na valentines day basta alam kong nandyan ka lagi para sakin eh. Feeling ko everyday valentines kaya nasanay na ko sa araw araw valentines satin dalawa. I love you babe. Bawi ako next time :) hehe.”

– hayyy ano pa nga ba ang masasabi ko. Ang sarap sarap mabuhay, ang sarap magmahal! Kahit na hindi perpekto, madaming masasaya at masasakit na nangyayari at pwedeng mangyari, magkahiwalay man kayo ng landas, mag bati, mag away, kung kayo, kayo talaga. Babalik at babalik parin kayo sa piling ng isa’t isa. At habang tumatagal, habang nalalampasan ninyo ang marupok na daanan, mas lalo kayong tumatatag, mas nag gogrow kayo as a person, mas lalo niyo ding natutulungan ang isat isa na maging matatag at mailabas ang best ng bawat isa.

Babe, mahal na mahal kita. Maraming salamat sa lahat. Salamat at nakilala kita, na binigay ka sakin ng Panginoon, sana babe hanggang sa maging losyang, kumulubot ang balat, puro uban na ang buhok ko, ikaw parin yung taong masasabi kong rason kung bakit araw araw akong kinikilig, ikaw parin yung rason kung bakit ako masaya, ikaw parin yung rason kung bakit excited akong gumising. Ang pinakarason kung bakit para sakin napakasarap magmahal.
:’)

Para dun sa magiging husband mo.

Hey dude. Alam mo. Ang swerte mo kase ikaw napili nya. Sayo siya sumaya. Sayo siya komportable. Kabrebreak lang namen. Hindi ko balak isuko. Kaso siya na yung umaayaw na ilaban kopa e. Yung pinaglalaban kona mismo yung umayaw. Siguro di pa siya mature or bata bata pa nga magisip kaya nyako iniwan ng ganito. Basta nalang daw nawala yung love nya para saken e. Haha. Pero dude, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ko siya. Kahit ginanito nyako. Alagaan mo siya kung pano sya inaalagaan ng nanay nya at protektahan kung pano siya pinoprotektahan ng papa niya.

Marami siyang gusto at ayaw ah. Ayaw nya ng masyadong ma effort. Pag may away kayo mas gusto nya na usap kayong dalawa lang kesa sa mageeffort ka ng engrande para magkabati. Ayaw ng ng ganon kase mapipilitan makipagbati lang. Gusto nya dinadaan sa forum. Ayaw nya ng gravy sa kfc kase nasusuka siya. Ayaw nya ng sinasabayan siya pag galit siya. Ayaw nya ng hindi mo siya tinetext pero nakakapag text ka sa iba. Ayaw nya ng may lumalandi sayong iba (take note of that). BAWAL SIYA NG PINEAPPLE AT SOFTDRINKS AT SUKA. Gusto nya ng adventures, stories, fries, pizza, icecream, hugs, forehead kisses at kung ano ano pang cute na bagay. Sulatan mo siya ng loveletters ah? Gusto nya yun. Basta gawin mo lahat para sa kanya.

Alam mo dude. Broken family yung pamilya nya. Kaya dalawang beses ka ipapakilala kaya maghanda ka. Haha. Gusto nya ng one big happy family. Kaya umayos ka. Wag landi. Loyal lang dapat. Topakin siya malimit. Pero gamitin mo super pasensya mo para sa kanya. Kase after nya magtopak eh sweet yan. Tiis lang brad. Saka wag mo muna madaliin sa mga bagay bagay. Respeto lang. Kasal muna kayo. Ha? Gusto ko yung the best na kasal para sa kanya. Usapan sana namen sa tabing dagat e. Magaral kayo ng ayos at tupadin mo pangarap nya. Travel kayo sa ibat ibang countries. Tas kainin nyo masasarap na pagkain. Haaaayyy. Namimiss ko siya dude.

Kung sino ka man na mapapangasawa nya. Ingatan mo siya. Putanginamo ang swerte mo alam mo yun? Responsable yan sa bahay kahit mukang prinsesa. Kaya wag mo gagaguhin pre. Kase pag naisipan nya magsumbong saken buong aplaya ang tutubog sayo. Ha? Mahalin mo pare lahat sa kanya. Walang tapon jan. Ultimo ingrown nails nyan minahal ko. Haha. Basta pre. Napakaswerte mo. Malas ko kase di ako yung gusto nya. Pinapakawalan kona siya ngayon. Kase ayaw ko naman na mapunta siya sa taong di nya gusto. Pero pare may pake pako sa kanya ha. Kaya wag ka palokoloko jan. Subuksubukan mo paiyakin yan maliban nalang kung nag gagayat siya ng sibuyas. Pagtutulungan kita magisa di ako nagbibiro.

Matagal ko siyang pinangarap hanggang sa mapasakin siya. Tapos ngayon nawala na siya. Pero di ko hinangad ang kahit anong masama sa kanya. Ikaw na pinili ka nya, patunayan mong may forever pare. Gusto nya yun. Sweetan to the max ba. Basta. Pare. Masakit man sabihin. Pero ipinapaubaya kona sayo ang pangarap ko. :) I’ll be man enough. Iiyak ako pero pare maangas padin ako.

Para naman sayo baby. Wag ng ganon ah? Yung magsasawa ka bigla. Try mo magwork ulet pag nagkaganyan ka ulet. Kase mahirap. Ha? Wag ka magalala dina kita kukulitin. I’ll try to enjoy life na ng wala ka. Salamat sa lahat. Salamat sa memories na bakat na bakat sa utak ko. Atupagin mo muna pagaaral mo ha. Ha? Wag ka din papaapi sa kahit sino kase kahit anong sabihin nila eh maganda ka. Andito lang lagi ako kahit may sarisarili na tayong buhay. Basta. Alam ko naman na naramdaman mo pagmamahal ko. Nagawa kona lahat. Pero wala na talaga e. Ayaw mona. Ayoko naman pilitin ka kase pilit monakong tinataboy. Haha. Tamana be. Kung bumalik ka man at may feelings pako eh bakit ang hindi diba? Haha. Pero pag may iba ng nagpapasaya saken eh pasensya. Sige na. Mahal na mahal kita. Kumain ka ng ayos ah. Magaral ng ayos. Wag ka gimik gimik. Wag iinom agad. Wag yosi. Wag bumarkada sa alam mong masasama. Ha? Bye baby. Im trying to be your Augustus Waters but you keep pushing me away….and it sucks.

Naranasan mo na bang ma “tawazoned”? Yung sasabihin mo yung nararamdaman mo sa isang tao tapos tatawanan ka lang nya. Masakit di ba?! Parang ang tingin nya, yung nararamdaman mo ay isang kalokohan lang. Hahaha. Iba’t-ibang tawa pa ginagamit no? Pero ang bawat tawa ay may meaning; iba-iba ang gustong iparating. Seryoso na ba ‘to? Haha. Kapag inamin mo sa kanya na mahal mo siya tapos ang sagot nya ay:

  • Haha.Ibig-sabihin, para sa kanya nagjojoke ka lang. Maaaring hindi ka mukhang kapanipaniwala o kaya hindi nya maimagine na magkakagusto ka sa kanya. So yun, parang wala lang sa kanya yung mga sinabi mo. Haha.
  • Hehe. May itinatago yan sa’yo. It’s either may gusto rin siya sa’yo o kaya hindi kayo talo. Pag kasi hehe parang may sikreto syang tinatago, parang merong kakaiba. Kailangan mo syang kulitin para malaman ang katotohanan pero ihanda mo ang sarili mo kasi masakit malaman ang katotohanan. Hehe.
  • Hihi. “No strings attached” daw. Ibig-sabihin, hindi ka niya mahal pero handa siyang ialay ang lahat ng oras nya para makipaglandian sa’yo. Pwede kayong magsweet sweetan pero hindi daw sya mafafall sa’yo. Gamitan lang ganun. Friends with benefits. Yay. Hihi.
  • Hoho. Tawa ni Santa. In short, hindi ka nya mahal. Yun na yung regalo nya sa’yo sa Pasko, sasabihin nyang mahal ka rin nya. Pero dahil isang araw lang ang Pasko, isang araw ka lang din nya mamahalin. Parang naawa pa sa’yo ganun. Hoho.
  • Huhu. Umiiyak sya. It’s either naiiyak sya kakatawa o kaya umiiyak talaga sya. Pwedeng sobra syang natawa dahil sa sinabi mo. Pero ang matindi kapag umiyak talaga sya, ibig-sabihin mahal ka talaga nya pero bawal. Hindi pwede, pang telenovela lang ang drama. Dito nag-ugat ang line na “Mahal kita pero di pwede” na usung-uso sa mga Filipino telenovelas. Dahil dun mapapaiyak ka na lang din. Huhu,
  • Hahaga. Ayan nagtypo pero sinadya nya yan. Ibig-sabihin, sa tingin nya, pagkakamali lang ang lahat. Baka naguguluhan ka lang daw sa mga nararamdaman mo. Tapos mali daw namahalin sya. Madrama tong tawang to. Hahaga.
  • HAHA. Capital talaga. Nababaliw ka na daw. Nahihibang. Comedian ka talaga daw. Napatawa mo sya ng sobra. Loko loko ka daw ganun. HAHA.

Ayan. Tinawanan lang ang nararamdaman mo. Ansakit di ba? Yung seryoso ka dun tapos tatawanan ka lang. Hays. Tawa na lang tayo. :)

Confession #691: TO ALL BLOGGERS: TAKE TIME TO READ THIS. HIHIRAMIN KO LANG PO SANA YUNG KONTING KONTING EFFORT NIYO PARA BASAHIN ITO:

Nakakatuwang ewan lang magbasa ng Bloggers-secret files. Pero yung totoo, nakakarelate talaga ko sa mga latest posts nila ngayon. NO OFFENSE, pero iba talaga yung Tumblr noon kesa sa Tumblr ngayon. Hindi naman sa tinutuligsa ko o kini-criticize ko yung mga bagong bloggers o yung bagong style, ang punto ko lang, iba na talaga yung kasalukuyang panahon.

2010 ako nagsimulang ma-curious sa Tumblr, pero wala pa talaga kong official account noon. Gumawa lang ako ng Tumblr account para magbasa, dahil ang mga blogs noon, OBRA MAESTRA talaga.

Year 2011, gumawa ako ng panibagong Tumblr account, yung blog ko talaga. Doon ako nagsimulang mag-blog ng kaunti, pero hindi naman ako active kasi nga most of the time nagbabasa lang ako. May mga interactions na rin sa isa’t isa ang mga bloggers at may mga Tumblr famous na rin noon. Napaka-conservative rin ng karamihan sa mga bloggers dati lalo na nung 2010. Hindi sila mahilig magdisplay ng sarili nilang mukha. Diary kung diary, obra kung obra, grahic arts kung graphic arts at photography kung photography. Uso rin dati ang mga long typos kaya malilibang ka talagang magbasa. Hindi big deal dati kung gwapo o maganda ang blogger, basta kung mahusay ka, sikat ka. Hindi rin issue ang mga follow/followback at unfollow, etc. Walang away, walang irinagan at walang issue issue.

Ngayon, masisi mo ba sila?

Ipo-post ko ang blog na ito hindi para sabihing mas maganda ang Tumblr noon. At hindi ko rin naman sinasabing wala ng magagaling ba bloggers ngayon. Maraming magagaling mag-blog at hindi pa rin sila nawawala, yun nga lang, napupunta na sa mga maling tao yung status na: FAMOUS.

Maiba tayo, kung tutuusin nga, ayos na rin ngayon kasi mas naging “social site” ang dating, mas attached at aware ang mga bloggers sa existence ng isa’t isa. Oo, marami nang pagbabago, kung ako nga rin ang tatanungin e mas gusto ko yung ambiance dati, yung tipong kapag may problema ka ibulalas mo lang yan sa blog mo. Kung down ka at gusto mong ma-inspired, magbasa ka ng mga blogs ng iba.

But we should also look at the positive side of every changes. Ang Tumblr, kahit bali-baligtarin man ang mundo e Tumblr pa rin. Isang BLOG SITE. Ngayon, kung iba yung motibo mo, anjan naman ang Facebook, Twitter at Instagram.

Hindi naman ganoon ka-crucial yung mga changes dito sa Tumblr. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ang mga bagay na ito, pero sana, we bloggers, should make the difference. Or what I mean is, we should maintain the very purpose of using this site. BLOGSITE po ang Tumblr, hindi TWITTER na kahit “goodmorning” lang e iba-blog pa, hindi rin FACEBOOK na ginawa nang chatbox ang buong dashboard at hindi rin INSTAGRAM na puro nalang mukha at selfie ang nakadisplay sa site niya.

Totoong libre ang magblog. Blog whatever you want, desisyon mo yan. But we should also consider the things that we will blog. Kasi yung mga blogs natin, that’s what differs us from the other sites. BLOGGERS tayo e. We blog to express not to impress. Hindi naman sa pagandahan ng themes yan e, o sa pagandahan at pagwapuhan ng Avatar, hindi rin yan sa paramihan ng notes, kundi nasa nilalaman yan. 

Kung nagagalit yung iba kasi hindi pa matanggap ng 2009-2011 bloggers ang changes, on behalf of them, hindi naman talaga sila nagrereklamo sa mga pagbabago. Ang samin lang, sana ma-maintain natin yung PURPOSE. Mag-blog lang tayo. Just BLOG. Use your heart, mind and put some effort.

Sa mga bagong bloggers, lalo na sa mga ordinaryong bloggers na hindi FAMOUS. Better have this kind of reasoning:

E ANO NAMAN KUNG MAGANDA O GWAPO SIYA, E ANO NAMAN KUNG MARAMI SIYANG FOLLOWERS, E ANO NAMAN KUNG MARAMI SIYANG NOTES, E ANO NAMAN KUNG FAMOUS SILA? KUNG MAS WORTH READING NAMAN ANG BLOGS KO, LAMANG PA RIN AKO.

At sa mga FAMOUS naman, kayo na yung mga sikat, kayo na yung mga tinitingala, so better start a better way of blogging. Make yourselves worth to be called FAMOUS. Hindi naman sa sinasabi kong lahat ng famous e sumikat lang dahil sa blah blah blah, may magagaling talagang mag-blog at worth to be called famous, pero meron talagang mga alam niyo na at sa kasamaang palad e dumarami na sila.

Yung mga meet-up? Ayos lang yan, simpleng kabataan lamang tayo na mahilig makipag-socialize. Yung pakikipaglandian sa bloggers? Ayos lang yan, kung malandi ka talaga e, e di GO LANG NG GO pero sana naman sa FB o sa text niyo nalang gawin yan at wag na sanang i-display pa sa dashboard ng iba — MAHIYA KA. Yung iringan sa kapwa bloggers? Ayos lang din yan, kung may attitude talaga e, ano bang magagawa mo, pero sana huwag ng i-publish o i-display pa, ano namang feeling mo? Na worth reading yan? Yung mga ka-sweetan ng magkaka-relasyon dito? Ayos lang din yan, kung mahal talaga ang isa’t isa e at gustong i-express yung puso sa blog — GO lang, pero sana naman nasa tamang direksyon yung sinusulat niyo at alam niyo yung limitasyon. 

WE LOVE TUMBLR RIGHT? Ok lang ang changes, let’s just accept it. Pero ang HUWAG LANG SANANG MAGBAGO E YUNG PINAKA-PURPOSE NG TUMBLR. BLOG WISELY!

Yan ang mahirap kapag nagsweet sweetan kayo pero wala naman talagang kayo. Kapag may iba na siyang natripan at basta ka na lang iniwan wala kang habol kasi nga walang kayo. Walang kayo okay? okay. Masakit? Masakit. Tangina? Tangina.

Kapag may boyfriend kana...
  • Huwag kana makipag sweet-sweetan sa ibang lalaki, mapa personal man yan, text o chat. tigil tigilan ang kalandian!
  • Huwag kanang mag entertain ng mga manliligaw. may bf kana nga eh, di pa makuntento?
  • Huwag mo hayaang may pagselosan ang bf mo sa mga kabarkada mo. 
  • Hindi kana magpapasundo o hatid sa ibang lalaki.
  • Huwag kanang sasama sa mga inuman o galaan na alam mong ikaw lang ang babae. isama mo nalang si bf para mas okay.
  • Huwag kang gumawa ng mga bagay na ayaw mong gawin sayo ng bf mo at pwedeng ikasira ng relasyon niyo.

May boyfriend kana eh, alamin mo yung limitasyon mo. Hindi man halata, pero nagseselos din ang mga lalaki. napapraning din sila tuwing alam nilang may kasamang iba ang mga girlfriend nila. kaya dapat, dumistansya kana. Huwag kang manhid para di mapansin ang nararamdaman nila. Kung minsan, ang isang lalaki kaya naman nagloloko yan ay dahil din satin. may pagkukulang tayo o kaya naman sumosobra na tayo. kaya kung ayaw mong dumating sa point na magloko siya, maging aware ka din naman sa mararamdaman o nararamdaman niya. hindi sa lahat ng pagkakataon tayong mga babae lang ang dapat intindihin. sila din. Tandaan natin lagi yun.

Bakit kaya may mga lalaki na masyadong bilib sa mga sarili nila? Yun bang kakaibiganin ka muna, sweet-sweetan sayo, hanggang sa mainlove ka pero bigla ka nalang iiwan. Papaasahin ka lang pala. Pasalamat sila walang babaeng ganyan e. Kaya siguro patuloy nilang ginagawa yan kasi di pa nila napagdadaanan. Hindi pa nila alam kung ano ang mararamdaman kapag ginaganyan.