sunlife

Welcome to Sun Life SingaFort

After too many wishes for yet another possible delay, the day has finally come. The big move I was talking to you about (with a video pa nga di ba?) is now a reality. The first batch of Sunlifers has finally moved to Sun Life Centre, Bonifacio Global City (BGC). I still ask myself, “Bakit ka ba pupunta pa ng The Fort eh paglabas mo naman ng bahay ninyo, ang daming naglipanang big companies dyan?” Honestly, di ko pa masagot sa ngayon dahil, number one, tamad pa ako humanap sa iba, at number two, masaya naman ako ngayon. Ipaubaya ko na lang sa Diyos, hehe. I know nilagay Niya ako sa kinalalagyan ko ngayon for a bigger purpose, bigger than my own daily survival concerns. Bonus na lang ung basic provisions and overflowing blessings.

So, simula Lunes ng linggong ito, gigising ako nang at least dagdag isang oras before my usual waking time, sasakay ng isang jeep at isang bus papunta sa bagong opisina. Don’t get me wrong, sanay akong mag-commute. Uwian ako mula high school at college years mula Laguna hanggang Maynila araw-araw. Medyo naninibago lang siguro ako dahil for the past three years of working in Makati, nilalakad ko lang ang bahay-office. Nakakalibre lunch at quick nap ako sa bahay. ‘Pag may nalimutan, like ID or cellphone, babalikan ko lang kahit working hours. 'Pag gusto kong umupo sa trono, huwaw, literal na I can be “at home na at home”. Super convenient. Ngayon, feeling ko big leap from the old to the new.

Anyhow, di naman ito rant. Share ko lang ang dinatnan namin sa new company building sa the Fort. Wag ka, bongga ito! World class at certified (LEED) “green” building. No bias – kung maganda sa labas, mas maganda sa loob, lalo na nung magka-laman ng tao at dumating kami. CHING!

External image
External image

Eto ung external view of the Sun Life Centre, Bonifacio Global City (BGC).

Sumalubong sa amin ang mga bonggang welcome kits.

Kasama sa welcome kit ay ang cookie with the whimsical Sun Life sun, at bag na may lamang desktop calendar (2012), binder, envelope with dividers at sun shield.

Ahhh… eto pala ang use ng sun shield! Promise brighter than sunshine ang sun niyan sa umaga! Magshe-shades na rin ako bukas. Keri na rin kasi “green” nga raw kaya ganyan ang mga bintana ng building. Tipid sa kuryente.

Sa'n ka pa? Bawat workstation ay may ribbon. Mag-ribbon-cutting ceremony ka muna bago mag-check ng morning e-mail! Pwede ka rin mag-imbita ng mga guests of honor tiga-palakpak! Or sabay-sabay kayo… “Hawakan ang gunting… Itaas ang kanang kamay na may gunting… Handaaaaaa… gupit!”

(Left) Yung mga bossing namin na may sariling kwarto may ribbons din… pang-limbo rock! (Winner talaga si Sir S)
(Right) Actually, mali ang suot ko nang araw na yan. I was the only blue in the sea of yellow kaya kantyaw agad inabot ko pagkarating na pagkarating sa unang araw. Eh ano naman kung suot ko ung pang-tuesday? Kinabog ko naman ng head gear ni kuya guard at batuta payong ni Kirky!

Eto ang bagong lunch room. Sleek and modern finis!

Lunch room, different angle. Winner ang view dito!

Isa 'to sa mga kapitbahay. Wala lang akong shot pero imagine all buildings in BGC ay ganyan ka-modern. Parang wala daw kami sa PInas – nasa SingaFort! (Don’t be too sensitive. I love Pinas!;p )

Group picture sa BGC Customer Center

Bawat Sun Life floor ay may receiving counter for the guards/receptionists. Nag-sideline ako minsan.

Isa 'to sa mga meeting rooms called A. Wood. Walang wood dyan, puro glass windows! Bongga 'tong gawing dance studio pang-SYTYCD. Hahaha.

Then gala galore kami sa nearby vicinity nuong first lunch break. Akalain mo bang may kotseng ang trip ay mag-Inception!

Exploratory mode pa kami this week. Sa BGC ka din ba naka-base? Kelangan ba talaga mamulubi dito? Share mo naman discoveries mo o. Mga paboritong kainan, best travel routes, tipid tips… Game!

Photos by Arren Lateo, yours truly, Sun Life Centre website, VirtualTourist.com, Sun Life website