startingoveragain

How do I unwrite the past? Sana ang buhay parang kwento nalang sa wattpad na kapag ayaw mo yung nangyari sayo, o kapag hindi maganda yung kinalabasan ng mga naging desisyon mo sa buhay, pwedeng idelete. Yung kapag hindi patungo sa isang happy ending ang lahat, pwedeng pwede mong i-edit at palitan yung mga bagay na mali, yung mga naging desisyon mo, yung mga taong nakilala mo. Sana pwedeng baguhin ang nakaraan. Sana pwede yun, para hindi ako nangungulila ngayon.

How do I undo the mistakes? Sana ang buhay parang paint o photoshop na kapag may mali kang nalagay o may mali sa edit mo, isang click lang sa redo at undo mababago mo na lahat, maitatama mo ang mga mali, mapapaganda mo ang outcome ng ginagawa mo. Para kapag may desisyon kang ginawa at puro pagkakamali na ang sumunod, may aasahan kang undo na buburahin ang pagkakamali mo. Sana nage-exist yun para hindi ako nagsisisi ngayon.

How do I delete the memories? Sana ang buhay parang messages lang sa inbox, kapag ayaw mo yung sinabi o ayaw mo ng mabasa pa yung text nya, pwede mong i-delete. Kapag ayaw mo na syang itext, pwede mong idelete siya sa contacts mo. Yung kapag dinelete mo yung mga pictures nyo sa phone mo, kasabay na nun na makakalimutan mo yung mga alaala na kapag naaalala mo puro sakit lang ang nararamdaman mo. Sana ang utak pwedeng ireformat pero yung mga masasakit na parte lang ang mabubura, at matitira ay yung mga masaya lang. Sana pwede, para sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

How do I unlove you? Sana ang puso kapag nagmamahal at hirap magmove on, pwedeng palitan yung sana may nakasaksak lang na usb sa puso mo, tapos kapag gusto mo ng magmove on, tatanggalin mo na yung usb na yon, para madali, para hindi masakit, para hindi mahirap. Sana parang lights switch lang na kapag ayaw mo na, anytime pwede mong pindutin yung “off” para matapos na yung paghihirap mo. Okaya, sana kapag nagmamahal tayo parang unli lang sa phone, kapag nag-expired na yung sakanya, wala kang pangamba dahil alam mong mage-expire din naman yung sayo, mas nauna lang sya. Sana ganun kadali, sana posible, eh di sana hindi ako sirang sira ngayon.

Ang hirap magmove on, ang hirap kalimutan ng isang bagay na alam mong gusto mo pang balikan, yung nakaraan na pinapangarap mo, yung nakaraan na akala mong mananatiling paga-ari mo hanggang sa huli. Anh hirap pero kapag natanggap mo na ang lahat, magiging okay ka na.

youtube

Fourteen Minute Mile - Rozwell Kid/TWIABP Split (2015)

Starting Over Again

2/17/14 - Cinema 10 - SM Manila - 5:40 pm

T’was really such a great movie! Sobrang realistic. Kumbaga napatuyan ng movie na to na hindi lahat ng relasyon may “happy ending” na hindi porket may almost perfect relationship kayo noon pwede mo pa itong maibalik after ng break-up. It was indeed true na kapag “TRUST” na ang nawala sayo mahirap ng ibalik kung ano man yung nakaraan, mahirap magtiwala pero mas mahirap ibalik ang tiwalang nasira . Na hindi porket bumalik ka para bumalik sayo ung taong sobrang mahal ka na iniwan mo noon eh babalikan ka niya agad. Na hindi lahat nagkakaroon ng 2nd Chance.

I never thought I would be inclined to this kind of movie, sobrang madaming makakarelate sakanya on a different ways.

Ginny quoted “edukado naman akong tao, may masteral degree, hindi ako pinalaki ng magulang ko para magpakatanga sa isang lalaki” (correct me if I’m wrong. Nakalimutan ko na ung exact words eh. Hahaha) Bakit nga ba madalas tayong nagpapakatanga sa taong mahal natin? simple lang, kasi nga mahal natin sila, umaasa tayong maari pang maitama lahat ng pagkakamali noong una. Ang mahirap kasi satin umaasa tayo sa taong hindi natin alam kung may dapat pa ba tayong asahan.

“How do I unlove you?”- Ginny
para sakin we cannot unlove the person we once loved, they would be always part of our lives, kumabaga habang tumatagal mas lumiliit lang ung porsyento ng pagmamahal natin sakanila, kasi nakakakilala tayo ng panibagong tao.

We love, we get hurt, we cry, but after all those pain we still manage to smile and be okay. And at the end of the day there’s a chance for us to start all over again once we woke up the next morning :)

THUMBS UP FOR THE MOVIE =))