stalker and flirt

Makipagkilala sa babaeng hindi ka kilala?

Mahirap. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin at paano ako makikipagkilala. At dahil nga napakaganda niya, hindi madali sakin na i-suppress ang kaba at hiya. Hindi ko alam kung paanong diskarte ang gagawin. Kung manliligaw-tingin ba muna ako? Kung oobserbahan ko ba muna ang mga kilos niya? o diretso ko nang hingin ang number niya? Napa-awkward kasi kung bigla-bigla ko syang kakausapin at sasabihin na… “Hha..h..hiii, Mm..m.my N..name is Jxxx… Cc..Can I.. I.. h..have y..your number?”, EPIC FAILED!

Hindi ko alam ang iisipin niya kung sakaling kakausapin ko sya.
I-snob niya lang ba ako? tatarayan? o Baka pagkamalan pa niya akong stalker? flirt? pervert? rapist? Ayoko na mag-isip siya ng mga ganitong palagay pero hindi ko alam kung sa paanong paraan ko gagawin yon.

In short, confused ako sa ganitong bagay. walang experience. Non prof. Noob. Hindi kase ako biniyayaan ng talento para sa gawaing ito. Pero hindi ibig sabihin nito na OK na sakin ang ma-reject na ginagawa ko na lang ito just-for-experience. Ayoko ko ma-reject dahil gusto ko talaga siya makilala. Pero kung darating yung time na kailangan kong gumamit ng sink-or-swim tactic at nag-sink ako, sana atleast, malaman ko ang pangalan niya at nakapag-iwan ako ng magandang impression.