ssc manila

The SA and SC will recite that poem on teacher's day

Sa bawat isang umagang dumarating
Naririnig namin ang bell na matining
Papunta ng classroom kami ay tumatakbo
Baka pa kami ay mahuli sa Eco

Puyat at pagod ang inaabot namin
Sa pagbabasa ng Ibong Mandaragit
Sumakit aming ulo nang todo-todo
Sa pag-intindi ng El Filibusterismo

One fourth at crosswise ang palaging kailangan
At ang seatmate ang palaging hinihingan
Lalo na pag solving equations ang lesson
Na dinadagdagan pa ng recitation

Sa kabila naman nito'y masaya ang folk dance
Sa PAR PAR away sumunod ang Africans
Meron pa nga kaming Homo Neanderthal
Ito'y sinamahan ng music na classical

First year pa lang kami ay tinatadtad na
Ng assignment ukol sa Ibong Adarna
Sa fourth year naman ay di pinalampas
Ng deriving equations na di malutas

Sa second year naman akala mo'y pahinga na
Yun pala'y may Things Fall Apart pa
Sa third year naman ay lumala pa ito
Nang turuan kami ng geometry at trigo

Oh my high school life! Oh my high school life!
Iyan ang tangis ng bawat isa
Weekend at bakasyon na lamang
Sa trabaho pa napunta

Subalit mahal naming mga guro
Ititigil na namin ang aming mga reklamo
Huwag mangamba, di kayo ang problema
Walang iba kundi inyong asignatura

Salamat sa inyong mga pagpapagal
At pag-intindi pag kami ay nauutal
Salamat sa mga tawana’t mga alaala
Salamat din sa pagpapatawad sa aming mga sala

Ngayong araw ninyo, nawa'y mabatid ninyo
Sa kabila ng lahat, mahal pa rin namin kayo
Ngunit ang huli naming pakiusap
Nawa'y padaliin mga test na mahirap