sobrang inis

5

08212017 - 5pm to 11pm

Since nagkatampuhan kame the night before kame magkita, I had no plans talaga na magpakita sa kanya. Arte kase. I know I was too insensitive sa part na yun, but he was toooooo sensitive that I apologized thrice but still, naginarte pa siya to the point na sa sobrang inis ko, hindi ko sinagot yung tawag niya. Nagflood pa siya ng messages. Natulog ako with a heavy heart. Choss. Kala mo magjowa lang na nagaway. Feelingera lang ako. Minsan lang toh. Haha!

And then morning came, twas different for the both of us. Pakiramdam ko kase hindi parin okay e. Parang biglang naging distant kame. But he did the sweetest thing, talagang nagpumilit siya na magkita kame. Changed of venue. But it doesn’t matter. I was late for almost 3hrs kase late nako nakapagdecide, finally, to show up. He was waiting for hrs, hindi man lang inisip kung sisipot ba ako or not. Sabi lang niya sakin, it doesn’t matter if he’ll wait for nothing, gusto lang niya na makita ako. Aweee. Tapos I messaged him na otw na ako. I apologized for being late, and he said it was fine.

And finally, nakita ko na siya. He was holding a take out from McDo. Chicken Fillet with rice and Large Fries. Favorite ko. NagLFS kame ng 100 Tula Para Kay Stella. Napanood na niya yun, but he said since I wanted to watch the movie, okay lang sa kanya na ulitin niya.

Unlike other guys I’ve met in person, he is nice, gentleman, sweet, talkative. Napakaconversational and no dull moments with him. Then I’ve thought, I wouldn’t know personally that side of him kung hindi ko siya sinipot. And you know what, I’m glad I did. Tama lang yung desisyon ko na puntahan siya.

Yes yes I know. Hindi niya ako gusto. He likes somebody else. But it doesn’t matter. At least I was given a chance to be with him, maulit man ito or hindi. Masaya ako. And I know he was happy all through our date yesterday. Yes for me twas a date. Pake niyo ba? Haha! Minsan lang toh with crush e. Haha!

May kilig vibes pako sa katawan up to now. Huehue. Talandi ko talaga letse. Haha.

Goodmorning, Tumblrmates.

Sobrang gago kanina talaga nung nangyari samin sa ichiro. After kasi ng seminar rekta kami dun para kumain tapos tuwang tuwa kami nung una kasi sobrang dami namin inorder tapos yung maki woaaah super sarap talaga 2 types ng maki pa naman inorder namin plus may main dish pa hahahaha leche ang baboy tapos ayun nung patapos na kami kumain may pumasok na dalawang batang babae *sa may malapit kami sa door nakapwesto btw*. Nung una nanghihingi lang ng pera, tapos magsasalita palang sana kami bigla inagaw nung bata1 yung chopsticks ni kaiser tapos grabe sapilitan sobrang gangster tapos kinuha nya yung maki at kinagatan, di nya bet so binalik nya sa plate wtf super shookt lang kami non di namin alam irreact tapos medyo lutang na rin kami that time kasi sobrang busog talaga ewan ko ba bat ang tanga rin namin slight hahahaha tapos yung bata2 mas gangster kinamay yung isang maki tapos kinuha sabay takbo sila sabay palabas ng door. Wtf talaga after nila umalis mga 1min kami nagtitigan nila kaiser at elaine tapos shookt face lang kami. Sinabi pa namin sa management yung nangyari tapos parang wala lang sila pakialam, ni hindi man lang sila nagsorry samin dahil sa nangyari at humingi sana ng pasensya kung bakit wala silang guard or bakit walang nagbabantay na staff ganon sobrang gago ng management, nung una sinabi namin yung nangyari sa waiter tapos sabi lang nya “sige po sabihin ko po dun*tapos tinuro nya yung counter*” tapos tumambay pa kami dun ng mga 10mins after that pero wala nman nangyari then before kami umalis may pumasok na parang manager tapos ayon, sinabi namin nangyari tapos sinabi nya samin na may mga ganoong incident na talaga nangyayari dun at problema rin nila yung street children pero bakit ganon wala nman sila ginagawang solusyon eh matagal na pala nila problema yon :((( ewan ko ba nakakainis tapos sobrang inis ko nagrant na ako dito no :((( ahahahha baka mabasa ng may ari ng ichiro sa pnoval to ahahhahahaha medyo tanga ko rin eh pero ayon, anyway….ang summary talaga ay great food sana pero poor management eh. Sobrang lala :((

Minsan, ang babae itutulak niya ang lalaki palayo para makita niya kung gaano siya kamahal at kagusto nito na makasama siya. Sana isa ka sa mga lalaki na hindi hahayaan ang mahal mo na umalis siya palayo dahil sa galit niya. Sana isa ka sa mga lalaki na tatawagan ulit siya kapag binabaan ka niya ng telepono dahil sa sobrang inis niya. Sana isa ka sa mga lalaki na I cocomfort ang babaeng mahal mo kapag nakikita mong nagbbwisit siya o kaya may problema at itanong mo kung ano ito. Sana isa ka sa mga lalaki na sisiguraduhin mo sa babaeng mahal mo na siya lang ang mahal mo lalo na sa mga panahong nagseselos siya. Sana isa ka sa mga lalaki na handang lumaban kapag nahihirapan na siyang kumapit sa inyong relasyon. Sana isa ka sa mga lalaki na magpapatunay sa kanya na pwede parin nyang ipagkatiwala ang puso niya sa isang lalaking hindi sya susukuan. Kapag naramdaman niyang ikaw na talaga, titigil na siya sa kakatulak sa'yo palayo dahil kapag dumating ng ang araw na yun, mararamdaman mo rin kung gaano kasarap mahalin ng babaeng pinaghirapan, pinagtyagaan, minahal, at hindi mo ni minsan na iniwan.

Na alala ko nung sa isang subject namen. May prof akong pinag initan ako, tas sa sobrang inis ko, sinuntok ko nalang Yung bato batong haligi nung building. Hahahaha Duguan ako e. Gayong kasing taas lang ng bewang yung prof tas pilantod pa. Tas nung ginagamot nako sa clinic Sabi ko nalang na sumadsad sa pader nung nag lalakad ako. Per di sila naniwala hahahahaha.

May iba’t-ibang uri ng galit. Ano yung galit? Siguro ito yung pagkakaroon ng negatibong pakiramdam sa ibang tao, sa mga bagay o sa sarili mo. Maaaring may resonableng dahilan ang pagkakaroon nito pero maaari ding wala. Maraming mga salitang ginagamit para ipahayag yung negatibong emosyon na ito. Pero bawat salitang iyon, ibang klaseng galit ang ipinapahayag. Basta eto sila:

  1. Inis. Ito yung pakiramdam na nagkakaroon ka ng negatibong emosyon sa isang taong wala namang direktang ginagawa sa’yo. Basta may ginawa siyang iba tapos nainis ka lang dun sa ginawa nya. Maaaring naiinsecure ka lang o kaya talagang alam mong nang-iinis siya.
  2. Irita. Para ding inis ‘to kaso medyo mas matindi. Pag naramdaman mo ‘to, parang gusto mong magwalk-out o umalis kasi para sa’yo, sobrang nakakainis yung ginagawa nila. Eto rin yung madalas na nararamdaman ng mga babae pag meron sila. Naiirita sila dun sa pakiramdam na ano, basta alam mo nay un. Hindi ka mapapakali pag naramdaman mo ‘to; hindi moa lam kung anong dapat gawin.
  3. Bwisit. Mas matindi pa ‘to sa irita. Pati sa sarili mo, nagagalit ka na. Kapag naramdaman mo ‘to, kaiinisan mo na lahat ng makikita mo. Mainit na ang ulo mo; gusto mo ng magwala. Maaaring may nagawa kang mali kaya sinisisi mo sarili mo dun sa pagkakamali o kaya nabubwisit ka na talaga sa ginagawa nung isang tao sa’yo.
  4. Asar. Pareho lang ito ng inis kaso pwedeng direkta ka ng iniinis ng isang tao dito. Maaasar ka kapag iniinis ka sa bagay na totoo sa ‘yo. Halimbawa sinabi sa’yo ang itim mo. Totoo namang maitim ka pero naiinis ka kasi talagang sinabi pa niya. Asar na tawag dun. Kumbaga, may personalan ng nagaganap. O kaya naman, purpose talaga niyang inisin ka. Pang-aasar nay un.
  5. Tampo. Mararamdaman mo lang ‘to kapag mahalaga yung taong kinaiinisan o kinagagalitan mo. Pag tampo kasi, mild na galit lang ‘to kasi may connection kayo nung kinagagalitan mo. Maaaring selos ang dahilan o kaya misunderstanding. Medyo sweet tong galit na ‘to.
  6. Suklam. Eto yung galit na kapag naramdaman mo parang husto mong ipakulam yung kinaiinisan mo. Hindi mo siya gustong saktan physically kasi parang ayaw mo siyang lapitan ganun. Basta pag naramdaman mo ‘to, parang nandidiri ka pero galit na galit ka na ewan.
  7. Asdfghjkl. Eto yung sa sobrang galit mo naiiyak ka na tapos wala ka ng nasabi. Sasabog na yung dibdib sa sobrang inis ganun. Mataas na lebel ng pagkagalit na’to.
  8. Yamot. Parang inis o kaya irita na madalas ginagamit ng mga matatanda.
  9. Tangina. Eto yung galit na galit ka na. Yung naiiyak ka na, nagwawala ka na. Mapapamura ka talaga. Napuno ka na eh. Siguro, sobrang lala at nakakasakit na yung ginawa sa’yo. Halo halo na emosyon mo pag naramdaman mo ‘to. Beware.

Pero dapat hindi tayo nagpapadala sag alit na nararamdaman natin. Pagsubok lang yan para makita kung hanggang saan pasensya mo. Hingang malalim, relax ka lang. Huwag mong hayaang kontrolin ka ng negatibong emosyon na yan.

Gusto ko yung taong hindi mauubusan ng pang unawa sakin, yun bang paulit-ulit akong iintindihin at mamahalin kahit ang sarap ko ng sapakin.

Ang swerte mo siguro kung makilala mo yung tao na yon, kasi kahit paulit-ulit siyang mainis sayo dahil sa lagi kayong nag-aaway, dami niyong di pinagkakasunduan at kahit siya pa yung nagumpisa. Kahit sobrang inis na inis kana. Kasi common sa ganyang relasyon yung pag nainis na ng sobra nakikipaghiwalay, pero sa iba, hindi. Di mo pa rin siya magawang bitawan Kasi simple lang, “Mahal mo lang talaga siya ng sobra"  Kaya sobrang swerte mo kung natagpuan mo na siya.

Kainis.

Wala na! Sira na mood ko! Nakakainis namn eh! Isang picture lang yon tapos tanong agad “SINO ITO?!” grabe naman.. nakita nya lang na nakastretch ang kamay ni “lela” (boy) sa may upuan, tapos tanong agad na gnun.. bakit dw nakaakbay! Nakakainis! Pano ko pa kaya sasabihin yung “something” na yun kung yung picture lang na ganun ay galit agad! MASAMA ANG TINGIN! nakakainis talaga! panira ng mood! AISSHHH >.

anonymous asked:

AZ please! "You can do whatever you want to do to your heart's content over there. But if you do that, we're over." Wherein Zades will go somewhere?? Up to youu.

“You can’t be serious!” Zade said, well, she almost whined. She was asking the obvious, though. Kitang-kita naman niyang malapit na siyang sigawan ni Andreau sa sobrang inis. “I know you’re an actor and all pero sobrang kaartehan naman, Andreau! I’m a grown woma–”

“Yeah, you’re a grown woman. But remember, you’re my wife and the mother of my unborn child so if you want a wonderful and peaceful evening, go to bed.” Aapela pa sana siya nang pandilatan siya ni Andreau. “I mean it, Zades. Go to the freaking bed right now.”

“So you really mean it, huh? Na hihiwalayan mo ako dahil gusto ko lang na pumunta sa Doctor Who fan meet!? I’m five months pregnant, not invalid! Magpapasama naman ako kay Mars ha! Ugh, Andreau! Dahil dito hihiwalayan mo ako? Unbelievable.” Sinadya pa niyang sabihin ‘yon sa paawa voice niya na never tinanggihan ni Andreau.

As expected, the anger in Andreau quickly disappeared. “Look, Zades. You know I didn’t mean that. I’m sorry,” he apologized, reaching out for her hand and gripped it lightly. “I’m just.. worried. Sasamahan ka nga ni Mars dun pero kilala kita pag Doctor Who ang usapan, nagiging ibang tao ka. You get too excit–”

“Of course I get too excited, it’s Doctor Who!”

“Meron pa naman no'n next year, right? Don’t worry, sasamahan kita don. I promise.”

She didn’t bother to hide her victory grin. “Promise?”

“Yeah, promise. We can ever cosplay next year. We’ll go as Ten and Rose, then our child can be a cute adipose. What do you say?”

“Deal.”

 Usapang Love. Usapang Life.

Hello po mga ate’t kuya, Wala pa po akong gaanong karanasan pagdating sa pag-ibig pero may gusto lang po sana akong itanong sainyo…

Dumating na po ba kayo dun sa punto na sa sobrang galit mo, Sa sobrang inis mo, Sa sobrang tampo mo sakanya, Gusto mo na ring gumanti? Gusto mong ipakita at ipamuka sa kanya na katulad nya, May bago ka na rin kahit sa totoo lang, wala naman talaga at alam mo sa sarili mo na imposibleng magkaroon ka ulit ng bago kasi alam mo na hindi ganon kadali sayo yung palitan agad sya, Masyado pa kasing masakit at masyado ka pang totoo sa sarili mo. Napunta na ba kayo dun sa panahon na bigla bigla ka nalang mapapatanong sa sarili mo, “Damn, bat ganon? Anong meron? Anong nangyare? Ganon nalang ba talaga ako kabilis palitan? Ganon nalang ba talaga kadali sakanya gawin lahat ng yun? Eh bakit naman ako, ganito? Hirap na hirap.” Yung tipo na noong una, Akala mo ikaw tong magloloko na mauunahan syang makahanap ng iba pero hindi pala, sya yung mas mauuna, at eto pa, sobrang napaaga. Ang sakit lang no? Yung mga inakala mo, wala na ngang nasunod tapos yung kabaligtaran pa yung nangyari. Nakakatampo. Masakit… Nakakainis. Ayun na yata yung matatawag nating napaka-letsugas na sitwasyon pero Ika nga, Love isn’t a competition. Hindi porket nakamoveon na yung isang side at meron na syang bago, dapat ganon ka na rin. No, It’s not like that kasi pag ginawa mo yun, Mas magmumuka ka lang na t***a and That’s immaturity. Kung hindi pa talaga, Wag pilitin, Wag magkunwari… Respect yourself. Accept the truth na sya okay na pero ikaw hindi pa kasi alam mo? Onti nalang… Darating ka din sa puntong ganon. Darating ka din sa panahon na magiging okay ka na rin at pag dumating ka dun, Mas mahihigitan mo sya. Sa una lang yan ganyan, Yung ikaw yung sobrang mahihirapan at masasaktan pero pag dumating ka naman dun sa stage na okay na, Paniguradong mapapantayan mo rin sya o baka naman mas mahigitan mo pa, Ayun yung magiging lamang mo sakanya. Masakit sa una pero pag okay na, Mas magiging masaya ka, Mas magiging kampante. Mas makakatamo ka nung tinatawag nating peace of mind kaya ikaw, kung inaakala mong napag-iiwanan ka na, kung sa tingin mo, napakabagal ng usad mo pagdating sa usapang pagm-move on, Wag kang magreklamo baka naman kaya lang ganyan kasi tama yung daang tinatahak mo o yung mga prosesong ginagawa mo, Hindi ka shumoshortcut, Walang pandaraya sa sarili. Lahat, totoo at tama. Matatagalan man pero ayos lang yan, Every bit of pain will be worth it in the end. Darating ka din sa panahon na pag naalala mo lahat ng yan, matatawa ka nalang. Trust meeee! Good luck.

Yung lalaking walang ibang alam gawin kundi pasayahin ako. :)

Gusto kong makatagpo ng lalaking walang ibang alam na gawin kundi pasayahin ako. Yung lalaking ayaw akong makitang malungkot, umiiyak o nakasimangot. Gagawin nya ang lahat para lang mapangiti o mapatawa ako kahit na sa mga gagawin nyang yun eh magmumukha syang tanga o korni. Nakakatuwa lang yung mga lalaking may sense of humor. Yung kayang-kaya kang patawanin ng sobra o pangitiin kahit na sobrang inis ka sa mga nangyayari sa buhay mo. Yung lalaking punong-puno ng kakwelahan sa katawan. Yung lalaking di nauubusan ng surprises. Yung lalaking laging ready para maging clown mo. Yung lalaking magiging sentro ng kaligayahan mo. Hinding-hindi nya ipaparamdam sayo na mag-isa ka sa buhay, lagi nyang ipapaalala sayo na mas maganda ka kapag naka-ngiti ka, yung lalaking alam yung kiliti mo sa katawan at yung lalaking dadalhin ka sa mga lugar na parehong magiging memorable sa inyong dalawa. Kung makakahanap man ako ng lalaking ganito, masasabi kong mamahalin ko sya ng sobra. Hinding-hindi ko sya hahayaang maagaw sa akin ng iba. Tapos lahat ng ginagawa nya para sa akin, iaapprecite ko yun. Ipapakita ko na dahil talaga sa kanya kaya ako naging masaya.. kaya ko nagagawang ngumiti kahit gaano kahirap at sisiguraduhin ko na magiging masaya rin sya sa akin.