sirang

Ang toxic ko na. At dahil nga ilang gabi ng wala akong matinong oras ng tulog, sirang sira na sleeping pattern ko at inaatake na naman ako ng insominia at pag-ooverthink. Kanina pa ko hindi okay and I tried reaching out my friends pero yun iba Hindi nagrereply baka mga tulog na or baka ayaw lang magreply. Idk. Nafifeel ko na naman yun pagiging not good enough ko kaya nasstress na naman ako, dumagdag pa yun pag iisip ko about work and uni. Tapos I need words of encouragement Kaya gusto kong makausap friends ko, nanghihina na kasi ako and I don’t know what to do like legit. Sobrang polluted na ng isip ko and I’m overwhelmed from everything. I’m tired.

Putangina lang nung site na biglang nagpop up dito sa laptop ko hayuuuuuuup. Tumitingin si mama ng mga picture tapos biglang lumabas ‘yung “Paano magapalaki ng ari” kingina lang. Wala akong pake sa ari putangina lang talaga. Mamaya isipin pa ni mama na hokage ako juskoooooo mabait po akong anak.

Baka isipin ni mader na bastos ako at nanunuod ng spg lalo na nung nanuod ako ng Unfriended jusme lintik na simula ‘yan may pahaplos-haplos pa ng legs ‘yung babae hutaaaaa. Baka akalain ni mader nanunuod akez ng porn huhu. Wala na sirang-sira na ako waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. 

Hayuuuup talaga nakakashit lang. Cookienangina, putangina, kingina. Inosente po akooooooooooooooooooooooooo.

Huling mundo

Buti ka pa andyan lang

kaya naniniwala akong mahal kita

ako’y lito na sa nararamdaman

para sa akin, ikaw lang ang nagbibigay ng saya

sa mundong  paiba-iba

siguro nga mahal kita at mahal mo din ako 

kaso ako’y sirang sira na

hindi pwede kaya baka bawal

pero tayo’y masaya lang, puro tawa, walang sawa

kailan kaya, ako magiging maligaya

walang rason, masaya lang.

walang sila,siya,sila-sila, walang ito

walang iniisip, ako lang.

ikaw lang.

huli na to. pero ito pa rin ang tanong ko

kailan kaya…

kailan

Ayaw ko talaga ng ganitong feeling. Natulog ako, nearly 3 am. And woke up at past 6 am. I tried to sleep again. Tapos my dad woke me up at past 9. Pinagsampay ako ng damit. Eh umuulan pa tapos ang lamig. Sobrang hindi okay mood ko. Then I want to sleep again, inuutusan nya naman ako na hugasan yun mga pinaggamitan ng kapatid ko na iniwan lang na counter at sa sink. Naiinis na ko. Sirang sira talaga mood ko. 😒

1:44 am

hindi ako makatulog.
hindi ko din alam ang dahilan.
pero alam ko napapagod na ako.
pagod na pagod na utak ko.
hindi ko alam kung kanino.
sayo ba o sakin.
sayo ba na naiinis ako na nakilala pa kita.
at saakin na bakit minahal pa kita.
sabagay masakit na din ulo ko.
ang sakit sakit na.
ayoko na, pero ayaw talaga.
bat ka pa kasi nagparamdam?
edi kung sana kanina pa ako nakatulog.
sarap na sana ng tulog ko.
napaginipan ko pa si chris evans.
pero ngayon, iba napapaginipan ko.
kundi ikaw, ikaw na nangiwan sakin.
napapaginipan ko ang pagiyak,
ang pagluha,
ang pusong sirang sira na.
1:48 am na.
patulugin mo naman ako.
1:49 am at ikaw pa din.
hanggang mag 2 am,
nagsusulat pa din ako.
ayoko na, ang sakit na.
paalam at matutulog na ako.

May 29, 2016

There are a lot of things going on my mind right now. Its crazy to think that you’re not mine anymore. Oo, mukhang okay lang ako as of the moment, pero ang hindi nila alam, sobrang sakit pa din. Sobrang wasak pa din ako. Sobrang sirang sira pa din ako. Hinihintay ko nalang yung moment na maging okay ako at maging buo ulit ang puso ko. Pero hindi ko alam kung paano mangyayari yun kasi ikaw lang naman ang kailangan ko para maging buo ulit ako. Ang hirap hirap. Ang sakit sakit.

Kaya ko ‘to.

Kakayanin ko ‘to.

Miss na miss na kita.

Explosion

Naranasan nyo na ba na makaramdam na parang walang ka ng kwenta? Na parang wala ng patutunguhan ang buhay mo? Akala nila masaya, pero sa loob sirang sira ka na. Masakit. Masakit dahil di nila alam yung nararamdaman ko. Yung TUNAY kong nararamdaman. Siguro oo nga, sa panlabas parang ang saya ko. Ang swerte ko. Pero sa totoo, sasabog na ako. Minsan, sumagi na rin sa isip ko, tumalon kaya ako sa 6th floor ng building na to. Wala e. Parang wala din namang magbabago kung gawin ko man yun. I’m crying right now. Habang sinusulat ko to, ang daming pumapasok sa isip ko. Nakakabaliw. Nakakapraning. Nakakasakit ng damdamin. Pero sa kabilang banda, kelangan ko maging malakas. Kelangan ko sigurong mas pagtibayin pa yung paniniwala ko sa Kanya. Lord, I don’t know what are You’re plans for me pero alam ko lahat ng nangyayaring to may dahilan. Sana po maintindihan ko. Kasi po sobrang nahihirapan na po ako. Sasabog na po ako. Sorry po. 😭😭😭

Lintik

Gusto kitang makita pero nahihiya ako. Ibang iba ka na at heto naman ako, dugyot pa rin kahit baliktarin mo man ang mundo. Ang hirap pero kailangan kong pigilan kasi kahit anong gawin ko andiyan ka at ako naman andirito.

Kung pwede ko lang sana i-delete lahat ng social media accounts ko nang sa ganoon mas mapapadali ang lahat para sa akin. Subalit wala akong magawa. Kasi umaraw man o gumabi, inaabangan ko mga simpleng shout out mo. Para akong sirang plaka, paulit ulit nag rerefresh kay bluebird. At kapag anjan ka na, panatag na ang puso ko. 

Noong nakaraang buwan lang, sabi ko ayoko na, pero eto pa rin ako nagpapakatanga. Noong isang araw lang sabi ko di na talaga. Pero takbo ka pa rin ng takbo sa isipan ko. Leche. Tinamaan na yata.

Please lang magkajowa ka na para maging mas madali ang lahat at nang mailibing na sa limot. Pero kung sakali mang gets mo, magparamdam ka palihug.

5

I miss you kids. Namimiss ko na yung pagpasok nyo ng wala man lang Ligo o toothbrush. Yung mga umagang junk foods ang kinakain nyo. Jusko. Yung pagyakap nyo sakin kahit na malagkit at mabaho na kayo. Miss ko na din yung, sa dinami dami ng kasama ko sa cwts ako yung pinipili nyong yakapin, akbayan, babahan, at magpakalong. Yung pagiging pasaway nyo. Yung bigla na lang may magsasapakan jusko kahit batang babae pinapatulan. Nakakamiss awatin kayo. Hahaha. Nung last day natin together, kitang kita kung gano nyo ako katrip kasama. Hahaha ang luwag luwag dun sa kabilang side pero sa tabi ko kayong kayat nagsisiksikan plus nagaaway pa kayo kung sino ang magpapakalong sakin. Sorry na di ko kayo nakalong lahat. Hahaha yung pagtuturo ko sa inyo ng tamang spelling ng “happy teachers day” na para kayong sirang plaka sa kakapaulit sa akin. Namimiss ko na kayo. Wala na akong balita sa inyo. Kaya sana kung nasaan man kayo ngayon, manatili kayong mababait at mas lalo pa sanang magbait. Sa mga magulang nyo na di kayo binibigyan ng tamang atensyon.. Naway magising sila sa katotohanan na kailangan din nilang maghanap buhay Hindi yung puro sugal lang. Magaral kayo ng mabuti ha? Sana sa future makasalubong ko kayo sa daan. Tapos lomi tayo. Hahahaha Imissyou kids :)

Akala ko totoo kang kaibigan. Pinagtatakpan kita kahit na alam kong mali yung ginagawa mo. Pero putanginamo ikaw pala yung tumitira sa akin ng patalikod. Kung anu-ano mga sinasabi mo tungkol sakin. Bahala ka sa buhay mo. Mas pinili mo maging kaaway ako kesa kaibigan. umasa kang di mo na ako malalapitan. Sirang sira ka sakin. Yung tiwala ko? Sinira mo.

Naka moved-on na lahat, ako na lang (talaga) ang hindi pa.

Hahaha! Hindi mo yata talaga matatagpuan ang katahimikang hinahanap mo sa akin…Naka moved-on na kasi ang lahat, AKO NA LANG ANG HINDI PA. At ewan ko kung hanggang saan at hanggang kailan pa matatapos!

Ngayon, araw araw ka na lang tuloy nag woworry kung ano pa bang issues ang isusunod kong ibrought up bukas.

Yun bang araw araw ka na lang kinakabahan sa kung ano ang maaring maganap bukas at itatanong mo na sa akin na ,“Oh ano na naman kayang nakaraan ang magiging latest bukas? “ 

Nakakapagod pero kailan kaya ako totally makaka moved on? Para naman hindi ako paulit ulit at parang sirang plaka sa pagbabalik ng kung anu ano na wala namang naidudulot kundi magbigay ng panibagong sama ng loob.

Kawawang Ace and I feel sorry for it… I feel sorry sa taong wala ng ginawa kundi magtiis sa tantrums ko at mag explain at mag comfort na kung tutuusin, if I will only learn to forget the past completely, or may be not to forget but just to keep everything in my mind and never to open up the subject, siguro baka mas maging okay pa kahit paano…kaso ano nga magagawa ko, eh ganito ang nararamdaman ko?

Nagkasala na nga yung tao at inadmit naman nya lahat, as in lahat lahat lahat, ano at bakit at patuloy ko siyang pinapahirapan sa patuloy na pagpapaalala ng kanyang madilim na nakaraan? :P

Hay naku!

Hahaha! 

Grabe maulan nanaman. Tapos lagi nanamang mabababad sa tubig yung sapatos ko tapos masisira nanaman. Tapos ipapaayos nanaman pag nasira. Lahat na lang. Lahat na lang nasisira. Pati tiwala niya sira na. Sirang-sira na dahil binabad mo sa mga kalokohan mo. Mabuti pa nga ang sapatos pwede pang maayos pag nasira na eh ang tiwala niya ba sayo maaayos pa?

Kung mag aaway man tayo T........ :(

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan
Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko
Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala
Sorry na