siopauuu

Bilib din ako kay Andi Eigenmann at sa kanyang pamilya.

Sa halip na magtago o pumuntang ibang bansa para lamang itago na nabuntis si Andi, matapang nilang inamin sa media ang totoong kalagayan ni Andi. Unang beses kasi akong nakakita ng ganito. Yung mga artistang nasa rurok na ng kanilang showbiz career, pag nabuntis, bigla na lang mababalitaan na nasa America na pala. Pagkatapos ng siyam na buwan, bigla na lang uuwi na may uwi-uwi ng sanggol.

Happy birthday to you! .. ♫


Happy birthday po! 1514426675436754219 times.. Hindi man po tayo close, isa akong masugid na tagabasa ng inyong blog. Hehe. Good luck po! Good health para sayo. Alam kong good kayo kaya nga Good Friday birthday niyo eh. God bless.

Pakikipagsapalaran sa mga Robotikong Behikulo.

Sa tuwing makakatapak o makakalapit ako sa mga malalaking kalsada: highway, toll way, slex, expressway, etc; nakakaramdam din naman ako ng takot. May sobrang bilis, may medyo mabagal, mayroon din namang maayos magmaneho. Sa totoo lang, natutuwa ako ngayon sa ginagawa ng mga authoridad kasi binibigyan na ngayon ng pansin yung kalagayan ng kalsada. Nakakatuwa kasi ngayon, walang sinasanto yung mga enforcers sa pagpapatupad ng mga batas kalsada. Sana magtuloy-tuloy na ang ganitong mga gawain. Siguro ay malaki na rin itong bahagi sa pagsisimula muli ng kaunlaran ng ating bansa.

Pagod ka na bang magmahal?

Kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit:

  • mali siya pero hindi mo inaaway
  • hinihintay kahit ilang oras magkasabay lang kayo umuwi
  • napupuyat dahil sa walang sawang kwentuhan sa phone
  • bankrupt na pero manlibre pa din

hinding hindi mo mararamdaman ang mga nabanggit dahil nagmamahal ka. Hindi mo maiisip na nakakapagod dahil alam mong para sa taong mahalaga at mahal mo ang ginagawa mo.

Everyday I'm Sha-PAULINE.

Heeey! And because I was blessed with number of followers, I want to thank all my new friends. (Nuuks, feeling artista or *~feymousz~*) Diih! Kasi po midterms na po namin and nagpapakasubsob ako sa pag-aaral. Chos!

Ang gusto ko lang sabihin..

Miss ko na ang mag-doodle. At meron na din akong mga bagong gawa. Pero sa kamalasan, nasira ang ethernet adapter ng cpu namin. So, wala! Eto. Nasa computer shop ako.

From my phone: