sinsero

Kapag galit siya sayo, asahan mong wala siyang masasabing maganda.  Asahan mo ang pabalang na pagsagot, galit na mga mata at boses at maging pagtaas ng tono ng kanyang pananalita. Hindi ka makakarinig ng mga malalambing na salita habang ganyan siya, walang I love you, kumain kana ba o ingat ha. Ihanda mo ang tenga mo sa masasakit na salita na maari niyang sabihin sayo. Dapat handa mo siyang pakinggan kung bakit siya nagkakaganyan kung kasalanan mo talaga. Huwag na huwag mo siyang tatalikuran habang nagkakaganyan siya, kung ayaw mong magkagulo kayo lalo. Tandaan mo, iba mag-isip ang galit na tao. Huwag kang sumabay sa galit niya, ibaba mo ang pride mo, makinig at itikom ang iyong bibig. Ipaliwanag mo ang mga bagay na dapat niyang malaman. Aminin ang nagawang kasalanan, humingi ng patawad hanggang sa maging okay siya ng tuluyan, iparamdam mo na sinsero ka at hindi na uulitin ang kamalian. Palawakin ang isipan at maging ang pisi ng pasensya dahil hindi madaling paamuhin ang gutom at galit na leon. Maaring tumagal ang galit ng ilang oras o araw, depende sa kung paano mo ipapaliwanag ang lahat at kung paano ka hihingi ng dispensa at patawad.

May mga taong maglalakas loob na haranahin at ligawan ka sa publiko.. Samu’t saring pakulo ang handang gawin mapansin mo lamang ang kanyang “pag ibig” di umano. Handang kalabanin maging ang kanyang sarili mabihag lamang ang iyong puso..

Ngunit may mga tao ring mananahimik na lamang sa isang sulok. Sa blangkong mukha hindi mahihinuha ang nais maiparating. Nagbabalak na ikaw ri'y suyuin ngunit naduruwag sa kanyang mga katunggali at maging sa mga maaaring mangyari. Ngunit sa likod ng karuwagan na iyon ang isang sinserong damdamin na ikinukubli. Hinihintay na iyo na lamang matuklasan. Isang pag ibig na hindi mo marahil asahan. Sa gitna ng dilim may kwentong puso na namumukod tangi. tanglawan mo binibini baka siya'y nasa iyo lamang tabi..

Alam mo ba na ikaw yung tipong tao na karapat dapat mahalin. Bakit kamo? kasi napapasaya mo ko, at sasabihin ko sayo na nagagawa mo yun ng sobrang perpekto. Hindi man kita makasama ng perosnal o bigyan ng pagkakataon para makita kita, mahagkan, mahawakan ang kamay, mayakap, makatitigan at personal na sabihin na mahal kita pero sa tuwing ako ay iyong kakausapin puso ko’y napapanatag na at ang labi ko’y sadyang galak na galak sa saya sa bawat na matatamis na salita na iyong sinasabi sa akin. 

Mahal kita oo at sasabihin ko sayo na iyon ay totoo wlaang halong biro, walang halong bola, walang halong kung ano ano, siguro hindi ko man mapatunayan ngayon yun sayo pero darating ang araw na mismong tadhana na ang magaayos ng lahat kung saan wala na tayong gagawin kung di ang yakapin ka buong araw, titigan ka na sobrang saya at sinsero, ipakita sayo kung gaano ako kaswerte na makilalal ka at iparamdam sayo, iparamdam na mula sa puso ko, mula sa buong pagkatao ko, sa bawat ngiti sa bawat pagtibok, sa bawal kilig na aking nadadama. Ikaw at ikaw ang mahal ko, mahal na mahal

Yung OPM industry kung saan ko nakilala ang musika ng Eraserheads, Silent Sanctuary, Parokya ni Edgar, 6cyclemind, Callalily, at marami pa, eh unti-unti nang namamatay. Yung glorious days nila noon na madalas maging dahilan ng pagsibol ng kantahan, rakrakan, at jamming sessions ng barkadahan, eh nadodominate na ng mga jejemon at mga artist (kuno) na hindi natin alam kung saan ba hinugot. Nasaan na yung mga tunay na musikero na mas sinsero sa pagpapalaganap ng tunay na musika at hindi mga pacute at mga pabebe? Nasaan na yung mga musikang tatagos talaga sa kaloob-looban mo kapag pinakikinggan mo? Eh ngayon kasi, wala na eh. Natabunan na ng mga boompanes panes fucker na yan. Samahan mo pa ng neseye ne eng lehet. Wala na. Nakakatakot na sa mga susunod na henerasyon, yang mga jejemong bullshit na musika na ganyan ang maririnig mo sa radyo at maituturing na “classic”. Nakakalungkot.

How will I know if he really loves me?

Madali lang kapag may naramdaman kang spark sa puso mo. Yung kakaibang kilig na masasabi mong “Siya na”. Actually wala naman makakapag sabi niyan eh, kung di ang sarili mo lang at yung puso mong tumitibok. Pero Bigayn kita ng maga bagay na pwede mong pagbasihan.

If He is sincere - Syempre unang una bilang babae kailangan mo munang manigurado kung ang lalakeng ba yan ay sinsero sa mga bagay na ginagawa niya at lalong lalo na sa mga salitang binibitiwan niya sayo. Kung totoo ba at walang halong laro lang. Kasi syempre mahirap na umoo sa isang lalakeng wala namang hanggan sa buhay kung di ang makipagrelasyon lang sa babaeng maganda at pagkatapos umoo eh parang picture frame lang ang relasyon. Unang una dapat mapatunayan mo sa sarili mo bilang babae na ang lalakeng ito kaya kanyang mahalin at alagan katulad ng pagmamahal at pagaalaga mo sa sarili mo.

If He do efforts - with “s” seympre kasi hindi pwepwedeng isang effort lang ay tama na para maparamdam ng isang lalake na mahal ka niya. Hindi naman sa nagjujudge pero ang babae should be hard to get, I mean malalaman mo din kasi ang pagmamahal ng isang lalake kung kaya niyang mag effort, mag isip ng mga paraaan para sa mga bagay na maari mong maintindihan malaman at maramdaman yung kung ano man ang gusto niyang malaman at maramdaman mo. Simple efforts is an another way to show how He loves you.

If His effort is consistent -  Malalaman mo na mahal ka ng isang lalake, o mahal ka talaga ng isang lalake kung gumagawa siya ng effort. Yung effort na masasabi mong hindi lang kung kelan na magkaaway kayo or magkatampuhan o may mga bagay na di pagkakaunawaan. Kung di yung effort na kahit walang okasyon o walang mahalagang araw. Kung baga, simpleng araw lang eh nag gagawa or gumagagawa siya ng mga paraan para masabi niya o maparamdaman niyang mahal ka niya. Example, from the day he started to say I love you through long messages, it’s either text or chat. He still doing it hanggan ngayon kasi nga mahal ka niya and he wanted to feel you and show to you na panahon man ang lumipas mahal ka parin niya sa bawat araw na nagdaan.

If He can wait & understand you - He can wait sa fact na hihintayin niya ang matamis mong oo or, kaya kanyang intindihin at hintayin sa mga bagay na para bang hindi pa tamang panahon. O minsan kasi nasa komplikado pa tayong sitwasyon. Kaya nga masasabi mong mahal ka ng isang lalake kung kaya kanyang hintayin at intindihin sa mga bagay na inaasahan mo.

If He loves you no matter what - Mahal ka ng isang lalake o mahal ka talaga ng isang lalake kapag kaya kanyang mahal kahit anong mangyare. Oo may mga bagay na dadaan kayo sa pagsubok o kung ano pa mang mga kaparaanan para madissapoint ka or mag disagree or mapanghinaan ng loob para magpatuloy. Yung mafefeel mo na handa parin siya mahal ka parin niya at go na go parin siya sa kung anong nararamdaman niya para sayo. 

Malalaman mo naman ang lahat ng ito base sa kung anong pinapakita niya at sa kung anong nagiging reaksyon ng puso mo at syempre ng isip mo. Ikaw at ikaw lang din naman makakapagsabi ng kung gaano ka niya kamahal. Pero ito lang advice ko, salaain mo lahat bago ka magdecide kasi baka isang araw magsisisi ka kasi hindi mo siya binigyan ng chance to show how much He loves you.