sino yan

anonymous asked:

Then Jeremy goes downstairs to ask him then one of Michael's aunts (we all have one of those aunts who ask about our sex lives) says: "AYIEEE! Sino yan Michael? Boyfriend mo ba yan?! Alika nga dito iho--" "TITA HINDI"

OH MY GOD

grabe natuwa ako dito sa boss ko. kinausap niya kasi ako kanina about my performance and tbh nawawalan na kasi talaga ako ng gana diba. ayun pinangaralan niya ako na mag focus daw ako sa mas mahalaga which is yung career nga. may mga tao daw na kayang pagsabayin yon at sa case ko, isa lang daw ang kaya ko. ewan ko ba pero mukhang may alam to about sa crush ko dito sa office. sabi pa niya ang galing galing ko daw sana kaso nawala na ako sa focus. kelangan ko na daw i-eliminate yung mga bagay na gumugulo sakin. aware naman ako sa mga nangyayare eh pero ang hirap lang kasi talaga. basta ang dami pa niyang sinabi kaso yan lang mga tumatak sakin. babalik na talaga ulit ako swear. gaya nga ng sinabi ng boss ko, “career” ang mas mahalaga ngayon. walang tao ang dapat umagaw sa akin non. kung nasa itaas na ako, ipagpatuloy ko lang at huwag kong hayaan na mapunta ulit ako sa ibaba ng dahil lang sa problema na yan. oks gagalingan ko na talaga ulit hehe sobrang nahimasmasan ako doon.

totoo nga talaga yung sinasabi ng iba eh no? pinapili kasi ako ng boss ko eh (kung career o lovelife) wala akong sinagot tho. ayoko magsalita ng patapos dahil mahirap na. okay naman na ako pero after what happened (sa akin at kay crush) doon ako nawalan ng gana sa lahat. tipong pinipilit ko na lang gawin yung bagay na hindi ko na maramdaman. at kanina, narealize ko na masyado ko lang tinatambayan yung problema kaya di ako makausad. “you only have yourself, mark. kung ano mang yang problema mo o kung sino man yan, hindi siya relevant sa trabaho mo. okay? you’re still young. marami pang mangyayare sayo.”

Like ko sana, Wrong Grammar lang.

Kailangan ba taga pagtawanan ang mali pag wrong grammar? O punahin na may kasamang pagiinsulto? Sino ka para gawin yan? Oo mali yung pag create niya ng sentence pero diba mas mali kapag pinuna mo yung tao sa kamalian niya tapos may kasamang pangiinsulto at katatawanan? O maski yung criticism mo ay may halong pa-shit katulad ng “Like ko sana, Wrong grammar lang”

Hindi ba pwedeng maging Grammar Nazi ka in a way na tulungan mong bumangon yung tao kasi nagkamali siya.

Ang dali daling gawin at sabihin sa taong nagkamali kailangan indirect at may kasamang pangiinsulto pa?

KAILANGAN BA TALAGA YAN? GRAMMAR NAZI YOUR FACE MOTHERFUCKER!

2

drinawing ako ng kaibigan ko aba nung una sabi ko sino yan sabi niya ako daw yan hahaha puta muntik na ako di maniwala eh hahahaha pero boi galing mo!! sobrang nakakaappreciate ko talaga yung mga ganto eh hahaha keep it up bui salamat yamateh

Dahilan lang ba sa tingin o sinasabi ng iba sa iyo na hindi ka makakalagpas ay hindi nga ba talaga? Tanong ko lang, alam ba nila pinagdadaanan mo? Yung tunay mong nadadama? Ikaw lang naman ang makakasagot sa bagay na iyan. Huwag mo sanang ipagkait sa sarili mo yung tiwala. Sa tingin mo ba kung magmumukmok ka diyan, magiging okay ang lahat? Hindi eh. Kahit ilang beses man nilang sabihin sa iyo na hindi mo kaya, tandaan mo na ikaw lang ang nakakaalam at hindi sila o kahit sino. Kasi, sarili mo yan.

9:48pm

minsan naiisip ko na sobrang luwag kong tao, ako yung kaibigan na napaka low-maintenance pero normal na tao ako kahit ganon nangangailangan parin ako ng taong makakausap lagi for no reason. at okay lang din sakin na minsan lang tayo nag uusap pero kasi recently ko lang naramdaman na i’m always taken for granted, i was and is always on the call pag may problema mga kaibigan ko or kung sad sila, kung sino pa yan. naffeel ko lang na nilalapitan lang ako pag ganon tas after nun, wala na balik sa pagiging low mainty. ayokong magdrama sa gantong bagay, i guess may mga tao lang talagang kakausapin ka lang pag no choice na o kaya bored sila sa buhay nila. hindi rin naman ako yung taong sobrang demanding ng time, tangina kanina sa work kahit busy naiisip ko to. kahit may close friends akong kinakausap ako para lang mangamusta ganon di mawala sa isip ko to paking shet first time akong naging sad buong buhay ko dahil sa friendship issues sa self ko. i know i’m the person that is soooo rough and strong, i can stand alone at may ugali akong “palaging walang pake” nasagot ko na rin yung question sa sarili ko na kung bakit ako yung taong hindi talaga nag aapproach ng una, kasi sinasabi ko naman lahat para mafeel nila na nandito lang ako, at alam kong alam nila na i am always here pero sana naman diba, putangina nyo makiramdam naman kayo na hindi lang kayo ang may kakayahan na maging malungkot para sa napakawalang kwentang bagay. someone asked me, “why do i feel like ang sarap mong maging bestfriend?” ha! cause i always make TIME. kahit nagkaleche leche na sched ko kakausapin kita kasi may pake ako sayo, pero tangina di ko na alam sasabihin ko dito haha puta di ko maexpress ng maayos. ngayon ko lang nafeel na, siguro pag sinabi mong busy kana, they will not make an effort para mangulit or humingi ng oras sayo kasi tangina kakausapin ka lang naman talaga ng mga bwisit mong kaibigan pag convenient sakanila. yun lang, putangina nyong lahat.

REASONS KUNG BAKIT FAILED-IBIG KA PA RIN

“Magpapaganda ako para mapansin niya ako… 

Tapos di ko siya papansinin.”

Pabebe amputa.

Mega flood sa newsfeed mo ng mga pics nilang pabebe na may heart at eternity pa tapos malalaman laman mo na lang na break na naman tapos kung makapagpost sa FB eh yung tipong wala na talagang pag-asang magkabalikan at diring-diri sa isa’t-isa pero magkakabalikan din naman. Tapos magagalit kapag madaming nakikisawsaw. 

Tangina kamo ng privacy ninyo. Lahat ng magjowa nagkakaproblema. Mas pinipili lang ng ibang wag ipaalam sa ibang tao dahil wala namang audience impact ang isang relasyon. It’s supposed to be between two people, not you and the whole world. Kaya manahimik kayo.

—-

Nagpost ng status: “Turn on: Yung lalaking may sariling kotse. <3″

Baket? Hi-way ba pekpek mo at kelangan may kotse?

—-

“Babe. Kain ka madami ha. Wag magpapagutom.” 

( Para kapag nasira ang figure wala ng magkakagusto.)

“Walanghiya! Sino yang Alarm na yan at alas-singko ng madaling araw tumatawag na agad?!”

“Hindi ako kakain pag hindi mo ko kinausap!”

Baket? Nasa kanya ba pagkain mo?

Nagpost ng status: “My new baby. < insert picture ng bagong macbook >”

Baby talaga? Galing ba yan sa matres mo o pekpek mo lang talaga yung puhunan mo kaya mo tinatawag na baby?

“Tangina niyang gago siya, hayop! Di pa siya mamatay! Wala siyang kwenta! Akala mo kung sinong gwapo. Kung break, eh di break!”

“Ay teka, nagreply na. Ok na. False alarm! I love you baby.”

—-

Puro ka walang forever tapos post ka din ng post ng relationship goals.

Kinginang to. katol pa!

—-

Puro ka #RelationshipGoals pero yung #LifeGoals mo nganga.

Wag mong pangaraping magkaroon ng relasyong gaya ng sa iba. Gumawa kayo ng sarili niyo at wag niyong tingnan ang kayang gawin ng ibang tao. At the end of the day, walang ibang mas mahalaga kundi yung kaligayahan ninyong dalawa kahit anong uri at anyo pa ng pagmamahal yan.

Realize (ver. 2.0)

(Note: Since I badly wanted to write another story inspired by my all time favorite song and the first ever one shot I posted (two years ago, I think) has the same title, here is a second version. Hehe.)

“Hoy, kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan!”

Elmo had been smiling since he came over her house on a Sunday morning to hang out. And even though they were watching these characters who had been trying to kill each other since the movie started, the strange smile never left his lips. She immediately noticed that different vibe radiating from him when he walked in. Well, she noticed everything about Elmo. How could not she? She’s been in love with her besfriend for a long time now.

Elmo gave her a death glare then said, “Shut up.” Then he winked playfully at her and his smile returned instantly.

“In love ka ‘no?!” She teased and ruffled his hair since they were just sitting next to each other.

He froze upon her remark but when he looked over to her, his smile just got wider that his eyes were almost already closed. “Am I that obvious?”

It was just an empty joke but his response genuinely surprised her. She didn’t really want to think that Elmo could be in love but his answer explained all the smile and weirdness with him. She wanted to run to her room and cry herself out but of course, she wouldn’t do that while Elmo was there. So she did what she always do and put on the bestfriend act, all teasing and joking with the boy she loved even though her heart was breaking.

“Eh yang ngiti mo, abot na hanggang tenga! Saka yung mga mata mo oh, hugis puso na!” She said, pulling his hair as she laughed.

He just laughed with her and when he finally caught her hands, he held them together and looked at her. “Di ba bestfriend kita?” He asked with that puppy brown eyes.

She almost forgot about being brokenhearted as he stared at her like that. She could feel her heart beating so fast she thought it might leap out of her chest. Ever since she realized she was in love with him, he had always had that kind of effect on her. She had to look away from his gaze so instead, she just looked at her hands enclosed in his. It took her a moment before answering as their hands also distracted her.

“Why, what do you want?” She said dubiously as she raised an eyebrow on him.

“Will you help me?” He pleaded, pulling her hands closer to his chest. “Yayayain ko kasi siya mag-dinner mamaya, tulungan mo ako mag-prepare?” Then Elmo smiled at her. “Please?”

And she knew she couldn’t say ‘no’ to him no matter how painful it was for her. But she didn’t want to say ‘yes’ either. So Julie just asked the first and only question she could think of. “Sino ba yan?”

“Eh..” He hesitated for a while before he spoke. “Si Maqui,” he answered in a low voice.

“Ha?” And it stunned her even more that she couldn’t breathe. Elmo was in love with her other bestfriend.

She was about to say something when Elmo suddenly let go of her hands and stood up. He headed for the door and before he closed it again he called out, “Sige ah, mamayang 7 PM sa clubhouse!”

And just like that, his bestfriend left her as she started to cry and picked up the pieces of her heart he unknowingly crushed.

Her clock read 6:45 PM and she was still plopped down on her bed, her face buried in the comfort of her pillows. She stopped crying a few hours ago, afraid that Elmo might notice her puffy eyes later if she didn’t stop. After he left, she went straight to her bed and just stared at the ceiling, wondering how could she still hurt when she was feeling numb already. Her phone rang a few times but she didn’t pick up the calls and when she checked it, all of them were from Maqui.

She heaved a sigh and sat up. “Come on, brave heart. Let’s be a good bestfriend to the boy who broke you.”

She stood up and went to her bathroom to prep up. She dressed in a pair of shorts and an oversized shirt then wore her sneakers. Ten minutes later, she arrived at their village’s clubhouse and looked for Elmo. She noticed that the place had already been set up and a candle lit table was placed in the middle. She found Elmo, dressed in casual, in one of the two seats so she walked over and came to him.

“Oh. Okay na pala eh, pinapunta mo pa ako dito,” she said, dead-panned. “Saan na yung date mo?” She asked uninterestedly.

Julie felt guilty for killing the vibe. She badly wanted to cheer up for him because the night must be really special for his bestfriend but she just couldn’t ignore the persistent ache in her heart.

“Di daw makakapunta,” he said with an obvious disappointment in his voice. It was just then when she noticed that his shoulder was slumped and his face was fallen.

As much as she wanted to rejoice, her heart just broke even more at the look on his face. She just wanted him to be happy even if it was not with her. “What?! Si Maqui talaga, teka tatawagan ko!”

He just shook his head and stood up, stepped toward her. “Hayaan mo na, tara tayo nalang kumain nito,” he said as he reached for her hand and pulled her toward the table.

She didn’t have an appetite to eat but his face was still sad she just wanted to do whatever makes him happy. “Ha. Oh sige,” she said reluctantly then sat.

They ate together, silently at first, but Elmo’s mood seemed to lighten up a bit and he started talking. Then they chatted and laughed together like they always did. She even joked about how much effort Elmo had put into his supposedly date with Maqui. She had fun and everything was perfect. She felt like she was in a real date with Elmo and how she wished the moment would never end.

She was still laughing at Elmo’s stupid pick up line when he suddenly asked, “Nag-enjoy ka ba?”

She stopped giggling when she noticed his genuine look and smile. Then she smiled then answered, “Oo naman. Ang sarap mo talaga magluto, Moe! Eh ikaw?”

He grinned at her and his eyes lit up like she had never seen before. “Syempre, nag-enjoy din ako.”

She couldn’t help but smile back at him but then she remembered something. “Sorry ah, mas masaya ka sana kung si Maqui yung nandito.”

“Sobrang masaya ako kasi nandito ka,” he said abruptly. He reached for her hand across the table and held it right there. “Para sa’yo lahat ‘to, Julie,” he confessed softly.

“Wait, what?” Her eyes went bigger and she felt her heart missed a beat. She was rendered speechless.

“Ikaw naman talaga yung ka-date ko eh,” he said, squeezing her hand tighter.

She threw him a confused expression but not a moment later, it all clicked to her. “So kanina—”

“It’s all part of the act. Alam ko kasing di ka pupunta kung—”

“Pero Moe, bestfriend mo ‘ko..” She didn’t really know what she was saying because she was currently living in a cloud nine by all of his confessions.

She was immediately brought back to reality when Elmo looked her in the eye. “Oo nga. Bestfriend kita, and I want to kick myself for realizing just now that you have always been more than a friend to me,” he said, his voice laced with frustration. She was about to speak but Elmo cut her off. “I love you, Julie. And I know I might ruin our friendship for doing this but I want to take the risk. Because I’m too in love with you to be just your bestfriend.”

Tears started to form in her eyes and this time, she let him see them because they were good kind of tears. “Elmo..”

He stood up again and went to kneel beside her. He took her face in her hands and continued, “And I couldn’t stand it anymore, seeing you with other guys while they make you blush and laugh and smile when I know I should be the one doing that.”

He smiled so softly at her and she could notice that his eyes were a little glassy. She just gazed at him—studying his face, his eyebrows, his nose, his lips—just taking it all in because to her, it just felt so good to be true.

“Wala ka man lang bang sasabihin?” He asked when she still didn’t speak.

She blinked a few times to get rid of the tears so she could really see him. “I just thought you’d never realize,” she whispered. “I’ve been in love with you since forever, you know. I was just waiting for you to meet me halfway.”

His smile got wider like how he smiled at her this morning. And she realized that all the bucket of tears she shed this morning was totally pointless. She wanted to laugh at herself but when she gazed back at the boy in front of her, she knew that he was all worth those tears.

He gently touched his lips to hers and whispered to her, “And I’m already here.”

BIRTHDAY GIRL

May 16, 2014

It was a day before her birthday. Standby lang siya sa dressing room ng Broadway Centrum kasama nila Camille Prats at Bobby Andrews. Nagkkwentuhan sila ni Camille habang nagbabasa siya ng tweets tungkol sa guesting niya sa Basta Everyday Happy which was taped last Wednesday. Natatawa siya dahil sa mga tweets ng fans niya lalo na ang mga nanuod ng taping that day.

“Oh. Tawa ka nanaman nang tawa diyan.” ani Camille sa kanya.

“Ang aadik lang kasi nung fans ate eh. Nawalan daw sila ng dignidad sa kaadikan nila last Wednesday.”

“Bakit? Ano bang meron?” tanong ni Camille.

“Nagtape po kasi ako ng isang episode for Basta Everyday Happy. It was a birthday episode. Tapos studio audience yung mga fans. And yun. Ang iingay nila sa twitter kasi nawalan daw sila ng dignidad sa pinaggagawa nila nun. Hahahaha.” tumatawang kwento niya.

“Haha. Mga fans mo talaga no? Manang-mana sayo.”

“Nako. Mga adik yang mga yan eh. Hahaha.”

“Pero you’re very lucky to have them, Julie.” ani Camille. Ngumiti siya rito at tumango.

“Oo naman po. They’ve been with me through thick and thin. Kulang na lang sa aming lahat kasal. Hahahaha. Daig pa nga nila minsan si mama at papa sa mga paalala eh.”

“You’re really lucky to have them.”

“Sobra po. Kaya di ko din sila iiwan. Together forever kami ng Adiks.” nakangiting sabi niya.

“Eh oo nga pala. Si Elmo? Kamusta na?”

“Si Elmo po? Ayun. Elmo pa din. Hahaha.”

“Huh? What do you mean, Elmo pa din?” pagtataka ni Camille.

“Muppet pa rin po.” tipid na sagot niya.

“Hindi naman sa Sesame Street yung sinasabi ko Julie eh. Si Elmo Magalona! Hahaha.” natatawang sambit ni Camille saka pa siya hinampas sa legs.

“Ah. Si Moe? Ewan ko po. Busy yun eh.”

“Sa promo? Haha.”

“Adik ka ate! Wag kang ganyan. Pinaghirapan niya yun. Hahahahahahaha.”

Nagtawanan silang dalawa at nagkwentuhan pa hanggang sa tinawag na sila para sa segment nila.

Pagkatapos niya sa Eat Bulaga ay nagtungo siya sa GMA para sa rehearsals ng prod niya sa Sunday.

“Ayan na ang birthday girl!” sabi ng mga dancers na makakasama niya.

“Bukas pa guys! Hahaha.” sabi naman niya.

“Excited lang kami. Hahaha.” ani Japoy, isa sa dancers.

Nagrehearse na sila ng prod niya at hindi nagtagal ay natapos din naman yun.

“Oh. Uuwi ka na ba?” tanong sa kanya ni Japoy.

“Yup. Pahinga. Kayo din uwi na kayo.” sabi niya rito.

“Mamaya pa kami eh. May irerehearse pa kasi kami. Ingat, Julie!” paalam ni Japoy.

“Okay. Ingat din kayo. Bye guys!” paalam niya naman.

“Bye, Julie!” paalam ng lahat.

Pagkauwi niya sa bahay ay nagshower siya at nagbihis bago humiga sa kama at nagsimulang maglaro ng High Noon 2.

Natutuwa siya kapag may nakakalabang Adiks lalo na pag natatalo niya at naghihimutok sa twitter.

“Ang aadik talaga ng mga to.” sabi niya.

Narinig niya ang katok mula sa pinto at sumilip si Tita Marivic mula dun.

“Anak, halika muna sa baba. Kain na tayo.” sabi ni Tita Marivic.

“Sige po mama.” sagot niya saka na tumayo at sumunod sa baba.

*****

Loud music. Smoke. Booze. Party-goers here and there. Sayang-saya siya dahil isa nanaman itong party time para sa kanya. Wala siyang trabaho ngayon kaya malaya siyang makakapunta sa bars.

Aracama Bar.

One of the high-class bars ni Taguig. Dun niya naisipang pumunta dahil iyon ang bar na sinabi sa kanya ng mga kaibigan.

“Hey, what’s up?!” bati sa kanya ng isang kaibigan nang makita siya nito. “Ano? Team No Sleep?” halakhak nito.

“Yeah! Let’s do this!” aniya.

Nagsimula na silang mag-inuman. Iba’t ibang alak ang tinitikman nila. Walang paki sa mundo.

“Himala, di ka ata hinahanap ng baby mo?” tanong ni Migs.

“Hindi eh. Nag-aalala na nga ako kasi she’s not texting me or something.” sabi niya sabay inom sa isang shot ng tequila.

“Wow. Nag-aalala ka pa pala sa lagay na yan? Nasa party?” tanong sa kanya ni Ava.

“Haha. That’s Elmo. Worried na pero nagagawa pa pumarty.” sabi ni Bryan.

“Baliw! Ang totoo niyan, I’m just waiting for the time.” sabi niya. “Palipas oras lang dito kasi I’m really bored at home. Ang tagal kasi ng oras eh.”

“Oras? Bakit?” pagtataka ng mga kaibigan.

“It’s Julie’s birthday tomorrow. And syempre as her boyfriend, gusto ko ako ang unang babati sa kanya.”

“Eh paano ka babati kung andito ka? Slow mo dude!”

“I’ll go to her place at around 10:30. Gusto ko saktong 12, ako bubungad sa kanya.” sabi niya.

“Fuck dude! You’re really corny when you’re in love.” sabi ni Migs saka pa siya binatukan.

“Haha. Let him be, Migs. Palibhasa wala kang matinong girlfriend kaya di mo pa mafeel yan.” sabi naman ni Ava rito saka pa tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan.

Nagkwentuhan pa sila hanggang sa dumating na nga ang takdang oras para sa pag-alis ni Elmo.

“Hey. I’ll go ahead.” paalam niya.

“Okay! Greet her for us, ‘kay?” ani Ava. Tumango naman si Elmo saka na nagmadaling lumabas ng bar.

“Sir, aga pa ah. Aalis na ho ba tayo?” tanong ng driver niya sa kanya.

“Novaliches tayo kuya.”

“Ah. Oo nga pala. Sige po.” sumakay na ang driver niya at sumakay na rin naman siya sa sasakyan.

“Nabili mo ba yung sinabi ko kuya?” tanong niya rito habang nasa daan sila.

“Opo. Nandyan po sa likod.” sabi ng driver niya.

Dinungaw ni Elmo ang pinakalikod ng sasakyan at nakita niya ang mga pinabili niyang bulaklak at cake.

“Onga pala, kuya. Napadala mo ba?” tanong niya habang nagpapalit ng t-shirt.

“Yung ano po? Ah opo. Ang sabi po, makukuha dun yung padala after 1 week.”

“Okay. Sakto lang pala kapag andun na siya. Thank you kuya.” sabi niya habang nagsspray ng pabango at nag-aayos ng buhok.

“Sir, gwapo na kayo. Maiinlove na lalo si Ma'am sa inyo. Hahaha.” halakhak ng driver.

“Haha. Kuya talaga.”

*****

Nasa kwarto si Julie kasama ang dalawang kapatid niya. Sabay-sabay silang naglalaro sa kanya-kanya nilang gadgets at nagkkwentuhan.

“Hindi ka pa matutulog ate?” tanong ni JM.

“Hindi pa. May papatayin pa kong boss.”

“Ts. Tapos ko na yang level na yan eh.”

“Eh wala ka naman kasing ginagawa the whole day. Malamang matataasan mo ko ng level.”

“Haha. Syempre. Di naman ako busy like you.”

“Ate, gusto ko din yan.” ani naman Jac.

“Nako, baby. Bawal pa sayo to.” sabay na sabi naman nina Julie at JM.

“Daya.” busangot ni Jac saka na lang naglaro ng ibang games sa iPad niya.

“Hindi ba siya pupunta ate?” tanong nanaman ni JM.

“Sino?” pagtataka ni Julie. Abala siya sa pamamaril kaya hindi siya masyadong nakafocus sa sinasabi ng kapatid.

“Si kuya.” si Jac ang sumagot.

“Ewan ko. Di naman nagparamdam.” aniya.

“Di naman kasi multo ate. Pano magpaparamdam? Hahaha.” biro ni JM.

“Ang pilosopo mo alam mo yun? Haha.” sabi ni Julie.

“Mana lang kaya sayo.”

Tumingin si Julie sa oras ng phone niya at nakita 11:55 na ng gabi. Alam naman niyang hindi siya babatiin nun sa twitter dahil nga sa may pinangangalagaan itong show. Pero hindi pa rin mawala sa kanya ang umasa na baka sakaling batiin pa rin siya. Kahit na as friends lang kunyari.

“Tulog na sila mama diba?” tanong ni Julie sa mga kapatid.

“Opo.” sagot naman ni Jac.

“Eh ikaw? Bakit di ka pa tulog ha? Kaya di ka lumalaki eh!” biro niya dito.

“Eh di pa ko niaantok eh.” sabi naman ni Jac.

Nagbibiruan pa sila nang makarinig silang tatlo ng tunog mula sa doorbell.

“Sino naman kaya yun?” pagtataka niya. “JM, buksan mo gate.”

“Ayoko. Ikaw na ate. Malaki ka na.” sabi naman ni JM na abala na sa pagtetext.

“Adik niyo talaga. Utos ko gawa ko. Tinawag mo pa kong ate eno?” tumawa lang naman ang dalawang kapatid niya saka na siya sinipa ng mga ito palabas ng kwarto.

11:57

Bumaba na si Julie habang pinupusod ang buhok niya. Pindot pa rin ng pindot ang bwisita sa doorbell nila at naiinis na siya dahil baka magising ang mama’t papa niya.

“Ang hayok naman. First time ba makakita ng doorbell?!” iritang sabi niya saka na binuksan ang main door. “Sino yan?” tanong niya pero hindi naman sumagot ang nasa labas.

11:58

Lumabas na ng tuluyan si Julie ng bahay at saka na siya naglakad patungong gate.

11:59

Binuksan niya ng susi ang kandado ng gate at saka na ito unti-unting binuksan. Laking gulat niya nang…

“12:00.” sabi ng isang lalaking may takip na bungkos ng bulaklak. Binaba niyo ang bouquet saka siya nginitian ng matamis. “Happy Birthday, baby.”

“E-Elmo?” nagulat siya dahil nakatayo sa harap niya ngayon ang kanina lang ay pinag-uusapan nilang magkapatid.

“Hello kuya!” sigaw ng dalawang kapatid ni Julie habang nakadungaw sa bintana ng kwarto niya.

Tumingala si Julie at Elmo sa kanila at nakitang humahagikgik ang dalawa sa kanila.

“Hoy! Magkakuntsaba nanaman kayo no?!” tanong ni Julie sa dalawang kapatid.

“Secret!” sabi nina JM at Jac saka na sinara uli ang bintana niya.

“Wag mo silang awayin. I told them na wag sabihin sayong pupunta ako.” sabi ni Elmo. “Hey. Happy Birthday.” aniya ulit.

“Thank you.” sabi ni Julie saka na niya ito niyakap.

“Blow your candles na.” sabi ni Elmo saka sumenyas sa driver na dalin ang cake sa kanya. “Make a wish.”

Pumikit si Julie at saka na nagwish. Pagkatapos nun ay hinipan na niya ang kandila sa cake.

“Uhm. Pasok muna kayo.” sabi niya.

“Nako ma'am. Si sir na lang po. Dito na lang ako sa sasakyan.”

“Sure ka kuya?” tanong niya.

“Opo. Happy Birthday po ma'am.” nakangiting sabi ng driver.

“Thank you kuya.”

Pumasok na silang dalawa saka na umupo sa bench sa may garden.

“Kinukulit ako ng fans. Batiin na daw kita.” ani Elmo sabay pakita ng phone niya kay Julie.

“Haha. They’ve been tweeting that simula pa lang kaninang umaga. They even have a Golden Rule na wala daw babati hangga’t di mo ko binabati. Hahaha.” sabi ni Julie.

“I wanted to greet you online. Pero it’s better kapag personal diba? I can say anything I want. Without the 140 character-limit.”

Tumango naman si Julie. Inakbayan siya ni Elmo at sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ng binata.

“Baby.”

“Hm?”

“Malapit na matapos. Pwede na uli tayo.” sabi ni Elmo.

“Tayo naman talaga ah?”

“No. I mean, pwede na uli kitang makausap sa kahit saan. Pwede na uli kita makasama. Pwede na tayong bumalik sa dati.” sabi ni Elmo.

“Yeah. Pero ayoko na bumalik sa dati, Moe.”

Tinignan siya ng matagal ni Elmo, eyes questioning.

“I want us to start anew. Yung gagawa tayo ng bagong memories.” umpisa niya. “Sa dami kasi ng nangyari dati, parang bumabalik lang yung sakit. So mas mabuti yung magsisimula uli tayo.”

Ngumiti si Elmo sa kanya saka tumango.

“I like that.” ani Elmo saka na siya hinalikan sa noo.

*****

May 17, 2014

Nadatnan ni Tita Marivic at Tito Jonathan si Julie at Elmo na tulog sa sofa. Nakasandal si Julie sa balikat ni Elmo at si Elmo naman at nakapatong ang ulo sa ulo ni Julie habang ang isang kamay ay nakaakbay at ang isa ay nakahawak sa isang kamay ni Julie.

“Kailan dumating si parekoy?” pagtataka ni Tita Marivic.

“Siya siguro yung dumating kagabi. Kaya pala naririnig ko sila Jac at JM na nagtatawanan sa kwarto ng ate nila. Andito pala si parekoy.” sagot naman ni Tito Jonathan.

Nilapitan nila ang dalawa at tinapik naman ni Tita Marivic si Julie.

“Anak, baka nangangalay na kayo. Dun ka na sa kwarto ng mga kapatid mo at tabihan mo sila dun. Tsaka palipatin mo si Elmo sa kwarto mo.” ani mommy niya.

“Ah. O-opo.” inaantok na sabi niya.

“Anak, Happy Birthday.” ani Tito Jonathan saka niyakap si Julie.

“Thank you, pa.”

“Happy Birthday, anak.” bati rin ni Tita Marivic saka pa hinalikan ang anak sa pisngi at niyakap. “Sige na. Lumipat na kayo sa kwarto.”

Lumingon si Julie kay Elmo saka niya ito tinapik sa mukha.

“Moe. Moe, lipat ka sa kwarto ko.” sabi niya habang tinatapik ang pisngi ni Elmo.

“Hm?” nagmulat si Elmo at nagulat pa nang makita sina Tita Marivic at Tito Jonathan na nakatayo sa harapan nila. “G-good morning po.”

“Parekoy, dun ka na sa kwarto ni Julie. Kagabi ka pa ba dito?” tanong ni Tito Jonathan.

“Ah. O-opo.” sagot niya. “U-uhm. Uwi na po ako. Aalis po kasi si Julie mamaya diba? Magkita na lang po kami mamaya ulit.” sabi niya.

“Sigurado ka? Baka wala ka pa masyadong tulog. Dito ka na muna.” ani Tita Marivic.

“Ah. Hindi na po, tita. Medyo nakatulog naman na po ako. Pupunta na lang po uli ako mamaya.” nakangiting sabi niya.

“Osige. Sumama ka na sa amin mamayang dinner. Magcecelebrate tayo ng birthday ni Julie.” nakangiting sabi ni Tita Marivic.

“Sige po.” sagot ni Elmo.

“Oh. Anak, ihatid mo na si Elmo sa labas.” utos ni Tito Jonathan sa anak. Tumango naman si Julie saka na nagpaalam sa kanila si Elmo.

“I’ll see you later.” ani Elmo nang makalabas na sila.

“Yeah. Thanks kagabi.”

“Anything for you, baby. Sige na. Matulog ka uli ha? Wag ka muna maglaro ng High Noon okay? You need to rest. May rehearsals ka pa mamaya.”

“Opo. Ikaw din magpahinga ka muna. Para gwapo ka na lalo.” sabi naman ni Julie sa kanya. Tumango si Elmo saka na hinalikan si Julie sa pisngi.

“Happy Birthday, baby. I love you.” bulong niya rito at mabilis na hinalikan sa labi ang dalaga.

“Thank you. I love you too.” sagot naman ni Julie.

*****

Nasa GMA na si Julie para sa VTR shoot at technical rehearsals nila. Nanlibre siya sa mga co-artists niya ng pizza habang nagrerehearse sila at tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan.

“Nagkita na ba kayo?” tanong ni Christian sa kaniya.

“Hm? Yeah. Nagpunta siya kagabi sa bahay.” sagot niya.

“Ayie. Edi sinalubong niyo pala yung birthday mo?” asar ni Maqui sa kanya.

“Haha. Salubong ba yun? Kasi saktong 12 nasa gate siya eh. Tapos ang corny pa niya, Maq. May flowers effect at cake. Ang adik lang?”

“Weeeh! Kinilig ka naman eh.” asar ng bestfriend.

“Guys tend to be corny lalo na pag mahal talaga nila yung girl. Pero effort yun diba? Knowing Elmo.” ani Christian.

“Haha. Oo naman kuya. Effort na effort na sa kanya yun. Knowing na nagttravel ka ng ganun kagabi. Eh masa yun eh. Hahaha.”

“Masa?” pagtataka ni Christian.

“Masandal tulog. Hahahaha.” halakhak nina Maqui at Julie. Tumawa na rin si Christian at nagpatuloy sila sa pagkkwentuhan at pag-aasaran.

Maagang natapos ang techreh kaya maaga rin nakauwi si Julie. Agad naman siyang nagmessage kay Elmo na nasa bahay na siya and hinihintay na rin siya ng mama at papa niya.

Elmo Magalona:

Baby, I think I won’t be able to make it. Sinama ako ni mom sa Wanderland Music Fest. I’m sorry. 😞

“Ah. Mama, hindi daw po makakarating si Elmo.”

“Ha? Bakit daw?” pagtataka ni Tita Marivic.

“Bigla daw po kasi siyang sina ni Ms. Pia sa music fest.”

“Ganun ba? Sayang naman.” ani Tita Marivic. “Osige na. Sabihin mo next time na lang. Magbihis ka na dun para makaalis na tayo.”

Umakyat na si Julie at nagpalit na ng damit. Pagkatapos nun ay umalis na rin sila at saka na nagtungo sa isang restaurant para icelebrate ang birthday niya.

*****

May 18, 2014

Nagkasalubong sina Julie at Elmo sa dressing room.

“Hey.” tawag ni Elmo kay Julie.

“Uy.” ani Julie sa kanya.

“Sorry about yesterday.” sabi niya.

“Ano ka ba. It’s okay.” tipid na sabi ni Julie.

“No it’s not. Nagpromise ako eh.” sabi naman ni Elmo saka pa umupo sa tabi ni Julie at hinawakan ang kamay ng dalaga.

“Moe, promises are meant to be broken. Pero ayos lang yun kasi magkasama naman tayo the night before. Don’t worry. Hindi ako galit.” she assured him.

“You sure?”

“Yes po. Kaya wag ka na sumimangot diyan. Pumapanget ka nanaman.” asar ni Julie at piningot pa ang ilong ni Elmo.

“Julie, lipat ka muna sa kabilang dressing room. For later lang. Tapos Elmo, punta ka na sa Selfie Station.” sabi ng staff.

Tumango na ang dalawa at sabay silang naglakad papunta sa dressing room. Hinatid ni Elmo si Julie dun at saka na siya lumabas sa Selfie Station kung san nakapwesto na sina Andre, Alden, Jolina at Jennylyn.

“Tampo sayo?” tanong ni Jen sa kanya.

“Hindi daw po.” sagot niya.

“Haha. Nako. Pasalamat ka hindi nagtampo sayo. Kundi, war nanaman kayo.” sabi naman ni Jolina.

“Buti nga po di nagtampo eh.”

“Bawi ka na lang idol.” sabi ni Alden.

“Yeah. Spend more time with her. Since somehow she kind of expected you yesterday.” suggest naman ni Andre.

“Yeah. Thanks guys. Babawi talaga ako.” nakangiting sabi niya.

Pagkatapos ng spiels nila ay nagtungo na siya sa green room para dun magpalipas ng oras.

“Walang tao. Sakto.” sabi niya saka na pumwesto sa mahabang couch.

Pinanuod niya ang prod ni Julie sa green room at di niya maiwasang di magselos sa partner ni Julie sa bago nitong music video.

“Ako talaga dapat yan eh.” aniya.

“Eh wala eh. May promo ka eh.” sabi naman ni Maqui.

Nagulat si Elmo dahil ang alam niya talaga ay siya lang ang nasa green room.

“Maq! Kanina ka pa?”

“Medyo. Sakto lang for me to hear you. Hahaha.”

“Ts. Kainis. Bakit may mga ganun silang scenes? Yung piggyback ride. Yung backhug. Badtrip!” reklamo niya.

“Hala. Baliw na to.” ani Maqui habang abala sa pagkalikot sa phone niya. “Alam mo, di ka kailangan magselos. Nagagawa mo naman yan lagi sa kanya no. Eh si Jericho sa shooting lang. Ikaw? Errday errnight? Oh.”

“Kahit na. Ayoko ng ganun.”

“Sus. Ikaw nga nakiss na si Janine at Joyce eh. Nagreklamo ba si Julie? Hindi naman ah.”

Natahimik si Elmo. Oo nga. Hindi niya naman narinig na nagreklamo si Julie nang magkaron siya ng kissing scene kay Janine at Joyce sa VQ.

“Pero it’s work.” sabi niya.

“And you think that that’s not work?” tanong ni Maqui habang tinuturo ang tv sa green room. “Moe, don’t be too possessive. Yan ang consequence ng maling decisions mo.” sabi niya pa. “Eh hindi naman talaga mangyayari yan kung di ka nagbackout sa supposedly show niyo ni Julie diba? So wag ka magreklamo like you’re the victim here.”

Hindi nakakibo si Elmo sa sinabi ni Maqui sa kanya. Tama naman kasi talaga ito. Pero wala rin naman na siyang magagawa. It happened already.

“Pupunta ako sa party niya mamaya. Pupunta ka ba? Invited ka rin diba?” tanong ni Maqui bago siya lumabas.

“Ha? Ah yeah. Invited ako. Pero…” he trailed off.

Nagkibit-balikat lang si Maqui.

“Suit yourself, promo boy.” sabi nito saka na lumabas ng green room.

*****

Nagulat si Julie nang makita ang dami ng fans sa venue ng party niya. May hint naman na siya about this pero iba talaga ang feeling kapag nasa mismong event ka na. Nakakaoverwhelm.

“Happy Birthday, Julie!” bati sa kanya ng lahat.

“Thank you guys! Thank you talaga.” sabi niya.

Nagsimula na ang program. May mga nagsayaw na fans, may nakiduet sa kanya at syempre may games.

Kalagitnaan ng party ay biglang dumating ang isang surprise guest niya.

“Happy Birthday Jowlieeeeeeee!!!” matinis ang boses nito at lumapad ang ngiti ni Julie nang makita ang bestfriend niya.

“Maqui!!!” sabi niya. Nagyakap sila at binati uli siya ni Maqui.

Kumanta rin sila ni Maqui at nanuod ng mga performance ng mga fans para sa kanya at aliw na aliw rin sila ni Maqui sa mga ito.

“Wait! May ipapanuod pala tayo kay Julie.” sabi ng isa sa emcee.

Pinlay na ang video at pinanuod nila ang iba’t ibang video greetings mula sa malalapit na kaibigan ni Julie. Abala si Julie sa panunuod at pagtetext ng sabay kaya hindi niya masyadong maintindihan ang mga mensahe ng mga kaibigan. Dinadaan na lang niya sa tawa ang mga ito.

“Teka! Ulit-ulit!” sabi ng fans nang matapos sila sa huling video.

“Hindi nakita ni Julie kung sino yun.” sabi ng isa pang fan.

“Ha? Hindi okay lang guys. Narinig ko naman yung message. Okay lang.” sabi niya sa mga ito.

“Hindi! Ulit! Ulit! Ulit!” chant nila. Iiling-iling na lang siya habang tumatawa naman sa tabi niya si Maqui.

“Panuorin mo kasi.” sabi ni Maqui sa kanya.

Inulit na nga ang video at nagulat siya kung sino iyon.

“Happy 20th Birthday, Julie! I hope you enjoy your day. God bless!”

Ngumiti ng nakakaloko si Maqui sa kanya at saka pa nagtaas-baba ng kilay.

“Ano?”

“Wala lang. Hahaha.”

Matapos ng program ay nanghingi ng message ang fans kay Maqui. Nagbiro pa nga siya habang kumakanta ng birthday song.

“Abangan niyo yung cover niyan sa youtube.” sabi niya sa fans. Nagtawanan ang fans maging si Julie.

“Message!!!” sigaw ng fans.

“Message? Eh. Nasabi ko na sa kanya sa text eh.”

“Oo nga.” ani Julie.

“Pascreencap po!” sigaw ng fans.

Tumawa silang lahat.

“Osige. Ano ba di ko pa nasasabi kay Julie?” isip ni Maqui. “Ah. Kasi nagviber ako sa kanya. Sabi ko, ilang taon ka na nga? Tas nagreply siya. Sabi niya, 20 na ko Maq. Tapos nagreply ako. Parang nasenti ako tapos hindi niya ko nireplyan!”

“Halaaaaa!” asar ng fans.

“Tita hindi ako nireplyan oh!” sumbong pa ni Maqui kay Tita Marivic. Tawa lang naman nang tawa si Julie at ang lahat. “Kasi diba matagal na kaming magkasama ni Julie? Diba tita, tayo-tayo yun? Tapos yun. Parang nung sinabi niyang 20 na siya. Nasenti ako. Kasi dati baby pa siya tapos alam niyo yun? Ang bilis ng panahon. 20 na siya.”

“Aww.” sabi ni Julie.

“Pero yun nga. Ang haba ng text ko tapos seen yung nakalagay!”

“Ha?!” natatawang sabi ni Julie. Hagalpakan sa tawa ang mga fans na andun.

“Oo kaya. Kasi diba una delivered nakalagay. Tapos biglang seen?!”

“Hahaha. Seenzoned pala kita Maq?” ani Julie habang chinecheck ang viber message ni Maqui. “Oo nga. Hahahaha.”

“Wag mo na basahin! Hahaha” ani Maqui. “Pero guys. Thank you. Kasi lagi kayong nakasupport sa kanya. Kami rin naman. Lagi naman kaming andito para sumuporta kay Julie. Papa-autograph nga ko sa kanya mamaya eh. Hahahaha.”

“Aww. Love you, Maq.” ani Julie.

“Love you too!” at nagkulitan sila na parang nagsusuntukan at nagsasayaw na siyang kinatuwa lalo ng fans.

“Pero nasurprise talaga ako guys kasi andito si Maqui. Tapos sila Jai, nainvite niyo din. Haha. Wala na ba? Wala na ba kayong surprise pa diyan?” biro niya.

“Invited ata siya eh.” bulong ni Maqui sa kanya.

“Nasa labas daw siya.” sabi niya rito. Tumango naman si Maqui saka ngumiti at nakipagkulitan sa fans.

Pagkatapos ng party ay bumungad kay Julie ang isang naghihintay na si Elmo. Nakasandal siya sa labas ng kotse niya at nakapamulsa. Pagkakita niya sa dalaga ay agad niya itong niyakap.

“Sorry di na ko pumasok. Alam mo naman.”

“It’s okay. Seeing you now is better than not seeing you at all.” nakangiting sabi ni Julie.

“Hoy! Umuwi na nga kayong dalawa! Mamaya may makakita pa eh.” sigaw ni Maqui saka na siya nagpaalam sa dalawa at nauna na umalis ng venue.

Sumama si Elmo sa bahay nila Julie at tinulungan niya ang dalaga sa pag-aayos ng mga regalo nito.

“Effort to oh.” ani Elmo nang makita ang malaking framed cross stitch na mukha ni Julie.

“Onga eh. Grabe no?”

“Uh-huh. Anyway.” sabi ni Elmo saka niyakap si Julie. “Are you happy?”

Sumandal si Julie sa dibdib nito saka tumango.

“Of course. I have my family, I have my fans, I have my friends, I have Maqui and I have you. Ano pa bang reason para di maging masaya diba?”

“I’m glad.” nakangiting sabi ni Elmo.

*****

May 19, 2014

“Lei! Nakakainis talaga!” himutok niya sa kaibigan.

“Bakit nanaman bro?”

“Kainis kasi bakit ganun? Parang wala akong natanggap na gift from Elmo?”

“Hoy, Julie Anne! Kailan ka pa naging materialistic?! Ha?” sabi ni Lei sa kabilang linya.

“Hindi naman. Pero gets mo? I’ve been receiving gifts from him for 3 consecutive years. Pero ngayon, parang wala na talaga.”

“Ewan ko sayo. Kanina kinikilig ka pa kasi magkasama kayo kagabi. Tapos ngayon nagpupuputok nanaman yang butchi mo diyan.”

“Eh nakakainis kasi. Boyfriend ba talaga yun?!”

“Hala na. Hoy, bro. Umayos ka nga. Akala ko ba presence lang niya solve ka na? Eh ano yang gift-gift na yan?” ani Lei.

“Ts. Hindi na. Nevermind. Busy naman siya. Sige bro. May gagawin pa ko.”

“Hahaha. Sige, sige. Bye bro.”

Natapos na ang call nila at naisipan na lang ni Julie na maglaro buong araw sa phone niya.

Gabi na nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng mama niya.

“Julie anak!” ani Tita Marivic.

Lumabas siya ng kwarto at dinungaw ang mama niya.

“Po?”

“May naghahanap sayo.”

“Huh?” pagtataka niya. Bumaba siya ng hagdan at nagpunta sa mama niya. “Sino?”

“Ewan ko. Andun sa labas.”

Tumango siya saka na lang lumabas ng bahay. Nagulat siya nang makita niya si Elmo na nakaupo sa bench sa garden at nakangiti sa kanya.

“Oh. Anong ginagawa mo dito?” pagtataray niya.

Kumunot ang noo ni Elmo kaya imbes na salubingin ito ay niyaya na lang niya itong maupo sa tabi niya.

“Bad mood?”

“Obvious ba?” tanong ni Julie.

“Why? What happened to my baby?”

“Tanong mo sa lelang mo.” pagtataray nanaman ni Julie.

“Ha? Bakit?”

“Wala. Bakit ka ba andito? Akala ko ba may taping kayo?”

“Early pack-up eh. Plus, I missed you. Hindi ka naman nagrereply sa messages ko eh.”

“Busy ako.” sagot ni Julie.

“Yeah. Busy sa High Noon. Ikaw lang lagi nagnonotif saken sa High Noon eh.” hindi naman kumibo si Julie. “Buti pa yung High Noon di mo sinusungitan. Ako, di mo pinapansin. What did I do ba?”

“Ewan ko. Tanong mo nga sa lelang mo!” ani Julie.

Suminghap si Elmo saka inakbayan si Julie.

“Tell me please? Ikikiss kita!” banta niya.

Sinimangutan siya ni Julie saka humugot ng malalim na hininga.

“Bakit ba kasi wala kang gift saken ha?” tanong ni Julie.

“Ha? Walang gift?”

“Oo!”

“Yung flowers. Tsaka cake. Hindi ba counted yun?”

“Ewan ko sayo.” sabi ni Julie saka pa umusog palayo kay Elmo.

Umusog din naman si Elmo palapit sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.

“I’m sorry if I wasn’t able to give you something this year. May pinag-iipunan kasi ako eh.” sabi ni Elmo.

“Ano naman? Luho mo nanaman?”

“Hindi syempre! Basta. May pinag-iipunan ako. Don’t worry. Babawi ako okay? Love mo pa rin naman ako right?” tanong nito sa kanya saka pa siya niyakap.

Tumingin si Julie kay Elmo saka marahang tumango.

“Naiinis lang ako sa sarili ko bakit naghahanap ako ng gift from you. Eh ikaw lang sobra-sobra na. Nakakainis talaga.”

Hinalikan siya nang hinalikan ni Elmo sa pisngi habang yakap pa rin siya nito.

“It’s okay. I kind of expected na magtatampo ka. Kaya nga nagpunta ako dito. Pero baby, wag ka na magtampo ha? Babawi talaga ako promise.”

“Okay na. Di mo naman kailangan bumawi. Mood swings lang siguro to. Masyado mo kasi akong sinanay. Ayan naghahanap tuloy ako.” sabi ni Julie.

“Sorry. Basta babawi ako whether you like it or not. Okay? I love you.”

“I love you too.” sabi ni Julie saka na rin yumakap sa binata. “Onga pala. Pupunta ka ba bukas, baby?”

“Ha? Where?”

“May event ang PEP diba? And we won. So yun. They’re asking kung makakarating ba tayo.”

“Hm. I’ll try. I have my last taping tomorrow eh. Kaya di ko rin sila masabihan about it. Bakit? You want us to come together?”

“Ha? No. Okay lang naman kahit ako lang mag-isa. Individual awards naman yun eh.”

“Hm. Sige. I’ll try okay? But I can’t promise you na makakapunta ako. I don’t want to break another promise. Okay?”

“Okay.” sabi ni Julie.

*****

May 20, 2014

It’s the day of the PEP Awards. Nasa bahay pa rin si Julie at naghahanda sa pagpunta sa Solaire.

Pagkatapos niyang mag-ayos at magbihis ay umalis na rin sila nila Tita Marivic at Tito Jonathan.

“Si parekoy anak? Pupunta ba?” tanong ni Tito Jonathan.

“Ha? Hindi po ata papa eh.”

Sakto naman ay nakareceive siya ng message mula kay Elmo.

Elmo Magalona:

Baby, I don’t think I can make it to Solaire. Nasa location pa ko and we still have a lot to take.

Me:

It’s okay. Take care.

Elmo Magalona:

Enjoy yourself okay? I love you! 😘

Napangiti si Julie sa natanggap niyang reply dito.

Me:

I love you too! 😘 Wag kang magpapagod diyan ha?

Mahaba pa ang conversation nila sa viber at hindi namalayan ni Julie na nasa Solaire na pala sila kung hindi pa siya pagbubuksan ng pinto ng isang lalaki.

“Welcome to Solaire.”

Paglingon niya rito ay laking gulat niya nang makita ang isang nakangiti at gwapong-gwapong si Elmo.

“What are you doing here? Akala ko ba hindi ka makakapunta?” tanong niya. Di pa rin makapaniwalang andito si Elmo sa harap niya.

“Well. I kind of came here a couple hours ago.” kibit-balikat na sabi ni Elmo. Hinampas naman siya ni Julie sa balikat dahilan para lalong lumakas ang tawa niya.

“Kainis to. Dami mong pakulo.”

“Haha. Baby, this will be our start. We have to show them na JuliElmo pa rin.”

“May show ka pa.”

“I don’t care. All I care about is this beautiful lady standing beside me.” kindat niya.

“Cheeseballs.”

“Sayo lang naman.” sabi ni Elmo. Nilahad niya ang kamay niya rito at kinuha naman iyon ni Julie.

Naglakad na sila papasok ng venue at tuwang-tuwa ang mga tao na makita sila na magkasama.

“So the rumors are true? Kayo na nga.” sabi ng isa sa Pep team.

“Matagal na.” ani Elmo.

“Tell us the story!” habol nito.

“Next time. When she’s ready.” sagot ni Elmo sabay turo kay Julie. “I don’t want to rush her.”

“Alright. Just give us a call if you lovebirds are ready for it.” nakangiting sabi nito. Tumango na si Elmo at ngumiti naman si Julie. “By the way, you two look good together.”

Umalis na ang kausap nilang staff kaya nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad at pakikisalamuha sa ibang guests.

*****

Natapos ang event pasado alas diyes na ng gabi. Hindi na nakasama si Elmo sa bahay nila Julie dahil sinabihan niya itong magpahinga na lang at marami pa namang araw na pwede silang magkita. Wala na rin namang nagawa si Elmo dahil kita rin sa mata ni Julie na napagod siya sa event.

Nasa bahay na si Julie at nagbibihis na ng pantulog nang makareceive siya ng message mula kay Ninang Mariti. Tumingin siya sa orasan sa kwarto at narealize na umaga na nga pala sa LA.

Ninang Mariti:

Hi nak! I read that you and Elmo won in PEP! I’m proud of you! Congrats! 😁🎉🎉

Me:

Thank you ninang! 😊😂

Ninang Mariti:

By the way nak, did you send something to me via courier?

“Courier? Wala naman akong pinapadala ah. Tsaka flight ko naman na sa Sunday.” sabi niya sa sarili.

Nagtype agad siya ng reply dito.

Me:

No I didn’t, ninang. Why?

Ninang Mariti:

Oh. I know who sent it na. Nevermind na lang, nak. I thought it was you. It’s for you pala. Haha. 😁😁😁

Me:

For me? Who sent it ninang?

Ninang Mariti:

Someone lang. Anyway. Go to sleep nak. It’s late there. Love you! See you in 5 days! 😘😘😘

Me:

Okay. See you in 5 days, ninang! Love you too. 😘

Humiga na siya sa kama pero di naman siya makatulog kakaisip sa sinabi ni Ninang Mariti. Nahihiwagaan kasi siya kung sinong nilalang ang naisipang ipadala sa LA ang kung ano man para sa kanya. Fans from the other countries? Weird.

“Sino naman kaya yun?”


- THE END -

Haters can make you a better person.

Oo. Sila ang mga taong galit sayo na hindi mo alam ang dahilan. Dahil lahat na lang napansin nila, mga simpleng bagay, mga simpleng galawan na ginagawa mo sa buhay. As in lahat. Pwede nating sabihing mga stalker ng iyong buhay. Kung baga naumpisahan na nila magalit. Bawat maling galaw mo ay kanilang mapapansin.

Pero sa isang banda. Akalain mong nakatiaan ko ito ng onting liwanag? Malay mo nga naman nakaka offend ka na? Hindi bat kapag sinita ka ng HATER mo eh mapapaisip ka din kung may mali nga ba sa ginawa mo? Sa oras na nag isip ka na kung may mali nga dun na papasok ang sense kapag ikaw ay isa sa taong may hater.

May mga bagay kasi na angkop satin at hindi angkop sa iba. Maaring itimbang muna natin ang sarili kung ang mga bagay na binitawan mo ba eh pang masa o pang sarili lamang. Minsan mas ok pang hindi pansinin. Dahil kapag walang sagot ang isang tanong. Malamang. Wala na kayong dapat pag-usapan. Kapag naiirita ka? Block mo o burahin mo. Hindi kawalan ang mga taong yan. Sino sila para i please? Eh hater nga sila. Haha! Mahalin mo na lang ang mga nagmamahal sayo at nakaka appreciate sayo.