singgol

5 Reasons Why I'm Single and I'm Not Proud of My Reasons

You know what I’m proud to be “SINGGOL”. Meaning SINGLE simula SANGGOL. I’m freaking 23 and turning 24 this year. Imagine umabot ako sa ganitong edad ko na walang nakapansin sa akin!! Anak ng tipaklong! Shetttttt naman oh! Sakit! Minsan naapektuhan na self-esteem ko eh. Sabi ko bakit ganern?!? Yung classmate ko nung college na hindi naman kagandahan may jowawers! Eh ako?!? Waley!!! Nakakasuya ng maglakad sa mall at makakita ng mga couples na HHWW! mga pasweet. Leche flan na buhay ito. Anong nagawa kong kasalanan at bakit walang nagkakagusto sa aken?!? Wala naman talagang problema, wala pa talaga si Mr. Right. Pero let me counn the ways, na sa palagay ko kung bakit wala pa si Mr. Right:

1. The problem is my height?!?
- I am 5'7 and have a large bone structure. In short, malaki akong babae. Hindi ako nahahanay sa mga petite and pacute category na girls. Aminin na naten na most guys are attracted to small girls. Mahirap talaga makahanap ng lalaking mas matangkad sayo. Hayyyyy.

2. I am suffering from a BITCH FACE SYNDROME!!
- Sa mga hindi nakakaalam ng bitch face syndrome, yun yung mga taong laging mukhang galit, mukhang bruhilda in normal situations ah. Pero hindi naman talaga sila galit ganun lang talaga mukha nila. Syempre, hindi ka talaga lalapitan ng kahit sinong tao kung may ganun kang klaseng mukha. First impression will always last. Na-is-spotan ka ng isang guy, “Maganda yung babaeng yun. Pero wag ko ng lalapitan. It looks like she’s having a bad day”. Nako! Patay tayo jan. Sa mukha mo pa lang, na-jugde ka na teh! Solution to your bitch face syndrome? WALEY!

3. Hopeless Romantic
- Naniniwala talaga akong may forever. Na darating talaga siya anytime soon. Na lahat happy ending. Hindi na realistic ang mind set ko sa love. And this will be the death of me.

4. Home buddy
- Sabi nila makipagsocialize ka, para mahanap mo siya. Socialize?!? E masaya oa kong nasa bahay, nagbabasa ng libro, nanonood ng mga series! Like Walking Dead and Gamw of Thrones. Ayoko talaga ng maraming tao, ayoko ng masikip! Oo, kaya nga ko single kase gusto kong mag-isa!! Wala talag tayong kapupuntahan dito.

5. I’m scared of getting hurt!
-Ang love daw parang lotto. Paano ka mananalo kung hindi ka tataya? Mahirap para sa akin magtake ng risk. Paano kung nagtake ako ng risk tapos maling tao pala siya? Eh di nasayang lang oras ko? Nasaktan pa ako. Alam mo kase, ako yung tipo ng tao na madaling ma-attach! Hindi ko mapapangako na hindi ako iiyak at malulungkot ng sobra. Kase feeling ko pag nagmahal ako, ibibigay ko lahat lahat! Yung wala ng matitira sa akin. Kaya mahirap. Ayoko.

Goodluck na lang talaga sa akin. Kase sa mga sinabi ko, suguradong mamatay akong mag-isa. Kailangan kong magbago di naman magbago. Yung tipong magiging open ako sa mga possibilities. Darating din ang panahon ko. Tiwala lang. At magdasal ng mataimtim.