sindak

Magandang Bangungot

Nakatayo ka sa aking harapan. Suot mo ang pinakamagandang ngiting nakita ko sa tanang buhay ko.. Subalit unti-unti kang nag-iibang anyo. Ikaw ay nagbabago at hindi tila hindi ko mawari ang nilalang na nagiging ikaw habang tumatagal..

Tumatakbo ako.. Takbo.. Heto na naman tayo.. Takbo sa tila walang katapusang daan..

Nanlalabo na ang aking paningin sa nagbabahang likido na inilalabas ng bintana ng aking kaluluwa.. Umaagos ng walang tigil.

Hindi ko alam kung bakit..

Hindi ko alam kung pano..

Hindi ko alam kung saan..

Hindi ko alam kung kelan..

At sa aking pagkadapa ay naputol ang aking hininga at siya ring pagkagising ko na naman sa isang panaginip..

Hindi. Mali.

Isang bangungot..

Isang napakagandang bangungot..

Hindi na bago sa akin ang ganitong senaryo halos araw-araw. Hindi ko rin alam saan at kelan at paano at bakit nagsimula to pero alam ko lahat ng ito na ay nakasanayan ko.

Noong una ay nahihirapan ako sa tuwing gigising ako. Ang kabog ng dibdib, tagaktak ng pawis, habol na hininga’t nanginginig na kamay at paa. Subalit ngayon, nagigising na lamang akong wala nang maramdaman.

Namanhid na sa katotohanang kahit anong gawin ko, ang lahat ng ‘to'y hinding-hindi ko na mapipigilan..

At heto ako ngayon, muling babangon. Haharapin ang nakaabang na araw sa akin. Tanggap na sa pag-uwi ko’t pagtulog, sa aking paghimlay..

IKAW..

Na isang napakagandang bangungot ay nariyan na namang naghihintay..