sinalo

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sumulat sapagkat hindi mo naman ito mababasa. Pero meron naguusig sa akin na sumulat ng liham para sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Noong una kita na kita, unang araw eskwela.. Nasabi ko na talaga sa sarili ko na, “Ah, siya na!”. Alam ko na noong mga oras na yun, kung bibigyan ako ng tadhana ng pagkakataon ay mamahalin kita, at ganun na nga nangyari. Nahulog ako sayo, at nagpapasalamat ako dahil sinalo mo ako. Pinaramdam mo sa akin na mayroon palang lalaking magmamahal sa akin. Tanggap kung ano ako, tanggap ang nakaraan ko. Ang mga kinamumuhian ko sa akin sarili ay minahal mo. Waring ang mga sugat ng kahapon ay naglaho.

Minahal mo ako sa hindi inaasahang pagkakataon.
Minahal kita sa hindi inaasahan oras.
Minahal kita, minahal mo ako ng buong buo.

Hindi ko malaman kung paano tatapusin ang liham, dahil hindi ko alam kung may katapusan pa ang pagmamahal ko para sa'yo.

Sinubukan kong itago ang nararamdaman ko sayo at lumayo ako dahil alam kong di mo naman ako kayang saluhin. Pero noong iniwan kanya sinalo parin kita kahit alam kong masasaktan ako. Dinamayan kita sa mga problema mo dahil ayokong maramdaman mong mag-isa ka. Ginawa ko naman lahat para sayo, hindi kita iniwan. Bakit ganun siya parin lage ang pinipili mo.
—  misteryosang-suplada