simulan mo na

Devaluation

Paano mo sisirain ang kumpyansa mo sa sarili mo? Unang-una, sisihin mo sa sarili mo dahil nagkanda leche leche ang buhay mo. Sisihin mo na nagalit ang magulang mo sayo, sisihin mo ang sarili mo dahil iniwan ka ng syota mo. Pati pagtae ng aso ng kapitbahay nyo sa harapan ng bahay nyo ay isisi mo parin sayo. Pangalawa, lumapit ka sa mga taong huhusgahan ang pagkatao mo kahit hindi ka naman nila gaanong kilala. Namnamin mo ang mga tsismis nila na sinasabi sa iyo at hayaan mong magpatangay ka sa mga sinasabi nila. Pangatlo, manood ka ng 13 reasons why at sabihin sa sarili mo na failure ako, failure ako, failure ako *repeat till fade*

Paano mo sisirain ang tiwala ng tao sa kanyang sarili? Una, iparamdam mo sa kanya na wala syang kwentang tao. Na isa lang siyang ebak sa lipunan na nilalangaw. Iparamdam mo na mahina sya at walang may gusto sa kanya. Umagang umaga palang simulan mo na ang pambubwisit sa kanya. Pangalawa, hawak ang wine glass sa isang marangyang bahay, nasa terrace ka na nakatapat sa isang malaking swimming pool habang ikaw ay nakabath robe tulad ng mga kontrabida sa mga pelikula, alamin mo ang kahinaan ng taong gusto mong sirain. Alamin mo ang mga baho nya. At doon ay malalaman mo kung paano mo sya titirahin.

Kung idealization ang paghanga o panggagaya sa mga iniidolo nilang tao, kabaligtaran naman ang devaluation. Syempre batay parin iyan sa pag-aaral ni Sigmund Freud. Hangga’t defense mechanism ang mga sinasabi ko ay hindi mawawala si pareng Freud. Tulad ng sinabi nya sa projection at denial na hindi natin matanggap ang mga bagay o facts na walang bluff kaya naman ay inaalis natin ito sa sistema natin (deny), o kaya naman ay ipinapasa natin sa iba (projection). Dahil dito ay may mga tao sa paligid natin na madadamay dahil sa mga episodes natin sa buhay. Kaya pinakamagandang payo ko ay lumayo-layo ka muna sa nanay mo kapag beastmode sya at baka sa iyo nya ipasa ang galit nya sa buong universe.

Sa totoo lang, ang hirap maging adult. Ito ata ang phase kung saan maganda man ang gawin mo sa iba pero yung mali parin ang titignan nila sayo para maging mas mainam sila. Parang tigyawat lang yan. Kahit gaano pa kakinis ang mukha mo ay yung tigyawat parin nila ang titignan nila sa iyo.

ME: friend, bagay ba sa akin ang make-up ko? Hindi ba masyadong mapula yung pisngi ko?

FRIEND: uy may tigyawat ka sa ilong.

ME: oo nga friend eh, kakainis. Pero yung lips ko, hindi ba masyadong mapula?

FRIEND: okay lang friend pero yung tigyawat mo ang kita

ME: *naglabas ng balisong* TITIGILAN MO BA ANG TIGYAWAT KO O GUSTO MONG KUMALAT YANG BITUKA MO KASAMA ANG BUONG DIGESTIVE SYSTEM MONG PUNO NG JUNK FOOD DITOOOOO!!!!

Pero seryoso. Nakakapagod ang mga taong mali na lang natin ang tinitignan. Dinedegrade ang ating value. Ayon sa isang journal na sinulat ni Lerner na A Note on the Assessment of Idealization (1995), sinabi nya na nagkakaroon ng gratification ang isang tao kapag nakikita nya na mas magaling ito sa taong kinukumparahan nya. Dito nabubuo ang inggit at selos kaya naman hindi matanggap mg ating Id na may mas magaling sa atin. Ang resulta ay hahatakin natin sya pababa. Dahil sa devaluation kaya nagkakaroong ng pangmalawakang tsismis. Isang epidemyang hanggang ngayon ay hindi pa nalulunasan. Ilang buhay na ba ang nasira dahil sa tsismis. Ilang relasyon na ba ang nawasak dahil sa mga fake news na yan. Ilang mga pamilya na ba ang nawalan ng pagkakaisa dahil sa mga kwento mula sa mga makakating dila.

Ngayon titingin ka sa salamin. Dahil nagpakain ka sa sinabi ng iba, sasabihin mo na isa kang talunan. Mula sa likod mo ay lalabas si Eugene Domingo at bubulong sayo “friend talunan ka. fact na fact!” Bumababa ang tingin mo sa sarili mo. Sisisihin mo ang sarili mo dahil ang malas malas mo sa buong universe. Tapos ipopost mo ito sa Facebook mo, sa Twitter, sa IG, sa Tumblr, sa FreeFilipinaForBride.com at magseself pity ka. Friend, bakit di mo subukang tumayo ulit. BABANGON AKO AT JOJOMBAGIN KITA! Know your worth. Walang magmamahal sayo kundi ang sarili mo. Paano ka igagalang ng iba kung sa simula palang ay nagseself pity ka na. Pinapakita mo lang na nagpapatalo ka sa sinasabi ng iba. Prove to them na mali sila. Lumakad ka, taas kilay, taas baba, at taas boobs na mala Ivy Aguas with matching pasabog at confetti. Sa huli, kapag nagpadala ka sa sinasabi ng iba, talo ka.

Bes.

Be productive ah. :) Bawal ang tamad! Bawal ang mamaya na lang. Dapat ngayon na. Dapat today! Kung gusto mong maging successful someday, simulan mo na ngayon. Kahit gaano kaliit ang step forward, step pa rin yan kaysa naman nakatengga ka sa same place. Go! Hindi lang sa love kailangang mag-move on, sa pangarap din. Move on! Forward!

saglit lang. may nabasa lang ako. nakakatawa kasi ang tagal nya na yun sinasabi, sakin palang. tas bat hanggang ngayon? bat parang ngayon mo pa lang sisimulan? mas napapatunayan ko lang lalo na ginamit mo lang na excuse yun eh. pero okay, kung saan ka masaya. tagal na din yun, sana simulan mo na. simulan mo na talaga.

Paano nga ba magsimula ulit?

Ito yung tanong na laging pumapasok sa isip mo pagkatapos mawala ang isang taong akala mo eh panghabang buhay na. Yung akala mo nanjan lang sya at hinding hindi mawawala. Yung lagi mo kasama sa bawat araw na dumarating. Yung taong minahal mo ng higit pa sa inaakala mo. Sa totoo lang, mahirap naman talagang sagutin ang tanong na ‘to eh. Ang hirap kasi hindi ka sigurado sa hakbang na gagawin mo. Kadalasan, nagagawa mong humakbang ng pakonti konti. Pero parang lagi kang may naiiwan at paulit ulit kang bumabalik sa nakaraan. Sa isang bagay na tapos na. Sa isang bagay na nangyari na at hindi na pwedeng ibalik pa.

Ang hirap magsimula kung hindi mo magawang bitawan ang nakaraan. Kahit paulit ulit kang humakbang, kung dala dala mo pa rin yan, walang kang patutunguhan. Pabigat lang ng pabigat yung bawat hakbang na gagawinmo. At darating pa sa puntong uupo ka na lang at hindi na susubok pa. Oo, mahirap bumitaw sa isang bagay na hinawakan mo ng matagal. Pero kailangan eh. Kasi paano ka makakahakbang kung hindi mo mabuhat yung sarili mo. Hindi ka makakarating sa patutungahan mo. Hangang kailan mo ba balak kulungin ang sarili mo sa alaalang pilit kang hinihilang pabalik?

'Wag mo ng ipilit ang mga bagay na tapos na. Tama na ang pagkulong sa sarili sa isang bagay na sinasaktan ka lang naman. Ang tapos na ay tapos na. Kahit gaano kasakit at gaano pa yan kahirap, harapin mo yung realidad. Hindi sasabay ang mundo sa pagtigil mo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito sa mundo. Pero sila, lumalaban sila. Pilit na binibitiwan ang mga bagay ng nagpapabigat sa buhay nila. Kung kaya nila, kaya mo rin. Lahat ng bagay may dahilan. Lahat ng bagay pinlano ng Maykapal. 

Simulan mo sa pagtanggap. Tapos na eh. Kung ayaw nanaman, bakit mo pa ipipilit ang sarili mo? Kahit paulit ulit mong sabihin na sya yung gusto mo, eh kung hindi ka na nga nya gusto, may magagawa ka ba? Wala naman diba? Tanggapin mo na lang. Yun naman ang bottomline ng lahat e. Tanggapin mo na lang na tapos na. Wala na. Wala na yung happy ending na pinapangarap mo. Kasi bumitaw na sya. Kapag natanggap mo na lahat at natanggal mo na yung galit dyan sa puso mo, pwede ka ng magsimula ulit. 

Magsimula ka ulit sa simula. Balik ka sa startling line. Iwanan ang mga panget na nakaraan. Dalhin ang mga natutunan. Tapos humakbang ka na ulit. Mas maganda kung ikaw na lang. Mas magaan, mas madali. At huwag na huwag mong dadayain ang susunod na laban. Darating ka rin sa finish line. Maghintay 

Smile can capture someone’s heart. Ang ngiti ay isang mamahaling regalo. Hindi ito hinihingi bagkus ito'y kusang ibinibigay. Smile is a treasure. It must be cherished and keep. Sa isang simpleng ngiti mo, may taong gumagaan ang loob. Smile instead of frown for this will make you look younger. Smile can encourage. Smile can uplift. Smile can make you stronger. Smile is a gift from God. Maybe without it, life would be so much painful and miserable. Ang pag-ngiti ay libre lang. Pero mas masarap kapag ito'y nagmumula sa iyong puso. Kaya simulan mo ang araw na may ngiti sa mga labi mo at kasiyahan ang siyang mararansan mo sa buong maghapon.

Sa totoo lang kung parati mong pinopostponed ang pagsasagawa sa mga bagay bagay lalo na kung importante ito dahil lang sa pag-aakalang hindi pa ito ang tamang panahon para gawin mo yun, wag ka nang magtaka kung isang araw wala ka ng pag-asang maisagawa pa yun at wag ka na ring mag oa at magdrama at sasabihin mong wala ka ng chance kasi malamang! Sino ang tangang tutunga lang kung yung opportunity na sana ay nakahain na eh pinalagpas lang? Pinalagpas mo yung chance mo eh. Wag kang humanap ng lusot kung bigo ka na ngayon kasi sa unang takbo ng storya, may chance ka na dapat. Yung opportunity para magawa mo yun eh hindi kailangang hanapin dahil maski ikaw, pwede kang gumawa ng opportunity. Ang tao kasi parating naghihintay sa tamang panahon. Eh kailan ba ang tamang panahon? Kung kailan handa ka na? Kailan ka ba magiging handa? Bukas? Bukas makalawa? No! Ngayon ang tamang panahon. Ngayon mismo kasi sa totoo lang walang tamang panahon at tamang paghahanda sa taong duwag simulan ang bagay na dapat simulan. Kung gusto mong makamit ang mga bagay bagay sa buhay mo, kung gusto mong masabi sa kanya yang nararamdaman mo, dapat ngayon pa lang simulan mo na. Now is the right time para maging handa ka. Wag mong hintaying pati panahon at pagkakataon eh takbuhan ka. Kilos tao, wag tanga.