siligaya

4

HAPPY BIRTHDAY MARY JOY  ”YJOY-GANDA“  BROZO TORING =)))

Actually, hindi ko alam paano ko sisimulan to. Kanina pa ko nakaharap sa computer pero ewan kinakabahan ako hahahahaha parang ewan lang. Ang dami ko kasing gustong sabihin kaso nakakahiya kaya nagssummarize pa ko sa utak habang ginagawa ko to hahaha. 

Alam mo ba Yjoy ikaw lang ang kilala kong sobrang hinhin magsalita, gumalaw o kumilos pero napakakalog at the same time. Paano mo napagsasabay yun? Hahaha! Tska sobrang natutuwa ako kapag nagsasalita ka nang “Hala Camille….” tas mahaba yan, yung parang nasa contest ka ng pahabaan ng happy birthday =)) Kayong dalawa ni Ate Leng ang bait sobra at ang gaan pa kasama. Akala mo yung tahimik lang pero kayang kaya pala sumabay sa lahat ng trip. Ikaw rin ung tipo ng tao na kahit di mo kasalanan, mag-ssorry at mag-ssorry ka. Kung ako siguro yun? Di ko kaya medyo mataas kasi ang pride ko pero nasa lugar naman po hihi. Para ka ring living conscience, yung tipong nakakatakot gumawa ng mali kasi andyan ka para konsensyahin ako/kami yung tipong makita ka lang magsisisi ka na agad sa ginawa mo hahaha. Kilala mo naman si Buling diba? Yung classmate ni Krisha, natutuwa kaya sya sa inyo seryoso tska yung boses mo daw hahaha :)

Matalino ka namang bata kaya sana wag mong hayaang bumagsak mga exams mo (nabasa ko lang), wag kang tutulad sakin hahaha! KIta naman na sweet kang kapatid at anak tska hindi ganun kapasaway kaya ayun pagpatuloy mo lang hahaha.

Nagtataka ako kung bakit kambal kayo ni Ralph, o’nga pala same birthdate pala kayo and I don’t know na kung ano pa hahahaha. Yun, maraming salamat sa mga chikas at pagbabahagi mo sakin. Salamat sa tiwala :) Sana yung Yjoy na makulit at sobrang ingay ay maging masaya talaga, parang may part kasi na hindi dahil sa mga nababasa kong post mo hehe sorry tsismosa. Basta ayun maging masaya ka lang at magiging masaya na rin kaming lahat na nagmamahal sayo. Salamat sa mga kulitan ha! Goodluck, take care and Godbless ganda =)) 

Sardinas o Baboy, Sa Sardinas Ako.

Note: nabura yung una kong ginawa kaya umulit ako. Pakshet.

Unang-una, wag mo ko bigyan ng ganyang titig siligaya, hindi ako nanlalait sa napili kong titulo ng mensahe ko para sayo.

Pangalawa, Kinalkal ko ang aking kukute kaya napagdesisyunan kong wag lang bumati ng simpleng “Happy Birthday” o magpose ng nude pictures mo sabay mensahe sayo, dahil para sa ikalabing walong taong pagkabuhay mo, gusto ko magiwan ng tanong sayo.

Pangatlo, Isasagad ko ang pagiging weird ko para sa mensaheng ito.

Panghuli mula sa introdukyon ko, Maligayang kaarawan, ikaw nga siligaya, isa sa mga nagbigay ng ligaya at kulay sa buhay ko. Dahil dyan, mabuhay ka pa.

Ika nga ni Ani DiFranco “If you’re not getting happier as you get older, then you’re fuckin’ up”. So ang tanong, masaya ka ba? 

Masaya ka ba yjoy? Bilang mga tunay at hindi orocan na mga kaibigan, gusto namin na masaya ka. Sana masaya ka. Pero at the end of the day, kahit isanla pa namin ang kaluluwa namin sa lahat ng demonyo, inumin lahat ng alak na di mo kayang inumin, hithitin ang lahat ng yosi na di mo na kayang hithitin. Ikaw lang ang makakaramdam kung maligaya ka na sa buhay mo. 18 ka na, sana kahit minsan, naging tunay kang masaya.

Balik sa title ko, kung bibigyan kita ng metapora, isa kang sardinas sa katawan ng isang cute baboy. Pasensya na sa mga salitang ginagamit ko. Pero isa kang sardinas. Bilang sardinas, alam mo ba na kapag ginoogle mo ang salitang “Sardines” ay malalaman mong bilang isang isdang mamantika, ikaw ay nagawaran ng isang website bilang “world’s healthiest food” Oo, sardinas ka lang sa paningin nila, pero kung para sa akin, ikaw ang magpapalusog sa buhay ko, tatanggapin kita kahit sa hot and spicy ka pang delata nakalagay.

Bilang sardinas, napasaya mo ako. Kumakain lang ako ng sardinas, kapag walang makain dito sa bahay… Yung tipong “no choice”, Parang sa totoong buhay, ikaw ang nagiging takbuhan ko pag-pinaka wasak ako at wala na kong masabihan. Dahil dyan, salamat.

Too much for the sardinas talk, isa ka ring cute na baboy. Ang cute mo. Para kang biik sa kakulitan. Para kang baboy na maharot. Ibang klaseng entity ang braso mo. Ang cute ng kilos mo. Ang biik ng boses mo. Pero kahit gaano ka man kababoy sa kanila, para sa akin, cute kang biik. Hindi ka baboy. At bilang isang cute na biik, aalagaan kita. GIANT SLASH. NAMIN.

So balik na ko sa pinakatanong ko. Masaya ka ba? Masaya ka ba kahit na napakahaba ng mensahe kong simple lang naman sana pero pinakumplikado ko para nagsabi na nag-effort ako? Masaya ka ba sa mga nangyayare sayo. Ikaw lang ang makakasagot. Pero bilang pangwakas. Lasapin mo ang maala Coco Martin kong katawan sa mabasa mong panaginip para sumaya ka. Muli. Maligayang kaarawan. Maging masaya ka!

Hulyo 07, 2015

COC

Martes. Nagkita-kita ulit ang magkakaibigang sina Tamara, Kaloy at Ligaya sa may tapat ng COC habang inaantay si Katarina. Ang daming napag-usapan tungkol sa mga bagay-bagay. Maya-maya’y pumasok ulit ng campus itong si Kaloy at saka naman dumating si Katarina. Ilang oras din ang kanilang inantay para sa muling pagbabalik ni Kaloy hanggang sa dumilim ang ulap at bumuhos ang malakas na ulan.

Non-verbatim: Katarina to Kaloy on the phone - “Hoy! *insertmalutongnamurahere* wag kang maga-aylabyu aylabyu samin! Pinag-aantay mo kami, ang lakas na ng ulan!”

JOLLIBEE PUREZA

Maya-maya pa’y dumating na rin si Kaloy at sila’y dumiretso ng Jollibee, Pureza upang kumain at doon na rin ang tagpuan nina Katarina at O’Cean. Nang dumating na sa may Jollibee, Pureza, ayon na…

  • Tinapos ang pagkain na libre nina Katarina at O’Cean (tila sila’y mga magulang nina Kaloy, Ligaya at Tamara).
  • Nang natapos sa pagkain, napagdesisyunang umalis na at pumunta munang CR tong si Tamara upang sumuka.
  • Nung paglabas ni Tamara, napansin niya ang mga mukha ng mga kaibigan na tila di maipinta. Binastos pala sila ng Gwardiya ng Jollibee, Pureza.
  • Nag-iinit na ang ulo nina Ligaya at Katarina kaya nung paglabas nila ng gate ng Jobi, itong si Ligaya ay di na napigilan ang dismayang nasaksihan mula sa kagagawan ng Gwardiyang walang karispe-rispeto sa mga customer.
  • “BASTOS KA!” sigaw ni Ligaya sa Gwardiya nang siya’y tinalikuran nito. (Pano kasi, itong gwardiya, tinititigan raw sila ng masama sabay tapon ng kung anung bagay sa harapan nila. Bastos tingnan. Bastos.)

SM STA MESA

Naglakad na lamang sina Tamara, Kaloy, Ligaya, Katarina at O’cean papuntang SM sapagkat wala silang masakyan ng mga oras na ‘yon. Tuloy pa rin ang pagpatak ng ulan at sobrang traffic pa. Tumambay muna sila sa Mall na iyon hanggang sa may nasakyan na silang isang Taxi papuntang Cubao.

Hindi boring ang byahe nang mga oras na iyon para sa kanila dahil ang driver ng taxi ay nakikipagtuwaan rin sa kanila. Kahit pa sobrang traffic ang kanilang hinarap, ay hindi naman ito naging dahilan para sila’y ma-bored.

AURORA FOOTBRIDGE: LQ

Habang sila’y nasa may Cubao na, bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin mula kay Katarina at O’Cean. Ito namang si Katarina ay biglaang bumaba ng sasakyan at kumaripas ng takbo habang ang ulan ay bumubuhos pa rin. Hinabol siya ng mga kaibigan at kinausap si O’Cean kung ano ba ang nangyari dahil wala ni isa kina Kaloy, Ligaya at Tamara ang nakapansin sa namumuong sigalot sa pagitan nilang dalawa sa loob ng taxi. 

Habang tinatawid ang Aurora Footbridge, nabigla na lamang si Tamara sa nasaksihan sa baba ng hagdanan nito. Si Katarina ay nagwawaras at pinagsisisira ang payong na pinapaabot ni O’Sean para sa kanya na pinahawak kay Kaloy. Maski sina Kaloy at Ligaya ay nagulat din sa ginawang ito ni Katarina. At nung pagbaba nina Tamara at O’Cean, hindi pa nakuntento si Katarina at pinulot ang sirang payong at itinapon iyon sa kalsada. Muntik pang matamaan ang naka-motor single. HA-HA-HA!

Dahil sa nangyari, sinubukang kausapin ni O’Cean si Katarina kung ano nga ba ang problema. “Hwag kang Lalapit, putang ina mo!!!” sigaw ni Katarina kay O’Cean. Ang tatlong kaibigan na sina Tamara, Kaloy at Ligaya ay hindi na alam kung saan ilulugar ang kanilang mga sarili. Kinausap ni Ligaya si O’Cean at pinauwi na muna ito at sila na raw ang bahala kay Katarina. Nang naglalakad na si O’Sean, ito namang si Katarina ay humirit pa! Aba’y hinabol si O’Cean at binato ang kaniyang telepono. Muntikan nang matamaan no’n si O’Cean. Dahil sa labis na pagkabigla nina Kaloy, Tamara at Ligaya sa ginawa ni Katarina, kinuha nina Tamara at Ligaya ang telepono ni Katarina at himala! Ito’y buhay na buhay pa!

ROYAL

Dahil sa mga nakakabiglang pangyayari at Lover’s Quarrel, hinatid ng tatlong kaibigan si Ligaya sa sakayan. Habang naglalakad pauwi ang tatlo, natanong ni Katarina si Tamara kung nasaan ang kaniyang telepono. So meaning… Wala silang magawa kundi ang sumunod kay Ligaya at sila’y sumakay ulit ng Taxi.

Naunang dumating sa may Royal sina Kaloy, Tamara at Katarina at inaantay ang na-trap sa traffic na si Ligaya. siligaya

“Sana pala, bumaba na lang ako” ani ni Ligaya nang siya’y dumating at iniabot ang teleponong napulot kay Katarina. Pinagsabihan rin niya si Katarina na hindi tama ang mga nagawa niya lalo na’t naroroon sila nina Tamara at Kaloy at natunghayan ang buong pangyayari. Pinagsisisihan rin iyon ni Katarina. Matapos ang buong pangyayari, napagpasiyahan na rin nilang umuwi. 

Ilang linggo rin silang hindi naging buo at ngayon, isang buong araw na naman nang masayang karanasan ang kanilang napagsamahan.

MERJ.

Kung mapapansin niyo, halos walang saysay sina Tamara at Kaloy sa kwentong ito. HAHAHAHA!