sige ako na

me: ben…

ben: ano yun?

me: bili ka chippy, please? saka coke. 

ben: tataba ka lalo. ang taba mo na!

me: pero diba mahal mo ako? sige na!

ben: …………..

JaDine…………

Mocha Uson…………

Alma Moreno……………

Iniisip ko pa lang na ako lang papasok sa thesis ngayon parang ayoko na lang pala pumasok huhu. Bakit ba kasi ako committee head???? Kayo na lang mag ayos at mag finalize ng exhibit auq na fam nakakastress kayo :( dalhin nyo si justin bieber or si crushie sa meeting tapos sige ppasok na ako agad. :(((( katamad pls mahal na mahal ko pa bed ko

3 am kemerut kemerla

naiisip ko kung anong kami in case magkaron ng kami. nagkakaron ako ng conversations sa utak ko na sobrang impossible naman mangyari. hay magugustuhan kaya ako ni kyle ever??? magkakaron kaya kami ng chance together??? awuw rhyming bes haha pero kidding aside, ang dami kong pangarap para sa'min na akala mo naman matutuloy. pero sige push na natin, ako lang naman may alam tsaka pangarap lang din naman HAHA wala naman masama mag-imagine di ba na one day, finally, mahal niya na ko. and yung kind ng love na sufficient para mag grow kami together and mag stay kami sa isa’t isa against odds ganon kasi i’ve always believed in his capabilities haha sana thats the love he’ll give pero kung hindi edi ok lang

so ayun naiisip ko pano kaya kami pag mag-away kami, ano kaya pag-aawayan namin? magbabangayan ba kami or pagbibigyan niya ko na parang nature niya? sasabayan niya ba galit ko or mananahimik siya hanggang kumalma na ko? pag magagalit kaya sya sakin, ano kaya dahilan? pano kaya namin lambingin isa’t isa? pda kaya kami? eh pano pag magpapaalam siya lumabas, susuyuin kaya nya muna ako or sasabihan nalang ako basta-basta? papayag kaya ako? pupunta ba sya ng ceu paminsan minsan?? papakilala nya kaya ako sa parents nya? magustuhan kaya ako nila tito tsaka tita? mapapadalas kaya siya dito sa bahay na maging close niya na sila mama? uhm inom kaya kami lagi?? or kain??? or stay home nalang kasi kuripot kami parehas eh? manunuod ba kami sa sinehan or magdodownload nalang kami torrent?? manunuod ba ko ng basketball games nya? sino kaya mas mapride samin?? sino kaya mas sweet tsaka clingy?? seloso ba sya? selosa ba ko? may tiwala ba kami sa isa’t isa?? may load ba kami lagi?? HAHA endless possibilities di ba, pero sobrang impossible din haha hay ang saya mangarap at magpanggap na parang meron, kahit wala haha hay sana may tayo

Bat ganun? Marinig lang ng nanay ko mga hinaing ko sa buhay sasabihin na niya agad na sinisira ko araw niya? Hahahaha edi sige ako na mag-aadjust. I won’t talk about some shit anymore. Hahaha 🙃

so ayon nga guys diba nawala ako saglit dito sa tumblr tapos sumali ako sa isang conference call sa messenger na mga tumblr peeps din yung nasa group tapos ang saya lang, bumalik yung tumblr feels ko dati yung mga madaling araw na matutulog kasi may mga ka-tc pa tapos may mga kausap pa tapos tawa lang nang tawa and sobrang na-feel kong welcome ako dito sa gc na to huhu and walang halong ka-famewhoran silang lahat ganon. haha! namimiss ko tuloy yung mga tao dati dito sa tumblr. nakakamiss lahat! wooh! thanks sa mga tao dun alam nyo na kung sino kayo ♥️


sige tulog na ako. bukas ulet ✨

Memorable Conversations

“Conversation w/ my Mama”

Mama: Nak!
Ako: Bakit?
Mama: Bili ka na ng bagong cellphone.
Ako: Anong cellphone?
Mama: iPhone 7, bili ka na nun nak!
Ako: Kulang pa pera ko ma huhuhu
Mama: Sige na, Akin mo ipapamana yang cellphone mo eh.
Ako: Nako Ma! Hahahahaah


“Conversation w/ my Lola”

Lola: Nicolas!
Ako: Nay!
Lola: Maghugas ka na ng pinggan.
Ako: Hala Nay! Ako na naghugas kanina ah. Bakit ako ulit?
Lola: Ikaw napakatamad mo! Akala mo mamamatay ka sa paghugas niyan. Kung ako nga pagod na pagod kakalinis ng bahay paghugas pang pinggan kinatatamaran mo pa Nicolas!
Ako: Sige na Nay, maupo ka na at magfb ka na. Hahaba lang tayo eh ahhahaah
Lola: Buti alam mo.


“Conversation w/ my Tita”

Tita: Anong year mo na sa pasukan?
Ako: 3rd year na Ate.
Tita: 2 years nalang? Magtake ka ng med course ulit o kaya mag take ka ng NMAT.
Ako: Sige po try ko po kung kaya pa hehe
Tita: Sige ako bahala sa'yo.
Ako: Thank you Ate hahaha
Tita: Oo mag-aral ka ulit para dito ka na rin tumira sa UK kasama namin.
Ako: Hahahaah sige po.


Ang swerte ko dahil may tatlo akong nanay sa buhay ko. Happy Mothers Day po!

ohshayt  asked:

1, 6,7, 8, 10, 13, 16. Hello, Ate! :-----)

1: The meaning behind my url: gusto ko noon na tagalog ung url ko na relatable hahahaha

6: Favorite band: A ROCKET TO THE MOON (iyak na ko)

7: Biggest turn offs: being rude to people

8: Top 5 (insert subject): top 5 na ano po? sige ako na lang magsasabi. top5 places i wanna go to before i die: Disneyland (wherever), Australia, Europe, Africa, NYC 

10. Biggest turn ons: Genuine kindness, ung mabango huhu, great hair and smile, humor

13: Life goal: to be God’s victory in human form

16. Favorite movie: for now it’s Mona Lisa Smile

HELLOOOO :3

sabi ng tita ko dito muna ako kasi uuwi silang mindoro next week at wala kasama si lola plus, maglilinis din kami ng aftermath ng fiesta. nagdadalawang isip talaga ako eh kasi uhm ?? walang internet talaga at tinatamad ako maglaba ng damit ko kasi wala nang damit huhu. sabi pa nya, dito na lang daw ako sa balayan tas swelduhan daw nya ako. heller, sino ba ako para makatanggi sa biyaya ni Lord? hahahahahaha so sige, tigil na lang ako dito at magmumuni muni sa life.

ps. probinsya lyf is the best.
pps. sobrang init talaga dito kingina :(

MGA BAYANI HIGHSCHOOL AU PART THREE

ETO NA. ETO NA YUNG INTENSE. MEDYO SERYOSO MGA POV NI MIONG AT POLE KASI ALAM NYO NAMAN SILA.

feat. crying Juan, Bastardo–este Mascardo, ang pinAKAHINIHINTAY NA MABINALDO, Rusca the genius, memorizing, favorite word ni heneral

MAS MAHABA KAYSA SA IBA

Part 3 of 4

Part one here, part two here

————————————-

Pole was a controlled person. Pole did not have extreme fits of emotion. Even in the first days of his paralysis, he had plowed relentlessly forward, burying himself in books and math problems to ignore the problem at hand until it didn’t sting anymore. Emotion never had an effect in his life.

Except now.

Pole was clenching his fists so hard he was certain his nails would tear through. He wasn’t sure if it was because of anger or annoyance or because he wanted to keep his hands from shaking.

“Kala ko ba wheelchair lang hihingiin nyo sa’kin?” He demanded of Paco. His voice was at the usual volume, but even a deaf man could hear the spite in his voice.

Paco looked nervous. “Kasi… ikaw talaga yung nasa isip namin nang sinulat namin si Paul. Matalino. Tahimik. Medyo malamig.”

“At lumpo.” Pole heard the bitterness in his voice. True, Paul was like him—not only in disability but in character and in story. ‘Brothers that never understood,’ the script had read, ‘a life that had been ripped away from him.’ Reading it had been a burden; how could they expect him to act it out?! It made the insecurities he desperately tried to bury reappear.

“Grades nalang isipin mo,” Rusca said from beside Paco. “Ako naman si Ethan, e!”

Is that supposed to be incentive? Pole wanted to quip, but decided not to. He sighed. Proyekto lang ‘to. Kailan ko ba sinimulan na hayaan ang emosyon na kontrolin ako? “Sige na nga,” Pole said reluctantly. “Pero Rusca—gaganap ka din? Hindi ba’t ikaw ang mag-e-edit ng footage pagkatapos?”

Rusca frowned. “Oo nga no.” Ngayon mo lang natanto ‘yan?! “E, bahala na! Basta ipraktis mo yung linya. Filming ngayong Sabado sa bahay ni Tonio, ipapahiram daw tayo ng kuya nya ng equipment!”

“Nasa film industry kasi kuya nya,” Paco explained to him. “O sige, mauna na kami.” He grabbed his blue jansport and swung it over his shoulder. “Kita-kits sa Sabado!” he called as the two of them ran to the exit.

Pole sighed and wheeled his chair to look at Miong. As the two of them were class officers, they always stayed behind after dismissal. What was a customary peaceful time to relax—Miong usually opened the windows to let in cool late afternoon breeze—was destroyed when Paco bombarded him with the issue.

“Baba na din tayo,” Pole said, wheeling towards the windows and closing the ones he could reach. Miong did the same, and as Pole studied him he noticed the distressed furrow of his brows. “Bakit?” he asked, concerned.

“Parang wala kasi akong,” the last window closed with a clack, “magagawa sa Sabado.”

“Mapalad ka dahil dyan,” Pole said drolly, and Miong chuckled. “Pupunta ka pa ba sa Sabado?” He really wondered about that. As of yet, Miong had not been assigned any work.

“Syempre,” Miong said, and pushed Pole’s wheelchair—something he’d been doing so much lately that Pole didn’t bother to protest. They exited the classroom together and Miong shut the door behind him. “Kailangan mo ng kasama.”

Rusca’s pressed himself against the wall as craned his neck, trying to look at his proclaimed ‘otp ng bayan’. “Nagdadamoves na yata ang isang ‘to,” he told Paco.

Paco just sighed and dragged Rusca to the stairs before the two could see them.

Saturday morning looked promising. The sky was covered in dark clouds and the wind was strong. They’d lose the sun soon, which was why Luna called them to get here ASAP. Miong obliged, but one tiny detail caught him off guard.

“Ito yung… bahay ni Luna?” Miong asked, and he couldn’t remove the bewilderment in his voice.

Ng mga Luna,” Pole corrected, though there was amusement in his voice. No doubt it was because he could see Miong’s expression.

Really, Miong wasn’t sure what he expected. A castle and a moat? A fort? With how frightening he looked, Miong wouldn’t have been surprised if Luna slept upside down in a cave like a bat.

But he didn’t expect the most warm-looking, almost-a-mansion house with an elegant gate painted gold, a garden and a pit bull that was looking at the two of them, wagging its tail. There was Paco and Luna, with a taller man who was probably his elder brother, organizing a light stand and two cameras. Joven appeared from behind a shed, papers that were probably the scripts in his hands. He noticed them outside the gate, rushed and opened it for them.

“Ayos!” Joven said. “Si Rusca nalang, at pwede na tayong magsimula!”

Rusca, the other lead. Miong grit his teeth. I hope he’s late.

Keep reading

Spirit of the Coin pt. 1 of 4

Title: Spirit of the Coin ft. Mabinaldo, Gresca & Bonizal 

Part 2

Halloween na daw kasi. Mandatory katatakutan/kalokohan fic. Anyways, inspired sa mga kalokohan sa chat room doon sa may chatzy ng Hen Luna fandom dati pa. 

Wala talagang established AU itong fic na ‘to. Basta Modern AU. Isipin niyo na lang na para siyang skit sa Bubble Gang o kagaya sa Ilustrado problems para masaya. Obvious naman siguro na medyo crack-fic ‘to siguro? Anyways, pagkatapos nito babalik nako sa mga fics kong iba.

WARNING: May mga usapang lasing kaya may mga part na puro mura at kalokohan


Sabi nila ang mga lasing daw ang may mga pinakamagagandang ideya. Ang Roman Coliseum, ang mga brief at panty, pati na rin ang pag-inom ng gatas mula sa mga kalabaw ay ang mga halimbawa ng mga ideya ng isang taong nakasobra na ng alak sa katawan.

At least, iyon ang sabi ni Rusca sa mga kapwa kainuman.

Keep reading

up diliman profs au part 2

Carmina Templonuevo posted in UP Profs To Pick: Hello mga kapwa iskolar! How’s DEL PILAR, GREGORIO for Philo1?

Fernanda Zobel commented: Use protection.

Maria Torres commented: laude bago landi, oy.

Serafina Manalastas commented: wag kang maniwala na mahal ka niya

Francesca Santos commented: kwatro o kwarto, pero madalas kwarto o kwarto.

Josephine Dlcrz commented: ‘Wag mong ipapakilala sa nanay mo.

Laura Belle commented: SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANINIWALA AKONG #WALANGFOREVER


Tinitigan ni Joven ang pahina sa laptop niya. Malabo ang comments pero kahit ano pang sabihin nila, wala na siyang magagawa. Eh nasa form 5 niya na eh.

Sabi nga ni Manuel, maswerte na siyang nakakuha siya ng Philo1 sa unang semestre niya sa unibersidad, dahil pag lumaon, baka ibenta niya na ang kaluluwa niya sa demonyo para lang makakuha ng units. O kaya makipag-barter kay Sidapa.

Devil in disguise. Akala mo anghel. Siya palang demonyito, sabi ng isang Daniela Matutina sa parehong thread.

Parang gusto nang mag-drop ni Joven, kaso wala sa bokabularyo niya at ng pamilya Hernando ang pagsuko. Sinimulan mo? Tatapusin mo. Ito ang panata ng pamilya nila sa kahit anong bagay.

Tuesday na bukas. Sana pumasok na ang prof sa klase. Isang linggo na silang free cut sa Philo1. At hindi man lang napansin ni Joven na puro babae ang nagcomment.

Keep reading

Just.

“The sudden change of Elmo. Why?”

“Si Julie kase, pabebe.”

“Kasalanan na naman ni Mudang.”

“Mga reklamador na faney.”

“Bwiset, bwiset.”

“Ibalik ang JuliElmo.”

Nabasa ko somewhere. Narinig ko. Basta. I don’t know. Do I have to agree?

A part of me says, yes. Majority will, too.

Is it right?

A part of me says, yes. Majority will, think.

Why? Majority knows how to think. It may not be alike, but, most use their heads. Most of the time.

Kilala ko ang mga fans ng JuliElmo. I may follow few but I know most of the solids. Lalo yung mga matagal na.

“Just.”

It’s a form of agreeing and whatnots. It’s reasonable and it’s proper. I write because I think I’m writing what is right. Well, as per me, is right. Right?

All of the time pag may nangyayaring mali or hindi maganda, unang ginagawa ng tao ay humanap ng sisisihin. That’s the usual. Sakit na natin yan. Gusto ko lang sanang magpaliwanag.

Elmo Magalona - - yung lalaking laging nasisisi.

There is this someone who told me na hayaan na natin si Moe kase, he’s doing this for himself. Para sa career niya. Which I think is right. This is a make or break for him. Here comes Janine Gutierrez, a new love team was form. Maraming tutol —- JuliElmo fans. And when I say marami, lahat ng solid yan. Elmo is or was doing what he’s doing because he was told. It happens na may mga taong labas sa fandom ang somewhat may naramdaman when they’re seeing Elmo and Janine together. For certain, that made them happy. Kapag ba may masayang tao, dapat naging ipagkait yon? Hindi di ba? Kaya lang, at kaso lang, may iba namang nasasaktan. Nasasaktan in a way na yung happiness naman nila yung nagiging kapalit para maging masaya yung iba —- JuliElmo fans.

Other’s happiness. What about us?

Julie Anne San Jose — yung babaeng tiga-salo ng lahat.

I always read how thankful they are to her kasi lagi silang pinagtatangol. Para sa image niya, she have do it. Hindi lang dahil mahal niya ang fans niya. Pero, don’t get me wrong, it’s always a plus point to Julie na pinapakita at pinaparamdam niyang mahal niya ang fans niya. Simula nung nakilala si Julie, wala siyang make or break. Because, she always make it. Unlike Elmo na at some point nawala sa circulation, which is his choice. Kristoffer Martin came, and there are so many things happen. May mga tumutol — some of the JuliElmo fans. And I mean, hindi lahat. Marami ang nasaktan, may ibang tinanggap. That’s because, that’s how they love the girl. And, it’s fine, it’s pretty fine.

But, let’s talk about being fair.

Sa love, sabi nila, walang pantay-pantay. Laging may mas. But, what’s good in loving is that, you never measure it. Sa paghanga, sa pag-idolo, ganon din. Laging may mas hihigit. Unang-una, babae si Julie at lalakki si Elmo. Papa-alala ko lang, in case nakalimutan niyo.

Being the girl, it’s a natural thing na mas appreciative, thankful at vocal sa nararamdaman niya si Julie. Spare Elmo with “Oh, that username is familiar.” Hindi imposibleng kilala ka ni Elmo pero maliit ang chance. Spare Elmo with replying to your non-sense tweets just to show how valued you are to him. Spare Elmo in everything you expect him to be because Julie is like this and that. Hindi dapat si Elmo ang sisihin niyo. Hindi rin si Julie ang pwedeng sisihin kung lagi na lang tama ang nakikita ng karamihan sa ginagawa niya. Anong ibig kong sabihin?

Stop comparing. Wag mo silang i-kompara sa Tagalog, para mas intense.

First, it’s unfair. Second, it’s just not fair. And third, it’s really not fair.

In the first place. Magkaiba sila. Sa totoong buhay, magkaibang-magkaiba sila. Nang lifestyle, nang ways. Na kahit nga sa fanfiction, may mga ganong factors na naglalagay ng pagitan sakanila.

Actually.

Actually, actually. Pang-artista lang yan. Actually, sila na daw. Janine and Elmo is now an item. Isa lang ang isasagot ko. “Balikan mo ako after ng Villa Quintana.” It’s my way of saying, sa ngayon, hindi ako naniniwala.

Promo - promo - promo.

Madaya kayo eh. Kapag kay Julie, “She looks happy, sige na nga.” E kapag kay Elmo, “Promo na naman yan.” Jeskelerd. Kawawang Elmo. Alam niyo kung bakit kayo ganyan? Ito, makinig ka.

Most of the time, sa ganitong sitwasyon, lalaki yung kailangan mag-effort. Lalaki yung kailangan mag-effort. Delikadesa para sa babae, effort para sa lalaki.

Natatandaan niyo pa ba sa Leandro na dapat ka-third party lang na naging leading man bigla? May promo act din yon. Yung may akbay pa. Yung may nililigawan na daw yung bagong ka-loveteam niya. Yung mga ganon. Tanda mo pa? Malas lang nila, patay na bata si Julie Anne. Ewan ko ba, kinulang yung promo nila kase si Julie mismo, hindi nakipag-cooperate. Baka kasi may magalit. Hoy. Wag kang kiligin friend, yung magagalit? Yung parents niya, friend. Wag kang assuming.

Problema lang kay Lynette, game din siya. Effort si Elmo, effort din si Janine. Kaya ka naiinis. Pabayaan mo. Hintayin mong matapos, kapag ganon pa rin, dun ka na mawalan ng pakialam. Kung yun ang gusto mo.

Ako? Maiinis lang ako kapag naramdaman kong Julie’s trying para maibalik yung dati, pero aayaw si Elmo. Or vice-versa. Yun yung instance na mawawala yung pagkapit ko.

Yun lang.

Pia Magalona —- yung …

Hindi ko alam. I just don’t know kung bakit most of the time nasisisi din siya. Sagot ko na lang, “Hindi naman natin alam yung totoo.” para matapos lang.

The JuliElmo faneys —- yung mga biktima.

Naawa ako sa faneys. Laging sila yung kawawa. Laging sila yung mali. Pero, hindi rin sila yung dapat sisihin. Wala naman silang ginawa kundi humiling na sana pagsamahin ulit yung dalawa. Yun lang masaya na sila. Nandiyan pa rin yung karamihan, naghihintay. Sumusuporta pero hindi na agad-agad naniniwala. Masakit din naman ang paasahin di ba? Masisisi niyo ba kame? Hindi, di ba?

And what about our own happiness?

Choose your happiness. Julie and Elmo being together happens to be that happiness. Paano kame magiging masaya?

What hurt us?

Yung parang nakalimutan na nila yung isa’t-isa. Akala mo tuloy hindi sila magkakilala. Why is it so hard to reply sa mga tweets ng isa’t-isa? Yung tipong magre-reply ang isa sakanila na naka-tag silang dalawa, pero aalisin yung username ng isa. Bigla ka na lang mapapatanong, “Bakit? May nagbabawal ba?” That moment na they don’t dare liking each other’s Instagram post kahit in the first place like-able naman yon. “Bakit? Makakasira ba ng image?”

Bakit ang dami kong tanong?

Bakit walang sagot?

Isa lang ang gusto kong sisihin.

Ang GMA.

Bakit hindi sila marunong magpahalaga? Bakit hindi nila kayang ipakitang thankful sila sa mga sumusuporta? Bakit everytime na nasa pick ng kasikatan ang isang artista o loveteam, pilit nilang hinihila pababa? Bakit hindi nila kayang pagbigyan ang fans? Bakit ang hilig nilang mag-experiment? Bakit hindi sila marunong tumupad ng pangako? Bakit?

Quantity over power.

JuliElmo fans. Kahit sobrang dami natin we can’t over-power them. Because, they have the power, ganun kasimple. Kahit pa sabihing ginagawa nila ‘to para sa fans. Pero, mali sila. Maling-mali.

Alam mo yung nandon na eh. Biggest rival na ng iba pang loveteam, mapa-GMA man or ABS-CBN. JuliElmo na yun eh. Tapos biglang gumanon eh. Biglang pinaghiwalay. Anong initial reaction mo?

“Ayy. Ang lakas maka-putangina.”

Ano yung sayo? I-reply mo nga dito. Gusto ko lang malaman. Malay mo, mag-post ulit ako.

As a fan, gusto ko yung pinagbibigyan. Yun bang bigay-hilig. Tulad sa KathNiel. Sige na, aamin na ako. Naiinggit ako sa fandom na meron sila. Hindi dahil sa bond nila or what. Mas higit tayo don, alam ko. Pero yung suportang meron sila from the network, yun yung nakaka-inggit.

Hindi lang naman sila sa JuliElmo ganito eh. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang paghiwalayan? Tapos, after a year or si, ibabalik din nila? Ano? Para pag-usapan. Ano? Para mapa-ayyiiee yung mga tao? Ano? Para instant issue?

Tanga. Nauubos na ang mga fans. Napapagod na sila. Sumusuko na. At yung iba, pinipiling makalimot at mag-move on at iba na lang ang suportahan.

It’s always too late, GMA, para sa mga ganyang actions. Always.

Sana balang araw, magising na ang GMA. Sana balang araw, maintindihan nila kung paano nila pinapagulo ang lahat.

Sabi ko nga, sa lahat ng oras, when something’s not right, sakit na natin ang manisi. So, ako? GMA ang gusto kong sisihin sa lahat ng ito.

I’m not playing safe, I’m being myself.

The jeje network, d3$èRvEś j3jÊ fÄn$.

But, that’s not us.

We are classy, and we think what’s right.

What’s just.

Patigasan na lang kami ng GMA. Kung ayaw nilang ibalik ang JuliElmo, hindi ko ipagpipilitan. Kung ayaw nila, edi wag.

Bibili ako ng sariling network and ipu-push ang gusto ko.

I’m classy, and I think I am right.

Meng —

Xian Lim @ Bandila 01-22-14
— 

Fast talk: 

Tito Boy: Sinong mas kuripot?                                                     

Xian: Ako

Tito Boy: mas  matakaw?      

Xian: Ako parin..

 Tito Boy: makulit?

Xian: kaming dalawa

Tito Boy: sinong matiyaga?  

Xian: a.Ako..syempre kaming dalawa*sabay tingin sa camera*

Tito Boy: sinong mas adventurous?

Xian: Siya

 Tito Boy: predictable?

Xian: siya

Tito Boy: Who’s vain ?

Xian.. Naku! magagalit yun siya.. babatukan ako nun, sige nga Ako na nga..*laughs*

Tito Boy: short-tempered?

Xian: Ahh..Naku! Kunin ko na lang rin *sabay kamot ng ulo*

ANSWEET NI XIAN KAY KIM!!

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 8

“Arch. Magalona, this is Engr. Aldrin Cruz.” Sir Felix said as he introduced Elmo to the guy beside him.

“Elmo?!” gulat na sabi nito. Halatang nagulat si Sir Felix na kilala siya ni Aldrin.

“Aldrin!” bati niya and offered his hand for a shake. He took it pero sinabayan niya ng yakap sa binata.

“Anak ng. Architect ka na nga palang mokong ka!” he excitedly said.

“Hahaha. At ikaw Engineer ka na.” Elmo said.

“Uhm…” Sir Felix cleared his throat at dun pa lang kumalas si Aldrin.

“Sir Felix, I’ve known this guy since high school. Bestfriends kami nun.” paliwanag ni Elmo.

“Yup! Partners in crime.” Aldrin added. Natawa naman si Sir Felix.

“Mabuti naman na magkakilala na po kayong dalawa. Atleast madali na makatrabaho ang isa’t isa.” he said.

“Opo.” sabay na sabi nila ni Aldrin. Tumango na si Sir Felix at dahil nga magkaibigan na sila ni Aldrin, siya na ang nagtour sa kanya sa resort na ginagawa.

“Brad, tagal mong nawala ah. After high school nagvanish kang parang bula.” Elmo told him. Napayuko na lang siya tsaka natawa.

“Eh paano, mom wanted me to study in London. Ayun. Right after graduation, lumipad agad kami papunta dun. Di na nga ako nakapagpaalam sa barkada eh.” he said.

“Oo. Buti alam mong may utang ka sa amin. Hahaha.”

“Kamusta ka na dude?” he asked all of a sudden.

“Hm. Ayos naman.”

“Sila tito?”

“Ayun. Still in Canada. Pero this time permanent na. Diba kasi dati they come home often? Pero after Frank graduated in college and before I start college, umalis na sila.”

“Naiwan ka dito?” he asked.

“Yeah.” Elmo answered.

“Hindi ka na ba binubugbog ni tito?” he asked seriously. Napayuko ako. “Uy dude pasensya na. Alam mo namang concerned lang ako sayo. Para tayong kambal eh. Kaya inaalala ko lang.”

“Nasa Canada na siya. He can’t hurt me anymore.” he answered.

“Good to know.” tipid na sagot naman ni Aldrin.

They roamed around the site, going to different parts of the resort at ipinakita rin ni Elmo ang scale model sa kaibigan. How the resort would look like once it’s finished.

“Iba ka talaga, Moe. Lawak ng imagination mo.” he said as he stared at the model in front of them.

“Haha. Inspired lang.” Elmo said at napangiti pa ito. Aldrin looked at him, curiosity evident in his eyes.

“Inspired?” he asked. Napailing na lang si Elmo at napangiti.

“Hm. Busy ka ba on Saturday?” Elmo asked.

“Bakit? Wala namang trabaho nun.”

“May utang ka pa sa akin na libre nung high school. Akala mo ha.”

“Tss. Ikaw talaga basta utang di mo nakakalimutan eno?” nagtawanan silang dalawa.

“Naman. Ako pa?”

“Fine. Dinner’s on me then.” tumango na lang si Elmo at saka na siya tinapik sa likod.

“Sige. I’ll go ahead na. May pupuntahan pa ko. If you need anything, sabihan mo lang si Sir Felix. Okay?”

“Sige. Salamat dude.”

*****

5pm na at hindi niya pa rin tapos ang article na sinusulat niya. Ito kasi ang hatest part niya sa trabaho. Ang magsulat ng magandang article for the month of love. Samahan pa ng sakit ng puson niya.

“Friend, ang nguso nakakatusok sa tulis.” nagulat siya nang makita si Sef sa office niya.

“Tsk.”

“Ay. Bad mood si bff. Te, time of the month mo?” tanong nito sabay lapag ng kape sa mesa ng kaibigan. “Oh. Coffee mo, pampakalma.” he added.

“Go away.” she said as she waves him off.

“Ts. Time of the month nga. First day?” he asked.

“Second.” she answered.

“Ay! Sakit? As in ouch ouch ever so bongga?” tumango na lang si Julie at saka na sinubsob ang ulo sa desk niya.

“Bakla ang sakiiiiit!!!” she cried while clutching her lower abdomen.

“What happened?” nagulat ang dalawa when they saw Elmo standing by the door.

“Anditey na si suitor. Ayan oh. Annoying period ang friendship ko.” Sef replied. Agad namang lumapit si Elmo sa kanya.

“You want to go home?” he asked pero hindi siya pinapansin ni Julie.

“Ang arte mo, bff. Hmp! Diyan na nga kayo. Gorabels na akiz. Byiee!” at saka na lumabas si Sef sa office.

“Julie…” Elmo called.

“Bakit ka andito? Akala ko ba late ka na makakauwi?” she asked.

“Nagpaalam agad ako sa trabaho. Bawal na ba kita puntahan?” hindi naman kumibo si Julie. “Nagsisimula pa lang ako manligaw mukhang basted na agad ako.” he said to himself. Julie stifled her laughter dahil gusto niyang asarin muna si Elmo. Sumeryoso siya ng mukha at saka humarap kay Elmo.

“Oo. Babastedin na agad kita. Nanliligaw ka pa nga lang wala ka nang oras saken. Pano pa kung sagutin kita?” she said seriously pero sa totoo lang natatawa na siya. She saw how his eyes grew wide at saka ito napayuko.

“S-sorry. Sige I’ll make time for you promise. As in ibibigay ko lahat ng time ko for you. Sorry na Jules. Wag ka na magalit please?” pag-alo ni Elmo sa kanya.

“Hahahahaha.” she started laughing hard. Mukha kasing takot na takot si Elmo at halatang kinabahan sa sinabi niya.

“B-bakit?” he asked.

“Ang kulit kasi ng itsura mo. Tapos mukhang nakakita ng multo sa putla. Hahahahaha.”

“Tss. Ganyan ka? Pinagttripan mo ko ha?” sinimulan namang kilitiin ni Elmo sa tagiliran si Julie.

“Hahahaha. Elmo stop! Ano ba?!” napataas ang boses ni Julie. “Tsk. Naman kasi eh.”

“Oh. Mood swings?” he asked.

“Tsk. Umuwi ka na nga!”

“Hala na. Bakit? Tumatawa ka lang kanina ah.”

“Pwede? Masakit puson ko. Uwi na dun.” she said.

“Ay. Kaya pala. Stop that first. Halika na.” he said. Hinawakan niya ang kamay ni Julie at saka na ito pilit na pinapatayo. “Julie Anne wag ka na magpabigat. Tara na.” he said.

“Bakit ba? May gagawin pa ko!”

“Continue that tomorrow. Iuuwi na kita.”

“What the? Ayoko!”

“Wag na matigas ang ulo. Let’s go home. I’ll make you dinner.” he said at saka na pinilit tumayo si Julie. He took her bag at hinatak na niya ang dalaga palabas ng building.

“Epal oh.” bulong ni Julie. Natawa na lang si Elmo and they continued walking towards the parking lot. “I brought my car. Nasa kabilang side ako nakapark.” she said.

“No need. Sabay na tayo.” sabi ni Elmo.

Pinapasok na siya nito sa kotse and even put her seatbelt for her bago ito sumakay sa driver’s seat.

Nang makarating sa bahay ni Julie ay agad na nagprepare si Elmo ng kakainin niya. He decided to make her something special. Pambawi niya sa pagkabadtrip nito sa kanya kaninang umaga.

“Jules, are you free on Saturday?” he asked over dinner. Tumango naman si Julie at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Bakit?” she asked.

“Let’s go out for dinner. Ipapakilala kita sa highschool bestfriend ko.”

“Bakit?”

“Ipapakilala ko kasi yung inspiration ko.”

*****

Saturday came. Nauna sina Julie at Elmo sa restaurant. It’s an Italian restaurant na paborito ni Elmo. Dun niya naisip dahil sabi niya kay Julie, gusto niyang butasin ang bulsa ng kikitain nila dun.

After about 30 minutes ay nasilayan na ni Elmo na pumasok si Aldrin. He looked around and when he spotted him ay napangiti agad ito and walked to them.

“Sorry late ako dude.” bungad nito. He paused when he saw Julie sitting beside Elmo.

“Ayos lang bro. Nga pala, this is Julie. Jules, si Aldrin. Bestfriend ko nung highschool.” he introduced the two to each other.

“Nice meeting you.” Julie said as she offers her hand for a shake. Aldrin hesitated for a while but took it and shook it once.

“Let’s order?” Elmo said. He could feel na awkward ang mangyayaring dinner na ito pero wala siyang paki. Libre to eh. “Jules, anong gusto mo?” tanong niya kay Julie.

“Hm. I’ll have the seafood pasta.” she said.

“Okay. Ikaw dude?” Elmo asked Aldrin. “Ay. Alam ko na pala. Sige ako na.”

“Hahaha. Sige nga. Ano yun?”

“Tss. Easy-peasy. Pesto diba?”

“Haha. Ikaw na talaga bro. And alam ko din yung sayo.”

“Weh?”

“Oo. Penne pasta with spicy marinara sauce.” ngiting-tagumpay na sabi nito.

“Hahaha. Tama. Alam mo pa rin talaga favorite ko.” they placed their orders at habang naghihintay ay nagkwentuhan sila.

“Nga pala, do you remember the time when my mom gave you chocolates nung dumating siya from Europe? Tas the next day hindi ka nakapasok because you had an allergic reaction to nuts. Hahahaha.” kwento ni Aldrin.

“Oo! I remembered that. Grabe todo sermon ako kay mom and dad nun. Si Frank tuloy kumain nung iba. Hahaha.”

“Hahaha. Yeah. And the time when you and Frank went to our house kasi napagalitan kayong magkapatid?”

“Yes. Eh pano naman kasi, pinagtripan namin yung kwarto. Ni-repaint namin siya tas pag-uwi nila mom sobrang kalat sa kwarto. Dad even threw the can of paint at us. Buti nakailag kami ni Frank.”

“Hahaha. Grabe dude. Ang gago mo na bata pa lang tayo.” Aldrin said.

“Tss. Wag ganun. Nakakahiya kay Julie.” Elmo said and looked at her. Ramdam kasi ni Elmo na out of place si Julie dahil sa mga kwento ni Aldrin about their childhood days.

“Haha. Ano ka ba. Okay lang yan. Ang kulit nga eh. Ganun ka pala dati?” she teased.

“Yes. Baliw yan si Elmo when we were kids.” Aldrin said. Tumango na lang si Julie and drank her wine.

*****

Dumating na ang orders nila at agad namang inasikaso ni Elmo si Julie. She told him na wag na siyang asikasuhin pero mapilit ang binata.

“Try this oh.” Elmo said at akmang susubuan pa ang dalaga. “Say aaaah.” he added.

“Tsk. Wag mo na ko subuan.” she told him. Napapansin niya kasing medyo sumasama ang tingin sa kanya ni Aldrin. She doesn’t know why pero kinakabahan siya sa mga titig nito.

“Anong wag? Bilis na. Try this.” pilit ni Elmo. Julie took a quick glance at Aldrin at nakita niyang nakatingin ito sa kanila.

“Uhm… N-nakakahiya.” she said.

“Ha? Anong nakakahiya? Come on, H. Try it lang naman eh. Magtatampo ako sayo.” he said.

“H? A–” di na natapos ni Julie ang sasabihin dahil nasubo na sa kanya ni Elmo ang pasta.

“Haha. H is for honey. Cute no? Hahaha.” natatawang sabi nito.

“Tsk. Naman kasi.” Julie said sabay hampas dito. Alam niya sa sariling namumula siya kaya she bowed her head to just hide the blush.

“H, kinikilig ka no?” asar nanaman ni Elmo.

“Stop it. Mahiya ka naman kay Aldrin.”

“Bakit? Hahaha. Sensya na dude. Hindi showy si Julie eh. Hahaha.” Elmo said.

“Ayos lang pre. Ang cute niyo tignan.” she heard Aldrin said. Pagsilip niya rito ay nakita nanaman niya ang matatalim na tingin nito sa kanya.

“Oh diba? Cute daw tayo, H.” sabi ni Elmo sabay angat sa mukha ni Julie. “Hahaha. Sige na hindi na. Kain ka na uli.” he said and smiled at her.

“Look who’s here.” nagulat sila nang may marinig na pamilyar na boses. They all looked at who it was and was surprised to see Janine standing a few feet from them. “I’m joining them.” she told the receptionist at saka na tumabi kay Aldrin.

“J-Janine…” sabay-sabay na sabi ng tatlo.

“Oh. Bakit parang namutla kayong tatlo? Especially you Elmo.” she said. Napatingin ito sa gilid niya and smiled at Aldrin. “Hi Aldrin. Kamusta?”

“I-I’m good. Ikaw?”

“Ayos naman. Moving on.” she said.

Julie felt the awkwardness kaya naman tinext niya agad si Sef.

‘Bakla, save me! Best drama actress na role ang kailangan ko.’ she sent the message and acted as if she is enjoying their company. Parang nagsisi siyang sumama kay Elmo sa dinner na to.

“Julie, kamusta na kayo ni Moe? Going strong?” asar na tanong ni Janine.

“H-ha? K-kami? Ano…” she stuttered.

“We’re doing great. Masaya kami ni Julie. Bakit?” Elmo answered and even put his arm on her shoulder and pulled her closer to him.

“Wow. That’s good to hear. Kaya lang baka masaktan si Aldrin. Diba?” patuloy sa pang-aasar si Janine.

“I-I don’t know what you’re talking about.” Aldrin said at saka yumuko.

“You want me to refresh your memory?” Janine asked.

“BFF!!! JUSKO MAHABAGIN. TARALETS NA ANUBEY?!” nagulat ang lahat ng nasa restaurant nang may marinig na tili. Pagtingin nila ay si Sef pala.

“Sef?” pagtataka ni Elmo.

“Friend, kidnappin ko lang ng very very light si bff ha? Emergency over there sa office. Kailangan kami as in now na!”

“Ha? Bakit? Anong meron sa office?” Julie asked.

“Basta friend. Kailangan na natin gumorabambam dun. Fly na tayiz!!” at hinatak na siya nito patayo.

“Uhm… Sorry if I can’t stay long. We have to go.” nagmamadaling sabi ni Julie.

“Sasama ako.” Elmo said as he held her hand. Tumingin si Julie kay Aldrin at Janine at saka siya bumaling ng tingin kay Elmo.

“Wag na. You stay here. Matagal kayong di nagkita ni Aldrin. Kami na bahala ni Sef.”

“Tsk. Fine. Tawag ka agad sa akin ha? Ingat kayo, H.”

“O-okay. Enjoy your night. And thanks for dinner, Aldrin. Sorry if I have to go.”

“Tara na bff! Ang daming hanash oh!” hinatak na siya ni Sef palabas ng restaurant.

“Bye, H! Call me!” was the last thing she heard from Elmo.

Hindi siya ang ideal man ko. Siguro dala na rin dahil sa mga nababasa ko kaya tumatayog sa standards yung pagtingin ko sa isang lalaki. Hindi siya yung tipong pasweet na minu-minuto ay sasabog ang pantog mo sa sobrang kilig. Hindi siya yung tipong mahilig sa surpresa. Hindi siya yung todo effort. Hindi siya yung tipong showy. Hindi siya yung tipong kagaya ng mga fictional characters na kinahumalingan ko na marunong tumayming sa lahat ng bagay. Pero napamahal ako sa ugali niya. Napamahal ako sa kung paano siya makitungo sa paligid niya. Napamahal ako sa kung paano niya tinitingnan ang mga magaganda at hindi kaaya-ayang nangyayari sa buhay niya. Napamahal ako sa kung sino siya at ano siya. Solved na ako sa kung paano niya pinapakita sa akin yung pagmamamahal niya. Kung ikukumpara sa mga kathang-isip na lalaking nagustuhan ko sa mga librong binabasa ko, alam kong walang wala siya sa kanila pero mahal ko siya. Sapat na sa akin yung pinapakita niyang sweetness maipadama lang sa akin kung gaano niya ko kamahal. Sapat na sa akin yung prinsipyo niyang hindi kailangang ipakita in public ang sweetness ng dalawang tao sa pamamagitan ng paghalik o kung ano pa man para ipakita sa lahat kung gaano mo siya kamahal. Sapat na siya sa akin. Hindi siya yung ideal man ko pero siya ang gusto kong makasama sa araw-araw na buhay ko hanggang sa pagtanda ko.

Hindi siya ang ideal girl ko. Simple lang naman kasi ang gusto ko. Tamang mahinhin, tamang pormal, tamang marunong magluto, mag-asikaso, tamang maalalahanin, tamang masarap kausap at sige, nandun na din ako sa itsura. At aaminin kong nagpapatansya ako sa mga babaeng kagaya ng nasa magazines. Pero hindi ako naiinlove sa mga ganung babae. Hanggang sa nakilala ko siya. May mga katangiang wala siya sa kung ano ang ideal girl ko. May katangian siyang minsan naaasar ako. Pero napamahal ako sa kanya. Oo minsan naaasar ako sa pagiging madaldal niya, minsan naaasar ako sa patweetums niya, minsan naaasar ako sa mga pasweet at paglalambing niya sa akin in public pero sa kaibuturan ko, alam kong masaya ako sa ginagawa niya, alam kong hahanap-hanapin ko yun pag di niya ginagawa. Siya lang ata ang babaeng nagagawa akong pasayahin lalo na sa oras na wala ako sa mood, na may problema ako o down ako. Siya yung babaeng handang maging available kahit gaano pa siya kabusy. Hindi siya ubod ng ganda o ubod ng sexy gaya ng mga nasa magazines pero siya ang pinakamagandang babae sa mga mata ko liban sa nanay ko. Hindi ideal ang ugali niya pero naiintindihan ko yun dahil gaya niya, hindi rin ako perpekto pero malugod at buong puso niya akong minahal. Sapat na siya sa akin. Hindi siya yung ideal girl ko pero siya ang babaeng gusto kong ihatid sa altar at iharap sa Diyos.