shit ano to

may kwento ako hi sa inyo haha tangina ng buhay na to pero keri pwe

remember last time nawalan ako ng phone? last saturday nawalan naman ako ng wallet at yep, andoon lahat, id’s, atm at money. ewan ko ba, kung kelan tumatanda ako tska ako nagiging burara. hindi ko naman kayang magalit dahil kasalanan ko naman pero idk, nakakafrustrate lang. dumadagdag siya sa problema ko at mas nagiging mabigat sa loob. lagi na lang akong nawawalan pero ok lang ang kaso kasi basta ang hirap i-explain. problemado ako lately, yes, pero mas mahirap pala kapag lagi ka nakikita ng mga tao na masaya tapos pag malungkot ka parang di ka allowed kasi di daw sila sanay, di daw bagay at kahit ano pang shit na sinasabi nila. pwede ba, tao rin naman ako ano po? may nararamdaman din ako kaya please, hayaan niyo muna ako. wala naman akong pake sa sasasabihin niyo eh pero sana wala rin kayong pake sa ginagawa ko at sa gagawin ko. i need time to think at kaya ko yon mag-isa (sana) since wala naman akong malapitan dahil “busy” ang mga so called friends ko. good bye.

anyway, alam niyo yung pakiramdam na hindi mo na iniisip mga problema mo dahil mas mahihirapan ka lang? pero may isang tao talaga ang magtitrigger para maramdaman mo lahat. ang sakit lang sa pakiramdam at tangina lang talaga.

ps: nawalan ako ng phone dahil nadukutan ako sa bus
pps: nawalan ako ng wallet dahil uminom ako last time (pero aware talaga ako na mga nangyayare. i fucking swear nasa bag ko yon pero idk bahala na)

Ala-ala By: Ai & @shaifloresss

Dalawang kwento na pinag isa.
Dalawang kwento na magkaiba ng karanasan.


Naalala mo pa ba ang una nating pag uusap?

Noong mga panahong hindi pa nagkikita.

Panahon na kinikilala pa ang isa’t isa.

Panahon na nagpapalitan ng mga salitang matamis hanggang sa magkita na.

Naalala mo ba ang una nating pagkikita? ako oo hinding hindi ko makakalimutan ang ating unang pagkikita sa loob ng simbahan.

Tila hindi mapakali sa tuwing nagtatama ang ating mga mata at pilit umiiwas upang itago ang pusong nahuhulog na.

Naalala ko pa kung paano mo ako pangitiin sa tuwing nalulungkot ako at naalala ko din kung paano mo himasin ang aking mga pinsgi na nagpapagaan ng aking kalooban.

Na kahit hindi tayo magkasama ay naaalala ko ang bawat biro mo na nagpapangiti sa akin. Sa bawat salita mo na binubuo ang araw ko sa tuwing nalulungkot ako.

Tuwing niyayakap mo ako ng mahigpit at hinahalikan ang aking mga noo ramdam ko kung gaano mo ako kamahal.

Sa bawat salitang binabanggit mo ay pinaparamdam mong mahalaga ako at ako ang nag iisa para sayo.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay araw araw mo rin binubulong  ng paulit ulit sakin na “ mahal na mahal kita”

Mahal kita sa bawat araw na lumipas at sa darating na bukas ay hindi ito magwawakas. 

Mahal, naalala ko rin sa tuwing kinukulit mo ako at pinupuno ng mga halik ang aking buong muka sabay sabing “Mahal na mahal kita mahal” at naalala ko rin ang pagsuklay ko sa iyong buhok gamit ang aking mga kamay at sabay halik sa gilid ng iyong ilong,

Naalala ko rin ang mga guhit mo, na sa tuwing iginuguhit mo ang mga larawan ko ay pinaparamdam mong ako lang ang pinaka maganda sa buong mundo.

Pero mahal, ano ngyare saatin?

Bakit mo ako iniwan? bakit ka sumuko? sabi mo sabay tayo lalaban pero ano ngyare? naalala ko nabasa ko sa mga sulat mo saakin at palagi mo pinapaalala sakin na “mahal kung dumating man sa oras na magkasawaan tayo mahal pakiusap alalahin natin ang mga pinagdaanan na nalagpasan natin at kung paano natin binuo ng sabay ang ating istorya at mga memories na masasaya at kung paano tayo nagsimula ng masaya” pero mahal ano ngyare? Pero heto ako tinutupad parin ang pangakong hinding hindi ka bibitwan at susukuan kahit pagod na at kahit alam kong hindi ka na babalik pa

Bakit hindi ka na biglang nagparamdam? sabi mo walang iwanan at sabi mo magkikita pa tayo pero bakit? bakit hindi ka na nagpaparamdam? at ang masaklap pa doon habang iniintay ko ang pagbabalik mo ay bigla ko nalang nalaman na may iba ka na pala…

Naalala ko na halos araw araw nakikiusap ka saakin na “mahal pakiusap huwag na huwag mo ako iiwan” “huwag na huwag mo ako susukuan” pero mahal bakit? bakit ikaw mismo ang umalis at ngiwan? bakit? paano na ang mga pangarap natin para sa isa’t isa? ibubulong ko nalang ba ito sa hangin? mahal paano na? paano na ako..paano na tayo? hanggang dito nalang ba ang ating kwento? mahal paano?

I’m not okay. Sino bang magiging okay pag ano alam nyo na. Hala distract na nga ko eh. Gala here and there, nakikipagsocialize kahit kanino, bumili ng mga bagong libro para lang madagdagan yung mga pending kong books, natutulog nako nang maaga ha, tas kahit ano pang shit dyan pero wala rin pota yan kahit umaga nalulungkot pa din ako. Ah gago yoko na.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 6

Sunday night. Pagod man si Elmo from the work they did today at Julie’s ancestral house, hindi pa rin naging hadlang iyon for him not to continue his work on the new house. Gusto niya na matapos iyon so that they could start the construction right away.

He paused from what he’s doing and rested his head on his chair’s backrest. Pumikit siya saglit para ipahinga ang mga matang kanina pa nakatutok sa computer.

FLASHBACK…

Kinabukasan ay bumalik ang apat para linisin ang mga naiwang kalat.

“Unahin na natin yung taas before tayo maglinis dito sa baba. It’s easier that way.” Elmo suggested.

“Hmp! Kahit san tayo magstart, maddirtyhan pa din ang beauty ko.” mataray na sabi ni Sef. Binatukan naman siya ni Maqui.

“Ang arte-arte mo bakla.” sabi nito.

“Ay kaloka ka! Cariño Brutality ka friend! Akala ko pa naman super twins tayiz ditey. Tapos inaabuse mo ang mala-dyosa kong pagkatao!” maarteng sabi nito.

“Isa pa kakaltukan na kita.” sabi ni Maqui sabay amba ng kamay.

“Ay!! Bff oh! Si Frencheska Farr oh. Bff!!” sumbong nito kay Julie.

“Hay nako, bakla. Tama na arte. Tara na sa taas so we can finish early.” pagyaya ni Julie.

Umakyat na sila sa taas and Sef and Maqui cleaned the master’s bedroom while he and Julie started on her old room.

“Seriously, Julie? Pink ang room mo?” he asked.

“It was my mom’s choice. Pink na yan mula nung pinanganak ako.”

“Hahaha. Too girly for you.” he commented.

“Umiiral kabadingan mo Elmo. Wag ganyan.” she said and laughed with him.

“I’m sorry. Maarte lang talaga ako when it comes to colors. You’re boyish kasi sabi mo diba? I mean, when you were young. So I was expecting na yung room mo may tinge of kamachohan. Like green or blue or your favorite color which is orange.” he said.

“Tell that to my mom.” Julie laughed.

“Haha. Nope. Nevermind. Baka dalawin ako ng mommy mo dahil lang pinuna ko yung room mo.”

“Buti naisip mo yan. Hahaha.” sabi ni Julie. She went back to wiping the mirror while Elmo went back to sweeping the floor.

After nila sa taas, nagsimula na rin agad sila maglinis sa baba. As usual, walang ibang marinig kundi ang mga reklamo ni Sef.

“Kajirits na mansion. More more pa sa alikabok. Ugh!” reklamo nito.

“Malamang madumi dito. Ang tagal kayang walang nakatira dito. And naghakot tayo kahapon so madami talagang alikabok.” Julie said.

“Daming reasons friend. Look oh. Sa super kapal ng alikabok ng house mo, pwede na ko gumawa ng dust angel!” malanding sabi ni Sef sabay hipan ng dumi sa mukha ni Julie.

“Ouch!” she cried.

Elmo rushed to her side at alalang-alala naman ito.

“Sef, parang tanga!” Maqui said.

“What?” Sef asked.

“Julie are you okay?” Elmo asked worriedly. He held Julie’s face and tried looking at her pero yuko lang ito nang yuko dahil sa hapdi ng mata niya.

“Ahh. Ang hapdi. Napuwing ako.” she said habang kinukuskos ang mata. Elmo removed her hands pero pinipilit niyang kuskusin ito.

“Tsk. Wag sabi. Maiirritate yan lalo.” he said. Julie stopped pero yung luha tuluy-tuloy sa pagtulo and her eyes are starting to get reddish already. “See? It’s getting red na. Halika nga dito.” he dragged her to the kitchen and Maqui and Sef followed them.

“Ang hapdi talaga shit.” sabi ni Julie.

“Sorry na bff.” Sef said.

“Kaw kasi eh. Taba ng utak mo yan tuloy.” bulong naman ni Maqui. They saw how Elmo washed Julie’s eyes with clean water and after that, he even blew out the dirt from her eyes.

“Ayan. Feeling better? Wala na.” he asked, still holding her face and examining it. Umiling naman si Julie.

“Ang hapdi pa din eh.” she cried.

“Ha? Tsk. Teka.” Elmo looked at her eyes again. Hinipan niya uli ito and asked her. “Okay na?” pero umiling pa rin siya.

“Mahapdi talaga, Moe promise.” at sinubukan nanamang kuskusin ang mata niya.

“Tsk. Don’t touch it sabi eh.” he warned her. “Maq?”

“Yeah?” tanong ni Maqui na halatang naudlot ang chismisan nila ni Sef.

“I think walang eyedrops sa first aid kit dito. Pwede ba kayo bumili saglit?” he asked.

“Yeah sure. Bibili na din kami ng kakainin natin.” she replied.

“Alright. Thanks Maqui.” he said. Umalis na ang dalawa at naiwan naman sila ni Julie sa kusina. She was sitting on the bar stool at siya naman ay nakatayo sa harapan ng dalaga.

“Water lang katapat nito Moe.” Julie said and tried to get down from the stool.

“No. You stay there. Hintayin natin yung eyedrops.” he said.

“Pero…”

“Julie.” he said sternly and Julie stayed on her seat. “Tignan mo yung eyes mo oh. Ang pula-pula na. Ikaw kasi kinuskos mo pa kanina eh. Ano ka? 3 years old?”

“Tsk. Eh mahapdi eh. Eh ikaw? Tatay kita?” she asked.

“I’m just looking out for you. Kapag nag-alala tatay agad?”

“You sound like my dad kasi.” she said.

“Hahaha. Alright. I’m sorry. Hindi na.” sabi ni Elmo. Tumango na lang si Julie and bowed her head. “Does it still hurt?” he asked.

“Yeah. Ang hirap dumilat eh. Nagluluha yung mata ko no?” she asked. Elmo lift her face up and she tried opening her eyes.

“Yes. Nagluluha nga.” sabi nito saka pinunasan ang luha. “Konting tiis na lang and Sef and Maqui will be back.” he said and kissed her eyes. “Okay?”

Natameme si Julie sa ginawa niya. He saw how she stiffened and her cheeks became as red as apples.

“Uhm…” she started. “I-I’ll get back to work.” she said and was about to stand up when Elmo held her shoulders and made her sit back down.

“No. You wait for them. We’ll wait for them.” sabi niya and even placed a bar stool in front of her and sat face to face with her. “I got my eyes on you Julie.”

END OF FLASHBACK…

“Shit.” he opened his eyes as he woke up from stupor.

Napatingala siya and stared at the ceiling for a long time. Napapikit siya ulit and he saw her smiling at him. Dumilat siya.

“Shit Elmo ano ba.” he told himself as he slapped his face. “I think antok lang to.” sabi niya pa. Tumayo na siya at saka humiga sa kama and tried to get himself to sleep.

5 minutes. 10 minutes. 15. 30 and an hour passed and yet, his mind and his body is still awake. He feels tired pero ayaw siyang patulugin ng diwa niya. Puro na lang yung ngiti ni Julie ang nakikita niya everytime he tries closing his eyes. He could hear her laughter from time to time and he could see her blush everytime he catches her staring at him.

“Bullshit!” napasigaw siya at saka napaupo.

“Hoy Elmo! Ano ba nangyayari sayo?” nagulat siya when Maqui entered his room. Halatang nagising sa sigaw niya.

“Maq…” he said as he stared into space.

“What?” antok na tanong ng pinsan.

“I think I’m starting to like Julie.”

*****

She woke up early for work the next morning. Aalis na sana siya when she saw him standing outside her house.

“Oh. Elmo, what are you doing there?” she asked habang nilalagay ang gamit sa loob ng kotse niya.

“Nagbreakfast ka na ba?” Elmo asked.

“Ha?” pagtataka niya.

“Sabi ko, nagbreakfast ka na ba?” he asked again.

“No. Hindi pa bakit?” she asked.

“Tara kain tayo. My treat.” sabi ng binata.

“I have work today. Baka malate ako.” she said. She wanted to have breakfast with him kaya lang ayaw naman niya malate sa trabaho.

“Drive-thru lang. Then I’ll bring you to work.” he insisted. Napayuko si Julie at napangiti.

“Alright. Tara na.” pagyaya niya. She took out her things from her car and went out her house and into Elmo’s car.

“Yun! Papayag din pala eh.” he said. “So? Saan mo gustong magdrive-thru?” he asked.

“Ikaw bahala.” she smiled. Tumango na lang si Elmo and they drove out the village.

They decided na sa Mcdo na lang magdrive-thru since mas malapit iyon sa workplace ni Julie. Ang daming inorder ni Elmo. He’s like going to feed a whole team sa dami ng biniling pagkain.

“Fiesta ba? Bakit ang dami ng inorder mo?” Julie asked habang hinihintay nila ang pagkain.

“Haha. You need to eat a lot. Alam mo ba na breakfast is the most important meal of the day? So you should never skip this.” he told her.

“Pero di ako sanay magbreakfast.” she said.

“Masanay ka na. Kasi lagi kitang ittreat ng breakfast.” he said.

“Here’s your order sir.” sabi ng nasa check-out window.

“Thanks!” he said as he took the paper bag in her hand. Inabot niya kay Julie ang pagkain nito at saka na sila umalis.

Pagdating sa office ni Julie, agad na bumaba si Elmo at pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga. Kinuha niya ang mga gamit dito at pati ang pagkain na pinamili nila.

“Halika na. I’ll bring you upstairs.” he said. Nagulat si Julie sa sinabi niya.

“Seryoso? Nakakahiya. Hinatid mo na ko tas hanggang sa taas pa?” she asked pero deep inside kinikilig siya.

“Oo. Mukha ba kong nagjjoke? Halika na.” sagot nito. He held her hand at sabay silang naglakad papasok ng building.

“Good morning Ms. Julie!” masayang bati ng guard. Nakita nito si Elmo at lalong lumapad ang ngiti nito. “Good morning sir!”

“Good morning po.” Elmo greeted back.

“Good morning, Kuya Mon. May naghanap ba sa akin or something?” tanong ni Julie.

“Wala naman po, ma'am. May dumating lang pong mga sulat kanina. Nabigay ko na po kay Ma'am Mich”

“Ah okay. Thanks kuya. Akyat na po kami.”

“Sige po.” nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa elevator. Sakto at nakasabay nila si Sef sa paghihintay.

“Ay! What a morning. Bakit ka anditey, Magalona my friend?” Sef asked. “Hi, bff!” bati naman nito kay Julie.

“Good morning, bakla.” Julie greeted him.

“Hi, Sef. Good morning!” Elmo said.

“Whatcha doin’ over here, Elmo?” tanong nito.

“I’m bringing Julie to work.” he simply answered.

“Eh? Friend, baldado ka na ba that you need him pa to bring you here? Bobo ka nanaman?”

“Hahaha. Gaga. He wanted to bring me here. Angal ka?” she answered.

“Tsaka ito pala oh.” Elmo handed the paperbag. “Breakfast niyo ni Julie. Tsaka bigyan mo na din yung secretary niya okay?” Elmo added.

“Ay!!! Bet ko to. Bff, pahatid ka lagi kay Elmo ha? Para free food akiz pag morning.” sabi ni Sef. Dumating na ang elevator and the three went in.

“Anong tingin mo kay Elmo? Vending machine?” Julie asked.

“Haha. Friend kasi, di na ko mag-iintindi ng almusal pag always and forever magdadala si Elmo.” sabi nito. “Diba, Moe? Bet mo din?” tanong niyo saka pa siniko si Elmo.

“Yeah sure. No problem Sef.” he replied. Pumalakpak naman si Sef at malanding nagtatalon sa elevator.

“Psst! Tigilan mo nga yan! Para kang first time makakita ng pagkain.” pagbabawal ni Julie.

When they reached the 27th floor ay bumaba na sila and walked to Julie’s office. Si Sef naman naglakad papunta sa desk ni Mich at saka na pumasok sa sarili nitong opisina.

“Thanks for bringing me to work, Moe.” Julie said when they entered her office.

“Sure no problem.” sabi ni Elmo tsaka na nilapag ang bag at pagkain ni Julie.

“Uhm… Wala ka bang work today?” she asked. Elmo looked at his watch at saka napangiti.

“I’m still early for work. Site visit lang naman ako ngayon and the client will be there by 11 pa.” he said.

“Ah okay. So…”

“Okay lang naman if you want me out already. Haha.” he said. Natawa naman i Julie at napailing.

“No, no, no. Okay lang na dito ka muna para magpalipas ng oras. Although I’m not sure if I can entertain you. Daming gagawin eh.” she said pointing at the paperworks on her desk.

“Haha. It’s okay. Maglilibang na lang ako on my own.”

“You sure?”

“Yup. Just do your job and act as if I’m not here.” sabi niya.

“Okay. Sabi mo eh.” she went behind her desk and started her work. Si Elmo naman ay umupo sa couch and started reading the magazines laid on the coffee table.

Hindi mapigilan ni Julie ang sarili. She often looks at the guy sitting comfortably on her office couch while reading magazine after magazine. She can’t help but to think how handsome he looks. She smiled and looked at her desk clock. 10:30. Nag-angat siya ng tingin and looked at Elmo.

“Moe, it’s 10:30. Baka malate ka sa site.” she reminded him.

“Already?!” gulat na tanong nito and looked at his wristwatch. “Shoot oo nga!” nabalikwas siya ng tayo at saka patakbong nagpunta sa pinto. Julie watched him as he rushed outside her office.

“Tss. Di man lang nagpaalam.” she told herself. Suddenly, the door opened again at nakita niya si Elmo na nakatayo dun. “You forgot something?” she asked.

“Yeah.” sabi nito saka naglakad papunta sa kanya and kissed her on the lips. “Bye. I’ll pick you up after work.” nagmamadaling sabi nito.

She stood frozen on her spot as she watched his retreating back. Napahawak siya sa labi trying to feel if the kiss really happened.

“Shit.”

*****

“Aalis na kayo sir?” Kuya Mon asked.

“Opo kuya. Nagmamadali na ko eh.” sagot niya, showing him his wristwatch.

“Ingat po!” sabi nito. Tumango na lang siya at tumakbo na papunta sa kotse.

FLASHBACK…

“You forgot something?” she asked when he went back to her office. Wala siyang nakalimutan. Pero he just felt like coming back for her.

“Yeah.” sabi niya at saka pa naglakad papunta kay Julie and kissed her on the lips. “Bye. I’ll pick you up after work!” nagmamadaling sabi niya. He saw how Julie froze from what he did. Malamang. Bigla ba namang halikan ka diba? Pero ngumiti na lang siya because he liked what he did. Nakanakaw siya ng halik kay Julie.

END OF FLASHBACK…

He was smiling as he drove his way to Taguig. He can’t help but think of how she looked while working. Yung noo niyang nakakunot. Ang cute lang. How he wanted to stare at her forever. Kung pwede lang talaga.

“You are in big trouble Moses.” he told himself as he chuckled. Bigla naman niyang naalala ang nakaraan.

FLASHBACK…

“Can’t I take you to work?” he asked Janine.

Niligawan niya ito kahit pa labag sa loob niya. Even if he doesn’t have feelings for her, sinunod niya ang ama. And since then, his dad never beat him up. Naging okay sila.

“No need. Di nila pwedeng malaman na I have a boyfriend. Especially if it’s not from the industry.” she replied.

“Bakit? Bawal ba yun?”

“I’m just taking care of my image. Ayokong maissue.” she said. “I’ll be going now. Ingat ka.” she quickly kissed his cheek at saka na lumabas ng bahay niya.

END OF FLASHBACK…

Nakakunot ang noo ni Elmo when that thought came to mind. Bakit ba kasi kailangan pa niya maalala yung mga yun? Eh never naman siyang sumaya sa kanya. He shook his head at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

He arrived at the site 15 minutes late. At nandun na si Mrs. Calderon.

“Sorry I’m late ma'am. Natraffic lang po.” he reasoned out.

“It’s okay Arch. Magalona. I just arrived a few minutes ago. Anyway, kailan pala ang turnover ng building?” the old lady asked.

“Hm. Maybe 3rd quarter next year po.” he said.

“Hindi na ba pwede mapaaga? I want to surprise my son dito. Since he’ll be coming home from Europe, gusto ko next year, siya na ang magmanage ng company namin. And this condo building would be the perfect present for him.” she said.

“We’ll try our best to finish it on time ma'am. We’ll let you know.” he replied.

“Okay. Thank you Arch. Magalona.” she said. “I’ll go ahead. I have a meeting with my investors.” sabi pa nito at saka na umalis.

“Ano pong sabi ni madam?” Sir Rick asked the moment Mrs. Calderon was out of sight.

“She wants the building to finish by the first quarter next year.” he replied.

“Po?” gulat na tanong nito. “Eh sir d-diba by August pa ang expected time of turnover natin?” he asked.

“I know. Pero wala tayong magagawa. She wants it to be done immediately.” he said. “Wag kayo mag-alala sir. Just do your job and siguro hanap na lang kayo ng mga pwede pang dagdag na trabahador para mapabilis tayo.” sabi ni Elmo.

“Hay. Sige po sir. Salamat.” tumango na lang siya at saka nagpaalam na aalis na.

He texted Julie na susunduin niya ito for dinner. At agad namang pumayag ang dalaga. Natuwa naman si Elmo and so he decided to drop by at a flower shop para ibigay kay Julie.

“Uhm… I’ll get these.” sabi niya sabay turo sa isang bungkos ng orange calla lilies.

“Okay po sir.” sabi ng babae at saka na inayos ito.

“Uhm. Ribbon na lang.” he said. Tumango naman ang babae at saka na ito binigay sa kanya. “Thanks.” sabi niya pagkabayad.

“Goodluck po sa girlfriend niyo sir.” sabi nito. Tumango na lang si Elmo and went out of the shop.

*****

She was sitting at her office habang naghihintay kay Elmo. Napaaga kasi ang tapos ng work niya kaya naman petix na siya. Her eyes were closed dahil sumakit nanaman ang ulo niya sa buong araw na nakababad sa computer.

Nagulat siya nang may humalik sa pisngi niya and when she opened her eyes, she saw orange calla lilies. Napangiti siya tsaka napaangat ng tingin. Elmo was standing, with his cheeky smile plastered on his face.

“Bawal matulog sa work alam mo ba yun?” he asked.

“Haha. I was just resting my eyes. Sumakit kasi eh.” she said.

“You okay?” bigla namang nag-alala si Elmo.

“Yes. Okay na ko.” sabi niya and smiled at him.

“Good. Oh.” inabot ni Elmo ang mga bulaklak. “Beautiful flowers for a beautiful girl.” he said.

“Psh. Daming alam?” she teased. Natawa na lang si Elmo and shrugged. “Uhm. Aalis na ba tayo?” she asked.

“Kung gusto mo, we can go already.”

“Sige sige. Magpapaalam lang ako kay Sef.” she said. Tumayo na siya and went to Sef’s office.

“Yes bff?” Sef asked.

“I’ll go na.” sabi niya. Sef eyed the bouquet she’s holding at nagtaas ito ng isang kilay sa kanya.

“Sinetch ang shungang nagbigay niyan sayo?” he asked.

“Maka-shunga ka naman.”

“Eh sinetch nga?”

“Me.” Elmo said. Nagulat si Julie na sumunod pala sa kanya ang binata.

“Ay! Taray! Nanliligaw ka ba sa bff ko ha?” Sef asked.

“Hm. Depende kay Julie kung papayag siya.”

“Ay! Kaloka ka. San gora niyo?” he asked.

“Kung san gusto ni Julie.” tipid na sagot ni Elmo.

“So kung bet ni bff magfly ngayon sa Saturn, gora kayo?”

“Sure. Basta anywhere with her.” nakangiting sabi ng binata. Julie smiled and blushed at what she heard.

“Alis na kami bakla.” paalam niya.

“Sama ko.” sabi ni Sef.

“Moe?” she asked Elmo. Tumango naman si Elmo and smiled.

“Sure. Tara na. I’ll text Maqui to join us.” he said.

“Perfect!” malanding sabi ni Sef. “Tara na. Tommy Hilfiger na akiz.” at nauna na itong lumabas ng office.

They met up with Maqui at a Japanese restaurant. Nagccrave kasi si Julie ng Japanese food kaya dun nila naisipan magdinner magkakaibigan.

“Anmeron?” Maqui asked pagdating niya.

“Waley naman friendship. Ayan sila. Tanungin mo.”

“Ha? Bakit?” pagtataka ng dalawa.

“What’s with you two?” Maqui asked sabay subo ng sushi.

“Sabi ng dear cousin mo, nanliligaw na daw siya kay Julieta my bff.” bigla namang naubo si Maqui at binatukan naman siya ni Sef.

“S-seryoso?” she asked.

“Uhm…” di naman nakasagot ang dalawa.

“Eeeeeeh!!!! Party party na yan!!” she squealed.

“Maq…” Elmo called her.

“What?” excited na tanong nito.

“H-hindi ko naman alam kung papayag si Julie. Tsaka…”

“Ang arte mo Julieta!” Sef yelled at Julie.

“Bakit ako?”

“Choosy mo. Elmo na yan ayaw pa paligaw?” he asked.

“Eh nagtanong ba?” she said and eyed Elmo. Tumingin naman ng matagal si Elmo sa kanya.

“Uhm… Jules, pwede ba manligaw?” he asked. Julie smiled at him at saka na siya natawa.

“Bakit?” sabay-sabay na tanong ng tatlo.

“Nakahalik ka na nga ng dalawang beses tas magtatanong ka pa.”