shetts

Jgh. Naubusan ako ng pera kanina. Naubos lahat as in! Naubusan rin ako ng pamasahe pauwi huhuhu. Antakaw ko kasi. Yan tuloy. Akala ko mararanasan kong mag 1-2-3 sa jeep pero buti na lang eh hindi. Ang ginawa ko'y nakisabay ako sa service ko dati (nung high school pa ko). Tas yun. YES!! HINDI AKO NAG 1-2-3 SA JEEP BWAHAHAHHAHA.

At habang nakasakay ako dun andami kong naalala. High school times. Naalala ko yung time na sobrang pinoproblema ko kung “With Honors” ba ako sa graduation or hindi. Naalala ko yung mga panahong iniisip ko si Best Friend. Kung ano nangyari, bakit kami nagkaganun, kung end of friendship na ba talaga. Yung kahit sa service, napapaiyak ako dahil lang dun…Naalala ko yung masasayang araw na nangyari sakin nung high school kasama yung mga kaibigan ko. Naalala ko yung sportsfest, centennial celebration, shooting days, yung pag iisip kung ilang quizzes ba meron kinabukasan, yung pagpaplano kung pano tatapusin ang research paper,  at madami pang iba. Nakakamiss. Tas dun ko narealize na andami na ngang nagbago sa buhay ko simula nung mag college ako. Ibang iba.

Tangina andrama ko HAHAHAHA. Eh wala eh. Ganyan talaga. Miss ko na yun lahat.