seniorlife

10

Graduation Batch 2015 ♥ “We will never ever say or wave goodbye. Nothing’s gonna change, it’s gonna be alright.” “I’ll proudly say that CMSHS is my school.” Finally guys graduate na ako wooo!!! hahahaha. Eto naman talaga hinihintay ng mga fourth year student na tulad ko eh. Pero di ako excited nung mismong araw na ‘to ewan ko ba kung bakit haha. Di ko alam mafefeel ko ngayon, pero one thing for sure, di ako naiiyak hahaha actually sobrang pagod talaga ako ngayon. So yun, pumunta si mama caridad pati si tato sa grad namin. Sa bahay ni mommy kami nagready, siya rin nagmake up sa aming dalawa ni remy naks haha. Actually sobrang tagal namin dun inayusan oh well. Then diretso kaming school, thanks to tito denzel hinatid niya kami hihi. Pagdating namin sa school, boom bungad sobrang daming tao hahahaha this is it pansit. Tapos biglang nakita ko si ray omg di ko alam gagawin ko eh tagal ko din di nakita yung lalaking yun hahahaha nagmukha tuloy akong snob huhu anyare sa pinagsamahan natin waht HAHAHAHAHAHAWTF. Pero ang tagal parin naming naghintay sa room grabe init na init na ako sa make-up pisti. Hanggang sa nagsimula na omg kaiyak joke hahaha. Daming nagspeech jusko buti nalang graduate na kami hahaha sila cong, mayor, tapos may iba pa yata eh naks ty ty sa inyong lahat at umabot ako ng grad sa mandsci!! hahaha. Tapos nun nagbigayan na ng diploma, then kanta kanta buong batch namin. Tapos nun picture picture na yey katamad magkwento hahaha. Then kinausap ako ni ray naks naks haha nung time na yun naramdaman ko na di ko na pala siya gusto ewan ko di na ako naaattract sa kanya eh aw sad life haha past is past na kasi naks kavouge pero yun cute niya parin ngumiti eh buti nalang kinausap ako at natauhan ako nung time na yun hehe ty. Pagtapos nun ang tagal namin naghintay sa school kay tito jusko sobrang traffic daw hays. Diretso kaming kain jusko gutom na gutom na ako pls haha. Thank you sa mga teachers na nagbigay karunungan sa aming mga magaaral, sa mga school personnel, sa mga janitor na masisipag (naks hahaha), sa mga guards na pinanatili kaming ligtas sa loob ng paaralan (double naks) pati sa mga kumag kong batchmates hahaha tyty. Pero seryoso ang bilis ng 4th year grabe puro kasi ako absent at late eh omg hahaha.

10

December 04, 2014 Isa ‘to sa mga di ko makakalimutang christmas party. Sino ba naman di makakalimot eh ito yung christmas party na sobrang late kaming apat (squad goals eh hahaha). Usapan 7 am tapos nakapunta na kami dun 11 am oha diba squad yan eh hahaha. Pano ba naman kasi usapan naming apat maaga pupunta kila tianne para mag make-up tapos yun ako nga pinaka maaga sa aming apat pagdating ko tulog pa si tianne sa bahay nila aba bitch talaga hahahha love you tianne. Tapos yun mga 9 am na yata dumating yung mga bitches haha edi nagsimula na kaming magayos odiba haha. Mga halos buong nangyari kwentuhan lang yata hanggang 10 am ayun pinagbili pa kami ng utensils diba matinde hahaha kaya lalo pa kaming nalate, oh well oh well masayang experience naman eh. Then di na namin naabutan yung tawagan ng exchange girfs diretso kain nalang squad hahahaha. Pagtapos puro picture as usual haha. Pagtapos ng xmas party lahat puntahan sa mega mall, nagskating yata sila eh ako humiwalay kaumay na silang kasama eh hahaha, sinama ko nalang yung pinsan ko bumili kami sa comic alley tapo yun cousin bonding kaso wala si remy hayop talaga yun eh hahaha. Btw ngayon lang nakuha ng squad stipend kasi absent kahapon hahaha squad yan ih. Last christmas party na pagiging high school student huhuhu. So yun, well day spent! :)

Tears for UPCAT

I wanna cry. I can’t even remember how my UPCAT was. I am so drained and I can’t tell if the exam was easy or difficult. I can’t remember a question. I am so tired. I feel like my brain is being crushed and jammed and crammed. I’ll leave everything to God. 

HUG ME

6

June 17, 2014. Tuesday. Nakaka stress ‘tong araw na 'to pero medyo good vibes din naman. Ang dami kasing gagawin kaya medyo nakakapagod. Ang daming assignments. Assignment sa English, TLE, Filipino, French, tapos yung drawing pa. Normal day lang naman. Naglesson yung ibang subject tapos yung iba seatwork. Hindi na rin ako bumababa sa canteen kasi nakakatamad na kahit gutom na gutom ako, wala din naman kasing matinong pagkain dun, nagbakasyon kasi si kuya boyet sa baguio eh kailan kaya yun babalik hay. Binigay na rin ni Aedel sa amin yung invitations para sa birthday niya, cute nung card haha. Sabi ko magpapa alam na ako pero di ko pa rin nagagawa hahaha badass. Then binigay ni Alecs yung ginawa niyang loom band para sa akin hihi cute. Kaso hindi ko muna isusuot, baka sabihan nanaman ako ni Crissa ng jejemon hahahaha pang jejemon daw kasi yung mga loom band, eh katabi ko pa naman yun baka pagtripan pa ako lol. Paguwi namin nakita ko yung test permit namin ni remy. Pumunta na pala yung mother namin sa UP Diliman kaninang umaga. Nalaman na rin namin yung schedule namin. 4th batch ako, August 17, 2014, Sunday sa Math Department. Boset Math building pa talaga eh, nananadya yata 'to na hindi talaga ako makakapasa kasi I hate math hahaha pisti. Tapos isang course lang pala nasulat ko dun sa form, computer science lang, eh apat kailangan edi nanay ko nalang naglagay ng course ko. Edi sinulat niya BS Tourism at Computer science sa UP Diliman at UP Los Banos. Aba ayos kahit ayoko ngang mag-tourism hahaha hay. Kahit hindi naman ako makakapasa dito hahahahaha omg. Then ginawa ko na yung mga assignments tapos happy happy na ako yey!!!! Kapagod.

3

UPCAT application. Kunwari masipag hahaha kunwari lang. Di ko alam pero tinatamad pa akong mag fill up netong application na ‘to. Wala na yata akong balak magcollege eh nakakatamad kaya hahaha. Yung mga classmate ko pati si Remy, ready na yung application, nagpasa na nga yata sila eh. Samantalang ako eto hayahay. Nagugulat nga yung iba kasi daw bakit wala akong pake tpaos malapit na daw pasahan neto, eh wala eh ganun talaga pag cute hahaha jk. Actually dati na tong naka print kaso di ko lang mahanp kaya yun tinamad ako haha, madali lang naming ifill up ‘to eh, yung 2x2 picture nalang yung problema ko yolo. Ang pressure kasi ayoko munang isipin ang college huhu. Lahat sila nagkakadarapa o yung iba tapos na, samantalang ako eto pa cool lang hahaha asa naman kasing makakapasa pa ako jan diba lol. Ay ewan bahala na haha. 

2

July 09, 2014. Wednesday na rin yes saw akas kalahati na ng week. Productive day ngayon, daming ginawa eh haha. Sa MAPEH gumawa lang kami ng artwork, gumupit kami ng art papers na dapat kasama yung color black, red, blue, yello at white dun sa artwork, tapos kami na bahala kung pano naming gagawin yun. Sa TLE naman nagnotes lang kami then Presentation sa Economics, actually di nga kami nagroupings or nagpractice para ditto eh biglaan lang lol. Sa Physics naman nagquiz lang kami, buti nga madali lang eh haha I so love our Physiscs subject. Sa Research, given na yun, basta yun ulit ginawa naming zz. Sa English naglong test kami, grabe ang hirap ng test, 20/30 lang ako L di ko kinaya huhu. Di kami nag Chem ngayon, wala si sir eh di naming mahanap pati sa faculty wala kaya free time lang kami yey hahaha. Sa Filipino Journ nagsulat lang kami ng balita, di ko na matandaan yung topic eh haha.  Sa Calculus at French nagactivity lang kami, seatwork ganun. Lastly Filipino, nagpresent na kami ng sabayang pagbigkas sa room, pangalawa kami sa pinaka mataas (yata) hahaha, grabe di ko kinaya yung suot ko she tang hot ko talagang pulubi nung time na yun haha. Hay di na natanggal yung eyeliner sa mata ko lol. Paguwi gumawa pa ng mga assignments tapos ginawa ko pa yung art work ko sa MAPEH. Cubism hehe wala lang, ang cute kasi haha ge.