sawa nya

Nainlove ako sa lalaking walang ginawa kundi bwisitin ako.

Nakakainis. Nakakainis sya. Hindi ko nga lang kung bakit ako nainlove sa mokong na yun! Wala syang ginawa kundi asarin ako. Naiirita na nga ako sa mga ginagawa nya sakin e. Iritang-irita na. Kaya nga napapaisip ako kung bakit sa dinami-rami ba naman ng lalaking pwedeng mahalin, eh sa kanya pa ako nagkagusto. Noon, normal lang sakin na mainis at magalit sa kanya. Hindi naman kasi talaga nakakatuwa yung mga pangtitrip na ginagawa nya sakin. Pero ngayon, nahihirapan na akong mainis sa lalaking to. Kahit gaano ko pilitin yung sarili ko na mainis at mapikon sa kanya, hindi ko na magawa. Pilit na lang talaga kung minsan nasisigawan ko sya. Minsan pa nga, sinsadya ko na lang mainis para mapansin nya ako. Noon, gusto ko na syang tumigil sa mga pang-gu-goodtime nya. Sawang sawa na kasi ako noon na palaging naaasar. Pero isang araw, nung hindi ko naramdaman yung presence nya, talagang hinanap-hanap ko sya. Talagang nalaungkot ako. Hindi kasi ako sanay na wala sya. Kahit pa hindi sa sweet na paraan nya ako napapasaya. Yung dating inis at galit ko sa kanya, napalitan ng saya at kilig. Minsan nagtext ako sa kanya nung umabsent sya sa school..

“Hoy unggoy. Bakit absent ka?”

“Bakit? Miss mo na ako no! Wai ka lang, umabsent ako kasi pinaghahandaan ko yung pinaka-biggest trip ko sayo.”

“Ayos ka ha. Pati ba naman dito ginaganyan mo ako. Seryoso, bakit ka nga umabsent?”

“Seryoso naman yun.”

Hindi ko alam pero iba yung naramdaman ko sa huling text nya sakin. Parang naniwala ako na seryoso talaga sya sa sinsasabi nya. Pero nakakainis kasi para lang sa pag-gu-goodtime nya eh aabsent sya. Hindi naman yata tama yun. Ewan ko, kinakabahan talaga ako sa mangyayari.

Kinabukasan nagising ako sa tawag ng bestfriend ko. Pumasok raw ako ng maaga dahil may biglaan kaming exam sa pinaka-hate kong subject. So nagmadali naman ako kasi last chance ko na yun para makapasa.

Pagdating ko sa school nakatapak ako ng chewing gum sa daan.

Letse nga naman oh, pati ba naman dadaanan ko pinagtitripan ako.

Nung malapit na ako sa gate ng school ko, hinarang ako ng guard.. “Miss, asan id mo?”

Hala ka. Nakalimutan ko yung id ko sa bahay, kakamadali ko kasi.. hayst.

“Kuya, nakalimutan ko po. Pwede bang magsign na lang ako?”

Buti na lang pumayag si manong guard. Akala ko talaga hindi na ako makakapasok. Naglalakad ng ako papunta sa college building namin ng biglang may dalawang loko-lokong estudyante na nagtatakbuhan, nakakainis kasi natapunan nila ako ng chocolate drink na hawak hawak nila.

“Hoy! Ano ba naman yan, natapunan na ko! Ano ng gagawin ko!”

“Sorry miss. Hindi namin sinasadya.”

Bago pa ako makasagot ulit sa kanila nakaalis na silang dalawa. Nakakaasar naman talaga oh. Malas malas ko naman. Mas gusto ko pa yata yung mga trip nya kaysa sa mga kamalasan na naranasan ko ngaun.

Malapit na ako sa room namin ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang mga mata ko. Sa sobrang pagkagulat ko, nagpupumiglas ako sa kanya.

“Bitawan mo ko!”

“Easy, wala akong gagawin sayo. Sumama ka na lang ng mahinahon.”

“Mahinahon? Pwes, dalhin mo ako ng maayos!”

Pero kahit anung pwersa ang gawin ko hindi ako nakawala sa kanya. Mga ilang distansya lang naman yung nilakad namin. Hanggang sa nakatakip pa rin ng panyo yung mga mata ko at iniupo nya ako sa hindi ko malamang lugar.

“Hoy. Asan ba tayo? Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sakin? Pls, wsg mo kong sasaktan”

Bigla ko na lang nasabi yan nung tumahimik bigla sa paligid.

“Akin na yang wallet mo.”

“Wallet? Magnanakaw ka?!! Oh sige, kunin mo na basta wag mo kong sasaktan ha.”

“Akin na yang cellphone at pera mo, dali!”

“Oo na oo na, eto na … eto na..”

“Good.”

Pagkatapos nun naramdaman kong may kamay na biglang humawak sa pisngi ko.

“Waaaa.. pls, wag..”

“Sssshhh..”

Dahan-dahan nyang tinanggal yung piring sa mga mata ko. At dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko.

“Pwede bang akin na lang rin yang puso mo?”

Tanong nya sakin pagkadilat na pagkadilat ko.

“Gulat ka no. Sabi sayo e, umabsent ako para sa pinakabiggest trip ko para sayo. Oh ano? Ibibigay mo na ba yang puso mo? O sasaktan kita?”

Sabay ngumiti sya sakin. Hindi ko alam na yun na pala yung araw na pinakahinihintay ko. Yung araw na akala ko pinakamalas na, yun pala pinakamaswerte na.