sarille

ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN

Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat.  ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.

Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.

Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.

When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na. 

No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?

Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer. 

Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa.  ‘Cos a break-up alone is already a closure.

Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.

Yung pakiramdam na parang kulang, pero ayaw mong makumpleto. Gets mo? Ganyan na ganyan palagi ang nararamdaman ko araw-araw. Tipong lahat naman ng nangyayari sa ‘tin ay choice natin. Tipong gusto mong sumaya, pero choice mong maging malungkot. Parang pwede namang hindi mag focus sa bagay na 'yon pero palagi nating iniisip. So hindi natutupad yung standards na gusto natin sa saril natin. Basta, grabehan lang talaga minsan ang isip no? Nakakaloko. Pero wala tayong magawa, kasi ganun tayo eh. We’re acting like may utang ang mundo sa atin dahil palagi tayong nasasaktan pero wala naman talaga. Parehas pa rin ang treatment ng mundo sa mga niloko at mga nanloloko.

Sabay-sabay.
Sunod-sunod.
Paulit-ulit.
Nakakapagod.
Nakakasawa.
Nakakalungkot.
Palaging may hinahabol kahit hindi naman mahuhuli.
Palaging umaalis dahil takot maiwan.
Ayaw magpatalo.
Mataas ang pride.
Nagtatanim ng sama ng loob.
Nanunumbat.
Naninisi.
Nagagalit.
Hindi tanggap ang sarili.
Sumusunod sa dikta ng ibang tao.
Walang sariling paniniwala.
Walang sariling disposiyon.
Maraming sinisimulan pero walang natatapos.
Nagkakamali at uulitin.
Sumasagot sa magulang.
Makasarili.
Naaalala lang ang isang tao kapag may kailangan.
Ayaw masaktan kaya nananakit.
Naliligaw.
Hinahanap ang sarili.
Nalilito.
Lahat gustong piliin.
Pinipilit maging masaya.
Hindi makuntento.
Sunod sa uso kaya hindi sumusunod sa sarili.
Madaling sumuko.
Hirap matulog.
Hindi sapat ang 24 oras.
Akala ay kontrolado ang lahat.
Lahat ng bawal ay gustong subukan.
Naaalala lang ang Diyos kapag may matinding problema.
Sabay-sabay.
Sunod-sunod.
Paulit-ulit.
Nakakalungkot.
Nakakasawa.
Nakakapagod.

pag pinansin,
hindi tititig pabalik
nanakaw ng sulyap
sa bawat saglit
sasabihin sa sariling
wag mahuhulog sa
mababaw na tingin
isang maling hakbang
baka umasa’t humiling
baka bukas
ayoko nang magising

Anxiety and Defense Mechanism

Kahapon ay pumunta akong Cubao para bumili ng libro. Hassle kasi wala sa Bulacan nung hinahanap ko. Sakto na habang nasa Gateway ako ay nakita ko ang dati kong katrabaho. Doon ay nakapagkwentuhan kami at kinamusta ko ang kanyang tatay. Malala na daw ang cancer sa baga dahil sa pagyoyosi nito at dala ng polusyon sa Maynila dahil sa itim na usok ng mga sasakyan at kawalan ng disiplina ng mga tao.

Sabi nya lumalaban daw ang tatay nya sa cancer. Babalik daw sya sa dati at magiging malakas kahit binigyan na sya ng taning ng kanyang doktor. Naluha ang kaibigan ko habang nagkukuwento sa akin at sabi nga nya na defense mechanism na lang nila na maniwala na magtatagal pa ang tatay nila. In denial nga si Jacob at ang kanyang pamilya.

Binalikan ko ang turo sa akin ng aking prof sa Psychology noong nasa kolehiyo ako. Isa nga ang denial sa mga defense mechanisms. Ayon kay Sigmund Freud, ginagamit natin ang ibat-ibang defense mechanisms base sa ibat-ibang sitwasyon. Gumagamit tayo ng mga ito para takasan ang mga bagay na nagbibigay ng anxiety sa atin. Gusto nating iwasan ang mga masasakit na nakaraan, defense mechanism ang ginagawa natin. Iniwan ka ng syota mo dahil it’s not you, it’s me, aba kailangan mo ng defense mechanism.

Pinagaaralan sa Freudian Theory ang concept ng anxiety. Iba ang anxiety sa takot. Kaya kung takot ka na mabisto ng girlfriend mo na may iba ka, hindi anxiety yan kundi fear. Anxiety yan kapag nababahala ka o nagwoworry ka sa mga bagay bagay. Ano ba ang mangyayari sa buhay ko? Magkakalovelife pa ba ako? Isuswipe right kaya ni crush yung Tinder ko para magmatch kami? Mamamatay ba akong tigang? Yan ang mga nakakabahalang katanungan sa buhay natin. Natatakot tayo para sa kinabukasan natin.

Ayos sa librong Psychiatric and Behavioral Disorder in Intellectual and Developmental Disabilities (2007), nagsisimula ang anxiety natin kapag nagtatalo ang ating Id at superego. Id ay yung kasiyahan na tinatawag na pleasure principle. Gusto mong makipaglandian sa may boyfriend na. Go ka parin. Sex sex lang kumbaga. Subo lang pero di kasama ang puso. Gratification. Superego naman ang tinatawag na reality principle. Tama ba ang ginagawa ko o mali? Tama ba na ahasin ko ang boyfriend ng bestfriend ko? Dont subo kung di mo naman mamahalin diba?. Dahil nagtatalo ang Id at Superego mo, nagreresulta ito ng anxiety. Mahal ko si bestfriend ko pero mahal ko din ang boyfriend nya. Papa Dudot I dont know what to do kasi mesherep sye ang mangyayari sayo.

Batay sa pag aaral ni Freud, kapag mas hindi makatotohanan ang nararamdaman mo, mas mataas ang anxiety mo. At dahil hindi makatotohanan ay mas mahirap harapin ito kaysa sa takot. Oo niloko ka nya at pinagpalit ka sa mas maganda. Pero natatakot ka na baka sa susunod na magmahal ka ay ipagpalit ka din. Hanggang sa nabuo ang alamat ng man hater. Mahirap labanan ang anxiety. Mahirap labanan ang sariling multo.

Naalala ko sa libro ni Dan Brown na Origin (2017), nilahad nya na ang isip ng tao ay hindi tumatanggap ng blangko o walang sagot. Hindi nagagratify ang ating Id dahil kailangan natin ng sagot sa tanong kung bakit? ano? paano? Kaya nga natanong ni Liza Soberano sa pelikula na My Ex and Whys na “am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?” O kaya naman ang klasikong pelikula ni Lualhati bautista na “Bata, bata, Paano ka Ginawa?”. Kailangan nating punan ang kulang sa atin. Kailangan nating alisin ang mga takot sa isip natin kaya nakakabuo tayo ng mga defense mechanisms.

Ginagamit ang defense mechanism para pahupain ang anxiety natin sa buhay. Bumagsak ka sa exam kaya sisisihin mo ang teacher mo. Hindi naman kasi magaling magturo yan. Iniwan ka ng jowa mo. Naku! Hindi ko kawalan. Sya ang magsisisi sa huli. Gusto mong pumunta ng Baguio para magmove on at gayahin si Mace sa That Thing Called Tadhana na pumunta sa Sagada para sumigaw ng AAYOKOOOOO NAAAAAAAA. Defense mechanism din yung pagpopost mo sa fb na okay ka lang. Isang pak na selfie. Tapos may caption na Im strong! Kahit deep inside durog na durog ka na. Kaya defense mechanism din ng kaibigan ko na isipin na may pag asa pa. Kahit sinasampal na sa kanila ang katotohanan na wala na talaga. Tulad ng relasyon nyo. *sorry na*

Hindi naman masama ang magkaroon tayo ng defense mechanism para alisin ang mga bagay na nagpapabahala sa atin. Isipin lang natin ang maaring impact nito sa mga taong nasa paligid natin.

İÇİMDEN BİR SES.GİT VUR KAPISINI KIRARCASINA
SENİ KIRDIĞI GİBİ.
ÇIKART DISARIYA GECE YARISI KURU AYAZA.
ÖLÜM GİBİ KORKUNŞ O BOŞ SOKAKLARA.
GÖSTER YALNIZLIGIN NE DEMEK OLDUGUNU.
GÖSTER Kİ ANLASIN YAPTIGI HATAYI.
TUTMA ELİNDEN BİLSİN KORKUNUN NE DEMEK OLDUGUNU.
TUTMA ELİNDEN ÜŞÜSÜN BİLSİN NE KADAR ZOR OLDUGUNU.
HİSSETSİN ÜZERİNE ESEN SERT RÜZGARI.
VE O AN SARIL SENİ SEVİYORUM DE…
ÖĞRENSİN SEVMENİN NE DEMEK OLDUĞUNU …
GÜNAYDIN…

Minsan dumadating sa panahong hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lumalangoy sa maraming desisyong mahirap languyin. Parang naiwan sa gitna ng dagat mag isa.

Hindi katulad nang maraming kong batch mate noong high school, mabilis silang nag dalaga at nag binata. Halos lahat na ng mga kaibigan ko ay nagkaroon agad noon ng pimples, tinubuan na ng buhok sa kilikili, at nag kabigote. Samantalang ako, wala man lang buhok sa legs na ang tagal kong pinangarap.

Hindi ako noon makapaghintay tumanda. Atat magkaroon ng balbas at sariling ATM na naka-ukit ang pangalan. Sabik na sabik lumangoy sa mas malalaking pang responsibilidad.

Isa sa mga admission interview ko noong college, tinanong ako kung ano ang pangarap ko sa buhay. Simple lang naman ang pangarap ko: maging successful sa Advertising, para magkaroon ng sariling condo. Katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula, gusto kong mahirapan magbukas ng pinto kakahanap ng susi, habang may kagat-kagat na pizza, at may hawak na grocery paper sack sa kabilang kamay.

Takot ang sumagot ng edad. Hanggang ngayon kasi na pag iiwanan pa rin ako. Halos lahat ng mga ka edad ko mayroon ng anak, successful sa trabaho, at mga nag iipon na para makabili ng sarili nilang mga bahay. Maliwanag ang mga dagat na nilalangoyan nila. Alam kung saan ang pupuntahan.

Twenty-fucking-eight years old.

Hindi ako naging successful sa Advertising. Wala pa rin akong balbas. May sapat na kinikita sa pag de-design. Nakatira ako sa sarili kong inuumpahang bahay. Minsan na rin nahirapan magbukas ng pinto kakahanap ng susi, habang may kagat-kagat na pizza, at may hawak na grocery paper sack sa kabilang kamay.

Bawat padyak ng mga paa ko papalayo sa pampang ay siya ring paglaki nang alon ng mga responsibilidad. Madalas, halos malunod na sa mga dumarating na problema.

Sobrang dilim, nakakatakot. 

Wala pa rin akong siguradong pupuntahan. Pero ang alam ko lang sa ngayon, kahit huli man at pagod, dapat  ay ‘wag akong tumigil lumangoy.

Sabi nga ni Dory “just keep swimming.” 

cambaganda  asked:

Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!

Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)

Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.

Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.

Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.

Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.

Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 

Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  

Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.

Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”

Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.

At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.

Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!


*All photos of book covers belong to their respective owners. 

GROUP CHAT NG MGA BAYANI:
  • Jose Rizal added Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, and Antonio Luna.
  • Jose Rizal changed his nickname to JR.
  • JR: Kamusta mga paisano!
  • Andres Bonifacio: Oy, musta Jose! Haha. Aba, sosyal na nickname ah. JR na. Dati-rati Pepe ka lang ah. Haha.
  • JR: Shatap. Haha. Asan si @Apolinario at @Antonio?
  • Antonio: Hello, puta! Haha
  • Apolinario: Oy, Antonio, bibig mo kahit kailan ang cheap! Haha. Puro mura lumalabas. Haha. Lols.
  • Antonio: Tahimik! Tumayo ka at mag duwelo tayo!
  • JR: Burn.
  • Andres: Wasak si Apo
  • Apolinario: Kayo pinagtutulungan niyo ko pasalamat kayo nakaupo pa lang ako ha malilintikan kayo sa aking mga propagandista kayo. Haha. Mga bopols!
  • Andres: Mas bopols ka! Katipunero ako haha.
  • Antonio: Haha burn na burn parang Intramuros.
  • Antonio: Gusto ko yung bars na binitawan ni Andres. Tsaka nag-choke si Apo kaya ayun extra three-points para kay Andres.
  • JR: Siyang tunay.
  • Apolinario: Oh sige na give up na’ko mga tol. Haha. Musta mga buhay-buhay natin?
  • JR: Ayun, patay pa rin .
  • Antonio: RIP sa biro mo p’re.
  • JR: Heretico! Haha.
  • Andres: Prayle be like
  • Apolinario: Good one
  • Andres Bonifacio added Marcelo H. Del Pilar.
  • Marcelo changed his nickname to Plaridel.
  • Plaridel: Magandang gabi mga kasama!
  • Antonio: @JR Hoy magandang gabi raw. Haha.
  • Andres: @JR Hoy batiin mo.
  • Apolinario: @JR Hoy, I greet mo gusto mo tumayo pa ko para ihatid kita?
  • JR: @Apolinario, sige tayo ka tapos dance battle tayo. @Plaridel, Uy pare musta
  • Andres: Savage
  • Antonio: Siyang tunay.
  • Apolinario: Pinagbibigyan ko lang kayo mga sinverguenza
  • Plaridel: Aba, umuunlad ang trash-talk mo apo. Haha. Duwelo tayo minsan.
  • Antonio: Wait may prank ako
  • Antonio Luna added Pedro Paterno
  • Pedro Paterno: Buenas notches, amigos!
  • Antonio: Muerte a los traidores! Punyeta!
  • JR: Ang hindi magmahal sa sariling bayan ay mas masahol pa sa expired na lata ng sardinas.
  • Andres: Nagsanduguan kami para mapatunayan ang aming katapatan sa kilusan. Wala ka atang dugo, kaya di ka loyal.
  • Plaridel: Kakahiya ka, bro. Magkasama pa naman tayo dati sa La Solidaridad. Get lost.
  • Pedro Paterno left the conversation.
  • Antonio: Good job guys
  • Apolinario: Haha ang mean natin.
  • Emilio Aguinaldo: Hi guys
  • Antonio Luna removed Emilio Aguinaldo from the conversation.
  • Plaridel: Bitter?
  • JR: 3gguard
  • Antonio: Kayo kaya ma –rampage sa simbahan. Ouch.
  • JR: Oo nga p’re, buti nga ako sa likod lang na-firing squad.
  • Andres: Huhuhu
  • Antonio: I feel you @Andres
  • Antonio Luna added Juan Luna.
  • Juan Luna changed his name to Spolarium
  • Spolarium: Juan’s on the house beybeh
  • JR: Syet famous
  • Antonio: Pa- fan sign idol
  • Spolarium: Sure sure later. Naka-free data lang ako.
  • Apolinario: Ang ganda nung artwork na pinaskil mo nung kailan
  • lang sa Instagram ba yun? Hanep.
  • Spolarium: Thanks fam #Passion #Artist #SiningParasaKinabukasan
  • Plaridel: Chill ka na pare ha? Nung last ka nagwala na dead si wifey mo.
  • Spolarium: Wag mo na ibalik yon Marcelo. Nawala lang ako sa sarili ko non huhuhu
  • JR: Condolence fam
  • Apolinario: Wait wut?
  • Spolarium: Wala wala nevermind
  • Spolarium @JR Happy anniversary nga pala sa inyo ni O Sei San
  • JR: ???
  • Spolarium: Sabi ko happy anniversary sa inyo ng nobya mo
  • Antonio: @Spolarium wala na sila ni O Sei San lol
  • Spolarium: Eh yung si Segunda?
  • JR: Ex-Crush lang yon no ka ba.
  • Apolinario: Si Gertrude.
  • JR: Naiwan sa England.
  • Spolarium: Balita ko muntik na kayong mag dwelo ni @Antonio para kay Nellie Boustead? Haha!
  • Antonio: Shatap bro.
  • Pladirel: Leonor pa rin mga ulol
  • JR: </3
  • Andres: Haha the man who can’t be moved
  • Apolinario: Wew incest
  • JR: Hijo de puta
  • Spolarium: Chill. Chill. Haha. Forever kayo ni Josephine diba haha ❤ yieee
  • JR: Ikr haha.
  • Andres: Wait may nag-add friend sa akin haha ang jeje pota
  • JR: Baka matulungan kita pare haha
  • Apolinario: Ano pangalan fam
  • Andres: beyb3h jAne aKalAh m0h iNnocent3 sUpLahdIhtAh paAlah #29
  • Antonio: Punyetang putang ina I block mo yan hangal!
  • Plaridel: Kahit ang mga prayle ay hindi magagapi ang heresiyang ito
  • Spolarium: Abstract painting lol
  • Apolinario: Ano yung sinabi mo dati Jose? Kabataan ang pag-asa ng bayan?
  • JR: Haha jk
  • Plaridel: Pahiya ka eh no
  • JR: Haha shatap guys
  • Andres: Hayyyy.
  • Andres:
  • JR:
  • Plaridel:
  • Antonio:
  • Spolarium:
  • JR: Deserve ba ng lipunan ngayon ang mga sakripisyo natin noon?
  • Spolarium: Kahit ganyan yang mga batang yan. Alam ko may future yan, kahit jeje sila mag sulat. Gwaaark *suka*
  • Andres: Agree.
  • Apolinario: Bawat henerasyon may mga masamang damo talaga iyan. Hindi ibig sabihin non na ang buong gubat ay puro masamang damo ang laman.
  • Plaridel: Siyang tunay.
  • JR: At balang-araw isa sa kanila ang magdadala ng liwanag sa Pilipinas.
  • Andres: Hindi man magiging perpekto ang lipunan, pero at least umuunlad.
  • Spolarium: Syet ang deep natin.
  • JR: Hahah tulog na tayo. Good night. ♥
  • Conversation Ended.
  • #LoLz #MgaBayani #KnowOurHistory
  • From Efren Red H. Santos