sariling mundo

ako lang ba nateary eyed sa video kahapon na pinalabas sa huli sa tsamu? hahaah tae. ang saya lang panuorin na nagsasama sama yung mga tao na nasa iisang mundo. mga tao na may sari sariling mundo at naninirahan lahat sa tumblr at clueless lahat ng tao ano ang meron kami dito at bakit hindi namin iniiwan ang tumblr. haysss. ewan ko ba. ang special ng mga tao dito sa tumblr. mas real pa sa real mga tao dito unlike sa mga tao sa surroundings mo. never ka nila maiintindihan unlike tumblr pips. they’re the best. kung aarttend ka na lng din ng mga meet ups gawin m ong makabuluhan at siguraduhin mo nang kasama ang mga tunay na kaibigan. sobrang salamat sa organizers na walang sawang nagcoconduct ng event na ganito. ang sarap pagmasdan ng mga taong nagbablog na nagtitipon tipon sa isang event regardless if may mga issue between them. ang mahalaga is they do not miss the most awaited and important day sa tumblr community. and i am a proud blogger indeed. i love tumblr :)

Ang mukha ng mundo.

“…marahil ganito ang turo sa kanya ng mundo,
Ang tanggapin at dibdibin,
Ang tumanggap ng ideya patungkol sa kanya at sarilinin,
Ang hayaang mamahay ang sakit at pilit intindihin ang lahat.

Dahil sa t'wing siya'y hihinga,
Tanging salita nila ang kanyang nakukuha,
Sa bawat pagdilat ng mata,
Dilim na kumakain sa liwanag ang nababanaag niya,
Na kahit sa pagpikit ng kanyang mga mata'y dilim pa rin ang kanyang kasa-kasama…”

“…Sa bawat lakad niya'y mga alaala lamang ng kasakitan ang kanyang natatandaan, naalala, at naiisip.
Kahit bilisan at bagalan ang lakad, tanging pagbagal lamang ng kanyang sariling mundo ang nagaganap…”

ANG PINAKAMALUNGKOT NA ‘JUST WOKE UP’

Dahil gigising na naman akong wala ka sa tabi ko. Na malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 

Balik LDR na naman tayo.

Ang totoo, pagod na ‘ko. Pagod na ako na palagi na lang kitang iniiwan. Pagod na ako na kailangan kong paulit-ulit mamili kung itutuloy ko pa ba o dito na lang kasama ka. Pero ang mas masakit, palaging hindi ikaw ang pinipili ko. Pero paulit-ulit mong tinatanggap yung desisyon ko kasi naiintindihan mong ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko.  Palagi kong tinatanong kung napapagod ka na ba, pero paulit-ulit mong sinasabi, “Kayang-kaya.”

Tama ka naman eh. Masaya na tayo sa simpleng bagay na meron tayo dati. Lomi lang ang katapat mo, kwek-kwek sa’kin. Okay na tayo sa isang beses isang buwan manood ng sine tapos torrent-torrent na lang. Palihim tayong pupuslit sa bahay kapag walang tao tapos maghapong manunood sa kwarto. Magluluto tayo ng paborito nating instant ramen. Hindi mo muna kakainin kasi alam mong pipicture-an ko pa tapos ipopost sa instagram. Palagi kang may dalang Clover Chips yung Hot ‘n spicy. Yun ang kakainin natin habang nanonood ng movie. Hindi pa nagsisimula ubos na agad. Kaya siyempre ako na lang yung kakainin mo. Hahalikan mo ko, hahalikan kita. Huhubaran mo ko, huhubaran kita. Hanggang sa makalimutan na natin yung pinapanood  kasi naseksihan ka na naman sa’kin. At sarap na sarap naman ako habang minamanyak mo ‘ko, kainis. Tapos tatambay tayo sa 7/11 kasi wala lang. Magkukwento ako, magkukwento ka. Tawa lang tayo ng tawa hanggang sa ‘di na natin namamalayang gabi na pala. Sasakay tayo ng jeep tapos dun tayo lagi sa una. Para kunwa-kunware may sarili tayong kotse, pauyuhan pa sa pagbabayad ng pamasahe. Tapos, bukas na lang ulet. 

Kahit paulit-ulit hinding hindi ko ipagpapalit.

Ang saya-saya lang natin. Para tayong may sariling mundo. Ikaw lang at ako. Walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

—-

Pero bukas gigising na naman akong malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 

Hanggang Skype na lang ulit tayo.

Sa pagtatapos ng first quarter, lamang ang Caloocan Katipuneros ng limang puntos laban sa Manila Meccas, 15-10.

Isa sa mga nae-enjoy kong gawin sa paglalaro ng video game na tulad ng basketball ay ‘yung pagbuo ng sariling team. Paminsan-minsan ay nagce-create din ako ng player pero mas gusto ko pa rin talaga 'yung bumubuo ako ng team.

Okay, balik na ako sa laro. Ahehehe. Bye!

HATERS ON Hope Elizabeth “Liza” Soberano:

“Na-meet ko na yan ang arte,”

“Walang respeto, malandi pa.”

“Inaagaw naman niya si Daniel kay Kathryn eh.”

Wee? Di nga? Sure ka nameet mo na? Nakasama mo na ba siyang tumawa? maka-kwentuhan? Bakit sure ka bang inaagaw niya si Daniel kay Kathryn? Baka naman si Ryan/Joaquin ang inaagaw niya hindi si Daniel.

Ang problema po kasi sating mga Pinoy naghihilaan tayo pababa. Bakit hindi niyo hayaang mag shine ‘yong ibang tao? Kasi tulad ni Kath and Daniel pinaghirapan niya rin kung nasan siya ngayon. Hindi niya kailangan magkaroon ng apilyedo na kilala na sa showbiz industry para sumikat dahil aminin niyo man o hindi may talent siya, she can also act na pwede pang i-push, maganda, pwede rin siyang model.

Hindi lang po kasi maganda sa image ng “KathNiel Fandom” na satin nagsisimula ang mga away. Ang nakakainsulto lang po minsan ay yong mga nagkakalat ng maldita, pangit ang ugali niya, kasi hindi naman ‘yon totoo.

Kasi siya yong tipo na kahit bumubuo na ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz “hindi siya nakakalimot sa kaniyang pinang galingan,