sardonicmediocre

Kirsten: Ikaw ba ‘yung nahulog sa basketball noong friday?
Gyno: Ah… 'Yung nabayagan.

New found friend ko si Kirsten. Pinakilala lang siya sa amin kanina ng kaklase ko. Parang 7 years na ata sila magkakilala kasi, bestfriend sila. Sumama ako sa ibang mga kaklase ko para maiba naman. Ka-close ko lahat ng mga kaklase ko kasi, sumasama din ako minsan sa ibang barkada. Tumambay kami malapit sa may amin. Ininterview ako ni Kirsten noong nagke-kwento siya tapos nabanggit niya 'yung “Seballos” kasi ex ng isang babae 'yun. Tapos tinanong kung may kapatid akong babae at syempre, alam niyang si Nadine 'yun.

Bumalik siya pagkatapos niyang bumili ng yosi. Sabay, “Gyno, may Tumblr ka ba?” ang sabi niya. Napangiti lang ako at tumawa. Tinanong niya ulit, “May Tumblr ka ba?”. Sabi ko, oo tapos tinanong niya URL ko, sabi ko, “Pilosopog–” sabay singit niyang “Ahhh! Ikaw 'yun?!” tapos tinanong niya kung Beda High daw ako, tapos nabanggit niya 'yung TUMU at nandoon daw siya, section 13 ata, kung saan sila Miggy.

May iba pa kaming picture kasi nanghingi siya ng picture… pero phone ko naman ginamit. Galing nga e. Kaso ito nalang, picture niya mag-isa na kinuha ng kaibigan kong nag-effort pa. Kita daw 'yung pata niya.

Gyno: Joni, kunan mo nga si Kurt (alanganin) kasi 'di ko alam pinagsasasabi mo. Ikaw magaling e– tama ba, Curse?
Kirsten: Kirs…
Gyno: Curse…
Kirsten: Kirs!
Gyno: Curse!
Kirsten: Kirsten.
Gyno: Ah, puta. Kirsten pala! 

Sa mga nagsasabi at nagaakalang ka-date ko siya kahapon, hindi ‘yun totoo. Siya si Kirt, BFF ko siya IRL. Wala siyang masyadong kakilala din kasi kaya nasa sulok lang kami, sinasamahan ko siya pero pinapakilala ko siya sa mga kakilala ko para dumami kaibigan niya sa Tumblr. Ito Tumblr niya: [x]

At pasensya na sa mukha ko dahil init na init talaga ako niyan kasi may sakit ako kahapon kaya 'di ako masyadong gumalaw na. Nakaupo lang ako buong meetup at nagpapalamig. At ito, may trangkaso na nga e. At ginawan niya ako ng sandwich dahil sweet siya. Nutella sandwich. Haha.