sangkotako

Ang Kulit lang.
  • Habang nasa Skype
  • Mama:Ano ba yang pinupulot mo dyan?
  • Papa:Alikabok.
  • Mama:Alikabok? Pinupulot mo alikabok?
  • Papa:Nagugutom ako pero inaantok na ako.
  • Mama:Ay sige na magpahinga ka na.
  • Papa:Eh bakit ba tinaboy mo na ako, ayaw mo na ba ako kausap?
  • Mama:Sabi mo inaantok ka na?
  • Papa:Oh sige. Love you muna.
  • Mama:Oo na! Love you na!
  • Papa:Hahahaha!
Kahapon, Ngayon at Bukas

Ang Kahapon ay Kasaysayan, Ngayon ay Regalo at Bukas ay Misteryo

Kahapon

Ang dami na natin napagdaanan. Mga bagay na natutunan at kung minsan mga bagay din na dapat kalimutan. Sa ngayon marami akong naiisip na nagawa ko na tama at mali. Tamang bagay dahil nakabuti ito sa buhay ko ngayon. Maling bagay dahil nakasakit ito sa sarili ko at pati na rin sa ibang tao. May mga ala-ala akong nakapaloob sa iyo na binabalikan ko pa rin. Mga tagpong nagbibigay sa akin ng ngiti. Yung sitwasyon na uupo lang ako sa ilalim ng puno ng mangga at maiisip ang mga bagay na naranasan ko na nakapaloob sa iyo. Hindi man perpekto ang mga nangyari sa iyo, alam kong may gusto din ituro si Lord sa akin patungkol sa iyo. Binuo mo ang buhay estudyante ko mula sa pagiging kinder hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo. Yung tipikal na pinagdadaanan ng isang kabataan yun ang pinaranas mo sa akin. Sa tingin ko Kahapon masasabi kong kasaysayan ka dahil sa may iniwan ka sa puso ko na magiging permanente nang nakatatak. Ikaw ang kahapon na nagturo sa akin ng maraming bagay. Ikaw ang kahapon na nagparanas sa akin ng mga pagsubok para mahubog ako bilang tao. At sa tingin ko ikaw ang nagturo ng unang lesson sa akin kung paano mabuhay dito sa delikadong mundo na ito.

Ngayon

Hanggang sa ngayon ikaw ang nakakasama ko. Kung susukatin ko halos pantay pa hanggang sa ngayon ang mga pagsubok at kasiyahan na ibinibigay mo sa akin. Anuman sa ito ay pinagpapasalamat ko. May mga natutunan pa din ako sa iyo hanggang sa ngayon. Kung minsan pa nga eh hindi ko maintindihan kung bakit mo pinaparanas sa akin ang mga bagay ngayon. Pero mahalaga pa rin ito dahil nagiging parte mo ito. Sa bawat sitwasyon ngayon alam kong mahalaga ito dahil ang bawat isa na ito ay bubuo sa pagiging Ngayon ko. May mga pagdedesisyon ako ngayon na hindi ko pa nakikita kung makakabuti ba para sa akin. Pinakita mo sa akin at ipinamulat ang mga realidad na hindi ko pa nakikita nung kami pa ni Kahapon ang magkasama. Sa ngayon masaya ako sa pagsama mo sa akin sa pagtakbo sa delikadong mundo na ito. Ikaw Ngayon ay isang regalo sa akin dahil sa mga supresa at tagpo na binibigay mo sa akin. At bilang regalo, iingatan kita at isang mahalagang parte ng buhay ko.

Bukas

Wala pa akong alam kung ano ang magiging relasyon natin. Hindi ko pa nga din alam kung darating ka pa nga ba o hindi na talaga. Pero umaasa ako na magiging magkasundo tayo kung sakali man magkasama tayo. Maraming tumatakbo sa isip ko sa oras na magkasama na tayo. Matino na ba akong tao? Napapariwara na ba buhay ko? Sikat na ba ako? Ano na kaya ako? Pero ngayon ang alam ko ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa pagdating mo ay mapabuti ako. Malayo-layo pa ang tatakbuhin, lalakarin, tatalunin, at aakyatin para makita ka lamang BUKAS ko. Wala akong pwede pang masabi sa iyo. Isa ka din kasing misteryo. Pero sa pagiging misteryo mo eh naeexcite akong makipagkita sa iyo. See you soon!

Ang buhay natin ay pwedeng masabi natin na may KAHAPON, NGAYON at BUKAS. Tatlong paghakbang na magkakaroon ng malaking epekto sa buhay natin. Diskarte mo na yan kung ang tatlo na yan ay gusto mong pagandahin, palawakin o kaya sa isang simpleng anyo lang. Huwag din kalimutan na galing ito sa nasa ITAAS. Huwag kang mahiya na magpatulong sa KANYA kung paano mo gagawin nga tatlong hakbang mo na ito. Pasalamatan mo ang bawat ibibigay sa iyo. Tandaan na napupunta sa iyo ang ganitong bagay dahil para sa iyo talaga ito. Sa huli naman ang KNB mo ay mag-iiwan ng bakas na ngiti sa labi mo. Eto ang KNB ko. Sa iyo ano ang KNB mo? Ano ang Kahapon Ngayon at Bukas mo?

Nanunuod ng IamLegend
  • Ako:Huwag niyo na lipat, maganda yan si Will Smith kasi bida.
  • Mama:Ay oo kapag kay Will Smith maganda sigurado yan.
  • Lanz:Di ba yan yung tatay ni Taylor?
  • Ako:Taylor?
  • Lanz:Si Taylor Smith.
  • Kami:......

Ang epic lang kaninang umaga, nanaginip ako na hawak ko yung kamay nung isang babae, tapos hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita pa yung babae na yun. Tapos dun daw sa panaginip ko hahatid ko daw siya dahil may pupuntahan daw siyang lugar, so magkahawak kamay kami habang naglalakad. Tapos nagising na ako nakita ko hawak ko kamay nung kapatid ko na katabi ko. Nagkagulatan pa kami parehas dahil sabay din kami nagising. Hahahaha.

“Pre mukhang aalis na din si Kiten ah? Migrate na sila ng family niya sa Canada.”

“Oh talaga? Good yun para sa kanila, last night lang nakasalubong ko siya eh kaso saglit lang din kami nakapag-usap.”

“Okay yun, paano yan pagbalik ko dyan sa Pinas, mukhang tayong tatlo na lang nila Migs makakapagkita kita.”

Ano pa nga ba, siguro ganon na lang tutal mukhang kami na lang ni Migs ang naiwan dito sa Pinas eh, yung iba naman may responsibilidad nang bumuhay ng pamilya kaya hindi na natin sila masisi kung hindi sila makasama

Sayang talaga no?”

Oo nga e.”


Masayang malungkot din na makita mo ang malalapit sa iyong mga tao na unti-unti nang malalayo sa iyo. Yung mga taong nagpakita sa iyo kung ano talaga ang pagiging tao. Yung nakasama mo sa mas mahabang oras, mula nung naging highschool ka, nagcollege, kahit na iba’t ibang school ang napuntahan, at kahit na may mga nagtratrabaho na ay nagagawan pa rin ng paraan para makapagkamustahan at magkaroon ng balita sa isa’t isa. Pero darating at darating din talaga na malalayo ka sa kanila. Gagawa kayo ng mga kanya kanya niyong daan na patutunguhan. Hindi na kayo pwedeng magsabay pa sa daan na yun dahil magkaiba na kayo ng direksyon. May mga desisyon na kayo na kayo na lang mismo ang magiisip. 

Halos ganyan na ang nangyayari sa mga kaibigan ko ngayon. Nakikita ko na sa kanila na gumagawa na sila ng mga plano para sa buhay nila. Nalalayo ng lugar, nagdedesisyon na magpamilya. humahakbang sa panibagong lebel ng kanilang buhay. Masaya na rin akong makita silang umaasenso sa buhay. Yung mga dati mong nakikitang totoy at nene nung 1st year highschool kayo eh mas iba na ngayon, bago na. Totoong nagbabago ang tao, pero mas mabuti kung sa positibo ito nagagawa. 

Ako, marami pa akong dapat gampanan dito. Alam ko marami pang ipapapagawa sa akin yung nasa TAAS. Marami pa SIYANG assignments na ibibigay para sa akin. At bilang tagasunod NIYA, willing akong gawin ang mga papagawa NIYA pa sa akin.

Sa mga kaibigan ko na hindi ko na halos makasama, alam ko balang araw, gagawa ulit tayo ng lakad na tatatak ulit sa history nating magkakaibigan. May araw na nakalaan, may lugar na gagampanan at may mga tawanan na pagsasaluhan. Hanggang sa muling pagkikita barkada.

Usapang DEAC.

So may nakachat ako sa facebook na isang blogger dito sa tumblr. Noong una hindi ko pa alam na nagdeac na siya at hindi na siya gumagamit pa ng tumblr. So napunta sa kamustahan at naitanong ko nga na hindi ko na siya napapansin dito sa tumblr. Ayun nga, wala na daw siya dito sa tumblr at itinigil niya na. So tinanong ko yung dahilan kung bakit siya nagdeac at sa tingin ko naman eh may katotohanan yung naging rason  niya kung bakit nga naisipan niya pang magdeac na dito sa tumblr. “Para kasing required kang maging malungkot kapag nakalog-in ka na sa tumblr, yung tipong goodvibes ka tapos mahahawa ka na lang sa kalungkutan nung ibang nagpopost dun.” Bale ayan ang sinagot niya sa tanong ko. Matagal din akong nagisip kung ganon nga ba ang nangyayari dito sa tumblr. Oo minsan may nakikita talaga akong malulungkot na post dito pero hindi ko naman mapipigilan yung ibang blogger sa nararamdaman nila, isa pa karapatan nila yun. Sa tingin ko nasa sa iyo na yun kung magpapaapekto ka sa kalungkutan na nababasa mo. Sa sarili ko kapag nakakabasa ako ng ganon mas mainam kung i-TA mo yung blogger na yun at subukan siyang tulungan sa problema niya. Ganito naman dito sa tumblr. Nagdadamayan. Para sa akin bago ka magdeac isipin mo din ang lahat ng nabuo dito sa tumblr. Sa ayaw mo man o sa gusto, may parte ng pagkatao mo na nabuo dito sa tumblr at kahit kailan hindi pumasok sa isipan kong magdeac dito sa tumblr dahil lang sa mga iilang rason na pwede namang may solusyon.

Madalang lang kasi na sa isang araw eh may magfollow sa akin ng higit sa isa, kaya natuwa ako na halos sabay-sabay eh nagfollow sila sa akin sa isang araw. Mababaw lang naman ang kasiyahan ko pagdating dito sa tumblr. Yung makita mo lang din na may nagkainteres na magpindot ng follow para sa iyo. Kumbaga nakuha mo ang atensyon nila kahit na sa konting part lang. Maraming salamat sa inyo ganun din sa mga dati nang nagfollow sa akin dito sa tumblr. Salamat sa katiyagaan niyo na mapadaan ako sa mga dash niyo. Hindi ko kayo gustong tawaging mga followers, mas okay kung mga kaibigan. Mas magandang maraming kaibigan para mas masaya. God bless and enjoy your night everyone! :)

Flattered.

Nung nakaraang araw, nakapila ako sa 7/11, tapos habang nakapila ako may isang lalaki tska dalawang babae na nakatingin sa akin. Medyo nailang ako pero hindi ko na lang pinansin, inisip ko na lang na baka hindi sa akin nakatingin, baka doon sa kasunod ko sa pila. Pero nung sinubukan ko ulit silang tingnan nagbubulungan na sila at nakatingin pa din sila sa akin. “Badtrip tong mga to ah” Medyo naiinis na ako pero hindi ko na lang din pinansin. Pagkatapos kong mabayaran yung mga items na binili ko, palabas na sana ako pero nagattempt na habulin ako nung lalaki, tapos sabay sabi “Kuya, 7th Day Progression?” Medyo nagulat ako sa tanong niya. Tumango na lang ako para masagot yung tanong niya sa akin. “Sabi na eh kuya ikaw yung vocalist nun,kaya parang pamilyar.” “Ang tagal na namin hindi nakakatugtog ah, buti natatandaan mo pa kami.” sabi ko. “Na-amaze kasi ako sa last performance niyo, bihira kasi sa mga banda yung before na tumugtog eh nagiinspire kayo sa mga nanunuod sa inyo kaya natandaan ko kayo.”
Medyo nagmamadali na din kasi nung oras na yun kaya nagpaalam na din ako sa kanya pagkatapos ng maikling pag-uusap. “Sana makatugtog ulit kayo kuya”. “Susubukan namin” Sagot ko dun sa lalaki. Nagpaalam na ako pati na din dun sa kasama niyang dalawang babae. Nung naglalakad na ako papunta sa terminal, doon ko lang naisip na hindi ko pala nakuha mga pangalan nila, sayang lang, madalang lang kasi yung mga ganong tao na iaapproach ka para iappreciate yung mga nagawa mong music. Nakakataba lang ng puso na ang mga nagagawa mo palang music eh nagkakaroon ng malaking impluwensiya sa mga nakakarinig nito.Hindi naman sa nilagay ko ito sa tumblr para ipagyabang pero nakakatuwa lang na minsan maraming mga simpleng bagay ang makakapagpasaya sa araw mo. Sana nga makabalik na ang banda namin sa pagtugtog.

Ako.

Nakakatawa yung naging usap namin ng isang blogger dito sa tumblr. Bale kagaya ng normal na usap ang nangyari pero nagulat ako na natawa sa tinanong niya tungkol sa akin. “Kuya magpapari ka ba?” Siguro dahil medyo may pagkaserious type yung blog ko at kaya niya natanong yun. Kahit naman sa personal halos karamihan sa mga kaibigan at kakilala ko eh first impression talaga sa akin eh masungit at seryoso talaga. Ewan ko ba sa sarili ko pero hindi ako aware na ganoon na pala ako. Kaya siguro minsan takot sila lumapit sa akin? Hahaha. At kung minsan dito din sa tumblr, madalang lang talaga may kumausap sa akin dahil parang ang seryoso ko masyado? Huwag kayo matakot sa akin, mabait naman ako at hindi nangangagat. ^_^

Kapatid ko yung lalaki sa picture, trip ko lang i-kwento yung storya tungkol sa picture na nasa itaas na yan. Bale bago pa nakita ng kapatid ko yung girl na yan sa personal eh napaginipan niya na ng dalawang beses yan pero hindi niya pa nakikita o nami-meet sa person yung girl na yan. Iniisip ko na pwede pala yun, na mapaginipan mo ang isang tao kahit na hindi mo pa siya nakikita personally. Out of curiosity, hinanap ng kapatid ko yung girl tuwing pumapasok siya o kahit saan siya magpunta. Tapos isang araw nakita niya sa Mcdonald’s yung girl na yan na kumakain and then yun pala kakilala yun ng mga mate niya ngayong college yung girl dahil batchmate nila nung nagaaral pa lang sa highschool. Medyo creepy pero ang cute lang isipin na nangyayari pa din pala yung ganyan. At talagang nagtiyaga ang kapatid ko magsearch sa mga social-networking sites para lang mahanap yung girl sa panaginip niya which is totoong tao pala. Ang maganda pa dun eh iisang university lang ang pinapasukan nila hahaha. Kita naman sa picture di ba hahaha.

Kaninang umaga.
  • Jelo:Ma, baon ko asan na?
  • Mama:Oh eto na.
  • Jelo:Ma, 150 na dapat baon ko, nagtataas na tuition kaya dapat mataas na din baon
  • Mama:Itaas muna dapat ang grades bago itaas ang baon!
  • Jelo:...

Sulit ang pagpunta namin sa Orani Gym nung saturday night. Kahit hindi nakapagdala ng camera ay napagtiyagaan na lang ang kuha sa cellphone. Nakakatuwang nakasama ang isa sa gusto kong emcee sa Fliptop. BLKD all the way haha! Naging fan ako ng tao na to dahil sa mga sense of humor at mga malalalim na salita na binabahagi niya kapag may battle siya. May mga malalalim na banat pa at mga lesson na matutunan kapag pinakinggan mong mabuti yung mga sinasabi niya. Goose bumps ang mararamdaman mo kapag narinig mo na ang mga sinasabi niya sa mga laban niya. Try nyong panuorin itong isa sa mga battle niya na napahanga ako. :)

http://www.youtube.com/watch?v=gWS3he5USoY

Bilyonaryo

Unang una gusto ko muna magpasalamat kay janine sa pagpapahiram sa akin ng astig na art work na ito. Follow nyo siya sa tumblr. therainbowmachine.tumblr.com

Pangalawa, gusto ko din magpasalamat sa mga daliri ko na kusang nagtatype ng mga letters dito sa laptop ko.

ok game na tayo. :D

Pansin niyo ba nakalagay dun sa drawing? “I wanna be a billionaire” matagal akong nakatitig sa drawing na to. Sabi ko pa, anu kaya tumatakbo sa isip ni janine nung ginagawa nya to. At ano din ang tumakbo sa isip ko bakit napili ko ang drawing na to. So unang nakatawag pansin sa akin eh iyong nakalagay sa itaas. marami sa atin ang gustong maging ganyan, kaya mong bilin ang mga gusto mo kapag naging ganyan na ang sitwasyon mo. Siguro isa ka na rin sa mga nakahanay sa mga listahan nila Cojuangco, Ayala at Lucio Tan. Kaya mo na din bilin ang mga latest models ng iPhones and laptops. At kung ako din eh maging ganyan, mabibili ko din ang gusto kong kotse. Toys for the big boys ika nga nila. Balik na tayo sa pagiging bilyonaryo. Marami na akong nakilalang mayayaman pero hindi naman sila umabot sa level na pagiging bilyonaryo. At sa tingin ko naman eh nagiging ok ang buhay nila. Kung ok ang buhay ng mga mayayaman na kilala ko, pano pa kaya ang mga mas mayaman pa sa kanila? Pero may naiisip din ako sa mga ganong usapin. Paano kung hindi sila masaya kahit bilyonaryo sila? Madalas napapanuod ko sa tv ang mga ganyang sitwasyon. Mayaman si lalake pero emo emo ang buhay niya, wala siyang kaibigan, broken-hearted at pressured pa siya sa mga trabahong ginagawa niya. Meron naman mag-asawa na ganon din ang nangyayari sa kanila, mayaman nga sila pero lagi naman sa trabaho at career ang mga iniisip nila. Hindi man lang maasikaso ang sariling pamilya nila, at ang resulta rebelde ang mga anak nila, ganyan ang mga napapanuod ko sa tv namin eh. Mayaman pero miserable ang buhay. 

So ngayon nagiisip na ako ng pwede ko pang idugtong sa ginagawa kong to. Pero biglang nagtext si janine sa akin na ganito “Kahit kelan hindi naging abala ang kaibigan”. So nagkaroon ng spark at idea ang utak kong hindi gumagana sa text ni janine. Minsan ko pang tiningnan ang drawing ni janine, then nakita ko yung mga weird creatures sa baba, tiningnan ko sila isa-isa, iba iba ang itsura nila, siguro iba-iba din ang mga personality ng mga to. So nagconclude na lang ako na malamang kaibigan nung ninja sa baba ung mga creatures na to. Mukhang enjoy naman sila kung mapapansin nyo. In reality, oo masarap ang magkaroon ng mga bagay na nakakapagpasaya sa atin katulad ng pera, Pero di ba mas masarap magkaroon ng kaibigan na laging aagapay sa iyo oras na kailangan mo ng tulong. Para sa akin, mas mayaman ang taong may totoong kaibigan kesa sa taong maraming pera. Ang pera nawawala pero ang kaibigan kailanman hindi nawawala. Iba iba man ang personality ng mga kaibigan natin, may isa namang pagkakapareho sila. Ang PAGMAMAHAL nila para sayo. Sa tingin ko billionaire na si ninja sa drawing na to, dahil may mga kaibigan siya na lagi nyang makakasama. 

Meron isang girl na nagbigay sa akin ng malaking epekto sa  buhay ko. At marami siyang tinuro sa akin na kahit kailan eh hindi ko makukuha sa ibang babae. Siya ang taong iba kung tumingin ng perspektibo sa mga bagay o problema na hinaharap niya. May mga sakripisyo siyang nilaan sa akin. Na nung mga panahon na yun eh hindi ko pa nakita. Na isa siguro akong mangmang na hindi ko pa napansin yun. Matagal ko din siyang nakasama sa buhay ko na bumuo ng mga tawanan at usap. Mga sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Na kuntento sa mga boses na pinaparing sa isa’t isa. Pero lahat ng ito may katapusan eh. Na dumadating din pala sa panahon na titigil na ang lahat. Dumating sa punto na lumayo na siya sa akin. Aminado na akong pagkakamali ko lahat. Na nanghihinayang na ako ngayon. Na minsan may pagkakataon din na naiisip ko siya. Na may oras din na kagaya ngayon na naalala ko siya. Na gusto ko siyang kamustahin. Magtanong ng mga bagay patungkol sa kanya ngayon. Kung nasan na nga ba siya. Tanging updates ko lang sa kanya eh nalaman kong nakapasa pala siya sa board exam, kapag tinatype ko ang name nya sa google eh halos list ng board passers lang ang nakikita ko. Walang social media accounts o kahit ano pa man. Nasan na kaya siya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon. Sayang lang. 

“Kung makakahanap man ako ng lalake na makakasama ko habang buhay malamang mas mahal pa din kita kaysa sa kanya.”

Sabi NIYA.

Huwag mong tingnan ang mga masamang bagay na nagawa sa iyo ng isang tao. Tingnan mo ang mga mabuting bagay na nagawa nila sa iyo. Bawat isa sa atin nagkakamali at may pagkakataon na hindi natin ito sinasadya. Para sa iyo din ang gagawin mo na yan.

-Mama.

youtube

Mag-throwback tayo. First song na nagawa ko. Totoy days hahaha.

Erpat is Back

Kakauwi lang namin galing sa sundo sa airport sa Clark, Pampanga. Nakauwi na ulit si Papa galing sa Qatar, at kahit papano eh nagkaroon siya ng isang buwang bakasyon dito sa Pinas. Nasanay na din ako na umaalis siya dahil simula kasi nung sanggol pa lang ako eh umaalis na siya papunta sa iba’t ibang bansa. Pero masasabi ko pa rin na iba pa din ang saya kapag nakakakasama mo at nakikita mong kumpleto na ulit ang pamilya niyo. Masaya akong nandito ulit si Papa para makasama namin. Aasahan ko na ang maraming experiment na gagawin namin sa mga sasakyan dito. Welcome home Pa :)