sanggano

6

TAYO. SOBRANG HINDI BAGAY. PERO TAYO. :)

Ewan ko ba kung bakit o kung anong dahilan. Ano kaya ang trip nitong si Kupido at tayo pa ang pinagpareha. Ano kaya ang formula o equation na ginamit ni Papa God at tayo ang nainlove sa isa’t isa. Sa hilig palang sobrang di na tayo magtugma.

Math ka. English ako. Nabubwesit ako sa mga numbers mo. Naiinis ka sa pagiging englishera ko.


Kahit sa sense of music, magkaiba tayong dalawa. Ang gusto ko yung mellow at chill chill lang. Ikaw, puro sigawan na masakit sa tenga. Yung mga kantang kulang nalang magpakamatay ang makikinig sa sobrang hugot na hugot.
Ayaw mo na may ilaw pagnatutulog. Ako di makatulog pag madilim. Pag sa kape, gusto ko yung mainit. Ikaw di kita magets kung bakit gusto mo yung may ice. Nagkape ka pa kung ganun. Nag iced tea ka nalang sana.

Madalas tayo naiinis sa isa’t-isa. Hindi tayo magkasundo sa mga simpleng bagay. Pero alam mo may magic na nangyayari sa ating dalawa. Na yung dating mga bagay na ayaw nating gawin, nagagawa na natin. Natutunan kong mahalin yung mga gusto mong gawin. Yung kahit kulang nalang isumpa natin ang isa’t-isa, natiis parin natin kasi ginagawa natin ng magkasama. Kahit brutal minsan ang relasyon natin dahil sa batok dito, tapyas jan. Sampal dito. Tadyak jan. Parang di masakit. Yung mga nakaka-offend na mura nagiging sweet pakinggan. Kahit yung mga nakakabanas na bagay tungkol sayo, nakakainlove na. Magulo. Oo sobra. Pero masaya.

Masaya ako sayo kahit ganito tayo. Kahit konti lang yung bagay na magkapareho tayo. Sabi nga nila, yung babae at yung lalaki, sadyang ginawa para di magtugma. At ikaw. Wala ka man sa mga pinangarap ko dati. Hindi ka man pumasa sa standards ko. Pero eto ka. Eto ako. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal mo ako. Manatili tayong ganito ha? Hanggang sa yung mga bagay na magkaiba satin, maging pareho.

Kung ikaw din lang naman ang babatok sakin at magmumura sakin. Kahit araw-arawin mo pa yan. Wala akong pakialam. Ang mahalaga, akin ka. Ang sweet natin no? Kahit nagmumukha tayong mga sanggano dahil sa pagiging brutal natin. Kahit yung mga pangttrip natin sa isa’t-isa. Nakakabwesit na. Pero naeenjoy ko yun. Lagi man kitang tinatawag na pangit. Araw-araw man kitang inaasar na mukha kang tae. Wala e. Kahit siguro ikaw ang pinakachaka na tao sa mundo, ikaw parin ang mamahalin ko. At wala ng mas hihigit pa sayo.

Promise. Sayo ako. Basta akin ka ha? Akin ka kahit gago ka. :)