saksakan

THE TIME FRAME OF 'PAGHIHINTAY'

Sana may sneak peek din kapag naghihintay. Yung kahit 5 seconds preview para mabigyan ka man lang ng ideya kung may patutunguhan ba yung paghihintay mo o wala. O kung hindi man yun posible, sana kahit demarcation line man lang para alam mo kung hanggang saan at kelan ka lang maghihintay. Para kapag lumagpas ka sa time frame ng “waiting”, may sisigaw sa'yo ng, “Hoy! Mukha ka ng tanga diyan! Time’s up!”

Nakakapagod maghintay sa isang bagay na di mo naman alam kung darating pa ba or sadyang nalate lang. Hindi mo alam kung para ba talaga sa'yo o saksakan ka lang talaga ng assuming kaya cnclaim mong sa'yo.  

Paano na lang kung habang hintay ka ng hintay, may naghihintay din pala sa'yong iba?

Kaya minsan, pinagtitiyagaan na lang nating angkinin ang isang bagay kahit hindi naman para sa atin. Nagsesettle na lang sa kung ano yung ‘intstant’ at sa kung ano na lang yung andiyan sa takot na mawalan, maubusan o mapag-iwanan. Kaya siguro may mga taong hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinagsisisihan ang mga maling desisyon nila sa buhay. Pabigla-bigla kasi. Pero pabigla-bigla pa rin ba yung tawag dun kung naghintay ka na nga ng napakatagal? Jusko. Ang gulo.

Siguro, konting hintay pa. Naghintay na din lang, eh di panindigan na. Wag mo na lang isiping may hinihintay ka para di ka matagalan. Nasasabi mo lang na “nakakapagod maghintay sa wala” dahil naghihintay ka pa lang. Akala mo lang “wala” pero meron! meron! meron! At masasabi mo lang na meron 'pag andun ka na mismo. Minsan pinaghihintay ka hindi para paghintayin lang. Kundi para namnamin mo muna yung bawat oras habang naghihintay ka. Para kapag andun ka na, wala ka ng ibang iisipin kundi yun lang.

Ang gusto ko lang naman ay dumating na yung order kong lomi. Gutom na 'ko.

Saksakan.

Sa bahay namin, madalas naming iwanan na nakasaksak yung mga appliances namin. Tulad nalang ng telebisyon namin, hindi namin ‘to tinatanggal sa saksakan pwera nalang kung dadating ang tatay namin at sermonan kami ukol dito. Kasi, kahit nakasaksak daw ang isang appliance, komokunsumo parin daw ito ng kuryente. 

Kinatamaran na namin ang pagtatanggal ng appliance sa saksakan. Bakit? Eh gagamitin din naman namin 'to, mag-aaksaya pa ba kami ng oras para isaksak lang yung telebisyon kung pwede namang iwanan nalang ito?

Maraming tao ang kagaya ko. Aware na nga dun sa sitwasyon, di parin binibigyan ng aksyon. Kaya lang naman ako ganito dahil:

  • Tinatamad ako umaksyon.
  • Natatakot akong makutya dahil sa aksyon kong yun.

Pero ano ang gagawin natin para, maalis ang ganitong kaugalian? Subukan nating tanggalin ang saksak ng appliance. Tanggalin natin ang pagiging sarado ng kaisipan natin sa mga bagay bagay. Isipin natin kung ano ang mangyayari kung kung bibigyang aksyon ba natin ang isang sitwasyon. Isipin natin kung makakabuti ba kung aaksyon ka o makakasama ka lang.

Ano, tatanggalin mo na ba ang saksakan ng appliance mo?

PARA SA LAHAT NG MAY TUMITIBOK NA MASKELS SA KALIWANG DIBDIB

Malay mo yung true love mo, nakatakda mong makasabay sa LRT ngayong araw pero pinanalangin mong sana wala na lang pasok dahil ang lakas ng ulan. Malay mo, siya yung dati mong crush na hindi ka naman pinapansin kaya lumandi ka na lang sa iba. Malay mo, siya yung nafriendzoned mo dahil saksakan ka ng choosy at ang hilig mong magmaganda. Malay mo siya pala yung lagi mong sini-seen kapag nachachat siya sa FB dahil ang pangit ng kanyang DP. Malay mo siya yung nasa pending request mo 3 years ago pa. Malay mo dumaan na pala siya sa harap mo pero bigla kang yumuko dahil nahulog yung barya mo. Or yung naka one night stand mo 2 weeks ago. Or baka naman yung malamig na pizza sa ref na kailangan lang i-microwave. Malay mo siya yung lagi mong kasama pero hindi mo napapansin dahil nagpapakatanga ka sa iba. Malay mo, nasa'yo na pala siya, pero pinakawalan mo pa.

Minsan hindi mo alam kung padating pa lang ba o pinalampas mo na yung nag-iisang pagkakataon para makilala mo siya. Hindi mo alam kung kusang darating o kelangan lang hanapin.

Ang mundo ay binubuo ng mga random na kaganapan. May tamang taong darating pero sa maling oras at pagkakataon. Minsan, maling tao pero sa tamang pagkakataon. Minsan, hindi synchronized sa gusto nating mangyari. Shit happens right? Everything happens for a reason? Siguro oo. Pero hindi masamang magreason-out. ( Malay mo lumusot.)

Pero palagi mong tatandaan na wala yan sa soulmate. Wag mong iasa sa malanding kaluluwa mo na siya yung gagawa ng first move.  Wala din yan sa destiny, nasa desisyon mo pa rin yan. Wala yan sa fate, nasa faith yan. Wag kang puro #TiwalaLang. Bitch please, umeffort ka din.

Ano ba’t darating pa rin yung araw na makikita mo yung taong magpapaintindi sa'yo kung bakit ‘di nagwork-out ang mga bagay-bagay dati. Yung pareho niyong sasabihin na,

“Tung-inuhhh. Kinaya natin oh! Ang astig natin!!  :) ”