sagot sa

ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN

Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat.  ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.

Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.

Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.

When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na. 

No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?

Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer. 

Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa.  ‘Cos a break-up alone is already a closure.

Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.

Paano ka makaka-get-over/limot/move-on?
  • Kung panay naman ang text at tawag mo sakanya?
  • Kung panay sagot ka naman sa bawat chat niya?
  • Kung patuloy ka paring umaasa sa matagal nang tapos?
  • Kung hindi mo parin tanggap na matagal na siyang wala?
  • Kung every time na makikita mo siya, aasa ka nanaman sa bawat galaw niya?
  • Kung lahat ng binigay niya sayo, araw araw mo paring nakikita?
  • Kung walang humpay at 24/7 kang naka bantay sa timeline niya?
  • Kung palagi mo nalang kinukulong ang sarili mo sa idea na hindi ka na magmamahal kung hindi lang din naman siya.
  • Kung naka focus ka sa thought na gagantihan mo siya.
  • Kung bawat galaw mo, may motive na pagselosin siya KAHIT WALA NA SIYANG PAKIALAM SAYO.

You know what? Kailangan mo nang umusad. Kailangan isa lang ang sagot mo sa tanong na YES or NO? Walang MAYBE, okay?

  • Kailangan mo munang matanggap na nag break talaga kayo kase yun talaga ang itinadhanang mangyari ng oras at panahon. Napakahirap kasing umusad na hindi mo pa tanggap yung nangyari. Hindi mo pa tanggap na nagkamali kayo pareho. Hindi mo parin matanggap yung nanging kasalanan niya sayo. SLOWLY ACCEPT THIS THOUGHT, KESHO KASALANAN MO OR KASALANAN NIYA KUNG BAKIT KAYO NAGHIWALAY, ONE THING IS FOR SURE AND THAT IS IT WAS MEANT TO HAPPEN THAT WAY.
  • Pangalawa, lunukin mo yung katotohanan at reyalidad na HINDI SIYA ANG TAONG NARARAPAT PARA SAYO.
  • Wag mong kimkimin at gawin closet ng feelings mo yang puso mo. Piliin mo ang taong mapagkakatiwalaan mo at magkwento ka sakanya. Share your story with the only people you trust at hindi yung mga tao sasaksakin ka sa likuran mo.
  • Tigilan mo na yung kakatext mo sakanya at kakatawag or kakareply sa mga text niya kase nga break na kayo at wala na kayong dapat pag-usapan. Diyan kase talaga tayo nag sstop, sa kawalan ng apog na alisin ang mga taong hindi na healthy para sa atin. Change your number. Change your password. Block them from your timeline. Burn the bridge between the two of you para hindi ka naiistorbo sa recovery mo.
  • SEEK CLOSURE. Importante at crucial to kase dito niyo na formally isasara ang kwento niyo pareho. Para siyang open forum na kayo lang dalawa ang makakasagot at hindi ibang tao. Closure ang chance mong malaman kung bakit ka iniwan, bakit siya nagloko, bakit siya nagsawa at dito din lalabas lahat ng dapat mong malaman kung bakit hindi kayo nagwork-out. Dito mo masasabi at matatanong yung unsaid words na matagal mo nang gustong ilabas at sabihin. THE TRUTH SHALL SET YOU FREE.
  • Kailangan mong magpatawad after. Nakakalimutan na kase nating magpatawad at aminin sa sarili din nating naging mahina din tay at marupok. Naging sinungaling tayo at madaya sa larangan ng pag-ibig. Forgive yourself and forgive your ex para in the future sa oras na magkita kayo, ngiti ang sasalubong sa inyo na para bang OLD FRIENDS kayo na ang tagal niyong hindi nagkita.
  • Gawin mo ang mga gusto mong gawin na hindi mo pa nagawa.
  • Lastly, don’t say na hindi ka na magmamahal ulit KASE JOKE MO YAN na sayo lang din bebenta. Recognize na there’s someone out there for you and in the right time, you are open for new chances and opportunities. 

WAG KANG TANONG NG TANONG KUNG PAANO MAG MOVE-ON. KUNG HINDI MO LANG DIN NAMAN KAYANG UMPISAHAN. TANDAAN MO NA ANG PAG MOMOVE-ON AY CHOICE MO AT DISKARTE MO YAN. FOR ONCE IN YOUR LIFE, MATUTO KANG ISIPIN NAMAN ANG SARILI MO. HINDI YUNG PURO EX MO NALANG. 

Dumadating naman talaga sa puntong halos lahat ay nagiging shunga sa pag-ibig. May pagkakataon talaga na nagiging tanga ka kapag umiibig ka. Dahil wala namang masamang gawin ang lahat sa taong mahal mo. Mas ayos na ‘yong may ginawa kaysa wala. At least, alam mo ang sagot dun sa tanong mo at hindi ka parang ewan na palaging tinatanong ang sarili na “kung ginawa ko kaya 'yon may mangyayari kaya?”

Normal ang magsisi sa mga bagay na ginawa kapag hindi mo nakuha ang gusto mo. Pero tanungin kita, naging masaya ka naman 'di ba? Sa mga sakit na nararamdaman mo dahil nagmahal ka lang? 'Yon ang the best na nangyari sa 'yo sa totoo lang. Iba 'yong impact nun sa buhay mo. Tapos the best pa at nakaka excite 'yong moment na kung paano ka babangon ulit.

Maniwala ka lang palagi na may plano si God. Hindi ka niya ipapahiya at ipupunta sa wala. Mas masarap pa rin mabuhay na puno ng pag-asa. Hindi minamadali lahat ng bagay. Laging may the best na darating para sa 'tin. Cheer up. Huwag mong sabayan ang langit lumuha.

Sabi mo, magaling na? Bakit masakit pa rin? Magaling na nga siguro ang sugat, kaso sa panlabas lang. Hindi pa tuluyang magaling kasi tinapalan mo lang ng panandaliang lunas. Ginamot mo gamit ang akala mong ‘sagot’ o ‘solusyon’ sa sakit na nararamdaman mo.

O baka naman nilagyan mo ng benda ang parte na wala namang sugat? Sinolusyunan mo ang hindi naman problema, na akala mo 'yun ang problema pero hindi pala?


Bakit tinatakasan mo? Bakit nilalayuan mo? Alam mo naman kung ano ang gagawin eh. Hindi mo lang ginagawa. Ang taas kasi ng pride mo. Naniniwala ka kasi na dapat siya ang mauna, na siya ang may kasalanan kaya dapat siya ang maunang lumapit.


Hanggang kailan ka magiging ganyan? Tandaan mo, sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan. Huminto ka na sa pagtakbo. Harapin mo ang problema para hindi na lumalim pa ang sugat.

The Bakit List

(A collaboration between @ultimate-false-hope and @dxmxgedmxrionette)

1.
Bakit sinabing mahal mo ako?
Kung hindi naman pala totoo
Sinabi mo'y aking sineryoso
Yan tuloy nagmukha akong gago.

i.
Bakit kailangang matapos sa halik
At sa mga salitang hindi naisatinig
Kaysa piliing sa akin ay bumalik
At muling tumira sa aking mga bisig?

2.
Bakit ipinagpalit mo ako?
Ibinigay ko naman lahat sa'yo
May pagkukulang ba ako
o sadyang di ka marunong makuntento?

ii.
Bakit mo sinabing kalimutan na kita
Na para bang ang daling iwanan ka
Kung sa lahat ng nakikita ko ay ikaw ang naaalala
Maging sa pagpikit ikaw lang ang nakikita

3.
Bakit hindi ako ang pinili mo?
Lahat naman ginawa para sa'yo
Alam kong hindi ako perpekto,
Pero ano bang meron siya na wala ako?

iii.
Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo
Na habambuhay kang mananatili sa tabi ko
Sa iyo na umikot ang mundo ko
At tumigil ang lahat noong inabandona mo ako

4.
Bakit ang dali sa'yong bitawan ako?
Ganun ba ako kawalang kwentang tao,
Kailangan pa bang mawala ako,
bago mo malaman ang halaga ko?

iv.
Bakit mo ako pinaniwala sa ilusyong merong ikaw at ako
Kung sa una pa lang ay wala na talagang “tayo”
Walang pinanghawakang kahit ano
Bukod sa sinabi mong baka mahalin mo rin ako.

5.
Sa pangyayari'y maraming natutunan
na hindi lahat ng nagbibigay ay nasusuklian
Kaya ito ang inyong pakatandaan,
Huwag umasa kung ayaw mong masaktan.

v.
Akala ko ikaw na ang sagot sa bawat “bakit” sa buhay ko
Dahil minsang pinaniwala mo ako na ang happy ending ay totoo
At sa minsan na iyon, nagkamali pa ako.
Nagkamali pala ako dahil ikaw ang naging sagot ko.

ABC ng Pagmomove-on

ACCEPTANCE.

   Tanggapin mo munang wala na. Tapos na. Wala nang kayo. Wala nang siya. puro nalng ikaw. Tanggapin mo na ang taong akala mo mag bibigay ng katuparan sa mga pangarap mo, pangarap nyo. Ay wala na. Na wala na ang Prince-in-shining armor mo na magtatanggol at magpupunas ng luha mo kapag pumapatak ang luha sa mata mo. Isiksik mo sa bawat silid ng utak mo at puso mo na wala na. 

BAWASAN ang pagassume

   Hindi porke’t tinetext ka nya, ay balik-kilig na. Na gusto nyo na ang isa’t- isa ulit. na babalewalain nyo na ang nangyare na parang ganun lang kadali ang lahat. Sa totoo lang, maaring namimiss nyo lang ang feeling ng inlove, ng attach, ng feeling na may magtetext sayo araw-araw at nag aalala. pero wala na. bawasan na ang pagaassume, sa huli, ikaw at ikaw lang nag masasaktan.

CHOOSE wisely.

   Piliin mo, piliin mo ang mga taong pag sasabihan mo. Pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo at pagsasabihan mo ng nangyare. Meron kasing mga tao na nakikiusisa lang sa mga nangyayari at worst-case scenario maging isa to sa maging rason para lalong lumala ang gulo sa pagitan nyong dalawa. Kaya kung maari, mamili ka. Kung hindi mo kaya, mas magandang manatili na lamang ito sa inyong dalawa. :) Respetuhin nyo ang isa’t- isa. :D

DONE.

  Tapos na. Wala nang KAYO. Wala ng SIYA. at nag meron nalang ay IKAW. Kaya dapat sa mga oras na to, natututo ka nang tumayo sa mga sarili mong paa. Tapos na ang mga oras nyo. tapos na ang mga maliligayang sandali nyo na magkasama. tapos na ang mga pangarap nyong magkasamang binuo. tapos na. :)

ENJOY the moment.

  Enjoy-in mo nlang ang oras na single kana. Hindi kaba masaya? wala kana masyadong iisipin? Wala nang magagalit pag hindi ka nakapag text ng good morning o good night. Wala nang magagalit sayo. Pwede ka nang pumunta kung saan saan kasama ang mga kaibigan mo ng walang iniisip kung may magseselos ba o wala. Wala nang limitasyon lahat ng kilos mo, wala ka ng masyadong iisipin. Hindi kaba masaya? Enjoyin mo nalng ang buhay single. :D 

FEELING mo kayo pa?

  TAMA NA ANG PANGUNGULIT SA KANYA. Pakiusap, maawa ka sa kanya. gusto kana nyang kalimutan. at higit sa lahat, maawa ka sa sarili mo. Feeling mo kayo pa? Dapat sa mga oras na to, kinakalimuta mo na ang konseptong ng salitang Kayo. Kasi ang meron nalng ay IKAW at Siya at iniwan ka nya para sa IBA. 

GIVE UP.

  Sumuko ka ng umasa na babalikan ka pa nya. Sumuko ka na umasa na dadating ang isang araw nakakatok sya sa pintuan ng bahay nyo at sasabihin sayong, ikaw pa din ang mahal nya. Tama na. Umalis na sya sa buhay mo at wala nang rason para muli mo syang tanggapin pa. Wala nang rason para umasa ka pa sa mga bahay na alam mo, na walang katuturan at walang patutunguhan. Hindi masamang sumuko kung alam mo naman na wala na talagang pag asa. 

HOPING ka pa kasi.

  Umaasa ka pa din kasi. Dapat magkaroon ka ng solidong desisyon kung gusto mo na talagang mag move on o patuloy ka pa ding mag papakatanga sa kanya. Huwag mo nang patagalin pa ang pagdurusa mo, maawaka sa mga taong nagmamahal sayo, sila ang nasasaktan para sa’yo, higit sa lahat maawa ka sa sarili mo. Sa mga oras na ‘to, hindi masamang mahalin ang sarili, hanapin at yakapin mo ang sarili mo ng mabuong muli ang puso na minsan mong pinagkatiwala sa maling tao.

ITAPON mo

  Itapon mo na lahat ng bagay na nakakapag paalala sayo sa kanya. Itapon mo na ang bigay nya sayong kendi, chocolate, mga pictures nyong magkasama, pictures nyong magkatabi, yung couple ring nyo na binigay nya sayo nung monthsary nyo, yung bouquet ng flowers na binigay nya sayo na kahit tuyo’t na tinatago mo pa din. Tandaan mo, hindi masamang gawin tong mga ito, isa kasi sa hakbang yan para mas madali mo syang makalimutan.

JUSTICE.

 Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo, hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, kung bakit ka nya iniwan, bakit bigla syang di nagparamdam, bakit hindi mapanatag ang loob mo. Karapatan mong malaman lahat ng iyan dahil yan ang makakatulong sayong tanggapin ang lahat. Para malaman mo rin kung saan ka nag fail sa relasyon nyo, o talagang malandi lang sya at makati na humanap ng iba. Alamin mo. 

KEEP it up.

  Kung sa tingin mo umaabante ka na. Keep it up! :D Tuloy mo lang yan! Wag mong madaliin ang lahat, tandaan mo na hindi ito, “kung sinong unang magkakaroon ng bf/gf sya ang panalo” dahil ang break-up ay hindi paunahan. kung abutin ka ng buwan, taon, dekada o milenyo pa man yan, ang mahalaga, step-by-step :D at makakasigurado ka na handa ka nang humarap sa panibagong yugto ng buhay mo.

LILIPAS din yan

  Masakit ba? Hayaan mo lilipas din yan. Para lang ding gutom yan, makakaramdam ka ng sakit, pero di tatagal lilipas din, kailangan mo lang tiisin panandalian,at dadating ang sandaling mabubusog ka na nmn ng pag mamahal. :D kaya chin up kapag nasasaktan ka, :) maging mas malakas ka kasi dadating ang sandali sa buhay mo na hindi ka na ulit malilipasan.

MAKE yourself busy

  Gawin mong busy ang sarili mo. Humanap ka ng bagay na makakapagtuonan ng pansin, mag aral kang mag gitara, kumanta o sumayaw. discover something about yourself. Umakyat ka ng sagada, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, umakyat ng bundok, isigaw mo hanggang maamaos ka. Puntahan mo lahat ng simbahan n gusto mong puntahan,magdasal ka. Ang daming pwedeng gawin :D mamili ka kung saan ka mas komportable at magiging masaya :D para mas makalimutan mo sya. 

NOT now.

  HUWAG MONG MADALIIN. Kung pakiramdam mo handa kana.For God’s sake, hindi kapa handa. Siguraduhin mo muna. I-double check mo muna ang istado ng puso mo. Kung handa ka na ba sa mga susunod na mangyayare. Kung handa ka na bang mag tiis ulit sa mga bagay na hindi mo ineexpect? Siguraduhin mo muna ang mga bagay-bagay. dahil kung ang sagot mo ay hindi pa, Hindi pa ito ang oras para diyan. Hayaan mo munang mag hilom ang malalim n sugat na naiwan sayo.

Okay lang maging bitter. 

  Uulitin ko,okay lang maging bitter. Nasaktan ka e. Itapon mo lahat ng bigay nya sa’yo, sabihin mo sa lahat ng couple na makikita nyo sa daan na walang forever! okay lang yan. Magpost ka ng nararamdaman mo. Magstatus ng mga hugot, na hugot na hugot. okay lang yan :D nasaktan ka, kung yan ang bagay na mas makakalimutan mo sya, Go! Suportado ka naming mga sawi. :D 

PRAY.

  Magdasal ka. Ito ang bagay na sigurado akong pinakamakakatulong sa’yo. Guard your heart. sa mga taong sasaktan ka lang ulit, samga taong madaming sinasabi tungkol sayo. Guard your heart. And always take time to pray. God is still writing the best love story for you. :D nasaktan ka man ngaun, malay mo, nasa introduction ka palang :D Tandaan na ang relasyon dapat may tatlong H, : HAPPY, HEALTHY, HOLY. :D 

QUOTA ka na sa drama

  Tama na ang drama. Hindi ka pa ba nag sasawa? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi ka nalang nakasimangot, gusot ang mukha, at nakamukmok kung saan saan :D  Tama na kaka simangot mo :D sobra na, dadagdagang kulubot sa mukha mo at mabilis kang tatanda :D Exercise your zygomaticus major. Smiile. :D

REMEMBER na may someone out there

  na may taong nakalaan para sayo, na madami pang tao jan sa paligid mo, nag aabang. maaring sya ang tiga punas ng luha sa mga mata mo ngayon, maaring sya ang taong laging nanjan para sa’yo even when all the odds are against you, maaring sya ang taong anjan para sayo sa oras na pinapaiyak ka nya, inaantay lang nya na mapansin mo sya. madaming taong nagmamahal sayo, ang kailangan mo lang ay buksan ang mga mata mo at ang puso mo para sa tamang tao.

SAY SORRY.

  Manghingi ka ng kapatawaran sa kanya. Siguro ito lang din ang hinihintay nyong dalawa. Mahirap oo, lalo na kung hindi ikaw ang nagkulang, pero alam namn natin na lahat tayo, nagkakamali, nakasakit at nagkulang. Siguro take this chance para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa mo. hayaan mo syang lamunin ng konsyensya nya. 

TANGGAPIN. TIGILAN. TANTANAN.

  Tatlong bagay na sigurado akong mahihirapan ka, pero kailangan mong tanggapin para mas mabilis mo syang makalimutan. Para mas madali ang paghilom ng mga sugat na naiwan sa puso mo. Para hindi na din kayong dalawa mas mahirapan pa sa sitwasyon nyo. Mas mapapadali kung iblock mo sya sa lahat ng social media na meron kayong koneksyong dalawa. Para wala kang nakikitang bakas mula sakanya. 

UNLOVE?

  “How do I Unlove you” - unlove. (ʌnˈlʌv) verb (transitive)archaic, literary, humorous to stop loving.  Sa totoo lang hndi ko alam ang sagot, wala namn sigurong paraan to stop loving someone. Makakalimutan mo sila pero naging parte pa din sila ng buhay mo na minsan sa buhay mo naging masaya ka sa piling nila. 

VICTORY

  Kailan mo ma-cla-claim ang victory? Siguro when you are over him/her. Kapag nakakapunta ka na sa lugar na hindi mo kayang puntahan dati, Kapag nakakain mo na ang paborito nyong ulam? Kapag nkikita mo ang picture nya, kahit may kasama pa syang iba, okay lang sayo. siguro kapag nagagawa mo n ang bagay na dati ay hindi mo kayang gawin ng wala sya. :) kapag nasasabi mo na sa sarili mong nakamove-on kana. Kapag handa ka ng salubungin ang isang umaga ng wala sya. Walang makakapag sabi nyan, kundi ikaw lang :D 

WAIT for the right time.

  Antayin mo ang oras na handa ka na sa lahat ng bagay. Tandaan mo, kapag minamadali ang isang bagay, it will end up messy. it will end up regretful. May oras para sa lahat ng bagay :D matuto tayong tanggapin ang katotohanang ito :D Oras para matuto, Oras para maging masaya, Oras para masaktan at Oras para mag move-on.

X.

  TANGGAPIN MO NA X MO N SYA :D Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Tanggapin mo na wala na sya. Wag kang gagaya sa mga Math professors na panay pinoproblema ang mga X nila. Masyado na silang madami, hayaan mo na sila. Ikaw, mas mag focus ka nalng sa buhay mo ngayon at tandaan mo sya bilang X mo, na minsang naging parte ng buhay mo, minsang nagbigay ng kulay sa malungkot mong mundo, at minsang nakasama mong mangarap. na ngayon ay isang mapait na alaala na lamang.

YOLO.

  You Only Live Once. But if you live it right, once is enough. Mag walwal ka kung gusto mo, enjoyin mo muna ang mga sandaling wala na sya. Life is too short para mag mukmok kapa sa isang tabi. Life is too short para sayangin mo ang luha mo sa mga bagay na wala namng kwenta. Kaya pick-up yourself from being down and smile :D a bright day is coming my friend :) 

Zzzzz. 

 Matulog ka. Ipahinga mo ang sarili mo maingay na mundo. Itigil mo na ang pagluha mo sa unan mong binabasa mo na namn ng luha mo. Lumayo ka muna sandali sa realidad. Lumayo ka mna sandali sa mundong maingay. Madaming tanong kung bakit, paano, anong kwento, at kung ano ano pa. ilayo mo muna ang sarili mo sa lahat ng to. Magpahinga ka. You’ve fought a great fight. Reward yourself. 


  sa huli, ikaw pa din ang makakapag dikta kung paanong paraan ka mag momove-on, walang makakapg sabi sayo kung paano, kasi magiging desisyon mo pa din kung paano ka mag momove on. walang makakapag sabi sayo kung ano ang tama at mali, kasi ikaw pa din ang nakakaalam kung anong paraan ang magiging mas maganda at makakatulong sa’yo. Ang mahalaga, kahit matagal, kahit mahirap, kahit ilang up and downs ang maranasan mo, ang pinakamahala ay bumangon ka mula sa pagkakadapa mo at natuto. :D Mahalin ang sarili sa mga oras na ito at wag kalimutang enjoyin ang mga sandaling malaya ka. Lagi ding tatandaang Wag sosobra, dahil lahat ng sobra ay masama. :) 

Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit araw, buwan, taon na ang lumipas hinahanap-hanap pa rin natin yung taong wala na satin? Kung tutuusin, marami namang mas deserving. Marami namang taong kaya kang mas mahalin ng sobra kesa sa kanya. Pero bakit sa bawat oras na malukungkot ka, sya ang una mong naiisip? Minsan gusto mo nalang isipin na pagsubok ang lahat. Na binigay sayo ng Diyos ang lahat ng to para maging mas matatag ka pagkatapos nito. Pero bakit parang habang tumagatal, lalong sumasakit. Bakit parang habang lumalalim, lalong humahapdi? Bakit parang wala ng bukas? Wala ng sagot sa lahat ng tanong? Parang hindi na hihilom yung sakit ng kahapon? Bakit?

Nagsasawa na ko kakabanggit nito pero wala yatang hinto ang mangulila sayo. Ikaw ang sagot ko sa depenisyon ng kakaiba at natatangi. Parati ko paring ninanais balikan yung gunita ng pagsasama natin. Kung pwede lang sanang balikan yung pakiramdam ng yakap mo sa likod kapag nagluluto ako o di kaya'y yung ginigising mo ako ng halik. Gusto ko ring balikan yung mga alaalang ginagawa mong madali ang lahat para sakin. Ikaw yung biyayang nawala sa akin kaya sana huwag silang magalit kung malaman nilang pinakawalan ko pa yung swerte ng buhay ko.
Bakit List

Bakit hindi mo ko kayang mahalin?
Bakit kahit gaano ako katagal maghintay, wala pa rin?
Bakit kahit sinugal ko na ang lahat, lagi pa ring talo?
Bakit walang pag asang magkaroon ng tayo?
Bakit hindi nalang ako?

Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko. Pero lahat walang kasagutan.

Habang patuloy kong hinahanap ang mga sagot sa tanong ko, mas marami pang katanungan ang nabubuo. At unti unti akong kinukulong ng mga sarili kong tanong.

Bakit…. Bakit…. Bakit hindi ako makalaya sa sarili kong kulungan?

Yung tipong aamin sila sa taong gusto nila, sasabihin ng taong pinagsabihan nila na hindi pa sila handa, maaring nasasaktan pa daw sila sa nakaraan, o kaya naman eh wala pa ulit sa bokabularyo nila ang salitang “relasyon”. Edi ikaw naman tong naghihintay sa kanila, na umaasa na abutan mo yung araw na “maging handa” na siya. Ikaw tong patuloy na nagpaparamdam sa kanya, pinapakita mo sa kanya na sobrang mahal mo siya, na mahalaga siya sayo, na totoo lahat ng sinasabi mo. Pero sa huli, wala pa rin.

Hindi niya pormal na sinasabi na ayaw niya sayo. Kundi sinasabi niya lang na hindi pa lagi siya handa, hindi mo alam kung may tinatago ba o sobrang nababaitan lang rin niya sayo para saktan ka gamit ang kanyang mga salita. Kumbaga ayos lang naman sayo yun eh, nag hihintay ka ng sagot sa isang tanong na laging bumabagabag sa sarili mo. Yung mga katanungan sa sarili na ikaw rin mismo ang sumasagot. Tipong wala ka namang nakikitang naka link sa kanya kaya wala kang pangamba sa mga posibleng mangyari.

Tapos malalaman mo isang araw pagkatapos ng ilang araw mong hindi pagpaparamdam kasi naniniwala ka sa “baka ma miss niya yung ginagawa mong paglalambing at pag-aalala sa kanya”. Tapos sa huli makikita mo, in a relationship na sa iba. Akala mo ikaw yung kilig niya sa araw-araw. Kasi parati rin naman kayong nag uusap dati. Yun pala iba ang lahat ng dahilan, iba pala ang lahat ng iyon. Akala mo ikaw ang kasiyahan niya. Yun pala sa huli puro kalungkutan din pala ang mararamdaman mo sa kanya.

Wala kang magawa, hintay na lang ulit sa panibagong yugto ng buhay niya. Patuloy siyang hinihintay, patuloy na umaasa na hindi sila nung bago niya. Ganun talaga ang buhay. Kailangan mong mag tiyaga. Para makuha ang mga bagay na inaasam.

Naalala ko yung commercial ng nescafe ba yun na “para kanino ka bumabangon?” Edi sagot para sa prof ko, gago lagi akong late paano na grades ko tangina diba. Wag kasi puro crush puta naman eh

Ang dami sigurong positibong posibilidad ang nangyari na sa atin kung hindi tayo hinintuan ng ikot ng mundo. May dalawang puso pa sigurong palaging ngumingiti dahil kinikilig sa tamis ng pag-ibig. Mahirap talagang kakumpetensya ang tadhana. Hindi mo alam kung sino ang itutukso sayo kaya parang magpapatangay ka na lamang. Pinaglaruan nga yata tayo ni kupido kaya nang sa oras na tumama ang paningin mo kanya ay parang pinana at napatid yung lubid na nagduduktong sa relasyon natin. Nakakalokong isipin na nasira ng mahabang daluyong ang nakampante na sa isang samahan. Para bang ikinulong kita sa masikip na sitwasyon kaya sobra na lamang ang ligaya mo nang makilala mo siya. Ayokong humingi ng pasensya dahil ramdam kong ni minsan sa buong pinagsamahan natin ay naging masaya ka rin. Naniniwala ako. Napasaya rin kita kahit minsan. Alam kong minahal mo rin ako ng pabalik. Alam kong ibinigay mo rin yung parte mo sa relasyong ito. Ramdam kita. Naramdam kita. At pakikiramdaman ko parin hanggang ngayon kung sakaling ganon parin ang hinahanap-hanap mong timpla dahil nakahanda parin ako dito na iginhawa ang patlang sa buhay mo. Sana ako parin ang hanap mo pagdating sa dulo. Sana lapitan mo ako pag nakita mong hinihintay kita sa dulo ng laban. Sana akapin mo ako at sabihing matagal kang nangulila sa ganitong pakiramdam. Sana ang yapos ko parin ang kayang magpagaan ng mga iniinda mo. Sana ako yung sagot na magpapaamo sa buhay mo. Sana ako parin yung init na kinaugalian mo. Hindi ba’t ang sarap ibalik ng nakasanayan? Sana ako parin yung hinahanap mong pakiramdam na nakagawian mo noon. Dahil hindi ko binago ang sarili ko dahil inaasahang kong kapag bumalik ka ay makita mong ito parin yung sarap ng kalinga na nagustuhan mo sa nakaraan.

Sana yung susunod kong mamahalin, siya na nawa ang maging sagot sa mga sana ng puso ko. Dumating sana yung araw na yung kasama kong magsindi ng kandila sa simbahan, sa harap ng altar ay hindi na aalis pa. SANA.

Bakit nga ba gusto kita?
Ilang beses ko na ring sinubukan
na hanapin ang sagot
sa tanong na ito,
ngunit hanggang ngayon
ay hindi ko pa rin makita.

Bakit nga ba nawala ka?
Hindi pa man nabubuo
ang pagtitinginan
nating dalawa,
nauna pa itong naglaho
na parang bula.

Bakit nga ba gusto pa rin kita?
“Gusto” pa rin ba
ang tawag do'n
o “mahal” na?
Mahal, minahal kita.
Mahal pa pala kita.

Bakit nga ba ikaw pa?
Madami namang iba diyan
diba?
Pero hindi pala pwede
ng diktahan ang puso
na matagal nang tanga.

—  s. f. // tula #1
Not your 'babe'

10 years na tayo. Okay naman. Masaya tayo hanggang ngayon. Mas matibay kesa dati. Going to forever. Or so i thought.

3 weeks na rin nung nagbreak tayo. Masakit pa din. Syempre. Pero di ako naiiyak. Seryoso. Hindi ko alam, parang kulang yung pag-iyak. Parang wala yun maitutulong sakin. Parang di nun mababawasan yung bigat o kung ano man tong nararamdaman ko ngayon.

Okay naman tayo diba. Masaya pa tayo. Ang dameng plano. Magkikita sa ganitong araw. Pupunta sa ganitong lugar. Pero naudlot kase nga isang beses nadulas ka. Tanda mo ba? Tinawag mo kong “"babe”“. Na sa loob ng 10 years, hindi naten naging tawagan kase ayaw naten non pareho.

Nagulat ako non. Gustong gusto ko itanong sayo, ”“Sino si Babe?”“ or ”“Gago ka, hindi babe tawagan naten.”“ Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase naisip ko, lulusutan mo lang naman din at pipiliin ko lang na paniwalaan kung ano man explanation mo. But not that time.

Restday mo. Nagtext ka saken sabe mo maghapon ka matutulog, wag na muna tayo magkita. Pumayag ako kase mas gusto ko naman yung magpahinga ka e. Alam ko kasing nakakapagod talaga magtrabaho. Pero hindi ko din alam kung bakit ko naisip na umalis ng bahay at pumunta sa inyo.

Hindi mismo sa bahay nyo. Sa bahay ako ng tropa mo ako tumuloy, si Janeth, diba sa harapan lang yon ng bahay nyo. Yung may tindahan. Nagstay ako sa kanila, buti nalang medyo close kame. Nagtataka nga sya bakit sa kanila ako tumambay. Sinabe ko gusto ko lang na malapit ako sayo pero di kita iistorbihin kase nagpapahinga ka. Naniwala naman sya. Di ko alam kung ano yung hinihintay ko. Halos maghahapon na rin non. Binabalak ko ng umuwe kase baka kalokohan lang naman yung tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa nakita kitang lumabas ng gate nyo. Naka porma ka. Tumingin ako sa cellphone ko, walang text na galing sayo na aalis ka o may pupuntahan ka.

Hindi mo alam nandon ako at nakita kita. Hindi mo alam na sinundan kita.

Sumakay ka sa tricycle, dun din ako sumakay sa tricycle na sinakyan mo mismo. Sakto kase busy ka non sa cellphone mo kaya di mo ko napansin. Tinignan ko yung phone ko, baka kase nagtext ka pero wala. Wala ka pa ring text saken. Sa backride ako, nasa loob ka. Nung bababa na binilisan ko ang pagbaba at nagderecho agad sa mga stalls don sa terminal para di mo ko makita. Swerte. Hindi mo nga ako nakita. Kaso pagsakay mo ng jeep, dalawa nalang ang kulang. Hindi na ko pwede sumakay don kasi makikita mo ko kaya sa sumunod nalang na jeep ako sumakay. Hindi ko alam kung pano pa kita masusundan non pero sumakay pa din ako. Medyo matagal pa ko naghintay mapuno yung jeep na sinasakyan ko. Malayo ka na sigurado. Alam ko hindi na kita mahahabol pero hindi pa din ako bumaba ng jeep hanggang sa umalis na yon sa terminal. Pero akalain mo nga naman, nagtraffic banda sa Lianas. At sakto din, yung jeep na nasakyan ko e panay sa overtake. Hanggang naabutan pa rin namen yung jeep na sinasakyan mo. Magkatabi na yung jeep na sinasakyan naten. Pero di mo ko nakita kasi nakatalikod ka. At oo, alam kong likod mo yon. Kilala kita kahit nakatalikod ka.

Hanggang nakarating sa Crossing, pagkababa mo, nasundan pa din kita. Sumakay ka ng jeep pa-Batangas. Dun din ako sumakay sa jeep mismo na sinakyan mo. Sa harapan ka umupo. Ako doon banda malapit sa bukana. Hindi mo ko napansin kase kumukuha ka ng pambayad mo.

Saktong pamasahe ang binayad ko non para hindi mo ko makita kapag nagsalita ako at sinabe sa driver kung saan ako bababa. Narinig ko kasi na nagtanong ka sa driver kung magkano hanggang sto.tomas kaya ganun na din yung binayad ko. Baka kasi marinig mo yung boses ko, at makilala mo. Baka malaman mo na nandon ako. Medyo nagfeeling ako don. Nung nakisuyo kase ako ng pamasahe sa katabi ko, medyo napalakas ang boses ko. Sapat na para marinig mo, pero hindi mo napansin. May tinatawagan ka kase nung oras na yon. Sinilip ko ulit yung phone ko baka kase nakasilent, baka ako yung tinatawagan mo, di ko lang namamalayan pero hindi. Hindi ako yung tinatawagan mo.

Nung oras na yon, gustong gusto ko na magpakita sayo. Gusto kitang itext ng ”“san ka pupunta?”“ or ”“Gago akala ko ba tulog ka?”“ Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase alam kong lulusutan mo lang. Kapag sinabe mong wala kang load, o kaya lowbatt ka o baka naman wala kang signal, e maniniwala na naman ako. Kaya hindi ako nagpakita sayo.

Hanggang sa pumara ka, hindi muna ako bumaba. Pinaabante ko ng konti bago ako bumaba, yung sapat lang na nakikita pa rin kita. Nakita ko pumasok ka sa fastfood resto. Habang naglalakad ako papunta don, kinakabahan na ko. Hindi ko alam kung natatae ako o nasusuka basta iba yung pakiramdam. Hanggang nasa harap na ko ng fastfood resto na pinasukan mo. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag nakita mo ko kase hindi ko alam kung san ka pumwesto. Bahala na sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko, sayo unang tumama yung tingin ko. Nakatalikod ka. May katabi kang babae. Hindi ko alam kung ako ang swerte kase hindi mo pa din ako nakikita, o ikaw kase hindi pa kita sinusugod hanggang ngayon. Sa itsura nyo, masyado kayong close, na maiisip ng makakakita, e mukha kayong couple.

Hinang hina na ko non. Kaya umupo na ko sa gilid, medyo malayo sa inyo pero kung lilingunin mo, makikita mo ako. Ni hindi ka lumingon. Masyado kang nakatingin sa kasama mo na parang may sarili kayong mundo. Kumakain na kayo’t lahat, nandun pa din ako. Di ko alam kung baket. Baket nandon pa ko. Baket hindi ko kayo sinusugod. Baket wala akong magawa. Hindi ko rin magawang umiyak. Tuyo na yung mata ko sa kakatitig sa inyo. Sa pagsandal nya sa balikat mo. Sa paghawak mo sa bewang nya. Minsan pa sinasabunutan ka nya ng pabiro. Hinahampas ng mahina. Nagselfie pa nga kayo sa phone nya e. Sobrang dikit kayo. Hanggang sa natapos na kayo kumain. Tumayo na kayo. Lumabas. Naiwan ako sa loob. Pero tanaw ko pa din kayo sa labas. Wala na kong balak sumunod. Di ko alam kung ayaw ko na ba kase pagod na ko. O ayaw ko na kase sobrang sakit na. Parang pareho. Nasa harap lang kayo ng resto, naghihintay ng sasakyan habang nagtatawanan. Hanggang may jeep na dumating, pinara mo, humalik sya sa pisngi mo bago sya sumakay tapos nababye.

”“tangina.”“ Yan nalang naibulong ko sa sarili ko e. Di ako palamura alam mo yan, pero tangina kase talaga. Malapet lang ako sa inyo kung tutuusin, pwede tayo magkita. Kahit ako na pupunta sayo kung gusto mo. Kung niyaya mo ko. Kung sinabe mong gusto mo magkita tayo. Pero hindi e. Sabe mo magpapahinga ka maghapon pero tangina nakarating ka pa ng Batangas para kumain sa fastfood? Pero bute sana kung kumain ka lang e. Kaso may kasama ka pa. Tangina.

Pagkasakay nung babae, tumawid ka. Uuwi ka na siguro. Nakita ko kinuha mo yung phone mo, iisipin ko pa ba na itetext mo ko? Syempre hindi na yun yung inisip ko ngayon. Hanggang sa nagvibrate yung phone ko. Nakita ko, text galing sayo.

”“Honey <3 : Hi hon, kakagising ko lang. :) Sarap ng tulog ko. :*”“

Pumatak na luha ko non. Kase grabe na. Sinungaling ka. ߘ⠎ireplyan kita ng ”“Ayoko na. Break na tayo.”“ tapos pinatay ko yung phone ko. Di ako umuwi ng 2 weeks sa bahay sabe ko kay mama dun muna ko kila tita mag-i-stay. Pumayag naman sya. Di mo alam kung san yon kaya hindi mo ko napuntahan. Di ako nagFB para talaga lumayo sayo. Hanggang kahapon, nagulat nalang ako nasa pintuan ka na nila tita. Wala na kong nagawa kundi kausapin ka.

Umiiyak ka. Nagagalit ka saken. Tinatanong mo ko kung ano bang nangyare. Ano bang nagawa mo baket bigla akong nakipagbreak. Di ako sumasagot. Pinakinggan lang kita sa mga sinasabe mo. Ni wala akong naabsorb sa drama mo. Umiiyak ka pero wala akong pakielam sa luha mo. Hindi ko yan pupunasan. Punasan mo yan mag-isa mo. Hanggang nanahimik ka na kase naghihintay ka ng sagot ko sa tanong mong, ”“Ano bang problema hon? Sasayangin ba natin yung 10 years?”“

At mula sa simula nitong kwento na to, yun yung sinabi ko sayo. Pagkatapos tumigil ka sa pag-iyak. Hindi ka na makatingin sakin ngayon. Hindi ka na makapagsalita.

Binalik ko yung iphone na binili mo saken kase ayokong dumating yung araw na isumbat mo saken yan. Alam ko hindi ka ganun, pero para lang sigurado. Alam ko rin kase dati hindi ka manloloko pero niloko mo pa din ako. Alam ko din dati hindi ka sinungaling pero nagsinungaling ka pa rin saken. Hindi na kita sasabihan ng kung ano-ano, kase kulang pa yon at hindi na nun mababago yung mga nangyare. Imbis na sumbatan kita, magpapasalamat na lang ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero salamat pa din. Siguro salamat sa sampung taon kahit hindi ko alam kung ilang taon yung sakin don.

Babaeng napipi ng pag-ibig
College of Science and Computer Studies
(CSCS) 2010

(DLSU-D Secret Files)

Bakit ayaw nilang maniwala na wala akong boyfriend? ” , tanong ni Sandra.

Simple lang ang sagot na binigay ko sa kanya sa pamamagitan ng kwneto. Noong unang panahon, may isang magandang babae na nakatira sa City of Troy. Sa sobrang ganda nya, nagkaroon ng crush sa kanya ang god of Sun /god of Light / god of Music / god of Art / god of Medicine / god of Poetry / god of Prophecy. In short, kilala natin ang god na ito na si Apollo. Binigyan ni Apollo si ate gurl ng regalo o kapangyarihang na makakakita kung ano ang mangyayari sa hinaharap at ang kapalit nito ay mamahalin nya dapat si Apollo. Tinanggap ni ate gurl ang kapangyarihan na yun pero hindi nya kayang mahalin si Apollo, gusto nyang friends lang. 

At this point, nais kong sabihin sayo na sana pinabayaan na lang ni Apollo si ate gurl, na sana mag move on na lang sya. Kaso hindi, naging bitter si Apollo at binigyan nya ng sumpa. Ang sumpa na ito ay wala nang maniniwala sa kung ano man ang pinagsasabi ni ate gurl tungkol sa future.

Dumating yung panahon na binalaan ni ate gurl ang mga tao sa Troy na huwag tanggapin ang Trojan horse na regalo ng mga Greeks kasi may mga sundalo sa loob nito pero hindi sila naniwala sa kanya. At yun ang gabi nang pagkatalo at pagbagsak ng Troy. Bumagsak ang City of Troy dahil hindi sila naniwala kay ate gurl na nagngangalang Cassandra.

Sabi ko kay Sandra, “ So hindi dahil sa maganda ka kaya ganyan, mejo kapangalan mo lang talaga kasi si Cassandra kaya mejo napunta din sayo yung sumpa nya na walang maniniwala sayo. ” Haha Sinabi ko lang ito kasi lumalaki talaga ulo nya kapag sinasabihan syang maganda.

1248 // Day 01 Melet—June 26 2017

First time to drive while being intoxicated with alcohol. I have always been a responsible person, esp when it comes to involving one’s safety. But lately, i’ve been consuming 1-2 bottles of an ice cold beer before going home late at night. Why? So that i won’t have the energy anymore to think about stuff. But alcohol has always been a tricky one, the more you drink your problems away the more you think about them. The more the hurt gets intensified and It’s tiring. But there’s nothing much i could do rather than will try to forget if not all most of the details and move on.

But tonight was rather a difficult night. I started missing him this morning and up until now i am missing him more. Paulit-ulit pa rin ‘yong mga tanong ko sa isipan ko. Gustong-gusto kong makakuha ng sagot sa kanya, pero diko alam kung tama pa ba.

Nakakainis at nakakalito. Gusto ko lang malaman if kung ano meron kami before ano ‘yon para sa kanya ngayon. Ugggh Lord!