sabinivernon

Minsan sa LRT.

Kaninang sumakay ako ng LRT 2 (Yung Recto to Santolan ah!), naisip ko lang na napakatino niya compared sa LRT 1 at MRT. Yung tipong mas maluwag at saka yung nagsasalita ng kung saang station na ay hindi lasing.

Example sa LRT1: “Paparating neeh sa Yunayted Neyshonshhshshshshshshshs”. Kala mo lasing yung driver. O kaya minsan nabibisaya ata “IDSA stisyun”.

Pero matino ang LRT2 eh. Pano kaya kung pang Ms. Universe ang nagsasalita:

  • Paparating na sa stasyong di nagkakamali. Korek ka! Korek ako, RECTO!
  • Paparating na sa statsyon kung saan ganito ka ngayon… POOREZA!
  • OLAAA mga pasahero! Sabay sabay tayong sumigaw! Stand up please and say V. MAPA! Yeheey!
  • Paparating na sa stasyon ng mga hapon na di kilala si Jeniffer Lopez… J.Ruiz!
  • Eto na! Ang stasyong di pumipigil kay betty! BETTY GOWW!
  • Eto na ang stashusahsajsla. Ano daw sinabi ko? ANONAS!
  • WAAAAAAAAAAAAH! Katipunan! BUMABA NA KAYO! WAAAH!


Wala lang. Siguro bored lang ako kanina. Buhay nga naman.

Mga aral sa buhay mula sa kusina.

Kahapon (2012) ay kami ng ate ko ang nakatoka para magluto para sa medya noche a.k.a BUENA NOCHE a.k.a MEDYAS NOCHE (sabi ng nanay ko).

At habang nagluluto ako ay nagkaroon ako ng mga samu’t saring realizations na di ko aakalain na marerealize ko na nagbago sa hubog ng aking pagkatao para sa 2013 tulad nito:

*actually sa paraan kung pano mo dinurog ang puso ko dapat yan eh.

At ang pinakamagandang aral na natutunan ko:

- - - - -  - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Diba? May mga bagay talaga na di mo matututunan sa apat na sulok ng klasrum pero matututunan mo sa kusina.

Kaya sa mga batang naiwan sa kusina jan, apir!!

Minsan kelangan din nating maging tao.

Sa mundo natin at lalo na sa Pilipinas, di natin kayang magtiwala kahit kani kanino man. Jinujudge natin ang mga tao sa itsura nila at sa kung paano sila gumalaw at magsalita. Di ako maghuhugas kamay, isa din ako sa mga taong minsan nagjujudge agad ng book by its cover ba.

Ang post na ito ay di tungkol sa kasamaan ng panlalait o kung ano nanamang kawalanghiyaan na ginawa ko pero tungkol ito sa nangyari sa akin kanina sa bus. 10pm, sumakay ako ng bus na papuntang Angeles at sakto lang naman ang dami ng pasahero sa nasakyan kong bus. Umupo ako sa parte na bakante until may isang manong na tumabi sa akin. Napansin ko na si manong ay may dalang isang malaking bag, nakauniform pa na pangsecurity guard, medyo mapula ang mata at mukhang pagod na pagod na yung tipong ilang araw nang hindi natulog ba. Siguro nasa mga edad ng 45 above siya at masasabi ko na medyo parang magpapass out na siya sa bus anytime, sabagay lahat naman ng pasahero ay natutulog sa NLEX eh. Kung nasa posisyon niyo ako, matatakot kayo sa itsura ni manong, at medyo pasigawsigaw pa siya and kinakausap niya ang sarili niya, pakiramdam ko naghahaluccinate na si kuya eh, sadyang wala na siya sa sarili niya.

Pagdating ng bus sa NLEX, pinatay na ng conductor ang ilaw at ako hindi makatulog dahil nakakaramdam ako ng takot kasi dala ko yung laptop ko at hawak hawak ko pa yung phone ko. Hanggang biglang naglean si manong sa balikat ko.

Kung kayo ang nasa posisyon ko, ano ang gagawin mo?

Siguro gigisingin nyo si manong at magaayos na siya ng upo dahil di mo siya kilala at takot na takot ka na. Yan ang una kong ginawa, pero di nagigising si manong. Hanggang naisip ko na wag na lang siyang gisingin at hayaang matulog siya sa balikat ko (wag naman sana siyang maglaway! >.<).

Naisip ko na siguro may malaking pinagdaanan si manong. Sobrang pagod na pagod siya sa trabaho niya at nagawa niya pang umuwi ng Pampanga. Siguro may pamilya siyang binubuhay para kumayod siya ng ganyan na parang to the point na inaabuso niya ang katawan niya. Naawa lang ako. Dahil siguro sa hirap ng buhay kakatrabaho, sa bus na lang niya nagawang matulog.

At pagdating ng Angeles nagising si manong, di niya ako tinignan sa mukha siguro dahil sa hiya na nakatulog siya sa balikat ng ibang tao. Pero I felt that I did the right thing. Kahit siguro papano, nakatulong ako sa kanya. I know it’s not a manly thing to do pero it’s the humane thing to do. 

Gusto ko lang i-share to, na minsan kelangan din nating maging tao. Na minsan kahit nakakahiya pero kung tama naman ang ginagawa mo, bakit mo pipigilan ang sarili mo na gumawa ng tama? In a world full of strangers na mahirap magtiwala kanino man, hindi rin masama ang sumugal at magtiwala ka sa tao. Kasi naniniwala ako na kapag dumating ako sa point na ganoon ay may isang katulad ko na gagawin din yon. After all, di lang naman ako ang nagiisip siguro ng ganito diba? :)

Banat moment 2.0

Friend: Floor Wax ka ba?

Ako: Oh baket, kakornihan mo nanaman!

Friend: I love you!

Ako: Anong konek non? HAHAHA.

Friend: Oooops! Nadulas ako. HAHAHA.

At minsan naman sa choir..

Ako: Puta ka ba? *nabasa ko ‘to sa FB*

Siya: LUH? Di ako ganon!

Ako: Dali na sabihin mo bakit!

Siya: Oo, bakit!

Ako: Kasi you put-a smile on my face. :)

Siya: Pero puta padin ako!

HAHAHHAHAHAHAHA.

Sawsaw.

Kanina kasi maaga natapos yung rehearsal namin sa Forbes (ansabe? Haha!) kaya naisip isipan ng aking mga minamahal na kaibigan na magmall.

KASO!

Tulad ng isang karaniwang barkada, lagi na lang, SAAN TAYO PUPUNTA at ANO ANG GAGAWIN NATIN DOON? Lagi na lang yan ang tanong diba, pagpapasa pasahan niyo pa yan ng barkada nyo habang naglalakad sa daan or minsan nga nakaharang pa sa daan diba?

So naisipan naming pumunta ng Glorietta dahil konting tumbling lang makakarating ka na agad doon. At nang nakarating na kami, ANO ANG GAGAWIN? Syempre, di namin alam so lumipat nanaman kami at naisipan naming pumunta ng Ayala Triangle Gardens.

KASO!

Masisira daw ang aming mga immaculate complexion, JOKE! (Pucha, ang kayumanggi ko na kaya ala troso -.-) kaya nag-Trinoma na lang kami, lapit no? Mall tour ang peg (san nga ba nanggaling ang peg?). 

So ano ang konek ng title sa post ko na ito?

Edi yung mga guards sa mga mall entrance na isasawsaw ang kanilang stick sa loob ng bag. Sa buong araw isama mo na ang pagpasok sa mall, sa MRT, sa LRT naka 17 ako! Binilang ko talaga ahh! At sa 17 na sawsawang naganap eto ang naisip ko:

  • Minsan sinasawsaw lang nila, di naman nagchecheck.
  • Minsan habang sinasawsaw ang stick, kausap pa ang kapwa guard at pinaguusapan pa nila ang kulay ng panty nila.
  • Kinalkal talaga ng isang guard as in todo check, SALUDO AKO SAYO SIR!

Pero ang twist dito sa sawsawang ito ay sa bawat sawsawang naganap ay nahihiya ako kasi may underwear akong naiwan sa loob ng bag na di ko nalipat sa drawer ko (nagdodorm nga kasi ako diba?). PAK!

LESSON: Siguraduhin na kapag nagdadala ka ng damit, itago mo ng mabuti.

Calling and Destiny.

Naniniwala ako sa Calling and Destiny. I mean sabi nga naman nila, may plano ni God para sa atin at ginagawa nya yun in many ways. Mga paraan na minsan di naman natin pinapansin. Para bang may pupuntahan tayo pero kelangan lang natin maghintay at maging matatag sa series of events na mangyayari ba. 

Madami nga ako nakilala sa chorale world na mga math prof, UP Grad ng engineering, Accountancy student at kung ano anong kurso na nagshift or nagaral ulit ng music. Meron nga nasa seminaryo na sya pero nagaral siya ngayon ng engineering at dating engineering student na ngayon ay nasa seminaryo na.

Pero pagdating sa love, di ako naniniwala sa destiny. I think it’s more of a choice dahil madaming tao sa mundo ang possibleng maging destined for us diba? Di natin alam, habang tumatagal tumataas ng tumataas at nagiging superficial na ang love sa atin eh. (Isa na rin siguro ako doon, haha!)

Siguro dapat matuto tayong maghintay, magkamali sa mga desisyon sa buhay at umiyak, magalit, matakot o kaya tumawa bago dumating ang kung ano mang para sa atin. Pero dapat di lang tayo puro hintay at konting effort din mula sa atin. After all, tayo ang bida sa kwento ng buhay natin. :)

Anlaki lang ng gulat ko dito. Mahirap na nga ang buhay tapos para makapagaral ka sa Mapua kelangan mong magkalaptop kapag engineering, IT at EMG ang course mo. May laptop ako kasi nagdodorm lang ako eh, kaso nakakagulat lang talaga. Pano yung mga hindi makakaafford? Kaya siguro marami agad ang umaalis sa Mapua kasi quarterm na nga, mahirap at magastos (At kadalasan, bumabagsak ka pa). Nakakalungkot lang kasi nagiiba na rin ang mga taong nagaaral sa Mapua, dati medyo middle class pa pero habang tumatagal nagkakaroon ng conyo and etc. 

Naalala ko pala dati noong high school pako na sabi ko ayaw ko sa ADMU or sa DLSU kasi mahal ang tuition kaso nagmumukhang ganun rin pala eh. Sa pagkakaalala ko pumasok ako sa school na kilala sa engineering pero parang ngayon, nagiging kilala na rin sa gastos.

Nakakalungkot lang. Sabi nga naman nila, kung gusto mo ng quality, mapapamahal ka. Reality Bites.

Tanginang Tuesday.

Masasabi ko na napakaexciting ng tuesday ko. Bakit kamo? Una umattend ako ng libing ng lola ko. Tapos, bukod sa nagapply ako ng lost passport sa DFA for the second time around ay mula Marquee Mall tumambling kami ng ate ko sa Robinson’s Starmills.

Bakit kamo namin nagawa yon?

Trip lang coz you only live once.

Joke! Kasi valid ang passport ko kahit na..

Ako: Kuya, panong valid ang passport?

Guard: Ahh kapag more than 1 year bago ang expiration date.

Ako: Edi kuya, invalid na yung saken dahil october 2013 ang expiration ko at november 2012 na ngayon?

Guard: Valid pa yan… Di pa 1 year!

Ako: Acheche! 11 months is not equal to 1 year. Great. Wow.

At dahil ayaw nya magpatinag, pumunta na lang kami ng Robinsons kung saan hinarot ako ni ate na nagproprocess.

Ate: Sa Mapua ka pala, ako Lyceum dati. ;)

Ako: Opo. *ngiti*

Ate: Anong course mo?

Ako: Wala kang paki ate. Suck my d….

Ate: Okay.

SYEMPRE NAGBIBIRO AKO. Eto talaga ang nangyari..

Ate: Anong course mo?

Ako: BS Bioengineering at BS Chemistry.

Ate: Ilang taon ka na?

Ako: *Censored dahil ayokong ipaalam sa inyo*

At sumigaw ang guard na… “TAMA NA LANDEEEEE” at tumambling nako paalis. Mukhang nang gagalaiti pa ang lola na nasa likod ko.

Ayun lang. Tatapusin ko ang post na ito sa isang quote..

“Kapag may motibo, ilabas ang embotido”

At…

“Kung ang planets akala natin 9, yun pala 8. Pano pa ang less than 1 year na di equal sa 11 months?”

Lahat naman ng bagay sa mundo iba’t iba ang depenisyon na nakadepende sa pagkaintindi ng tao o kaya nakadepende sa sitwasyon. Parang love, sandamukal ang meaning na nakadepende sa tao. Eh yung TANGINA? di lang naman mura yan eh, pwede ding iba ang ibig sabihin niyan. 

Subukan mo kayang tignan ang mga bagay sa iba’t ibang anggulo? Masyadong malawak ang mundo para isara ang utak mo sa mga bagay bagay.

NANAY STRIKES BACK!
  • Ang post na ito ay tungkol nanaman kay Nanay (Lola ko!) at sa panglalait na ginawa nya sa isang beauty contest na naganap kanina sa isang mall dito sa amin sa Angeles at kanina habang nagdidinner.
  • NANAY: BIMBO! Tara manuod tayo dun sa Beauty Contest!
  • AKO: Eh pano yung Walang Hanggan mo nay? Diba 8:30 yun magstastart?
  • NANAY: Maaga pa naman eh! Tska nang di ako nakakita ng bwiset na mga bata at umiinit ang ulo ko!
  • At nagstart na ang beauty contest at nagsalita na ang MC na " Please welcome our Contestants!" at nasa left side kami ng stage.
  • Pumasok ang mga lalaki muna at nakapolo shirt at naka-skinny jeans. Pero wait! Pinakaayaw ni nanay ang mga lalaking naka-skinny jeans lalo pa yung super hapit!
  • NANAY: Ano ba yaan! Yan na ba ang uso ngayon? Kundi yan, yung pantalon na above the knee! Tapos ampayat payat pa mukha silang bakla! Ansarap sigawan!
  • AKO: Nay ganyan talaga at nagbabago ang fashion. At malay mo required sila?
  • NANAY: *Sumigaw* MGA BAKLA!
  • Pinagtinginan kami ng mga tao at ewan ko kung bakit naisip ng lola ko na sumigaw at ang masama pa doon ay ang mga katabi namin ay bakla.
  • NANAY: Mga bakla siguro ang nag-make up sa kanila! Ang ganda ng ayos eh! :)
  • Natawa ako at nagawang magpalusot ng lola ko sa ganong sitwasyon at nagaya na sya na umalis ng mall at umuwi na dahil masakit na ang paa nya sa kakatayo. Pagkauwi sa bahay, gumawa siya ng mango shake at sinalin nya sa baso at pinatikim sa amin.
  • AKO: Nay masarap yung shake mo!
  • NANAY: *sumipsip at nagbrain freeze* Ano ba yan! Sumakit ang ulo ko!
  • AKO: Hinay hinay lang sa pagsipsip kasi! Tska at least sumakit ulo mo ibig sabihin nay may brain ka at nag freeze!
  • NANAY: Loko ka talaga bata ka! Ikaw ba leng leng di sumasakit ulo mo?
  • LENG: *Sumisipsip sa straw habang nagtetext* Hindi naman nay!
  • Nagtinginan kami ni Nanay at ngumiti sya. ALAM NA! Hahahahaha! >: ))
Kapag kasama mo ang kaibigan mo na crush mo sa fastfood o restaurant..

Tapos itatanong niya ang walang kamatayang tanong na…

Anong Kakainin mo or Anong sayo?ALAM NYO YAN! :)

At ang awkward moment na ang isasagot sayo ng kaibigan mo ay..

IKAW


…..

…..

…..

Kung ano ang sayo. :>

Happens to me all the time. HAHAHA.

Kagabi sa Laboratory.
  • Natapunan kasi ako ng chemical at sakto wala kasi akong gloves non at kinausap ako ng prof. Eh yung prof ko kasi ay masunget at stricto.
  • Prof: Mr. Dimal, bat wala kang suot na gloves nung pinerform mo yung experiment? Alam mo naman na SOP yun diba?
  • Ako: Sorry po sir.
  • Prof: Alam mo bang cancerous yung chemical na natapon sayo?
  • Ako: *nagpanic* Sir seryoso po kayo?
  • Prof: Mukha ba akong nagbibiro Mr. Dimal?
  • Natahimik ako sa sinabi niya kasi di naman talaga nagbibiro yung prof ko. Napaisip tuloy ako na pano kung magka-cancer ako at pano na yung buhay ko at lahat ng drama shits hanggang..
  • Prof: Okay class, iwasan na natin ang ganyang accidents. By the way nagjojoke ako kanina Mr. Dimal, ang gullible mo lang.
  • WTFTWTF? -____-
PARISTURN.

Nakwento ko na ba kung gaano kashit ang Philippine Rabbit?

Bukod sa kadalasang mali magsukli ang kundoktor, nagkakapampangan sila para di maintindihan ng ibang pasahero ang sinasabi nila yun pala ay minumura ka na, ay may naganap na ka-hindik hindik, ka-suklam suklam at di ka-nais nais!

..

..

..

Sumayaw kami ng rubadubango sa terminal sa Avenida. :(

..

..

Dejoke lang! OA lang.

Ganito kasi ang sitwasyon, nakapila kami ng matiwasay at banayad sa terminal nang dumating na ang bus.

At dahil naisip nila ate at kuya na nasa likod as in dulong dulo na likod ng pila na:

“OHEMGEE! Kelangan ko ‘to! Deserve na deserve kong maka-upo! Kahit manakit ako o mawalan ng poise basta makaupo sa bus! Amazing race ata 'to shet! Walking dead na lang para sagad! HOOEMGEE!”

Ay, nauna ang mga nasa likod ng pila na makapasok sa bus. Wow diba? As in parang nakawala lang sa hawla o kayaparang tubig kapag nilalagay mo yung tabo sa ulo mo na may tubig at tumatagas pababa. (Ginawa nyo yan! Aminin!)

Kaming mahigit 2 hours early na nakapila ay nakanganga sa sobrang kalungkutan at kapaguran nang isang babae na naka-uniform na taga-*nasa title* ay nagsalita na kala mo ay merong megaphone ni kris aquino….

ATE: Amoy usok na ba kayo ng bus? Let’s do da rabadabangoo

ESTE

ATE: ANO YAN? NASA DULO TAPOS NAUNA?! PARANG BARBEQUE ANG PEG? NAUUNA ANG TABA?

Natawa nalang kami pero

  1. Nakakalungkot lang na ganon ang mga Pinoy, di marunong sumunod sa linya.
  2. Kawawa ang ibang matatanda, babae, magulang na may bata at iba pa.
  3. Kawawa ang mga estudyante na hinahanap na ng mga magulang dahil 10:30pm na non.
  4. Nagstanding na lang ang di maka-upo. Imagine 86km na nakatayo ka lang.

Kaya nga minsan naiisip ko na, baka wala sa sistema ang mali although may part din ang sistema. Minsan tayo din ang mali at di natin tanggap. At imbes na sisihin natin ang sarili natin sa mga pagkakamali o pagkakagulo ay sinisisi natin ang iba.

Tayo lang siguro ang makakapagbago sa sarili natin. At ang sarili din naman natin ang pinakamatindi nating kalaban.

Sabi nga nila:

The superior man blames himself, The inferior man blames others.

-Confucius

May pinagaralan akong tao.

-Ate Amalayer

Kwentong Laboratory Nanaman.
  • Sa Lab kasi namen, by pair kasi yung groups tapos lagi kaming nahuhuli ng partner ko sa mga experiments. At one time habang naglilinis kami ng glasswares...
  • Siya: Alam mo natutuwa ako sayo.
  • Ako: Ay baket? :">
  • Siya: Kasi natitiis mo na maging kapartner ako, eh ang kupadkupad kong kumilos tapos laging nagloloading ang utak ko.
  • Ako: Ano ka ba! Kaya nga tayo partners eh! Sino pa ba ang magtutulungan diba?
  • Siya: Dapat kasi sinisigawan moko o kaya minumura moko!
  • Ako: Osige, next time!
  • Pagdating ng sumunod na experiment..
  • Ako: PUNYETA KA CHE! AMBAGAL MO KUMILOS TAENA!
  • Malay ko bang nasa likod pala ang prof namen..
  • Ako: JOKE LANG YON! DALIAN MO NGA! NAJEJEBS AKO! *Takbo papuntang CR, najejebs kunware HAHAHA*