sabi ko move on

MOVE ON.

Tinanong ko yong magic notebook kung magiging kami ba ng crush ko, taragis itatapon ko na to. Ang sabi ba naman “Move on.”

Note: Magic notebook. Yong book na one liner tapos magtatanong ka then oopen mo tong book tapos ayon ang sagot niya. Gets?

Kanina nag usap kami. Tapos sa pag-uusap namin may na realize ako. Tipong bakit nga kaya mas mabilis nakaka move on yung nakipag break kesa dun sa iniwan. Sabi ko naman. Siguro kaya nakakapag move on agad yung nakipag break kasi mas aware siya sa nangyayari. Tipong hinahanda niya sarili niya sa pakikipaghiwalay na gagawin niya. Unlike nung iniwan. Mabibigla siya kasi wala siyang idea na makikipag-hiwalay na pala yung isa.

Pero feel ko rin na in the long run. Mas mahihirapan yung nang-iwan. Kasi sa huli, makikita niya worth ng iniwan niya. Pero ang ka respe-respeto dun eh hindi pinaasa yung ka relasyon. Tipong hindi niya kayang lokohin na may feelings pa or may spark pa kaya mas piniling makipag break na lang muna habang hinahanap yung nawala sa kanya. Kanya kanya talagang istorya eh.