sabboog

5

Eto yung mga times na nagpipicture picture kaming SABBOOG. Tapos biglang nagkayayaan na isama ang CLE dahil may mga fans kami. Tapos isinama na rin ang Shunga. Wala e, masaya kami e. Pinagtitinginan na kami ng batch dyan! HAHAHAHA :)

Follow niyo ito. Mga kabarkada ko. Tapos kung gusto niyo lang naman kaming makilala pa. Backread kayo sa tags na #sabboog :)

Ayy haha. Ganito kasi yan, kanina e dumating si Kim at Eric. Nagbigay sila kay Dar at Angel ng chocolates at flowers. Tapos si Preache din ke Chloe at si Jemuel  ke lala. Basta. So ako andun din, nakatunganga lang ako. Ang lungkot kaya. Maya maya umalis si Eric at Kim. Tapos naka-sad face na ako. May biglang sumulpot na dalawang bulaklak. Tapos si Kim at Eric nasa likod ko. Sabi e, ‘Happy Valentine’s Day’ HAHAHA. Tapos naiiyak ako. Kasi ang thoughtful naman haa. Hahaha. Hindi ko inexpect. Tas si Jemuel nilagyan ng dahon, sabi sakin, ‘Ganito paghahawak nyan’ Tapos inayos nya. Oh diba parang corsage lang. LOL! Pero naiiyak talaga ako kanina nung may ganyan. Kasi ewan, HAHAHAHAHA. Nakakatanga. HAHAHA.


Hahaha. May letter pa. Eto nakalagay.. ‘PS: Gusto lang namin maglagay ng ngiti sayong mga labi. Hart hart.’

Susko. :’) Ang swerte ko na din sa lovelife ng barkada ko. Tsaka sa mga kaklase ko. Hays. <3 Gege. Happy Valentine’s Daaaay :”)

Kanina mamamatay ako ng kakatawa! Kasi naman nagkkwentuhan kami about college (sabboog) tapos eh biglang dumating si Angel at Chloe na nag eenglish. As in sabi nila mag english daw kami. Eh di yun lahat kami nag eenglish na haha. Nakakatawa lang promise. Nung una isa isa lang nagsasalita tapos nung climax halos lahat nagsasalita ng english na basta super gulo with hand gestures! Biglang sumigaw si Lala, “Ohmyghad! You are all talking and talking and talking so loud!!!” Tapos di pa din sila tumigil haha tumawa nako ng tumawa kasi ang seseryoso nila tapos english pa! Hahahaha parang pelikula lol na walang subtitle. Hahaha.

RF:

Ang tawag ng SABBOOG sa mga boyfriends/MU or whatevs nila ay PETS. Pag may pupuntahan, “Oy tara sa ganito. No pets allowed ha.” ganyan. Pero srsly. Mas madami pa sa amin ang walang lovelife kaysa meron. Sa CLE naman, parang halos lahat meron. Kaya dati nung wala akong masyadong maipagmalaki na lalake, OP ako sa CLE. Tas  sila huhu. Samantalang sa sabboog naman, parang kalahati ay may fictional boyfriend. XD

*while eating at Mang Inasal
  • Me:Uy aalis na ako ha? Hahanapin ako samin eh. Bababye.
  • Arielle:Sige, akin yang balat ng chicken mo.
  • Angel:Okay akin na lang chicken mo ha?
  • Allyna:Marsha, coke!!
  • Me:Aba, yung pagkain ko inintindi niyo at hindi ako?

So kanina ay ako, si Arielle, si Allyna at si Angel ang magkakasama. Tapos nandun din si Jemuel at si Eric. Eh di syempre kami ni Allyna, FOREVER SINGLE! Tapos umalis yun si Eric at Jemuel, eh di okay na. Chika chika. Biglang bumalik ang dalawang boys. Si Eric may dalang dalawang brownies. Si Jemuel may isa, binigay ni Je yung kanya kay Arielle. Tas yung kay Eric naman kay Angel.. Tapos eto yung nakakatouch, inabot sa akin ni Eric yung isa pang brownies, sabi niya ay, “Oh eto. Pinagtapungan namin ni Jemuel.” Tapos hati daw kami ni Allyna. Oh dibaa. Katats. :( Parang may boyfriend na din! hahaha.

ANOTHER BETTER DAY

What! Haha. Ashtig kasi e. Ang saya sa klase tapos nung uwian nagkitakita ang sabboog dahil nga monthsary namin. :3 Nalate pa nga si Dada U. Nung sumakay ng tricycle, pumunta kami sa amin. Eh di yun, ang saya saya. Tapos si Charlotte, Derlee at Chloe sabay sabay nagyuyugyog sa kama. E alam mo naman yun! Ayun, nagiba ang kama ko. :( Nakakaiyak, giba talaga promise. Hay. Tapos 11 na kami lahat, biglang dumating pa yung ibang Vincent Ferrer. Naki-join sa kwarto ko. Jusko, lalo nang gumulo. Haha. Tapos lumabas na kami. kumain ng pancit canton at nanood ng Must Be Love. Picture picture, chikaaa. Dumating si Dada, Kelly, Erich at Jeanette. Eh di yon, tambay :D Haha. tapos kasaya talaga namin dahil utas lagi sa mga picture. Hay <3 Happy 24 talaga sabboog! Tutumba yung bahay ko dahil sa inyo ;)

PLEASE PWEDE BA TAMA NA GUYS HA. HINDI NIYO KASI ALAM YUNG NIYO YUNG NARARAMDAMAN KO E. NASASAKTAN DIN NAMAN AKO SA SINASABI NIYO. BAWAL NA BA MAGING MASAYA NGAYON NG WALANG NAGAGALIT AT NAGTATAMPO? PLEASE NAMAN GUYS.  TULUNGAN NIYO DIN NAMAN AKONG MAKA MOVE ON. ANO GUSTO NIYO? IKULONG KO SARILI KO SA INYO. GANUN NA KAHIT SILA  YUNG MAKAKASALAMUHA KO ARAW ARAW KAYO PA DIN ANG PUPUNTAHAN KO. GUYS PLEASE. KAHIT KONTI LANG. PLEASE. TAMA NA, PLEASE.

  • Angel:Marsha, nag uusap ba ulit kayo ng Jerick na yan?
  • Ako:Duh. Hindi! (honesto pagdating kay Angel. Takot ako eh. lol)
  • Angel:Mabuti naman. Sasakalin kita kapag nakipag usap ka pa dun.
  • Ako:*wapake*
  • Angel:Hindi ka man lang talaga nagagalit sa kanya?!!! *blah blah*
  • OMG Angel. Can we please move on! HHAHAHAHA. Loveyou!

Himala na buhay pa ako ngayon. Ang dami ko ng naisip na paraan para takasan ang sakit eh. Tangi ko na lang nasisisi ay ang sarili ko. Buti na lang buhay pa ako. Buti na lang hindi pa ako nabigay. Buti na lang andyan kayo.