sa kotse

4

6:22am; Lately sa kotse na pala ako nakakatulog. Sa takot kung baka marinig ako ng parents kong nagdadrama sa kwarto mas pinili ko na lang sa kotse sa labas ng bahay ako maglabas ng feelings. Lol. Tapos aminado naman akong nakakatulog na lang din ako after mapagod kakaisip at kakaiyak. Buti na lang pretty pa din. Lol. De, masyado lang talaga akong fxcked up these days. Hindi ko rin alam kung bakit pero naging masakit at apektado lang ako ng sobra sa mga nangyari. Kasi nga buo ko ding binuksan ‘yong pinto, nasa thought kasi talaga akong baka pwede na pala ulit akong sumaya kasama ang iba.

Di rin naman ako makapaglabas ng feelings sa Facebook. So dito lahat nakatambak, kaya kung napapagod ka ng magbasa sa mga kadramahan ko eh wala ako magagawa 'don. I’m not going to apologize for it, this is part of my coping up. Nasaktan lang talaga ako mga Ser and Mams.

Pero inaasikaso ko na rin pala 'yong nalalapit na alis ko for Manila this Sat. May condo na rin ako mastayhan, sa Pasay muna ako (Sea Residences) saktong malapit sa Taguig for the event sa 30. Problema ko na lang ang Baguio ko pati san ako pwede makapag-rent ng car and magstay. Pwede help guys? Wala padin pala akong pauwi sa Davao na ticket. Ayoko na muna umuwi ata. Tss.

Gago next time wag kang magbreakdown sa loob ng kotse kasi kahit magsigaw ka pa diyan ng mga struggles mo sa buhay di ka nila maririnig kasi sirado naman gago kala mo rinig ka nila ha tapos pag nakita ka umiiyak na parang sumisigaw gago mukha kang tanga non kasi mukhang muted ang eksena ang ending non kakatokin ka sa window tas try nila open yung car door kung naano ka na pero dahil sirado di nila maopen syempre ayaw mo pagbuksan deep inside napahiya ka konti kasi kahit pala umiyak ka pa ng todo pag nakita ka nila na ganon wala silang clue masakit pala yon sobra super wala silang clue kung kamusta ka na di nila alam bat ka nagsisigaw sa sobrang pain na nararamdaman mo ang sakit pala

Kapag si Jollibee nag traffic enforcer, masusulusyunan kaya ang problema sa traffic? Most of the time kasi, init ng ulo ng drivers ang cause ng traffic aside pa sa dami ng kotse sa Manila.

Like, imbis na sasabihin ng mga motorista na “Tanginang Enforcer ‘to. Ma picturan nga at mailagay sa pisbuk.”, sasabihin na lang nila “Tangina si Jollibee! Ma picturan nga at mailagay sa pisbuk”. Instant shift ng emotions.

Although baka hindi entirely masulosyunan, napalitan naman ng ngiti ang simangot na dala ng init at pagod sa byahe. Panalo pa rin.
Kasi bida ang saya!

Year 2015, 21 years old ako nung nagkaroon ng driving license. Late bloomer noh kasi mga iba 18 pa lang meron na. Now 22, at ito na ung tinakbo ko sa sasakyan ko. Saan ako nagpupupunta aber. Hahahaahha!! Dagdag mo pa ung mileage ko sa ibang sasakyan na ginamit ko. Pero ito na ung counted kasi ito lagi gamit ko e. Wala pa yan pero kung tutuusin, ang layo na ng tinakbo ko at hindi ako titigil hangga’t kaya ko pa umapak ng pedal at humawak ng manibela. Mahilig na ako sa kotse noon pa man kaya hindi ako magsasawa.

Iba pagkakabasa ko ng Hong Kong, hang on??? YES, HANG ON! Tapos kanina pagbukas ko ng garahe, nakita ko sa tapat ng house namin, sa labas naka park yung kotse nung neighbor, may nakalagay sa kotse niya, “Jesus loves you” tapos may John 3:16 pero nung kelan wala pa yan tapos since yesterday nakakakita or nachachamba ko yung 333 or 3333 time man or sa calculator ano ba ano meaning non

HOW TO DEAL WITH ANNOYING NETWORKERS ( #GALAWANGNETWORKING )

Okay lang naman magnetworking, marangal na trabaho yan. Kesa naman bigla mo na lang ibenta yung kidney ng kapitbahay mong malandi di ba? Maraming matitinong networkers pero meron din namang mga sobrang aggressive at O.A. kung makapagrecruit na tipong niloloko at binibola ka na mapilit ka lang nilang sumali para magtinda ng sabon, glutha at kape. 

Maawa naman sila sa kay Pareng John Lloyd please. #ButtHurt

Kaya narito ang ilan sa mga Bitch mode answers na pwede mong baunin just in case gusto mong tumanggi sa kanila pero hindi ka makatanggi dahil non-stop sila sa pagiging aggressive at makulit. Para iwas NetworkingZoned. ( Just in case lang naman.)

BITCH MODE #1

“Gusto mo bang yumaman?”

“Baket? Sino bang gustong maging mahirap in the first place?”

BITCH MODE #2

“Gusto mo bang yuma–”

“NO.”

BITCH MODE #3

“I miss you. Free ka ba bukas. Tara coffee?”

Ahh. coffee. Tapos ano, dadalhin mo ako sa seminar tapos sasabihin mo 10 mins lang tapos siyempre sasama naman ako dahil crush kita pero ano, hanggang sa abutin tayo dun ng dalawang oras tapos saka mo lang ako ililibre ng kape, dun pa sa vendo machine?“

BITCH MODE #4

"Dahil dito sa business ko, nakabili ako ng sariling kotse. Nakaapat na kotse ako sa loob ng isang taon.”

“Ahhh. Kaya pala nakita kitang bumaba ng jeep kanina.”

BITCH MODE #5

“Gusto mo bang yumaman?”

Ang gusto ko– LOVELIFE. Tunay at wagas na pagmamahal. Mahirap bang intindihin yun.“

BITCH MODE #6

"Yun ngang kasama ko dito sa business sobrang yaman na. Nkabili ng kotse. Nakabili ng bahay. Nakapunta na din ng ibang bansa. San ka pa!”

“Wow! Eh asan sa'yo?”

BITCH MODE #7

“Gusto ko lang makatulong para mabilis kang yumaman.”

“Naks! Nung college nga damot damot mo magpatulad. Tapos ngayon concern ka na sa estado ng pamumuhay ko. Nyare? Kain tae?

BITCH MODE #8

FB Status: <Nagupload ng picture na may hawak na maraming maraming pera na galing daw sa networking na sinalihan niya.>

Comment: "The Love of money is the root of all evil. 1 Timothy 6:10”

BITCH MODE #9

“Alam mo ba, dito ako yumaman. Nakabili ako ng brand new car. Nakabili ako ng condo. At kung saan-saan na ako nakapagtravel. Saya di ba?”

“Alam mo, at the end of the day, dun pa rin tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron tayo, basta’t marunong ka lang makuntento.”

BITCH MODE #10

“Pre! Gusto mo bang yumaman agad?”.

“Tigil tigilan mo ko ng networking na yan. May mas magandang business jan. Philippine Politics.”

BITCH MODE #11

“Oh eh akala ko ba jan ka yumaman, bakit kape lang ‘to?”

BITCH MODE #12

“Gusto ko lang tulungan kang yumaman. Pareho tayong yayaman dito friend!.”

“Ang sabihin mo, ginagamit mo lang ako para yumaman ka at kelangan ko ding manggamit ng iba para yumaman ako. WAG AKO. WAG KAMI.”

BITCH MODE #13

Yun ngang kasama ko yumaman dahil dito. Nkaabili ng kotse. Nakabili ng bahay. Nakapunta na din ng ibang bansa. Kumita ng 500,000 wala pang isang taon!

“Tamang tama!!! Pautang!”

BITCH MODE #14

Waiter! Pakilarge nga nitong kape ko, gawin mong super venti. Tapos pakilagyan ng puting malapot sa ibabaw. Whip ba yon. Pa-add on din ng sago. Tska siopao apat. Takeout. Sagot nitong kasama ko. Yumaman daw siya dahil sa networking!“

BITCH MODE #15

"Gusto ko lang makatulong para mabilis kang yumaman.”

“Wow charity! Kelan pa yan?" 

PLAIN WHITE SHIRT NA LANG PARA COOL

Hindi ko talaga alam kung bakit sa tuwing aalis ako ng bahay para bumili sa tindahan o pumunta ng sm para magpalamig ay makakakita ako lagi ng taong naka-cap na floral, t-shirt na floral, short na floral, wallet na floral at pati panyo na floral. Kailan pa naextend ang garden sa labas ng bahay?

Kanina habang naliligo ako, nag-iisip na ako kung ano yung isusuot kong pangtaas. Yung color green ko bang pang-alis na halos nagmukha ng pambahay dahil sa palagi ko yun suot suot kapag umaalis, o yung three-fourths ko namang color black na nagmumukha akong sinabit sa hanger sa sobrang payat ko or yung isang stripes na black and white ko na binili ko pa sa department store (50% off kasi kaya binila ko na)

Habang nagbibihis nako ng short, hindi ko pa rin alam kung anong pangtaas yung isusuot ko. Pagbukas ko ng aparador, bumungad sakin ang mga damit ko na sobrang dami, iba’t ibang mga kulay na damit, nakabukod yung may collar, sando, v-neck, long sleeves, shorts, mga iba’t ibang kulay ng pantalon, at kung anu-ano pa. Tapos ang bango pa nung binuksan ko, amoy air freshener katulad ng amoy sa loob ng kotse.

Pero sympre, hindi totoo yan. Pagbukas ko ng aparador, bumungad sakin ang salamin ng lovelife ko, magulo. Hindi ko nga alam kung bakit pumupunta pa ako ng SM para bumili ng damit, eh dito nga sa aparador ko meron nakong instant ukay-ukay. Yung pantalon kong nung isang araw ko pa ginamit ay nakasabit nang hindi maayos sa hanger kasama nung mga panyo, isang pirasong medyas, at pati yung lace ng ID ko nandun din. Hindi ko ba alam kung anong ginagawa nila sa iisang hanger. Kung iikot mo naman ang mata mo sa right, nandun yung tshirt kong pam-PE na nagsusumiksik sa gilid na parang sinasabi “I need space. I can’t breathe.”

Halos mga ilang minuto na rin akong nakatayo habang tinititigan yung mga damit ko. Pero wala akong mahanap. Ang dami kasing nakaharang. Minsan diba kung hindi mo hahanapin, walang mangyayari sayo. Kung aasa ka lang lagi sa tadhana na ibigay sayo yung kailangan mo, maaring ibigay sayo to or worst hindi. Paano mo mahahanap ang isang bagay kung hindi mo to hahanapin? Kung hindi ka gagawa ng move. Gaya sa love, kung dika kikilos sa kanya, baka maunahan ka lang ng iba. Maraming nakapalibot na tao sa kanya. Kung gusto mo siyang makuha, gagawa ka ng paraan para mapasayo siya.

Hinalukay ko yung mga damit, winasiwas ko sa gilid tapos nakita ko yung tshirt kong color white. Sa mga iba’t ibang style ng damit na pinagpilian ko, nauwi pa rin ako sa simpleng shirt lang. Mas simple, mas malinis, mas maayos tignan diba, parang love life ko, simple, plain lang.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 8

“Arch. Magalona, this is Engr. Aldrin Cruz.” Sir Felix said as he introduced Elmo to the guy beside him.

“Elmo?!” gulat na sabi nito. Halatang nagulat si Sir Felix na kilala siya ni Aldrin.

“Aldrin!” bati niya and offered his hand for a shake. He took it pero sinabayan niya ng yakap sa binata.

“Anak ng. Architect ka na nga palang mokong ka!” he excitedly said.

“Hahaha. At ikaw Engineer ka na.” Elmo said.

“Uhm…” Sir Felix cleared his throat at dun pa lang kumalas si Aldrin.

“Sir Felix, I’ve known this guy since high school. Bestfriends kami nun.” paliwanag ni Elmo.

“Yup! Partners in crime.” Aldrin added. Natawa naman si Sir Felix.

“Mabuti naman na magkakilala na po kayong dalawa. Atleast madali na makatrabaho ang isa’t isa.” he said.

“Opo.” sabay na sabi nila ni Aldrin. Tumango na si Sir Felix at dahil nga magkaibigan na sila ni Aldrin, siya na ang nagtour sa kanya sa resort na ginagawa.

“Brad, tagal mong nawala ah. After high school nagvanish kang parang bula.” Elmo told him. Napayuko na lang siya tsaka natawa.

“Eh paano, mom wanted me to study in London. Ayun. Right after graduation, lumipad agad kami papunta dun. Di na nga ako nakapagpaalam sa barkada eh.” he said.

“Oo. Buti alam mong may utang ka sa amin. Hahaha.”

“Kamusta ka na dude?” he asked all of a sudden.

“Hm. Ayos naman.”

“Sila tito?”

“Ayun. Still in Canada. Pero this time permanent na. Diba kasi dati they come home often? Pero after Frank graduated in college and before I start college, umalis na sila.”

“Naiwan ka dito?” he asked.

“Yeah.” Elmo answered.

“Hindi ka na ba binubugbog ni tito?” he asked seriously. Napayuko ako. “Uy dude pasensya na. Alam mo namang concerned lang ako sayo. Para tayong kambal eh. Kaya inaalala ko lang.”

“Nasa Canada na siya. He can’t hurt me anymore.” he answered.

“Good to know.” tipid na sagot naman ni Aldrin.

They roamed around the site, going to different parts of the resort at ipinakita rin ni Elmo ang scale model sa kaibigan. How the resort would look like once it’s finished.

“Iba ka talaga, Moe. Lawak ng imagination mo.” he said as he stared at the model in front of them.

“Haha. Inspired lang.” Elmo said at napangiti pa ito. Aldrin looked at him, curiosity evident in his eyes.

“Inspired?” he asked. Napailing na lang si Elmo at napangiti.

“Hm. Busy ka ba on Saturday?” Elmo asked.

“Bakit? Wala namang trabaho nun.”

“May utang ka pa sa akin na libre nung high school. Akala mo ha.”

“Tss. Ikaw talaga basta utang di mo nakakalimutan eno?” nagtawanan silang dalawa.

“Naman. Ako pa?”

“Fine. Dinner’s on me then.” tumango na lang si Elmo at saka na siya tinapik sa likod.

“Sige. I’ll go ahead na. May pupuntahan pa ko. If you need anything, sabihan mo lang si Sir Felix. Okay?”

“Sige. Salamat dude.”

*****

5pm na at hindi niya pa rin tapos ang article na sinusulat niya. Ito kasi ang hatest part niya sa trabaho. Ang magsulat ng magandang article for the month of love. Samahan pa ng sakit ng puson niya.

“Friend, ang nguso nakakatusok sa tulis.” nagulat siya nang makita si Sef sa office niya.

“Tsk.”

“Ay. Bad mood si bff. Te, time of the month mo?” tanong nito sabay lapag ng kape sa mesa ng kaibigan. “Oh. Coffee mo, pampakalma.” he added.

“Go away.” she said as she waves him off.

“Ts. Time of the month nga. First day?” he asked.

“Second.” she answered.

“Ay! Sakit? As in ouch ouch ever so bongga?” tumango na lang si Julie at saka na sinubsob ang ulo sa desk niya.

“Bakla ang sakiiiiit!!!” she cried while clutching her lower abdomen.

“What happened?” nagulat ang dalawa when they saw Elmo standing by the door.

“Anditey na si suitor. Ayan oh. Annoying period ang friendship ko.” Sef replied. Agad namang lumapit si Elmo sa kanya.

“You want to go home?” he asked pero hindi siya pinapansin ni Julie.

“Ang arte mo, bff. Hmp! Diyan na nga kayo. Gorabels na akiz. Byiee!” at saka na lumabas si Sef sa office.

“Julie…” Elmo called.

“Bakit ka andito? Akala ko ba late ka na makakauwi?” she asked.

“Nagpaalam agad ako sa trabaho. Bawal na ba kita puntahan?” hindi naman kumibo si Julie. “Nagsisimula pa lang ako manligaw mukhang basted na agad ako.” he said to himself. Julie stifled her laughter dahil gusto niyang asarin muna si Elmo. Sumeryoso siya ng mukha at saka humarap kay Elmo.

“Oo. Babastedin na agad kita. Nanliligaw ka pa nga lang wala ka nang oras saken. Pano pa kung sagutin kita?” she said seriously pero sa totoo lang natatawa na siya. She saw how his eyes grew wide at saka ito napayuko.

“S-sorry. Sige I’ll make time for you promise. As in ibibigay ko lahat ng time ko for you. Sorry na Jules. Wag ka na magalit please?” pag-alo ni Elmo sa kanya.

“Hahahahaha.” she started laughing hard. Mukha kasing takot na takot si Elmo at halatang kinabahan sa sinabi niya.

“B-bakit?” he asked.

“Ang kulit kasi ng itsura mo. Tapos mukhang nakakita ng multo sa putla. Hahahahaha.”

“Tss. Ganyan ka? Pinagttripan mo ko ha?” sinimulan namang kilitiin ni Elmo sa tagiliran si Julie.

“Hahahaha. Elmo stop! Ano ba?!” napataas ang boses ni Julie. “Tsk. Naman kasi eh.”

“Oh. Mood swings?” he asked.

“Tsk. Umuwi ka na nga!”

“Hala na. Bakit? Tumatawa ka lang kanina ah.”

“Pwede? Masakit puson ko. Uwi na dun.” she said.

“Ay. Kaya pala. Stop that first. Halika na.” he said. Hinawakan niya ang kamay ni Julie at saka na ito pilit na pinapatayo. “Julie Anne wag ka na magpabigat. Tara na.” he said.

“Bakit ba? May gagawin pa ko!”

“Continue that tomorrow. Iuuwi na kita.”

“What the? Ayoko!”

“Wag na matigas ang ulo. Let’s go home. I’ll make you dinner.” he said at saka na pinilit tumayo si Julie. He took her bag at hinatak na niya ang dalaga palabas ng building.

“Epal oh.” bulong ni Julie. Natawa na lang si Elmo and they continued walking towards the parking lot. “I brought my car. Nasa kabilang side ako nakapark.” she said.

“No need. Sabay na tayo.” sabi ni Elmo.

Pinapasok na siya nito sa kotse and even put her seatbelt for her bago ito sumakay sa driver’s seat.

Nang makarating sa bahay ni Julie ay agad na nagprepare si Elmo ng kakainin niya. He decided to make her something special. Pambawi niya sa pagkabadtrip nito sa kanya kaninang umaga.

“Jules, are you free on Saturday?” he asked over dinner. Tumango naman si Julie at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Bakit?” she asked.

“Let’s go out for dinner. Ipapakilala kita sa highschool bestfriend ko.”

“Bakit?”

“Ipapakilala ko kasi yung inspiration ko.”

*****

Saturday came. Nauna sina Julie at Elmo sa restaurant. It’s an Italian restaurant na paborito ni Elmo. Dun niya naisip dahil sabi niya kay Julie, gusto niyang butasin ang bulsa ng kikitain nila dun.

After about 30 minutes ay nasilayan na ni Elmo na pumasok si Aldrin. He looked around and when he spotted him ay napangiti agad ito and walked to them.

“Sorry late ako dude.” bungad nito. He paused when he saw Julie sitting beside Elmo.

“Ayos lang bro. Nga pala, this is Julie. Jules, si Aldrin. Bestfriend ko nung highschool.” he introduced the two to each other.

“Nice meeting you.” Julie said as she offers her hand for a shake. Aldrin hesitated for a while but took it and shook it once.

“Let’s order?” Elmo said. He could feel na awkward ang mangyayaring dinner na ito pero wala siyang paki. Libre to eh. “Jules, anong gusto mo?” tanong niya kay Julie.

“Hm. I’ll have the seafood pasta.” she said.

“Okay. Ikaw dude?” Elmo asked Aldrin. “Ay. Alam ko na pala. Sige ako na.”

“Hahaha. Sige nga. Ano yun?”

“Tss. Easy-peasy. Pesto diba?”

“Haha. Ikaw na talaga bro. And alam ko din yung sayo.”

“Weh?”

“Oo. Penne pasta with spicy marinara sauce.” ngiting-tagumpay na sabi nito.

“Hahaha. Tama. Alam mo pa rin talaga favorite ko.” they placed their orders at habang naghihintay ay nagkwentuhan sila.

“Nga pala, do you remember the time when my mom gave you chocolates nung dumating siya from Europe? Tas the next day hindi ka nakapasok because you had an allergic reaction to nuts. Hahahaha.” kwento ni Aldrin.

“Oo! I remembered that. Grabe todo sermon ako kay mom and dad nun. Si Frank tuloy kumain nung iba. Hahaha.”

“Hahaha. Yeah. And the time when you and Frank went to our house kasi napagalitan kayong magkapatid?”

“Yes. Eh pano naman kasi, pinagtripan namin yung kwarto. Ni-repaint namin siya tas pag-uwi nila mom sobrang kalat sa kwarto. Dad even threw the can of paint at us. Buti nakailag kami ni Frank.”

“Hahaha. Grabe dude. Ang gago mo na bata pa lang tayo.” Aldrin said.

“Tss. Wag ganun. Nakakahiya kay Julie.” Elmo said and looked at her. Ramdam kasi ni Elmo na out of place si Julie dahil sa mga kwento ni Aldrin about their childhood days.

“Haha. Ano ka ba. Okay lang yan. Ang kulit nga eh. Ganun ka pala dati?” she teased.

“Yes. Baliw yan si Elmo when we were kids.” Aldrin said. Tumango na lang si Julie and drank her wine.

*****

Dumating na ang orders nila at agad namang inasikaso ni Elmo si Julie. She told him na wag na siyang asikasuhin pero mapilit ang binata.

“Try this oh.” Elmo said at akmang susubuan pa ang dalaga. “Say aaaah.” he added.

“Tsk. Wag mo na ko subuan.” she told him. Napapansin niya kasing medyo sumasama ang tingin sa kanya ni Aldrin. She doesn’t know why pero kinakabahan siya sa mga titig nito.

“Anong wag? Bilis na. Try this.” pilit ni Elmo. Julie took a quick glance at Aldrin at nakita niyang nakatingin ito sa kanila.

“Uhm… N-nakakahiya.” she said.

“Ha? Anong nakakahiya? Come on, H. Try it lang naman eh. Magtatampo ako sayo.” he said.

“H? A–” di na natapos ni Julie ang sasabihin dahil nasubo na sa kanya ni Elmo ang pasta.

“Haha. H is for honey. Cute no? Hahaha.” natatawang sabi nito.

“Tsk. Naman kasi.” Julie said sabay hampas dito. Alam niya sa sariling namumula siya kaya she bowed her head to just hide the blush.

“H, kinikilig ka no?” asar nanaman ni Elmo.

“Stop it. Mahiya ka naman kay Aldrin.”

“Bakit? Hahaha. Sensya na dude. Hindi showy si Julie eh. Hahaha.” Elmo said.

“Ayos lang pre. Ang cute niyo tignan.” she heard Aldrin said. Pagsilip niya rito ay nakita nanaman niya ang matatalim na tingin nito sa kanya.

“Oh diba? Cute daw tayo, H.” sabi ni Elmo sabay angat sa mukha ni Julie. “Hahaha. Sige na hindi na. Kain ka na uli.” he said and smiled at her.

“Look who’s here.” nagulat sila nang may marinig na pamilyar na boses. They all looked at who it was and was surprised to see Janine standing a few feet from them. “I’m joining them.” she told the receptionist at saka na tumabi kay Aldrin.

“J-Janine…” sabay-sabay na sabi ng tatlo.

“Oh. Bakit parang namutla kayong tatlo? Especially you Elmo.” she said. Napatingin ito sa gilid niya and smiled at Aldrin. “Hi Aldrin. Kamusta?”

“I-I’m good. Ikaw?”

“Ayos naman. Moving on.” she said.

Julie felt the awkwardness kaya naman tinext niya agad si Sef.

‘Bakla, save me! Best drama actress na role ang kailangan ko.’ she sent the message and acted as if she is enjoying their company. Parang nagsisi siyang sumama kay Elmo sa dinner na to.

“Julie, kamusta na kayo ni Moe? Going strong?” asar na tanong ni Janine.

“H-ha? K-kami? Ano…” she stuttered.

“We’re doing great. Masaya kami ni Julie. Bakit?” Elmo answered and even put his arm on her shoulder and pulled her closer to him.

“Wow. That’s good to hear. Kaya lang baka masaktan si Aldrin. Diba?” patuloy sa pang-aasar si Janine.

“I-I don’t know what you’re talking about.” Aldrin said at saka yumuko.

“You want me to refresh your memory?” Janine asked.

“BFF!!! JUSKO MAHABAGIN. TARALETS NA ANUBEY?!” nagulat ang lahat ng nasa restaurant nang may marinig na tili. Pagtingin nila ay si Sef pala.

“Sef?” pagtataka ni Elmo.

“Friend, kidnappin ko lang ng very very light si bff ha? Emergency over there sa office. Kailangan kami as in now na!”

“Ha? Bakit? Anong meron sa office?” Julie asked.

“Basta friend. Kailangan na natin gumorabambam dun. Fly na tayiz!!” at hinatak na siya nito patayo.

“Uhm… Sorry if I can’t stay long. We have to go.” nagmamadaling sabi ni Julie.

“Sasama ako.” Elmo said as he held her hand. Tumingin si Julie kay Aldrin at Janine at saka siya bumaling ng tingin kay Elmo.

“Wag na. You stay here. Matagal kayong di nagkita ni Aldrin. Kami na bahala ni Sef.”

“Tsk. Fine. Tawag ka agad sa akin ha? Ingat kayo, H.”

“O-okay. Enjoy your night. And thanks for dinner, Aldrin. Sorry if I have to go.”

“Tara na bff! Ang daming hanash oh!” hinatak na siya ni Sef palabas ng restaurant.

“Bye, H! Call me!” was the last thing she heard from Elmo.

thxtgirlinpixiehair-deactivated  asked:

Papsi. Paano ba makalimot agad.

Pabunggo ka sa kotse. tapos siguraduhin mong una ang ulo. HAHAHA. 

Dejoke. HAHA. 

Ganto yan, 

Meron akong steps sayo.

1. Acceptance - Dapat tanggapin mo munang wala na kayo. kasi kung hindi mo matatangap na wala na kayo eh babalik at babalik ka pa din sa kanya, kahit ituloy mo ang steps na susunod dito, babalik at babalik ka pa din sa una. 

2. Throw away - Ibig sabihin niyan, lahat ng mga bagay na nagpapaala sa inyo, dapat itapon na. lalo na yung mga masasakit na alaala. kahit ano pa yan, through saved text messages, chat, pictures, blog posts, material things, emotional concepts, basta lahat ng bagay na nagcoconnect sa inyong dalawa, this will really help you move on.

3. Make time & space - Make your time spent well, at give space muna para sa inyong dalawa. kasi the moment na nagbibigay pa kayo ng communication sa inyong dalawa hindi makaka move on. at spend quality time sa ibang bagay. sa pagiging busy mo sa ibang bagay, psychologically and emotionally nakakalimot ka. 

4. Enjoy Singleness - Nanggaling ka man sa isang masalimuot o maayos na relasyon, see to it na kapag single ka, ine-enjoy mo na muna ang pagiging single mo, huwag ka magmadali na maghanap ng bago, hindi yan ID picture na nira-rush. so take it slow, tandaan mo nagmo-move on ka pa lang, hindi ka naghahanap ng mare-reboundan.

5. Mingle - sabi ko nga sa #4 hindi rush ang paghahanap ng bago, sa tamang panahon, isa ang paghanap ng bago sa pinaka makakatulong sayo para makalimot at ma-motivate sarili mo na magmahal ulit. so as much as possible humanap ka din ng mas maayos. but it does not mean na naghahanap ka eh ire-rebound mo na, you must make sure na totally wala na, ito kasing pagmi-mingle eh sub contributory factor lang para makalimot ka ng tuluyan.

6. Open-mindedness - see to it na open minded ka at ang puso mo open din na magmahal ulit. kahit na masakit ang previous relationship mo, still hindi naman siya ang lalake/babae sa mundo so may mahahanap at mahahanap ka pa din. 

Yan. 6 steps lang yan pero depende pa din sa pagha-handle mo para malaman mo na nakalimot ka na sa kanya.

Meron pa akong isang step, marami kasi sa atin, sinasabi, MAHIRAP DAW YAN. kesyo, iba daw siya, o talagang mahal mo talaga siya, mga ganon. Sige go lang, kaya naman nakaisip ako ng isang step para makalimutan mo siya.

Kung ikaw ay katulad diyan ng iba na nahihirapan, Pagbibigyan kita. 

-SIGE MAHALIN MO LANG SIYA. MAHALIN MO LANG ARAW ARAW KAHIT NA TINATAKWIL KA NA NIYA, KAHIT AYAW NA NIYA SAYO. HANGGANG SA ISANG ARAW MALAMAN MO NA MAYROON NA SIYANG IBA, SAKIT DIBA? Tao lang tayo, makakaramdam tayo ng pagod. kaya pinagbibigyan kita na sumiksik ka pa sa kanya. dahil alam ko isang araw, magigising ka, sasabihin mo Pagod na ako, ayoko na”  edi magmo-move on ka din. makakalimutan mo siya sa pamamagitan ng pananakita niya sayo, yung tipong mismong puso na ang magsasabi na tama na. yung sasangayon na siya sa utak natin na dati pang nagsasabi na Tama na, pero sinasabi pa ng puso mo na gusto pa, eh mas pinili mo puso mo noon, kaya ngayon pagod ka na, kaya ayan kusa ka na lang magsasawa, mapapagod sa sakit kaya tatahan ka na. :) 

Good luck! :) 

“BUKAS LULUHOD ANG MGA BROKEBACK”

Kunware dumulog ako sa himpilan ng mga pulis para isumbong yung nangyari na namang panghaharass sa’kin kagabi ng isang Arabo sa mismong lobby ng accomodation ko. 

Ganito yung statement ko na medyo nangangatal ngatal pa yung boses, haggard, tuliro, medyo wala sa sarili habang hinihigit-higit pababa ang super shorts kong above the knee habang isinasalaysay ang mga pangyayari.

—–

“Nasa lobby po ako nun. 10:30 ng gabi. Hinihintay po ako ng dalawang kaibigan ko sa labas kasi magdidinner kami. Paglabas ko sa lobby, may isang Arabo na bumati sa akin na halos kalalabas lang di ata ng accomodation namin. Nakipagkamay siya kaya nakipagkamay din ako. Ang repectful ko kasi.

“You staying here also?” sabi nung Arabo.

“Yes. I’m in the North Wing side. And you?”

“No. i just visited my Kenyan friend here. You can come into my room. Let’s go. I have a car.”

Hawak pa rin nya yung kamay ko tapos medyo pinipisil-pisil na niya.

“No. no. no. no my frend.  We’re going for dinner tonight. Maybe some other time. Bye!.”

“So i will take you for dinner no problem,. Where do you want to go?”

Ih siyempre po nag-offer po ng dinner. Pagkain po yun sir. Kumalam po agad sikmura ko nung narinig ko yung “dinner”. Tapos na-imagine ko po yung french fries, hamburger tska fried chicken. Naghallucinate ako. Tulo-laway na po ako nun. Tangina naman kasi sir. 10:30 PM na nga kasi yun di ba tapos di pa kami nagdidinner. Walangya kasi yung mga kasama ko antagal magsipag-ayos. So sa madaling salita po, gutom po ako by that time. Pero siyempre hindi ko po tinanggap yung offer niya kasi hindi po ako basta-bastang tao na pwede na lamang suhulan ng ‘foods’. ( Maliban na lang kung siomai.)

Tapos hinihigit na niya ako papasok sa kotse niya.

“No. No. No. No. I’m with my friends right there. We have family dinner. They are waiting for me in the car.”

“Ok i will come with you.”

“No my frend. It’s a private thing.” ( Ansabe nung it’s a private thing ko haha )

Dali-dali akong sumakay sa kotse ni Ahsan. Tapos si Kuya Ken nakasakay na sa unahan. Tapos biglang kinausap nung Arabo si Ahsan, nagpipilit na ibaba kami ni Kuya Ken at pinapalipat kami sa kotse niya. Hanggang sa bigla na lang siyang sumakay sa loob katabi ko. Sasama na lang daw siya sa’min tapos pilit pinapasibat na yung kotse. Nagtatalo na sila nun kasi pinapababa siya ni Ahsan pero ayaw talaga bumaba ng hayup. Tapos bigla pang nakipagnegotiate. Kay Ahsan na lang daw si Kuya ken tapos ako na lang daw yung itatake-home niya. Ano ako Hawaiian Pizza? Tangina men. Lakas ko makaprostitute sa eksenang yun. Tapos naramdaman ko na lang na bigla niyang hinigit pataas yung super-shorts ko sabay himas sa hita ko. Tumaas buong balahibo ko sa katawan tapos binuksan ko yung pinto ng kotse pero pinigilan niya ko. Para tuloy akong chix na bigla na lang isinakay sa itim na van na gustong pagsamantalahan. Nagpanic na din yung dalawang kasama ko. Siyempre di naman kami makalaban kasi nga Arabo yun. Teritoryo nila ‘tong Gulf Countries. Baka ang ending kami yung madeport. E di goodbye Riyals na agad? Shettt! Pero nakalabas din agad ako ng kotse tapos dali-dali akong bumalik ng accomodation palapit sa guard.

“Hey! Who’s that guy who came here? He’s scaring me to death!”

( Ang fluent ko mag-english nung time na yun kasi takot na takot ako shet. Pero yayamanin yung pagkakasabi ko ng ‘scaring me to death’. )

Tapos pag tingin ko sa likod, sinusundan pa rin niya ako papasok kaya tatakbo ako sa elevator at umakyat ng flat ko. Natakid pa ‘ko tangina. Antakot ko nun. Naalala ko tuloy yung eksena sa Pangako Sa’yo na ginahasa si Amor ng kapatid ni Edurdo kaya napasigaw siya ng, 

“Matitikman ninyo. Ang batas. Ng isang… ( wait for it.)…. apiiiii!!!! Waaaaaaa!!!” 

Muntik na mangyari sa’kin yun. huhu.

——-

Sinunog ko na yung super-shorts ko.

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 19

Space? Bakit kailangan nila ng space? Bakit kailangan lumayo sa isa’t isa?

FLASHBACK…

“Save it Julie. I have to tell you honestly, I don’t think I can accept your apology nang ganito kabilis. Masyadong masakit dito oh.” he said as he point his heart. “Space, Julie. Let’s give each other some space first.”

She froze in her spot nang marinig ang mga katagang yun. Gusto niyang magsalita but she can’t seem to find her voice. Parang bigla itong naglaho. Parang inabandona siya ng sariling boses.

“I admit, mahal kita. Mahal na kita, Julie pero hindi ko lang kaya na nakikita kang may kasamang ibang lalaki. I can’t afford to see you looking happy with someone else. Nasasaktan ako. Kaya mas okay siguro if we give each other some space. So that we can find ourselves. Para din malaman mo talaga kung sino ba sa amin. Ako o siya?” sabi niya tsaka na pumasok sa loob ng kotse.

She felt the presence of Sef and Maqui behind her. Hindi siya makagalaw para tignan ang mga ito.

“Jules?” Maqui said sabay hawak sa balikat niya. “A-are you okay?” she asked.

She swallowed the big lump in her throat saka mabilis na pinunasan ang luha sa mata niya.

“I-I’m o-okay. Napuwing lang ako.” she said.

“Sigurado ka?” tanong ni Sef.

“Oo. Ayos lang.” sagot niya sabay tango and thumbs up pa. “Uwi na tayo. Pagod na ko.” pagyaya niya. Tumango na sila Sef at Maqui tsaka na sila sumakay sa kotse.

Buong biyahe niya tinitigan si Elmo. Tahimik lang naman itong nakatingin sa labas ng bintana as they make their way home.

“Sure ka bang okay ka lang?” Maqui whispered.

“Yes, Maq. I’m okay. Promise.” she smiled weakly.

“Okay. Basta magiging okay din lahat. Ha?” Maqui said. Tumango na iya tsaka na lang hinilig ang ulo sa bintana.

END OF FLASHBACK…

She heard a faint whimper dahilan para mapatingin siya sa alagang aso.

“I miss him too, Thor.” she said as she pets her Husky.

Nasa veranda sila nun and she was staring at the house across from her. Yung kwartong katapat ng kwarto niya. Mag-iisang linggo na silang hindi nagkakausap o nagkikita man lang ni Elmo. Miss na miss na niya ito at ang mga panlalambing nito sa kanya.

“It’s my fault, Thor. Kung di ko naman siya binalewala during our trip, di naman siya lalayo. Kung hindi ko iniba yung plano ko, di naman kami magkakaganito eh. If I didn’t take him for granted…” nagbadya nanaman ang mga luha sa mata niya kaya naman kumandong sa kanya si Thor.

She hugged him tsaka na bumuhos ang mga luha niya. Guilty siya sa mga ginawa niya. Naisip niya kasi that Elmo wouldn’t be asking her to give him space kung di niya inalis ang atensyon niya dito.

“Julieta!!!” nagulat siya when she heard a high-pitched scream.

Pagdungaw niya sa baba ay nakita si Sef na nakatayo sa labas ng bahay niya at kumakaway-kaway sa kanya.

“Ano girl? Titingin na lang tayo ditey?” mataray na sabi nito pero di pa rin siya gumalaw sa kinatatayuan niya. “Wait. May magic word na ba before makagorabambam sa baler mo?” tanong nito.

“Uhm…”

“Okay wait.” Sef cleared his throat tsaka nagpose pa. “Rapunzel! Rapunzel! Let down your hair!!!”

“Tss. Gago.” she rolled her eyes tsaka na pumasok sa loob ng bahay para pagbuksan ng gate si Sef sa baba. “What brings you here?” she asked nang makapasok na ulit sila.

“Bawal na ba? May visiting hours na ba friend? Waley akiz dalang flowers and candles. San ba puntod ng natsugi mong heart?”

“Leche. Pauwiin kita bet?” she said.

“Hmp! Sungit. Hoy, babae. Wag mo kong idamay sa ka-emohan mo ha? Aba ang baklang to. Kasalanan ko bang wiz ka naglisten sa amin ni Maria Frencheska Mae ha?” sabi ng kaibigan habang nakahalukipkip ito sa kanya.

“You don’t have to rub it in, Sef. Nagsisisi na nga diba?” she said.

“Eh kung ganun, why don’t you apologize to him?”

“Ha? Di naman siya makikinig sa akin eh.”

“Weeh!! Di makikinig or yung pride mo pinapairal mo? Gagang to. Ineng, ang pride pinanlalaba yan ha? Di inuugali!”

“Ewan ko sayo. Ni hindi niya nga ako pinapansin when we see each other sa labas ng bahay eh. Umiiwas siya lagi.” sabi niya.

“Ay friend, alam mo uso magdoorbell sa kanila eh. Always and forevs naman wala siyang kasama kasi busy si Maq. So ang dami niyong time diba?”

“Ts. Kala mo ganun kadali yun? Ang hirap kaya!” she said.

“Ewan ko sayo.” sabi ni Sef sabay kuha ng pagkain sa ref ni Julie. “Nako girl. Wag na patagalin. Bet mo ba umabot ng 1 month itey? Baka makahanap ng ibang girlaloo yan. Or worst!! Baka patusin na niya si Aldrin!!”

“No way!!” sigaw ni Julie. “I won’t let that happen.” she said.

“Then apologize as in asap!”

*****

“Dude, one week ka na tulala. Yung totoo sayo?” Aldrin said as he sat next to Elmo. Nasa site sila uli nun at napansin ni Aldrin na tulala pa rin si Elmo.

“Ha? May sinasabi ka?” pagtataka ni Elmo. Nagkamot siya ng ulo at saka nagbalik ng tingin sa kawalan.

“Ts. Ewan ko sayo dude. Break na ba kayo ni Julie?” Aldrin asked.

“Hindi.” he replied absent-mindedly.

“Eh ano?”

“Magkaaway lang kami.”

“Sabi ko naman kasi sayo eh. You can’t last that relationship. Bakit? Nabisto ka na ba niya? Nalaman na bang bading ka? Ha?” tuloy-tuloy na tanong nito sa kanya.

“Shut up Aldrin. It isn’t about that okay? And besides, hindi ako bakla.” mariing sabi niya.

“Talaga? Sigurado ka bang hindi ka bakla? Coz as far as I know, parehas tayo ng katayuan sa buhay.”

“That was before, Aldrin. Hindi na ko ganun ngayon.”

“Why? Because of Julie?! Ano bang meron ang babaeng yan at nagbago ka ha?! Nilasing ka ba niya at may nangyari na sa inyo?! Ginayuma ka ba?! Bunt–”

“Shut up! Oo dahil kay Julie kaya nagbago ako. Dahil sa kanya kaya gusto kong ayusin ang buhay ko. Dahil sa kanya kaya gusto kong magkaron ng magandang kinabukasan. At sana nilasing, ginayuma at kinulam na lang niya ko para hindi ako nahihirapan ng ganito! At sana binuntis ko na lang siya para may panghawakan ako sa kanya na akin lang siya at kanya lang ako! Pero putangina hindi eh! Nasasaktan ako dahil mahal na mahal na mahal ko na siya pero dahil sa putanginang pagkalito ko kung ano ba talaga ako, unti-unting nawawala sa akin yung babaeng mahal na mahal ko na!” sigaw niya.

Nalaglag ang panga ni Aldrin at hindi nakapagsalita dahil sa mga narinig niya. Sinabunutan ni Elmo ang sarili niya dahil sa sobrang frustration. Gusto niyang manapak, gusto niyang saktan ang sarili niya dahil hindi na niya kayang wala sa tabi niya si Julie. Aminado siyang may kasalanan siya kung bakit nagkaganun si Julie sa kanya. Kung bakit naghanap iyon ng ibang lalaking pwedeng magpasaya sa kanya. And he can’t afford to think that some other guy can make her happy.

“I can’t take this anymore.” sabi ni Elmo at saka na siya umalis ng site.

“Sir!” narinig niyang sigaw ni Sir Felix pero hindi niya iyon pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kotse niya.

Nagmaneho siya mula Batangas hanggang Makati. Hindi niya alam kung ilang beses siyang nakalabag sa traffic laws basta ang mahalaga makarating siya sa Makati bago makauwi si Julie. He wants her back at kahit siya ang humingi ng space dito, siya pa rin ang manunuyo. Dahil mahal na talaga niya ito.

Di niya alam kung maayos ba ang pagkakapark niya sa sasakyan niya basta na lang siyang bumaba at tumakbo papunta sa office building ni Julie. He rushed to the elevator at sakto namang pagbukas nun ay nakita niya ang dalaga. Nanlaki ang mga mata nito nang makita rin siya at napaawang ang bibig.

“Julie…” hinihingal na sabi niya.

“E-Elmo?” gulat na sabi naman ni Julie. “A-anong gi–” hindi na niya pinatapos na magsalita ito. Agad niyang kinulong sa mga bisig niya si Julie feeling her warmth against him. Naramdaman niyang nanigas si Julie sa kinatatayuan niya pero unti-unti rin itong lumambot at sinuklian ang yakap niya.

“God, I missed you.” sabi niya. He cupped her face at tinitigan ang mga mata ng dalaga. She’s close to tears pero nginitian siya nito at saka tumango.

“Namiss din kita.” sabi ni Julie. “Miss na miss na miss na miss kita.” dagdag niya pa at saka siya niyakap muli.

“I’m sorry for what happened, honey. Sorry talaga.” bulong ni Elmo. Naramdaman na niya ang pagpatak ng mga luha ni Julie sa damit niya. “Sorry kasi nagmatigas ako. You were reaching out already but I distanced myself. I pushed you away. And I’m so stupid for hurting you.”

Kumalas sa yakap si Julie at pinunasan naman ni Elmo ang mga luha ng dalaga.

“I should be the one saying sorry. Ako naman talaga ang may kasalanan eh. If I didn’t flirt with another guy, hindi naman tayo mag-aaway. Sorry, H. The truth is, I want to know if you’re really gay kaya I flirted with Toffer. I want to know kung magseselos ka kaya ginawa ko yun. And I’m sorry if it looked like I enjoyed what I did. I’m so sorry, baby.” sabi ni Julie sa kanya.

Bahagyang natawa si Elmo sa sinabi ni Julie. Naalala niya nanaman kasi lahat ng nangyari sa beach and ngayong okay na sila ni Julie at naipaliwanag na sa kanya ang motibo ni Julie, mas lalo lang niyang minahal ang dalaga.

“I was jealous, alright. So jealous I want to strangle him to death.” nakangiting sabi niya. “I don’t like it when I see guys holding you, touching you, hugging you, kissing you and making you happy. I hate it. Gusto ko ako lang, Julie. I’m gonna be selfish when it comes to you. Gusto ko akin ka lang. You’re mine and mine alone.”

*****

“I don’t like it when I see guys holding you, touching you, hugging you, kissing you and making you happy. I hate it. Gusto ko ako lang, Julie. I’m gonna be selfish when it comes to you. Gusto ko akin ka lang. You’re mine and mine alone.” she heard Elmo said.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Does he really want to make her his?

“Julie, honey, gusto kitang markahan. Para wala nang ibang lalaking lalapit sayo. I want to let them know where they stand and I want them away from you.” sabi pa nito.

“Moe…”

“Julie, mahal na kita.”

Sa mga katagang yun ay mas nalaglag ang panga ni Julie. He loves her?

“Mahal na mahal kita at handa akong magbago para sayo.”

“You don’t need to do that. I accept you for who you are.”

“But I want to. I want to be a better person. I want to be the best guy in the world para ako lang ang mamahalin mo. Gusto ko ako lang yung lalaking hahanap-hanapin mo kahit saan ka magpunta. Gusto ko ako lang yung lalaking iniisip mo every minute of the day and I want to be the guy whom your kids will call daddy.”

“Daddy agad?!” di napigilan ni Julie ang matawa at maiyak at the same time. She’s crying tears of joy because she’s included in Elmo’s future.

“Oo! Eh dun din naman punta nun eh. Diba?” nakangiting sabi ni Elmo.

“Bakit? Ang advanced ng utak ha.”

“What do you mean bakit? Ayaw mo ba ko pakasalan in the near future. I mean, tayo na tapos–”

“Hephep. Tayo na? Why am I not informed?” she asked. Halatang nagulat si Elmo sa sinabi niya.

“B-bakit? H-hindi ba?” he stuttered.

Umiling si Julie sa kanya and saw how his shoulders dropped.

“Ganun? A-akala ko kasi t-tayo na eh.”

“Nanliligaw ka ba?” she asked.

“Eh diba nagsabi ako sayo na manliligaw ako? Tapos pumayag ka. Tapos nagkatampuhan tayo tapos…” humina ang boses niya as he left his sentence hanging. “P-paano ba manligaw?” nahihiyang tanong niya.

“Hahahahaha. De joke lang. Oo na.”

“Huh?” pagtataka ni Elmo.

“Oo na. Tayo na. Ayaw pa? Hahaha.” sabi ni Julie sabay tumawa pa.

“Talaga?!” lumapad ang ngiti ni Elmo at saka na siya niyakap nito. “Tayo na? As in tayo na talaga?!” he asked.

“Oo nga!” nakangiting sagot ni Julie.

“Yes!!” napasigaw si Elmo and even fist pump the air. Akala mo nanalo sa lotto. “I love you, Julie.” sabi niya sabay halik sa noo ni Julie.

“I love you too, Elmo.” she replied.

*****

Sef’s about to go down para sana sundan si Julie.

“Kakalokang mujer. Nadaganan na ata ng kape.” he told himself.

Hinintay niya ang pagdating ng elevator sa floor nila and was about to go in nang magulat siya kung sino ang nasa loob.

“Ayyyy!!!” tili niya. “Oh my gosh what are you doing here?!” tanong niya.

“Sef?!” sabay na sabi ng dalawang nasa elevator.

“Julieta inutusan kita bumili ng kape, hindi ko sinabing bumili ka ng lalaki!! Baklang to. Buti sana kung papable ang binili mo at kung dalawa yan. Kaso lang iisa lang at sisterette ko pa!”

“Sef!” sabi ni Julie. “Uhm… Ano kasi eh. Bibili naman talaga sana ako. Kaya lang dumating si Moe…”

“At ngayon more pa kayo sa clingyness. Ganern?!” nakapameywang sa sabi ni Sef. “Anetch ang nangyari aber?”

“Uh… Sef, kami na.” Julie stuttered. His jaw literally dropped at nanlaki pa ang mga mata niya. He looked at his two friends then at their intertwined fingers then back at their faces.

“Ganun na lang yun?! As in waley ever paluhain ng dugo si Julieta?! Elmo, I thought we’re friends!” madramang litanya niya sa dalawa.

Natatawa na lang sina Julie at Elmo habang pinagmamasdan siyang magdrama.

“Nasstress ako sa inyo. Imma go downstairs and drown myself in coffee. Kalokang malalanding to!” sabi niya and shoved the two out of the elevator. Mabilis niyang pinindot ang G para magsara agad ang pinto at para makababa na siya.

*****

“Dun tayo sa office mo.” bulong ni Elmo kay Julie. Ngumiti naman si Julie at tumango and they both went to her office.

“Oh. Julie, nagkita kayo ni Sef?” Mich asked nang makita siya nitong pumasok.

“Yeah. Siya na daw bibili ng coffee.” sagot ni Julie habang hatak-hatak si Elmo papasok ng opisina niya.

“Bakit nagmamadali ka? Hahaha.” Elmo asked her.

“Magtatanong kasi si Mich panigurado eh. Bakit andito ka, bakit ang tagal ko pero wala yung meryenda namin. Mga ganun. Haha.”

“Eh bakit iniiwasan mo? Pwede naman nating sabihin na tayo na eh.” malambing na sabi nito sa kanya.

“Wag muna ngayon. Baka mahimatay siya. Hahaha.” tumatawang sambit niya. “Tsaka even I couldn’t believe na tayo na.” she confessed.

“Aysus. Ang baby ko talaga.” sabi ni Elmo tsaka siya nito pinaupo sa lap niya. He hugged her from behind at saka hinalik-halikan ang batok niya. “Maniwala ka na. This is real, Julie.” sabi niya.

“I know. Ako ang sumagot sayo kaya I should know.” sabi ni Julie. Lumingon siya kay Elmo and he rested his chin on her shoulder.

“I love you.” bulong ni Elmo.

Julie smiled at him and leaned her head on his head.

“I love you too.”

“I love you more.” sabi naman ni Elmo. Natawa si Julie at saka umiling.

“I love you most.”

“I love you forever.”

“I love you to the moon and back.” natatawang sabi ni Julie.

“I love you til death do us part.”

“I love you beyond death.”

“Madaya naman!” sabi ni Elmo.

“Hahaha. Ang adik naman kasi. Bakit may ganito pa tayo?” she asked.

“Ewan ko. Pinatulan mo eh. Hahaha.”

“Eh kasi nga mahal kita. Oh. Aangal pa yan oh. Aangal pa yan!” sabi niya sabay kurot sa ilong ni Elmo.

“Haha. Oo na. Mahal din naman kita.”

“At yung buong building nilalanggam na sa inyo. Kalokang mga hitad na to. Makalampungan naman ditey.” nagulat sila nang marinig si sef.

“Kanina ka pa?” Julie asked.

“Hindi. Kakadating ko lang.” sabi naman ng kaibigan.

“Ah. So wala kang narinig?” tanong naman ni Elmo.

“Wala friend. Deaf ang lola mo.” sarkastikong sabi nito.

“As in?” pangungulit ni Julie.

“Oo nga! Kulit oh. Kulutin ko yang kilay mo eh!” sabi niya sabay lakad papunta sa desk ni Julie at nilapag ang paperbag ng kape at pagkain. “Oh. Itey na ang kape niyo. Hiwalay din pag may chance ha?” paalala niya. Tumawa ang dalawa saka na tumango.

“Thanks, Sef.” sabi ni Elmo. Tumango lang naman si Sef at akmang lalabas na nang magsalita si Julie.

“Uwi ka na bakla?”

“Di pa friend. Daming trabaho.” sagot ni Sef.

“Ah okay. Dinner tayo nila Maq bukas ha?” anyaya ni Julie sa kanya.

“Sureness. Ge na. Gorabels na akiz sa office ko. Kahiya sa ‘I love you beyond death’ niyo eh. Bwahahaha.”

THE 'BUHOK SA ILONG' PHENOMENON

Ang ikatlong lebel ng badtrip ko ay nagmumula sa bigla-biglang pagdungaw ng tutsang ( a.k.a buhok sa ilong na parang paa ng ipis ) na may kasamang nakalambitin na grayish colloidal substance a.k.a kulangot. ( Nagduduyan siya, actually.) Nakakainis lang dahil napakafriendly, labas ng labas. Ramdam ko yun kahit hindi ako nakaharap sa salamin dahil nangangati yung circumference ng butas ng ilong ko. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at naghanap ako ng salamin. Nakakita naman ako.

Binuklat ko yung butas ng ilong ko, hinawakan yung buhok, hinigit-higit ng pakonti-konti para magloosen-up, bumuwelo, sabay higit ng buong pwersa. Brutal. Napaheadbang at napapikit ako sa sakit. Napaluha yung left eye ko at umagos ng tuluyan sa pisngi. Isang buhok lang yung hinigit ko pero paralisado buong pagkatao ko. Nangangatal pa yung kamay ko habang hawak yung buhok. Pero ang sarap lang sa feeling pagkatapos. Fulfilling.Isang malilinaw na paglalarawan ng tunay na mandirigma.

Pagkatapos nun, parang bumilis ang palitang ng oxygen at carbon dioxide sa katawan ko na naghatid sa'ken ng matinding good vibes. Nasanay pa naman ako na pagkatapos kong higitin yung buhok ko sa ilong, pumipikit ako at nagwiwish. Nagwish ako pero akin na lang yun.

Habang pinapagpagan ko yung ilong na may konting pagpapa-cute na rin sa harap ng salamin, biglang may kumatok. Ibinaba ni kuya yung bubog. “Tapos ka na bang manalamin sa bintana ng kotse ko?!"Napa shit brix ako tangina. Ang sarap kong i-high five sa mukha. Gusto kong magpasampal ng napkin na may dugo at pakyu hanggang birthday ko. Malay ko bang may tao sa loob ng kotseeee.

Kwentuhan Sa Kotse
  • Tabs: I’m thinking of T-shirt slogans for the Sapatos Festival. Something funny and awesome. Tipong, “Sapatos Festival 2011: Sapatusin kita Diyan!”
  • Janz: (giggles)
  • Gio: Or, “Sapatos Festival: Pag binato ka ng bato, sapatusin mo!”
  • Tabs: Bwahahahahaha!
  • Choi: …(to Tabs) Nakakatakot naman ang tawa mo.
  • Tabs: (louder) Bwahahahaha!
  • Choi: Seriously. You’re freaking me out.
  • Tabs, Janz and Gio: (laugh even harder)
  • Tabs: You crack me up, Choi! What happened to “your life as a comedian is over”?
  • Choi: (irritably looks out the window) I’m not trying to be funny.

SELOSA

Elmo Magalona:

Good morning, Julie! What’s your schedule today? 😁

Nagulat siya nang biglang nagmessage nanaman sa kanya si Elmo. Kahapon kasi ay hindi naman ito nagparamdam sa kanya. Actually, hindi naman ito nagparamdam sa kanya mula nung Sunday after nila mag-usap.

Me:

Valenzuela today for Operation Linis by Puregold. Why?

Agad naman siyang nakatanggap ng reply mula rito.

Elmo Magalona:

Okay. Enjoy your day! 😊

Umirap siya sa ere at hindi na nagreply. Nasa biyahe siya ngayon papuntang Valenzuela para nga sa project ng Puregold.

Nagvibrate uli ang phone niya at nakatanggap siya muli ng message kay Elmo.

Elmo Magalona:

If it’s okay with you, pwede ba tayong magkita later? Please? I miss you.

“Wow. May I miss you ka na ngayon ha? Parang kahapon lang…”

“Anak sinong kausap mo?” tanong ni Tito Jonathan sa kanya sabay lingon sa kanya mula sa rearview mirror.

“Ha? Wala po, papa.” nakangiting sabi niya.

Nagtype na siya ng message kay Elmo.

Me:

Ikaw bahala.

Pagdating nila sa barangay na lilinisan ay nagpark agad si Tito Jonathan. Hindi muna lumabas si Julie dahil wala pa naman ang ibang kasama nila. Naisip na lang niyang magpicture at ipost ito sa instagram.

Agad naman siyang nakahakot ng pagpuri mula sa mga fans dahil sa bago niyang look. Sino ba namang hindi matutuwa diba? She looked gorgeous with her new hair.

Elmo Magalona:

Nice hair! You looked even prettier. 😊

“Makamessage naman agad. Eh kung nilalike mo kaya? Baka sakaling natuwa pa ko ng konti sayo.” sabi niya sa sarili.

“Tara na anak.” anyaya ni Tita Marivic saka na sila lumabas.

*****

Maganda ang gising ni Elmo. Bukod kasi sa panalo ang Miami Heat against Brooklyn Nets ay pinayagan siya ni Julie na makipagkita sa kanya.

“Ikaw bahala is the same as yes diba?” tanong niya sa sarili. “Hm. What to do before I see my girl?”

Inabala niya ang sarili sa paglalaro ng xbox habang nagpapalipas ng oras. Sure naman kasi siyang mamaya pa matatapos si Julie sa ginagawa niya at ayaw rin naman niyang kulitin ito. Baka kasi di na siya payagang tibagin yung natitirang pader na nakapalibot sa kanya.

Tanghali na nang magmessage uli si Elmo kay Julie.

Me:

Hey, don’t forget to eat lunch okay? Eat carbs. Wag puro salad. 😁

Agad naman siyang nakatanggap ng message sa dalaga.

Julie San Jose:

I’m eating lunch with the other volunteers. Don’t skip meals too.

Lumapad ang ngiti ni Elmo. Di bale na kung walang emoji o kung tarayan man siya ni Julie. Ang mahalaga ngayon ay may concern pa rin ito sa kanya.

Me:

Message me if your event’s done.

Julie San Jose:

Don’t you have work today?

“Psh. Concern?” natatawang sabi niya bago nagreply dito.

Me:

No, I don’t. Kaya makakapunta ako sa inyo anytime. 😊

Hindi na nakapagreply uli si Julie kaya naisip niya na baka busy na uli ito. Siya naman ay nababagot na sa condo niya. Lahat na ata ng laro ay nalaro na niya.

*****

Pagkatapos niya sa Valenzuela ay nagpahatid siya kay Tito Jonathan para bisitahin ang isang kaibigan.

“Julieeeeee!” bati nito nang makita siya. Agad siyang niyakap nito.

“Hello po, Tito Chuck!” bati niya.

“How are you? Yung album mo? Lovelife?”

Natawa si Julie sa dami ng tanong nito.

“Okay naman po. Uhm. By June siguro out na yung album sa record bars. Haha. Single and very happy pa din tito.” aniya.

“Nako, anak. You’re the next big thing na talaga. Proud na proud ako sayo! Yung first album mo malapit na mag-Diamond record. Excited ka na ba?”

“Hahaha. Tito talaga. Yung 9x platinum nga po di ko na macontain yung tuwa ko eh. Baka hinamatayin na ko pag umabot ng Diamond. Hahaha.”

“Ay! Kaloka kang bata ka. Basta proud ako sayo. Konti na lang talaga Diamond na. Inaabangan ko nga eh.”

“Haha. Thank you po.”

“Teka. Nagpagupit ka ba?”

“Ha? Ay. Hehe. Opo kahapon.” sagot ni Julie.

“You look gorgeous, anak. Alam mo pag nagpapagupit ibig sabihin may balak magbagong buhay.” kindat nito sa kanya.

“Haha. Nako. Nainitan lang talaga ako tito kaya nagpagupit ako. Hahaha.” nag-apir sila at nagtawanan.

Nagkwentuhan pa sila pagkatapos nun. Nagpost din sa twitter si Mr. Chuck at tuwang-tuwa naman ang mga fans dahil dun.

Makalipas ang halos 2 oras na kwentuhan ay nagpaalam na rin si Julie.

“Oh. Next stop, Araneta na ha?” sabi ni Mr. Chuck bago siya nagpaalam ng tuluyan kay Julie.

Pagkasakay ni Julie sa kotse ay agad naman silang umalis nila Tito Jonathan at Tita Marivic.

“San tayo nak?”

“Uwi na po, papa. May bisita po ako.” nakangiting sabi ni Julie saka na nagtype ng message.

Me:

I’m on my way home. Pupunta ka ba?

Agad naman siyang nakatanggap ng reply.

Elmo Magalona:

Yes. I’m on my way too. See you! 😊

*****

Nagmamadali si Elmo na bumaba sa parking lot at agad siyang sumakay sa kotse niya.

“Kuya, Novaliches po tayo.” utos niya sa driver saka na sila umalis.

Pagdating nila sa Novaliches ay sinalubong siya ni Tito Jonathan. Sakto kasi ay kabababa pa lang nito sa sasakyan at nakabukas pa ang gate.

“Parekoy!” bati ni Tito Jonathan sa kanya sabay akbay pa. “Nadalaw ka?”

“Ah eh. Good evening po, tito. Si Julie po?”

“Ah. Aakyat ka nanaman ng ligaw. Andun sa sala. Puntahan mo na lang.” ani Tito Jonathan sabay tapik sa balikat niya at mahina siyang tinulak nito papasok.

Kakamot-kamot siya ng ulo habang pinipihit ang doorknob ng main door nila at dahan-dahan pang sumilip sa loob. Walang tao sa sala at tahimik rin sa loob ng bahay kaya nagtaka siya.

“Kuya Elmo!!!” nagulat siya nang bumungad ang bunso nilang si Jac sa harapan niya.

“Uy! Hi, Jac!” bati niya.

“Hello, kuya! Sinong hinahanap mo? Si Ate Julie? Wala si ate umalis may pinuntahan. Sa malayo.” tuluy-tuloy na sabi ni Jac.

“Ha? Pero sabi niya–”

“Jac, niloloko mo nanaman si Kuya Elmo mo.” nag-angat siya ng tingin at nakita si Tita Marivic na nasa bukana ng kitchen nila. “Hello, parekoy.”

“Good evening po tita.”

“Andun si Julie sa taas. Maya-maya siguro bababa na yun.” ani Tita Marivic. “Jac, tawagin mo si ate dali.” utos ni Tita Marivic kay Jac.

Tumakbo naman paakyat si Jac at narinig ni Elmo ang pagkatok nito sa kwarto ni Julie.

“Ate!! Ate!! Andito si Kuya Elmo!” paulit-ulit na sigaw ni Jac. “Ateeeeeeee!!!”

Nagbukas naman ang pinto at narinig niya ang boses ni Julie.

“Oo na, Jac. Narinig naman kita. Sabihin mo teka lang.”

Tumakbo naman uli si Jac pababa ng bahay nila habang sumisigaw.

“Kuya wait lang daw po!” sabi niya. Hinatak niya si Elmo sa sofa at pinaupo ito. “Diyan ka lang kuya. Wait lang daw po sabi ni ate. Wait lang.” excited na sabi ni Jac.

“Okay, Jac. Dito lang si kuya.” sabi naman ni Elmo. Tumabi sa kanya si Jac at natatawa siya dahil mas aligaga pa ito kaysa sa kanya.

“Ayan na! Ayan na!” sabi ni Jac at nagtatalon pa sa sofa habang parehas nilang naririnig ang mga yabag ng paa mula sa hagdanan.

“Jac, wag ka nga makulit. Punta ka dun kay mama.” utos ni Julie nang makababa na ito.

“Hi, Julie.” bati ni Elmo sa kanya. Tinanguan lang naman siya ng dalaga.

“Bakit gusto mo makipagkita?” tanong ni Julie.

“Ah… Eh kasi namiss kita eh.” pabulong na sagot niya.

*****

“Ah… Eh kasi namiss kita eh.” pabulong na sabi ni Elmo.

“Weh.” irap niya.

“It’s true! I missed you.”

“Miss yourself. Kahapon kasama mo si Lauren diba? Tapos ilang araw kang di nagparamdam? Yung totoo? May Janine na, may Lauren pa?!”

Natawa naman si Elmo at saka siya hinatak nito para mapaupo sa tabi niya.

“Selos ka?” asar ni Elmo sa kanya.

“Hoy! Ang kapal din naman ng mukha natin no? Mas makapal pa mukha mo kaysa sa mga duming nawalis namin kanina eh!”

“Hahaha. Admit it, Julie. How many percent of your wall have I taken down? Nakikita ko na kasi uli yung selos sa mata mo. Just like before.” nakangising sabi nito sa kanya.

“Wala. 100% uli na buo yung pader. Nako Elmo ha. Tigilan mo ko sa confidence mo. Naaalibadbaran ako sayo.” sabi ni Julie habang nilalayo ang sarili kay Elmo.

Siniksik naman siya ni Elmo hanggang sa dulo ng sofa saka muling inakbayan.

“Baby naman eh. Wala namang ganyanan!”

“Tigilan mo ko please!” ani Julie.

“Aysuuuus. Ang Julie ko. Umiiral nanaman pagiging selosa mo. Baby, wala lang yun okay? Kaya ko lang naman kasama si Lo kahapon kasi niyaya siya nila Maxx na sumama sa event ng Havs eh.”

“Whatever. Sana kinain mo na lang yung Havaianas.” irap ni Julie.

“Aysus! Wala nga lang kasi yun. Masyado ka namang selosa.”

“Lakas talaga ng confidence.” bulong ni Julie.

“Julie, kung malakas confidence ko edi sana kanina ko pa ginawa to.” ani Elmo.

“Ang al–” hindi na natuloy ni Julie ang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan ni Elmo sa labi. “Argh!!!!! Bwiset ka talagaaaaa!!!” sabi niya sabay suntok sa braso ni Elmo.

“Hahahahaha. You’re blushing! Hahaha.” sabi ni Elmo sabay turo pa sa kanya.

“Bwiset ka. Umuwi ka na nga!” sigaw ni Julie.

“Ayoko.”

“Uwi!”

“Sabihin mo munang nagseselos ka.”

“Wala akong dapat sabihin. Umuwi ka na!” sabi ni Julie.

“Hahaha. Ayoko.”

“Bwiset. Diyan ka na nga. Bahala ka diyan.” sabi niya at akmang aalis na nang hatakin siya ni Elmo.

“Sige na nga uuwi na ko. Ayaw mo naman ata talaga akong makita eh.” madramang sabi nito saka pa ngumuso.

Palihim na natatawa si Julie habang pinagmamasdan ang nakabusangot na si Elmo.

“Sige na. Next time na lang kapag di ka na masungit. Ganda-ganda mo pa naman tapos sinusungitan mo lang ako.” nakayukong sabi ni Elmo. Tumayo na siya at lumabas na ng bahay.

Palihim na sinundan ni Julie si Elmo hanggang sa labas. Nakabungisngis siya dahil sa itsura ni Elmo na mukhang nalugi. Pasakay na si Elmo nang nagsalita si Julie.

“Oo na. Negseselos na ko. Ikaw kasi eh. Ang gwapo mo masyado. Nagiging selosa tuloy ako.”


- THE END -

Dear FUTURE BOYFRIEND,

Isa sa mga gustong gawin na kasama ka ay yung magpunta tayo sa iba’t ibang lugar. Gusto kong ma-experince na nakasakay tayong dalawa sa kotse tapos ikaw yung nagda-drive. Syempre kung may kasama man tayo sa pamamasyal, halimbawa kung kasama yung parents natin, dapat ako pa rin yung katabi mo. Mas masaya siguro kung sa madaling araw yung byahe. Hayaan mo, dadamayan kita nun. Hindi ko hahayaang makaramdam ka ng antok. Ako yung magsisilbing pampagana at pampagising mo, parang kape at gatas lang. Habang nagda-drive ka gusto kong tumitig sayo imbes na sa paligid ako tumingin. Kung gusto mo, kakantahan pa kita imbes na makinig tayo ng music. Hindi importante sakin kung saan tayo pupunta. Ang mahalaga, ikaw yung kasama mo kahit saan man tayo mapadpad. Gusto kong mapuntahan ang lahat ng yun na ikaw yung kasama ko.. na ikaw yung katabi ko.. na ikaw yung ka-holding hands ko. Dahil sa pagmamahalan nating dalawa sumisimbolo ang road trip, na kahit ano man ang pagdaanan.. kayang-kaya nating lagpasan yan ng magkasama.

THE ART OF LETTING GO

Ilang buwan na ba nang huli siyang makapunta rito? Ilang buwan na ba nang huli niyang makita ang bahay na noon ay parang kanya na rin? Ilang buwan na ba ang nakalipas? 5? 6 months? That’s too long. Way too long for someone whom they treated like family. Feeling niya, first time niya uli magpunta dun. Feeling niya hindi na siya welcome dun.

Lumabas mula sa kusina ang isa sa mga kapatid ng taong binibista niya rito. Ngumiti siya rito pero hindi naman siya pinansin nito. Sa halip ay umupo lang ito sa couch na katabi ng inuupuan niyang couch.

“Wala po sila ate eh. Nagtraining siya tsaka may appointment daw siya sa derma.” sabi ng kapatid nito habang nakatuon ang pansin sa phone niya.

Nalungkot siya when she told him that. Akala niya ay makakausap na niya ito. Hindi naman kasi niya ito nakausap for the past 5 days. Actually, hindi na niya ito madalas na nakakausap. Hindi kagaya ng dati.

“Ah. Ganun ba? I thought andito siya eh. Uhm… S-sige I’ll go ahead.”

Tumayo na siya at saka na akmang lalabas nang habulin siya ng bunsong kapatid nito.

“Kuya! Bakit wala ka nung birthday ko?”

Napahinto siya sa may pintuan saka lumingon sa bunso.

“Uhm. Nasa Japan kami nun eh. Sorry.” he said saka pa matamlay na ngumiti sa batang gustung-gusto siyang kalaro noon.

“Ah. Okay lang po. Sabi naman ni ate, wag na daw kita hintayin nung birthday ko eh. Wala ka daw po kasi. Akala ko may gift ka sa akin. Haha. Sige po kuya. Bye po!” at saka na ito tumakbo paakyat sa kwarto.

“S-sige. Bye, Jac.” paalam niya. Tumingin siya sa isa pang kapatid nito saka napabuntong-hininga. Hindi na nga siya welcome. “Uhm… JM, I’ll go ahead.”

“Sige po kuya. Pakisara na lang yung gate paglabas mo.” sagot nito habang nakatutok pa rin ang mata sa phone niya.

Tumango na lang siya saka na lumabas ng bahay at gaya nga ng bilin ni Joanna ay sinara niya ang gate saka na naglakad papunta sa sasakyan niya.

“Let’s go manong.” aniya sa driver niya.

“San po tayo?”

“Sa Timog po. May pupuntahan lang.” sagot niya sabay kuha ng phone niya at nagmadaling magtype.

‘Hey, can we talk?’ text niya rito. Hindi naman siya nakatanggap ng reply kaya naisipan niyang tawagan na lang ito.

“Hello?” he recognized her mom’s voice at parang nanghihina na siya dahil sa hiyang nararamdaman niya sa mga magulang nito.

“Uhm. Hi, tita si Julie po?”

“Nasa loob pa siya Moe eh. Iniwan niya saken tong phone niya. Bakit?” malumanay na sagot nito.

“Uhm. Nasa derma po ba kayo? I want to see her po sana.”

“Ganun ba? Ano kasi Elmo eh…”

“I’ll be quick lang tita. I just need to talk to her. Please po?”

“Eh… Oh sige. Bilisan mo lang ha?”

“Thanks tita.” saka na niya tinapos ang tawag.

*****

Nang matapos siya sa treatment ay lumabas na siya sa procedure room para daluhan ang mommy niya.

“Ma, tara na po?” anyaya niya rito.

“Eh anak, may kakausap pa raw sayo eh.” sabi naman ng mama niya.

“Ha? Sino po?”

“Hi, Julie.” bungad ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya saka pa siya napakunot ng noo.

“What are you doing here? Magpapaderma ka rin?” tanong niya. Umiling naman ito saka ngumiti sa kanya.

“Anak, mauuna na kami ng papa mo ha? Magtext ka na lang kapag susunduin ka na namin.”

“Eh ma, bakit kailangan niyo pang mauna? Wala naman po akong ibang gagawin. Sabay na ko sa inyo.” sabi niya saka na kinuha ang bag niya sa mama niya at nagmadaling lumabas ng clinic.

“Julie wait!” habol sa kanya ng lalaki. “Julie please. Mag-usap naman tayo.” pakiusap nito saka pa siya hinawakan sa braso.

“Wala naman tayong pag-uusapan. Tsaka isa pa, baka may makakita sa atin dito.” sabi niya habang nakatalikod pa rin dito. She swallowed the lump in her throat at paulit-ulit na bumuntong-hininga. “I have to go home, Elmo.”

“Let’s talk. Mabilis lang promise.” pamimilit ni Elmo saka pa siya hinarangan sa dadaanan niya. “Please? 15 minutes Julie. That’s all I need. 15 minutes para makausap ka. Please.”

She heaved another sigh saka tumingin kay Elmo.

“Fine. Talk. Now.”

“Let’s go there. Gusto ko mag-usap tayo ng maayos.” sabi niya sabay turo sa tea house sa kabilang street.

Wala nang nagawa si Julie kundi ang sumama sa kanya sa tea house. They entered the store at saka na sila umupo sa isang sulok nun. Buti na lang at wala pang tao kundi ang mga staff lang kaya malaya silang makakapag-usap.

“You remember this place?” Elmo asked her. Tumingin siya sa paligid pagkatapos ay kay Elmo.

“Your 15 minutes starts now, Elmo. Enough with the segues.” she said. Biglang nagseryoso uli ang mukha ni Elmo.

She can see how his forehead creased and how his jaw clenched. Pati ang pamumuo ng pawis niya sa noo ay napapansin niya. Every little detail about him. She has no idea why he wanted to talk to her pero alam niyang may connect nanaman ito sa kanilang dalawa.

*****

He was glad that she agreed to talk pero kinakabahan din siya sa kung anong pwedeng maging resulta nun pagkatapos.

“You’re time is running out Elmo.” paalala ni Julie sa kanya.

“Julie about the issues. Y-yung sa pangbabash ng mga fans natin kay Janine. It’s uhm…”

“I told you, if you have no control over them, what more pa ako diba? They have their own minds and they have the freedom to say anything.”

“Pero Julie, it’s too much already. Nakakasakit na sila.”

Napapakunot ang noo niya. This isn’t what he’s supposed to say. Hindi dapat niya pinagtatanggol si Janine. He should be saying sorry to Julie. Pero bakit ganito ang usapan nila?

“And you think si Janine lang ang binabash? Haven’t you searched for your loveteam’s fans? They were bashing me too Elmo. But I never complained. Dahil alam kong may kanya-kanya silang opinion.”

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito.

“Uulit nanaman ba tayo sa umpisa, Moe? Ako nanaman ba ang maiipit? I told you a hundred times already. It’s none of my business okay? Wala naman na tayo. Bakit kailangan pa akong madamay sa buhay mo? Bakit kailangan damay pa rin ako sa lahat ng ginagawa mo?” he saw how she quickly wiped the tears in her eyes. Napaiyak nanaman niya ito. Lagi na lang ba niyang paiiyakin si Julie?

“I’m sorry. I tried defending our fans to Janine and her family. Pero…”

“You never tried Elmo.” she said. Kumirot ang puso niya nang makita ang sakit at galit sa mata ni Julie.

“Believe me, Julie. I tried.”

“No. Coz if you did, these issues have stopped a long time ago. Just admit it Elmo. You never appreciated their efforts. Ako lang palagi ang nagpapalakas ng loob nila. Ako palagi ang nagsasabing kumapit lang sila. And believe me Elmo, nahihirapan na ako. I tried holding on. I stayed positive but without your help, I won’t be able to make it. Mapapagod ako. Actually, pagod na pagod na ako sa lahat ng to, Moe.”

“I’m sorry Julie.”

“Don’t apologize kung hindi naman bukal sa loob mo. Don’t apologize just because you feel like it’s the right thing to do. Coz it’s not Elmo. Saying sorry is not the best way to stop this. Gasgas na ang mga sorry mo. I’ve heard it a lot of times pero you never really felt sorry. Walang effect yung pagsabi mo nun. So please. Stop it.” aniya.

“Ano bang gagawin ko para hindi ka na ulit umiyak?” he asked and even tried to reach for her pero binawi niya na agad ang kamay niya bago pa man siya makahawak.

“Wag mo na kong idamay. Wag mo na rin silang idamay sa issues niyo. If you want our fans to stop, then make your loveteam’s fans stop as well.”

“Julie paano naman tayo? You’re avoiding me already. Akala ko ba you still want us to be friends?”

“Let’s be civil Moe. I can’t be friends with you kung ganyan lang ang ipaparamdam mo sa akin. You’ve taken me for granted before. Ayoko na maulit yun ngayon. I’m tired of understanding you. I’m tired of defending you. I’m even getting tired of being your friend.”

“Julie, don’t leave me hanging please.” pakiusap niya. Julie scowled saka siya tinignan.

“You left me hanging, Elmo but I never asked you to come back. Bakit ngayong pagod na pagod na ako tsaka mo ako sasabihan ng mga ganyan? Is Janine not enough?”

“Julie alam mo namang I’m not Elmo without you.”

“You lived 15 years without me Elmo. I’m pretty sure babalik ka sa dati.” sabi niya. Tumingin si Julie sa phone niya saka nagbalik ng tingin sa kanya. “Your time’s up, Moe. I have to go.”

Tumayo na si Julie saka na naglakad palabas ng shop.

*****

She walked briskly para di na sana siya maabutan ni Elmo. She’s been holding back her tears since she saw him kaya naman kailangan na niya agad makauwi para dun maibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Patawid na sana siya when she felt a pair of arms hugging her from behind.

“Julie, I love you. Please don’t leave me like this.” she heard his voice. Nanginginig ang boses nito at medyo paos.

“You left me a long time ago Elmo. I think it’s time for me to let you go too.” she said saka na dahan-dahang inalis ang mga bisig nito sa kanya.

She ran towards the other side of the street at nagmadaling sumakay sa kotse nila.

“Tara na po.” sabi niya nang maisara niya ang pinto.

“Okay ka lang anak?” her dad asked. Ngumiti siya saka tumango rito. Nagtinginan na lang sila Tito Jonathan at Tita Marivic at saka na sila umalis.

Nang makarating sila sa bahay ay agad na pumasok si Julie. Sinalubong siya ng mga kapatid at sabay na humalik sa pisngi niya.

“Ate, andito si Kuya Elmo kanina. Wala nga siyang gift sa akin eh. Ang daya.” ani Jac.

“Okay lang yun, Jac. Uhm, JM bakit andito siya?”

“Hinahanap ka niya ate eh. Sabi ko wala ka. N-nagkita po ba kayo?” tanong nito. Tumango na lang siya saka na hinalikan sa noo ang dalawang kapatid.

“Akyat muna ako ha? Pagod si ate sa training eh.” sabi niya. Tumango naman ang dalawa kaya nagpatuloy na siya sa kwarto.

She sat on her bed at saka pinagmasdan ang ngayo'y wala na gaanong design sa kwarto niya.

'Put away the pictures.
Put away the memories.
I put over and over
Through my tears
I’ve held them till I’m blind
They kept my hope alive
As if somehow that I’d keep you here
Once you believed in a love forever more?
How do you leave it in a drawer?’

Lumapit siya sa bintana at nakita ang mga tao sa labas ng bahay nila. They were all busy. Nasa kabilang bahay ang mga pinsan niya at kitang masaya ang mga ito. May mga nakatambay sa tindahan sa tapat, may mga tao naman sa tapat ng barangay hall at may ibang nasa may simbahan.

'Now here it comes, the hardest part of all
Unchain my heart that’s holding on
How do I start to live my life alone?
Guess I’m just learning,
Learning the art of letting go.’

The music was coming from her cousin’s house. Siguro ay nagpapatugtog ang mga pinsan niya habang masayang nagkkwentuhan. She saw her siblings coming to their mini playground para sumali sa mga pinsan and they were all happy kahit pa ganun ang umaalingawngaw na music.

“They all looked happy. Bakit ako lang ang hindi?” she asked herself. She heaved a deep sigh saka na siya lumapit sa kama at humiga.

Iniisip niya lahat ng ginawa niya. Binalikan ang pag-uusap nila kanina.

FLASHBACK

“Uulit nanaman ba tayo sa umpisa, Moe? Ako nanaman ba ang maiipit? I told you a hundred times already. It’s none of my business okay? Wala naman na tayo. Bakit kailangan pa akong madamay sa buhay mo? Bakit kailangan damay pa rin ako sa lahat ng ginagawa mo?” he saw how she quickly wiped the tears in her eyes. Napaiyak nanaman niya ito. Lagi na lang ba niyang paiiyakin si Julie?

“I’m sorry. I tried defending our fans to Janine and her family. Pero…”

“You never tried Elmo.” she said.

“Believe me, Julie. I tried.”

“No. Coz if you did, these issues have stopped a long time ago. Just admit it Elmo. You never appreciated their efforts. Ako lang palagi ang nagpapalakas ng loob nila. Ako palagi ang nagsasabing kumapit lang sila. And believe me Elmo, nahihirapan na ako. I tried holding on. I stayed positive but without your help, I won’t be able to make it. Mapapagod ako. Actually, pagod na pagod na ako sa lahat ng to, Moe.”

END OF FLASHBACK

Bumuhos na ang mga luha sa mata niya. Why does she have to cry over him again and again? Bakit siya pa?

“Julie anak, andito si Maqui.” she heard her mom said. Agad niyang pinunasan ang mga luha niya saka inayos ang sarili niya.

“Papasukin mo na lang po dito, ma.” sabi niya.

She heard the shuffling of feet outside her room at maya-maya pa'y nakita na niya ang pagpihit ng door knob and in came Maqui.

“Tumawag sa akin si Elmo. Nagkausap daw kayo?” bungad nito pagkasara ng pinto. “What happened?” she asked sabay tabi kay Julie sa kama.

“A-ayoko na Maqui. I’ve had enough already.”

“What did he say?”

“Syempre about sa fans namin na nagbabash daw kay Janine. I told him I have no control over them. And it’s really none of my business kung ano man ang meron sa kanila. Right?” she asked sabay tingin sa bestfriend.

“Eh paano yung sa inyo?”

“Tapos na kami matagal na diba. I moved on and I’m sure na nakamove on na rin siya.”

“Sigurado ka Jules?”

Tumango siya saka nanaman niya naramdaman ang pagtulo ng luha niya.

“Pagod na pagod na ko Maqui. I’m tired of doing everything for the both of us. I’m tired of fighting. Pagod na kong ipaglaban kung ano man yung amin dahil from the start naman he never fought for me. It’s like I’m fighting alone. Na parang ako lang ang makikinabang at hindi kaming dalawa. He never stood up for me. You know what I’ve been through, Maqui.”

“Yes Julie. I know…”

“And to be honest, I feel jealous of Janine dahil siya nagawa siyang ipagtanggol ni Elmo pero ako na kahit pamilya na niya ang isa sa mga nangmaliit sa akin, he never tried to fight for me. And finally heto na ako. Too tired of loving him. Too tired of giving him everything.” she cried.

“Julie, it’s not bad if you want to let him go. Kung pagod ka na talaga, you have to take a rest. Let him go and go on with your life. You deserve someone better. Diba? You don’t deserve someone like him. You deserve more. And I want you to take a deep breath, to rest your tired heart and to let go of all the heartaches you’ve experienced. I want my bestfriend to be happy again. Kaya please Julie. Tama na yung minsan ka niyang sinaktan. Wag mo na hayaang maulit yun. Okay?”

She nodded as tears stream down her face tsaka na niya niyakap si Maqui. She does deserve someone better. And that someone is not Elmo. Dahil hindi sa lahat ng kwento ng buhay, nagkakatuluyan ang dalawang taong gusto nating magkatuluyan. They will soon find their happiness with other people. And not all love stories end with a happy ever after. Because sometimes, these love stories just end with two words. 'The End’


- END -

Distance (Prologue)

Malalim na ang gabi at malakas ang buhos ng ulan nang matapos ang basketball practice ng varsity team nila. Nakauwi na halos lahat ng mga estudyante at iilan sa maintenance staff nalang ang naiwan sa campus.

Mabilis niyang nilakad ang daan papunta sa parking lot para makasakay sa kotse niya. “May bagyo pa ata,” bulong niya sa sarili.

Nagpasalamat pa siya na dinala nya ang kotse niya ngayong gabi dahil sigurado siya na wala nang masasakyan ng ganitong oras. Paglabas niya pa lang ng campus ay napansin niyang nagsisimula nang bumaha sa daan. Sigurado siyang sa karaniwan ruta na dinadaanan niya ay baha na rin kaya napilitan siyang mag-iba ng daan para makaiwas sa traffic at baha.

Nang makalagpas siya sa isang tulay ay may napansin siyang kakaiba sa gilid ng kalsada. Binagalan niya ang pagmamaneho para maaninag niya nang mabuti ang tinitingnan.

“Shit. What happened here?!” Napasigaw siya nang makita ng tuluyan kung anong meron sa gilid ng daan. Itinigil niya ang sasakyan at mabilis na bumaba.

Nakita niyang nakahandusay ang isang babae sa tabi ng kalsada. Mukha itong walang malay at duguan ang katawan. Mabilis niya itong nilapitan at ni-check kung may pulso pa. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niyang humihinga pa ang babae ngunit natatakot pa din siya sa kalagayan niyo. Palagay niya ay biktima ang dalaga ng hit-and-run.

Gumalaw galaw pa ng kaunti ang babae. “Uh,” ungol nito.

“Miss?”

“Uhh..”

“Oh my god. Dadalhin kita sa ospital!” Sabi niya sa dalaga at maingat na binuhat ito.

Lumingon lingon siya sa paligid para maghanap ng tulong ngunit wala nang dumadaan na sasakyan doon. Napansin niya ang sasakyan nito sa kabilang side ng kalsada at mabilis na pinuntahan ito para kunin ang bag ng dalaga at i-lock ang kotse nito.

Nang makarating siya ng ospital ay mabilis niya itong isinugod sa ER. Naiwan siya sa waiting room para i-check ang gamit ng dalaga na makakatulong sa pag-identify dito.

Name: Julie Anne P. San Jose
Gender: Female
Date of Birth: 17 Sept 1993
Address: B16 L6, ***** St. ***** Subd., Quezon City
Name/number of contact person in case of emergency: Jonathan San Jose, 0920*******

“So, Julie Anne pala ang pangalan niya,” bulong niya sa sarili.

Kung tutuusin ay maganda ang dalaga at bagay dito ang pangalan nito. Kung hindi lamang siya nagpapanic ay tititigan niya pa ng ilang sandali ang larawan nito. Mabilis niyang tinawagan ang number na nakalagay sa ID na nakita niya sa bag nito.

Nakausap niya ang magulang ni Julie Anne habang naghihintay ng balita mula sa mga doktor, nagpakilala siya dito ng mabilis pagkatapos ay sinabi ang nangyari sa anak. Dinig sa boses ng mga ito ang takot at pag-alala at mabilis na nagpaalam para puntahan sila sa ospital.

Makalipas ang isang oras, lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa hallway sa may emergency room para doon nalang maghintay nang may lumabas na nurse mula dito.

“Nurse.. Nurse! Kamusta po yung pasyente na dinala ko dito? Yung naaksidente?” Mabilis na tanong niya sa nurse nang hinarang niya ito.

Napakunot ng noo ang nurse at sumagot. “Sir, kaano-ano po niya kayo? Immediate family lang po yung pwede—”

“Ah.. I was the one who brought her here but her parents are already on their way.”

Sakto namang lumabas na din ang doktor na nag-asikaso kay Julie Anne. Ibinaling niya ang atensyon niya dito. “Doc. How is she?”

Ngumiti ito ng bahagya sakanya bilang pagbati at saka nagseryoso ang mukha.”We just finished treating her wounds. She got a few cuts but they weren’t that serious. Also, there were no broken bones; her ribs were just bruised but…”

“But?” Kinakabahang tanong niya.

Hindi man niya kilala ang dalaga ay di niya maiwasang mag-aalala para sa kapwa.

Bumuntong hininga ang doktor bago nagpatuloy sa pagsasalita. “She hit her head very badly when she fell on the ground after she was hit by that car,” sabi nito. “We are still doing some tests and a CT scan to determine if we have any serious problem with her brain. Right now, we had to put her in a chemical-induced coma to prevent further complications.”

Nanlumo siya nang marinig ang balita ng doctor. “How worse can it get? Kelan siya magigising?”

“Well. As what I can see, so far.. The worst that could happen is she might lose her memory when she wakes up, which is probably 24 hours from now.”

Magsasalita na sana siya ulit nang biglang dumating ang mga magulang ni Julie Anne at agad na dumiretso ang mga ito sa kinatatayuan nila. Hinahabol pa ang hininga at bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot para sa anak. Kinausap ang mga ito ng doktor habang nanatili lamang siyang nakatayo doon.

“Doc, can we see her?” Pakiusap ni Mr. San Jose.

“Not until we’re done with the tests. We will transfer her to a private room in the 4th floor and we’ll let you know immediately,” kalmado namang sagot ng doktor.

Bumuntong hininga ito bago nagpasalamat muli dito. “Thanks, doc.”

Tumango lang ang doktor at pagkatapos ay naglakad na muli pabalik sa loob ng emergency room.

Lumingon sakanya ang mga magulang ni Julie Anne, at lumapit sakanya ang tatay nito. Inabot nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. “Salamat ng marami sa pagtulong mo kay Julie.”

-

Nagising at napabalikwas sa kama si Julie nang marealize niya na nananaginip na naman siya. Napalingon siya sa digital alarm clock na nakapatong sa bedside table niya at napabuntong hininga. Alas dos pa lang ng umaga. Saka lang niya napansin na pawis na pawis ang noo at likod niya. Nakaramdam rin siya ng uhaw kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto at magtungo sa kusina para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.

Napatambay pa siya sa counter ng kusina nila at naalala ang dahilan ng paggising niya sa gitna ng gabi. Hindi iyon ang unang beses na napaniginipan ang aksidente. Halos dalawang taon na ang nakalipas ng mangyari ang aksidenteng iyon. At hanggang ngayon, hindi pa din niya maalala kung ano ang nangyari talaga sakanya ng gabing iyon. Sabi ng doktor niya, resulta ito ng matinding trauma na nakuha niya dahil sa aksidente. Ang napanaginipan niya ay kwento lang sakanya ng kanyang mga magulang at ang taong nagligtas sakanya.

Napangiti naman siya ng maalala ang taong tinuturing niyang tagapagligtas. Dali dali siyang bumalik ng kwarto niya at humiga ulit sa kama. Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at tinext ito.

‘Are you up?’

'Yes, I’m finishing a paper. Why are you still awake?’

'Bad dream.’

'The same one?’

'Yep. Call me?’

Nag-ring agad ang phone niya at mabilis na sinagot ito.

“Hi, hon,” malambing na bati sakanya nang nasa kabilang linya.

Lumaki lalo ang ngiti niya nang marining ang boses nito.

“Hi, Zeke.”