sa bahay lang

May mens kasi yung kaibigan ko dito sa tumblr hahaha. Natatawa lang ako kasi may happy moments ako sa mga regla at bigla kong naalala. Yup, momentsssss kasi madami haha. Umpisahan nalang natin sa Ate ko. Nung first time sya nagkaregla. Kasama nya ko nun sa bahay. Kaming dalawa lang hahaha. Nasa salas kami. Maya maya, hindi sya mapakali. Sabi nya makati daw yung pempem nya. Para daw syang naihi sa panty nya pero parang malagkit daw hahaha. Pota, natatawa ako habang nagkwekwento. Komportable kasi kami nun sa isat isa. At wala kaming malisya. De ayun, naghubo sa harap ko. Jusko 9 palang ako nun. wala ko alam haha. Nakita ko pempem nya. normal lang naman. Tapos umupo sya sa sofa, bumukaka at sinilip yung pempem nya hahaha. Muntikan na ko mabilaukan kasi kumakain ako ng chicharon non. May dugo yung pempem nya. “Hala!” sabi ko. “May sugat ka.” HAHAHAHA “Kumuha ka ng bulak” sabi nya. Eh hindi ko mahanap yung bulak namin hahaha. Alam nyo ba kinuha ko? hahaha cotton buds kingina na yan lol. Ayun, sinundot sundot nya. di nya daw makita yung sugat hahaha. pota, pasensya na mga girls sa kwento ko. di nyo naman ako kilala. sorna haha May malala pa dyan pero next time na haha. mahaba na to. bye!

Madalas gumigising akong ayokong mag salita, yoko makipag usap kahit kanino, sa bahay pinipilit ko na lang makipag usap, ganon rin sa school at sa social medias. Sobrang pagod ako, yung puso ko hindi ko alam bakit nagkaganito pakiramdam ko ubos na ubos na ako, wala na akong maibibigay at masakit isipin na lahat ng mahahalaga sakin ay unti-unti ng nawawala, siguro akala nila wala akong pake or snob nako ganon pero di lang alam ng nakakarami dito o sa labas pa ng tumblr na may nawawala sakin lagi, pag medyo nagiging okay ako nangangausap ako, sumasagot ako, nag paparamdam ako kahit sa mga college friends ko at ilang hs friends. Pero ang hirap eh ayoko ng ganito pero habang tumatanda ako hindi ko na maexpress ang nararamdaman ko.

So eto talaga problema ko, may babaeng malapit sakin meron okasyon sa bahay nila at niyaya niya ako pumunta. Tapos tinanong ko yung pinsan ko na medyo malapit sa kanila ay malayo pala, na pwede ba pumunta sa lugar na yon. Sabi ng pinsan ko na wag daw ako pupunta dun delikado daw mga tao dun, lalo sa mga katulad ko na medyo maangas tignan. Kaya ngayon di ako alam kung pupunta ba ko or hindi, kakahiya kapag hindi ako pumunta kasi kapag siya todo effort para sakin tapos ako simpleng pumunta lang sa bahay nila di pa magawa. Mga babae pa naman matampuhin. Tingin niyo po pupunta po ba ako oh hinde?

gusto kong gumala. e yung mga kaibigan ko na aayain ko sana gumala. nag-out of town lahat. e ako pobre lang naman ako. kuntento na ako sa bahay, internet lang tas higa, kumain ng mga nakakataba at nakakapagbigay ng sakit na pagkain, at higit sa lahat padamihin yung mga alaga kong pahinog nang tigyawat e solve na ako. e TSAMU na pala bukas? so medyo nagiisip ako. 

37. When din you drink for the first time - answered hihi pero uminom ako lang mag-isa? nung new year. sa bahay lang. sinolo ko ang wine. di nagwine glass, binaso talaga yung normal glass pang tubig ganun. wala na hilo na hahahaha

THANK YOU SISSUMS DAHIL DYAN MAY HOUSE AND LOT KA GALING SA LUMINA HOMES!

walang tao sa bahay, puro aso lang tas tubig lang iniwan namin don tas baka sa wednesday or tuesday pa kami umuwi, kaya ba yon?? pwede ba yon?? ??? ??? I panik

Hindi magkasundo,
palaging magka-away.
Diyan nila tayo
maihahambing ng tunay.

Sigaw doon, sigaw diyan.
Utos dito, utos doon.
Magrereklamo ako,
pero tandaan mong gagawin ko rin ito,
may kasamang pagdadabog nga lang.

Ikaw daw ang ilaw ng tahanan,
ako man minsan ay naniniwala sa kasabihan,
pero kapag mata mo'y nagdidilim sa pagiging pasaway ko,
nais kong kumaripas ng takbo.

Mama, Momma, Inay, Nay, Mommy.
Isa ka lang naman pero bakit ang dami kong tawag sa iyo?
Isa ka lang naman pero paano mo
nagawang alagaan ang mundo?
Isa ka lang pero paano mo napapaliguan si bunso habang niluluto ang baon ko at pinaplantsa ang damit ni papa?
Isa ka lang.
Isa.

Isa ka man sa bilang,
Nag-iisa ka lang sa bahay na ito,
natatanging inay,
walang papalit sa iyo.

Mama.

Sa totoo lang, ang meron nalang ako dito, 4500. Next next week pa ko sasahod at di ko alam paano ako magssurvive sa buhay. HAHAHAHA. Pero nung nakita kong gusto ng bunso namin yung sapatos sa world balance, binili ko kahit 1600 yun :( tapos gusto kasi nya kumain sa jollibee so I end up buying 2 pc chicken sa jabee at kfc kasi nga kawawa naman yung dalawa ko pang kapatid sa bahay kung kaming dalawa lang ni bunso kakain. Haaaay. Feeling ko mauubos agad sahod ko sa next next week kasi may pinabibili sila and as an ate, oo naman si ate girl :(

Hi! So 12nn ang finals namin. I woke up 11:20 and still paalis pa lang sa bahay. 11:55 na. Naiwan ko batts ko ng vape sa tindahan namin, i called a staff para dalhin dito otw na siya ngayon i believe, malapit lang naman. Tapos magbbok lang ng uber then alis na. This sums up the start of my fucked up day i think so.

anonymous asked:

Ate how do you take care of your colored hair? Like what products po gamit niyo? Hindi naman po ba nagdadry yung hair nyo? Thank you!! Loved your new hair, sobrang astig 🤘😁

Hi anon. Actually, sa parlor ako nagpapaayos. Tapos alaga siya sa treatment. Monthly pinapatreatment ko siya, and sa bahay naman hot oil lang. Magastos talaga siya, pero worth it naman, lalo na pag inaalagaan mo siya and alam mo yung mga makakadamage sa kanya. And salamat. Hehe. Wala akong maisip na ipakiulay kaya sabi ko, halo halo na muna. 😂

Happy Mother’s Day to the prettiest mother in the entire world!!! :)

I wanna post this picture kasi natutuwa talaga ako dito kahit naka crop siya haha whole family talaga kami dito but then since mother’s day kami muna dalawa haha
Nagagandahan talaga ako sa mama ko I dunno why haha not because I’m her only daughter kaya sinasabi ko to, pero kasi ewan ko siguro in terms of looks siya yung idol ko, siya good example para sakin. Coz siya yung nagpoportray na kahit hindi magmake up ang isang babae, maganda padin, yung tipong masasabi mo talaga na “ Simplicity is beauty ” yun siya para sakin. Sa kanya ako nagmana na hindi marunong mag make up hahaha parang powder at lipgloss lang alam namin both hahaha sa bahay lang ata namin walang makikitang make up kit swear! Kahit yung sa kuko wala din haha
I want to be a woman like her, :) simple lang yet amiable siguro yun ang nagustuhan ng papa ko sa kanya :)
I’m so proud to have her, hindi ko kaya pag nawala siya I love you mama! Always! ^__^

Namimiss ko na si Wynwyn, sinisipon kasi sya, kaya hindi muna namin hinihiram. Kawawa naman kasi diba, masama pakiramdam tas lalamugin namin. XD Si Mhigz naman, magbbirthday na sya next next week, ayaw na magpakiss! Mas gusto nya na laging naglalaro sa labas kaysa pumirmi dito sa bahay. Uuwi lang dito kapag iinom tapos tatakbo na ulit palabas.

Kababalik ko lang sa bahay. Nakakakaunting kembot pa lang ako, mga 36 pa lang, sumigaw si Mama na “CHI!! WALA RAW!!” Dapat kasi ay papunta ako sa studio, violin lesson. ‘Di ko sure kung 'yan nga ang sinabi ni Mama kasi medyo malayo na ako. Pagbalik ko sa bahay, binaba ko muna 'yong violin ko tapos pinuntahan ko siya sa kusina at tinanong kung anong sinabi niya. Sabi niya, wala daw lesson ngayon dahil nasa Pampanga raw si Ma'am. Pagalit 'yong tono. Paglapit ko sa kaniya, nakita kong nagtatype siya ng reply kay Ma'am. Sana daw sa susunod mas agahan ang pagtetext kasi naglalakad daw ako sa initan, ganiyan. Galit siya. Sabi ko wag na i-send. Sabi niya ilang beses na raw nangyari 'yon. Galit na rin ako. Mabuti na lang at wala na siyang load kaya hindi nagsend. Pero ito, nagpaload na. 'Di ko alam kung isesend niya pa.

Nakakahiya lang. Nakakahiya. Okay lang naman sa akin na kanselahin kahit huling minuto na. Okay lang, walang kaso. Hindi ako naiinis o nagagalit. Mas okay nga kasi nakakaligo ako nang mas maaga at makakapagpractice pa ako nang mas matagal kapag nagcacancel ng lesson. Hindi naman ako nagrereklamo para itext ni Mama si Ma'am Danica. Nakakahiya. Malamang, kung isesend man ni Mama 'yon, magkakailangan rin kami ni Ma'am sa susunod na meeting. Nakakainis. Nakakainis. Kuha ko naman 'yong punto ni Mama na nag-aalala lang siya kasi ang layo ng nilalakad ko papunta sa sakayan at sa initan pa ako naglalakad. PERO OKAY LANG NAMAN. OKAY LANG. Hindi naman ako nagrereklamo sa kaniya.

Nakakainis.

Mader's Dey

Gabi ako nakauwi nung Sabado pero may dala akong chocolate bar at hindi yun talaga sa akin, naiwan ng kasama ko ipinalagay sa bag ko. Eh nasa jeep na ako pauwi nung naalala nya ung chocolate. Kaya nung pagdating sa bahay, yun na lang binigay ko kay Mama. Instant pasalubong hehehe.

Nagpahinga at natulog na ako, at wala akong planong gumising nang maaga kasi kung sisimba ako, marumi naman ang pang serve ko. 8:30am ginising ako ni mama at tinanong kung magserve daw ba ako sa misa. Sabi ko hindi muna at marumi yung damit ko. Lumipat ako sa kwarto nila mama at natulog ulit. Paggising ko ng 11:30am ay narinig kong naglalaba si Papa, nilalabhan daw niya ang damit at pantalon ko. Wala na akong dahilan para tamarin sa pagsimba ng 5pm at 7pm. Hahahaha ayun nung natuyo na around 4pm eh pinlantsa ko na at hinatid nila ako sa simbahan ilang minuto bago mag 5pm.

Okay tamad tlga ako at sinipag ng konti dahil merong ganap ang barkada. Kaarawan ni Angel at may kainan syempre libre dinner. Past 12mn na ako nakauwi. Dami kwento at daldalan kahit di kumpleto. Hehe. Salamat sa paghatid ng magkapatid na Ilao brothers :)