rrants

Malaking bahagi ng love o pag-ibig ang pagtitiwala

Kung wala nito, lagi kayong magaaway. Konting bagay lang pag-aawayan niyo na agad kung hindi malakas ang paniniwala mo sa taong mahal mo.

Masisira ang inyong relasyon kung kulang kayo sa tiwala sa isa’t-isa. Darating ang araw na hindi na makakatagal o makakatiis ang inyong karelation sa inyo dahil sa inyong inaasal.

Matuto tayong pagkatiwalaan ang isang tao upang mabuksan ang loob natin sa kanila ng walang pangamba at walang pag-aalinlangan na may gagawin siyang hindi natin magugustuhan.

Parati ding tatandaan na hindi rin lahat ng tao ay dapat pagkatiwalaan dahil sa panahon ngayon marami na ang taong manloloko.

keep it balanced ika nga. :)