ronthoughts

Walang depinisyon ang tunay na blogger.

Walang Ang tunay na blogger ganito ganyan. Lahat tayo totoong blogger. Ako na nagpopost nito. Ikaw na nagbabasa ngayon. Ang iba na nagla-like nito. Ang iba na nagreblog. Lahat tayo totoong blogger. Lahat tayo gumagamit ng tumblr eh. Wala namang nagta-tumblr at hindi mo masasabing blogger siya. Ano yun? Pekeng blogger?

Nakakainis yung feeling na babalikan mo yung mga panahong inlove ka pa, tapos makikita mo yung mga kakornihan mong pinaggagawa, tipong napakabaduy mo magsalita, tapos nakakairita yung mga korni mong banat. Pero nung mga panahong yun hindi mo naiisip yung kabaduyan, puro pagmamahal at kasiyahan lang. Basta talaga umiibig ang tao hindi niya napapansing nagiging korni siya.