ripdolphy

totoong hari ng komedya

today, let us all give honor to mang dolphy, as his son eric says, by smiling to the person next to us. :) 

Nung nalaman ko na wala na si comedy king dolphy… bigla kong naalala ang kabataan ko. Favorite show ko kasi ang HOME ALONG THE RILES noon. Grabe, ang show nayun ang totoong nakakatawa talaga. Makakarelate lahat ng matatanda at bata. 

Si Mang Dolphy talaga ang totoong hari ng komedya. Napaka-natural ng saya na hatid  nya sa mga viewers. Idol na idol ko talaga tong taong ito. Mapagkumbaba, masayahin,  mabait, napakamaalaga sa pamilya, at higit sa lahat… pinapakita parin niya na masaya siya kahit hindi na okay yung pakiramdam niya. At yun ay dahil sa pamilya at mga kaibigan niyang nagmamahal sa kanya, mapashowbiz man o hindi.

ang laki ng RESPETO ko kay tito dolphy. Isa sa mga totoong tao sa showbiz.

hindind-hindi namin makakalimutan ang isang DOLPHY QUIZON  :)

rest in peace po

youtube

Salamat, Tito Dolphy (Part 3/3)

Toni G hosted it together with Ms. Kris Aquino & Mr. Ted Failon

youtube

Salamat, Tito Dolphy (Part 2/3)

Toni G hosted it together with Ms. Kris Aquino & Mr. Ted Failon

youtube

A comedic tribute to the comedy king.

youtube

Salamat, Tito Dolphy (Part 1/3)

Toni G hosted it together with Ms. Kris Aquino & Mr. Ted Failon

4

Isa sa mga di ko malilimutang pangyayari ng aking buhay ay ang July 14,2012. Ang araw na masasabing pangalawa sa huling araw na masisilayan ang Hari ng Komedya na si Rodolfo “Dolphy” Vera Quizon.

Masasabing ito na nga ang pinakamahabang araw ng pakikiramay ng mga fans sa iniidolo nila. Nagsimula angpublic viewingng mga 6:00 ng umaga at natapos ng 10:00 ng gabi. Kahit na sinasabing siksikan sa init, kay habang ng pila at ubos oras, ay hindi ako nagpahuli sa pagbisita kay Dolphy, kahit na sabihin pa nila na ito ang huli at unang pagkakataon ko siyang makikita. Para sakin, masaya at maituturing na panaginip ito, kasi kahit anong mangyari ay nakita ko parin ang hari ng komedya.

Pagdating namin ng mommy ko sa Heritage Park Taguig ay bumulaga samin ang haba ng pila ng mga tao na gustong gusto makita si Dolphy. Na parang nakakapanghina dahil sa tindi ng sikat ng araw at sa ilang oras na ikaw ay pipila.

Sa kasagsagan kami ng kainitan ng nakapila at nahanap namin ng mommy ko ang end ng linya. Masasabi ko lang ay napakahaba. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil tanghali na rin kami nakapila. Mga ala-una ng tanghali ng nagsimulang umandar paunti-unti ang pila, na sa sobrang init ay napaupo na ako.

Sa aking pag-asam na makita si Dolphy, ay may nakasama kaming dalawang bata na excited na pumila at tumititig at pinagmamasdan ang kanilang mga paligid. Nagsimula silang makipag-usap samin ng tinawag niya ang pangalan ko na nakaimprenta saking panyo. Napangiti ako dahil kahit na di nila ako kakilala ay pilit nilang kumukuha ng attensyon para lang sila ay malibang. Tinanong ko sila kung nasan ang magulang nila dahil parang wala silang nakatatandang kasama. At ang sabi ng batang lalaki na di ko na natanong ang pangalan ay malapit lang daw sila sa Heritage ang kanilang bahay, natanong ko kung bakit silang dalawa lang, at sumagot naman ang nakakatandang kapatid na babae “Eh kasi gusto niyang makita si Dolphy kaya sinamahan ko….” nakangiting sagot ng bata habang pinapaypayan at pinupunasan ng pawis ang kapatid.

Nakakatuwa dahil kahit mga bata lang sila ay gustong-gusto nilang masulyapan ang hari ng komedya kahit sa huling pagkakataon. Sabi nga ng ibang mga fans sa pila, “Para kay Dolphy, iindahin namin ang init at pagod na ito” at sabi naman ng iba “Sakripisyo ito para sa mga sakripisyo ni Mang Dolphy para magbigay kasiyahan sa ating lahat”.

Halos hindi ko na makayanan ang init na dala ng araw habang kami ay nakapila. Damang dama ko ang sabik, pagod, saya, lungkot at karangalan ng mga taong nakasabay ko sa pila. At saming paghihintay, ay lumabas ang isang news reporter ng Abs-Cbn na si MJ Felipe upang tanungin kung ayos lang ba kami at kung saan galing ang mga ibang fans doon, at marami ring mga Kamerang umiikot-ikot para siguro makita ang mga taong pumila para kay Dolphy. Ang masasabi ko lang ay “I am a Part of History”.

Halos alas-tres na ng tanghali ng makapasok kami sa gate sa Heritage, at mula sa gate ay dirediretso na ang paglalakad patungong Chapel ng Heritage. Kinakabahan, naghahalong emosyon ang aking nararamdaman ng nadudungaw ko na ang Chapel. Papalapit na ako sa Finish Line, makikita ko na si Dolphy.

Pagpasok ko sa Chapel kung saan nakaburol si Dolphy, hindi ko naramdaman ang lungkot na bumabalot sa lugar, kungdi maaliwalas at tahimik. Ewan ko ba kung matatawa ako o ano ba, dahil naglalaro sa utak ko kung paano ko titingnan si Dolphy, sabi ko pa nga sa sarili ko na magbibilang ako ng 1-10 para lang matitigan si Dolphy. Sa paglapit ko sa Hari ng Komedya, iba ang nadama ko, kungdi saya at parang nSTARSTRUCK narin, na ang tingin ko ay parang natutulog lang siya at pinakikingan ang bawat bulong ng mga tao sa kanya. Ang masasabi ko, ang sarap lang ng feeling na makita siya kahit na masasabi kong huli na.

Natawa rin ako sa sarili ko dahil pagkatapos ko tingnan si Mang Dolphy at tumingin ako sa kaliwang bahagi ng Chapel at nakita ko si Boy2 na nagmamasid lamang sa mga taong nabibigay respeto sa kanyang lolo at si Claire DelaFuente na nakatayo.

Sa aming paglabas, ay bumungad agad samin ang apo ni Dolphy na si John Quizon, at ang mga taong taga abot ng tubig at pagkain, ang maganda sa kanila, ay di lang pagkain at tubig ang kanilang binigay pero ngiti sa kanilang mga labi at masayang THANK YOU dahil sa pagdalaw mo kay Dolphy.

Masasabi kong isa ito sa di ko malilimutan dahil worth it ang pagpila ko dahil imbis na lungkot ay nabalot din ng kasiyahan ang aking puso dahil nakita ko siya at malamang siya ay nagsasaya na sa langit kasama ang kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Isa lang ang masasabi ko, SALAMAT PO TATAY DOLPHY sa pag share samin ng iyong karunungan di lang sa Komedya kungdi sa ibat-ibang linya ng communication. Salamat po at lahat ng iyong naibahagi ay maninirahan sa aming puso at magsisilbing inspirasyon saming lahat :)

“To the well organized mind, death is but the next great adventure.” - J.K Rowling

Nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot lang talaga. Mamimiss ka namin, Dolphy. Pero alam naming mas masaya ka na ngayon kasama Siya, malayo sa ano mang kalungkutan at paghihirap. Maraming salamat sa lahat, idol! Di ka namin malilimutan. May your soul rest in peace.