regalia tower

okay. so ito na to. bukas na ako magenroll sa clsu. YAY!!!! pero kinakabahan ako! di ko alam kung bakit. .

nandito kami ngayon ni mama sa bahay nina ate ching dito sa cubao. nasa 23rd floor itong condo nila kaya kita ang ganda ng city lights. pinatay ko na yung tv. bukod kay ate at bayaw,tanging fan, lrt, at busina ng mga bus nalang ang naririnig ko. oo, rinig dito yung tren at mga malalaking sasakyan kasi nakabukas yung bintana kasi sira yung aircon; para naman lumabas yung init.

i’m bored. iniintay ko nalang mag-2am. dalawang tatlong pa /wrist ayoko na matulog kasi mapuputol lang HAHA. sa bus nalang ako matutulog. gosh! 5 hours mula dito sa maynila hanggang sa munoz. imba. pagdating namin don bukas ng umaga, pagbaba ng bus pila agad ako for medical. 2:30 or 3 pa kasi yung alis dito ng bus. so mag-aalas otso na pagdating namin don; swak sa oras ng medical ko.

sana bukas makarating kami on time. wala nawang maging aberya sa biyahe tsaka sana matapos na akong makapag enroll bukas.  please, Papa God!!