r.a.-rivera

Nanaginip ako, at nandun si Raymund Marasigan at R.A. Rivera

Ganito yata talaga kapag nilalagnat habang tulog, nagsusunog ng sobrang enerhiya ang utak at kung ano-ano nang nai-generate niyang mga images.

So asa bahay daw namin yung dalawa at nakatambay tapos balak ko sana silang alukin ng kape kaso umalis na sila bago ko pa magawa yun kasi malayo yung kusina.

Tapos, merong sira-ulong wrong timing mag-joke: http://tavse.tumblr.com/post/3780341382/earthquake-in-japan-might-turn-into-massive-tsunami

Kung sa ibang araw niya nabanggit yan, okay lang. Pero kasi lahat eh aligaga sa nangyayare sa paligid, tapos humirit siya ng ganun.

Para bang ang ginawa niya eh humirit siya ng “AH MAMAMATAY NA YAN! MAMAMATAY NA YAN!” sa isang taong isinusugod sa ospital at naririnig ng mga kamag-anak niya.

Sana lang, sana eh Pilipinas lang na lang ang matitira kunsakali mang magkalagasan na ang mundo. Personal ko pang hahanapin ang may-ari ng account na yan (kung nabuhay man siya), at hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayare.