quotes muna

May karapatan man o wala, walang intensity ang sakit; walang “mas” pag nasasaktan. Pare-parehas lang tayo kasi kapag nasaktan ka, parang “butas” yan, walang mababaw walang malalim. 

Hangga’t hindi ito natatabunan o nawawala, mananatili itong masakit kaso wala namang masama kung sasabihin ang bawat sakit na nararamdaman mo diba? Kung baga sa butas baka sakaling umulan at matabunan ng tubig ang butas. Koting panahon para maramdaman mo na buo ka ulit, na may karamay ka, na hindi ka nag-iisa. Andyan ang mga kaibigan mo, andito sila para maging panandaliang tubig hanggang wala pa yung taong magpupuno sa butas na yan. Sila muna.