pwede na 'ko mamatay. :)

5

Nung naiinlove na ako sayo…

Nagugulat ako kapag nakikita kita. Nakakatawa di ba. Dati naman kasi kapag nakikita kita hindi naman ako nagugulat. Wala lang sakin kung nandyan ka. Ang kaso ngayon iba na. Sa tuwing nakikita kita nagugulat ako.. yung pakiramdam na hala nandyan sya. Nagugulat ako lalo na sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan na makikita kita. Minsan nagugulat ako kasi nakita mo ako sa moment na hindi ako presentableng tingnan.. o kaya sa sitwasyong para sa akin nakakailang.

Kumakabog yung puso ko.. Sa tuwing lumalapit ka sa akin, nararamdaman kong bumibilis yung pagtibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nga pakiramdam ko lalabas na yung puso ko eh. Yung pakiramdam na hindi ako makahinga kasi andyan ka. Wala eh, masaya kasi yung puso ko everytime na nandyan ka. Sa tuwing mapapansin mo ako lalong bumiilis pagtibok nito.

Parang araw araw masaya ako. Minsan sinasabihan na nga nila akong baliw kasi kapag nakikita kita ang saya saya ko. Kapag pinapansin mo ako, ang saya saya ko. Kapag nagtext ka, hindi ako magkaugaga sa pagreply. Alam mo yun, simpleng bagay lang mula sayo buo na agad yung araw ko.

Kinikilig ako. Ahhhhhh.. walang humpay sa pagtili at pagsigaw na minsan may kasama pang hampas sa mga kaibigan ko sa tuwing ngingiti ka sakin .. sa tuwing makakabonding kita.. sa tuwing papatawanin mo ako.. sa tuwing tititigan mo ako.. Waaah pakiramdam ko pwede na akong mamatay sa sobrang kilig na nagagawa mo sakin.

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig.

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okay lang. Bwisit, ano ba talaga?

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ko mamatay. Now na” At hindi lang yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga. Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa.

Pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ko. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.