puyatkada

Final Announcement for TSAMU2013.

Hello guys. Eto na yung pinaka last (malamang, final nga eh. Lol.) na ipopost namin na announcement about TSAMU so please, be guided sa mga reminders na ito.

What to Bring? Vital things you need para sa meet up.

  • Extra Shirt.
  • Towel.
  • Money.
  • Ballpen and Paper (para pwede nyo ilista yung mga URLs ng mga bagong kaibigan na makikilala nyo.)
  • Umbrella.
  • Food or snack.
  • Cooperation.

Venue/Call time.

  • Chinese Garden. Dyan ang pinaka venue ng meet up. Saan iyon makikita? Basta guys, hanapin nyo lang yung rebulto ni Rizal kasi malapit lang iyon don. Inuulit ko po, sa may rebulto ni Rizal malapit ang Chinese Garden.
  • 11AM. Believe it or not, 11AM ang start. Be there before 11AM. Syempre pwede parin naman kayo pumunta kaso para sa mga late, you’ll miss the fun. Charot. Meron kaming surprise sa inyo >:)
  • 10peseos per head entrance. Unang una, hindi sa amin mapupunta yung ibabayad nyo na yon. Para yun sa maintenance nung park, Chinese garden which offers maximum security and comfortable venue for all of our activities. Other than that, wala na kayong gagastusin sa TSAMU. Except kung nakapangako kayo na may ililibre kayo :)

Other reminders/clarifications

  • Walang libre food or what. Kaya eat your breakfast and lunch sa mga bahay nyo. :)
  • Magpaalam kayo.
  • Wag mahihiya. Make friends. Wag nyo iisipin na feeling close kayo or what. Kaya tayo nagmi-meet up para magkaron ng mga bagong kakilala at kaibigan. Nasa sa inyo yun kung paano nyo maeenjoy yon meet up.
  • We need your 90% cooperation. Aayan ha, 90% nalang hinihingi namin hindi na 100%. Pwede ba? :) Pag nagbigay na kami ng instructions doon, please listen. Pag nag start na, cooperate. Para din naman sa inyo yun eh.
  • Kada meet up. Alam ko yung iba (o halos) lahat sa inyo dito may Kada na. Pero guys, try nyo lumabas sa circle ninyo. Meet new bloggers. Explore. Alam ko, na alam nyo kung ano ibig kong sabihin. :)
  • Iwanan ang arte o pacelebrity attitude sa bahay.
  • Walang ID ang TSAMU.

Official Track Tag: #TSAMU2013

RSVP: Click this.

Pag andun na kayo or may mga tanong pa kayo (about TSAMU), don’t hesitate to message us:

Cha (09352654567) & Mike (09069706825)

So guys, Kitakits! May 24. 11AM. Luneta Park, Manila (Chinese Garden) :))))

Paki reblog po pala. Para mabasa din ng iba. Tulong tulong tayo dito! :)

Hinahanap-hanap Kita. ♥

Ganito kasi yun. Dahil pinalayas ako ng kapatid ko sa computer. Ayun napilitan akong hawakan yung cp ko. Then my 3 pesos na extra pa ako. Naisipan ko itext si Crush. <3 Crush-slash-Friend-slash-Dating KaClan-slash-KaTumblr-slash-Taga Pangaral ko. :)

Ako: dada :“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”>

Ganyan lang text ko. Hahaha. Talandi me. Then after a few minutes of waiting. Tumunog yung phone ko yung No.1 sa playlist ko. I’m at payphone trying to call home ♪♫.

Ako naman si Panic agad. Pag tingin ko. Omygash.

Incoming Call

TP. Carl

Yan kasi name niya sa phone ko :“> Eh di ako si sagot agad.

Ako: Hell—

Siya: *kumakanta ng Hinahanap-hanap kita*

Ako: *speechless at nakangiti mag-isa*

Kinikilig kasi ako. Hahaha. Kahit friends lang kame. Ayun kinikilig talaga ko sa ginagawa niya. Tapos ayun madame pa siyang kinanta. Kaya napa redeem na naman ako sa tm ng COMBO40.

Ako: Anong nakaen mo?

Siya: Wala miss lang kita.

Ako: Huh? O_______O

Siya: Wala.

Ako: Narinig ko yun. Hahaha.

Ayan hahaha. Medyo may hang-over pa ko sa pinag gagawa niya. Kahit kasi di siya nakanta. Nag-effort kumanta.

Ako: Thank You. Thank You Dada :”>

Siya: Welcome. Welcome.

Enebe. Hahaha. Minsan lang kasi to. We’re friends naman eh. Close friends. Hahaha. Okay na ko sa ganito nameng dalawa. Pero kung bibigyan ng pagkakataon as more than friends. Go. Hahaha Charot lang po. ^_^ After call. Tinext ko siya.

Ako: Thank You Dada. Hahaha. Pwede ba kiligin?

Siya: Haha. Pwede, di natin mapipigilan yan.

Kaya po IKAY NI DADA! <3 :’> ang title ng blog ko. Hahaha. Sa kanya nanggaling ang Ikay. Kasi makulet daw ako. I just love my friends. <3 Thank You ule Dada. :*


Ayokong isipin ang mga naging kaibigan ko dito sa Tumblr na nakahanap na ng panibagong pagsasamahan dahil malulungkot lang ako. Hindi ko na kailangang sabihin na hindi na tayo tulad ng dati. Hindi ko rin kailangang magparinig na nasaan kayo nung mga oras na kailangan kita. At mas lalong hindi ko kailangan sabihin ang sakit na naramdaman ko nung nawala ka dahil nakahanap ka na nang iba. Unang-una, may kanya-kanya tayong buhay na kung saan makakatagpo talaga tayo ng mga kakilala at makakasundo kalaunan. Pangalawa, hindi tayo madalas magkasama. Sabihin nating namimiss kita, at mananatiling hanggang doon na lang ‘yon. Pareho tayo… May binubuong pangarap. May tinatahak na landas. Makakahanap na din ng panibagong kaibigan. Sa lahat ng 'yon, mananatili kang kakaiba. Kung paano tayo mag-usap, kung paano tayo nagsimula at kung paano din tayo nagwakas.

Wala ako sa karapatan para isumbat sa'yo kung may mga bagay na hindi na kayang dalhin sa kasalukuyan dahil may ambag din ako sa kasalanang iyon. Patawad, kaibigan. Patawad sa minsang hindi ko pagsagot sa mga text at tawag at anumang uri ng pakikipag-ugnayan. Kung nasaan ka man, tandaan mo, andito pa din ako. Hinding hindi ko sisirain ang nabuo nating tulay ng pagkakaibigan. Hinding hindi ko pinagsisisihan makilala ang isang gaya mo. Kung maaari lang ibalik sa dati ang lahat, tatapusin natin ito ng masaya at nararapat.

Puyatkada.

Nakakamiss yung time na, nagloload ako sa TM para lang magpaconfe, kahit magkanda leche-leche ang pagban sa'yo ng TM ng mga 30 minutes to 1 hour. Tapos magkakasabay-sabay pa lahat ng unlicall na ban. Tengene.

Hanggang antukin na lang kame saka lang matatapos yung confe. Ang nakakatawa pa kame ni Kuya Jhaycee ay laging naka auto answer kaya kapag walang nagsasalita sa mga linya namen. Alam na. Hilik na lang ang tutugon sa kanila. LOL

Magcoconcert pa si Racy at si Dan. Yung kanta ni Dan talaga namang! Woah! Pang X Factor. Hahahahaha. Yung kay Racy pang American Idol. Hahahahaha.

Yung mga waley na joke ni Dan. :((( Lalo na yung Family Tree. :x Luuuuuuuuh. Kung di lang kami niya kaibigan. Huhuhuhu. Nakakaumay talaga. :(

Ang mga dakilang advicer si Chateng at si Kuya Jhaycee. Yung mga programang Dear Ate Cha at Itanong mo kay Papa Jhaycee. Isama mo pa ang Rated SPG na Wild Confessions na iisa pa lang ang nagiging caller si Dada. Hahaha.

Si Kuya King na pinakamaingay ang background kasi kung di lasing, eh nasa kapitbahay. Akala mo laging may kaaway. Tapos pagkakausapin na kame. Tangina. Tangina. Huhuhuhu. Bully si Kuya King.

Ano bang role ko at ni Allan? Ayun taga tawa lang. Dejk. Hahaha. Taga connect lang ako. Minsan tatahimik lang ako pero ingay ng background ko. Yung aso namin, yung pinto sama mo pa yung aircon. Kung anu-ano eh. Si Allan kasi makata. Hahaha. Taga tawa lang talaga role namin.

Nakakamiss.

Hello friends! Bago ako mag out, gusto ko lang ibalita na mawawala muna ako ng ilang araw. Magtatago muna ako. Naks. Hahaha. De, ang totoo kasi, magtatanan na kami ng boyfriend ko. Joke ulit! :D Bata alam na nung iba kung saan ako pupunta at tsaka magkkita na tayo sa TSAMU na mismo.

Gusto ko yung oras ko nakafocus muna sa aking irog sa mga susunod na araw bago manlang kami maghiwalay at sa sembreak na ulit magkita. Isang linggo lang naman yon pero pag kaming dalawa, napakaikli lang ng isang linggo kaya gusto kong sulitin. :“>

Yung phone number ko adnun na sa final announcement post ng TSAMU kaya kung may importante kayong kailangan, pwede nyo ko itext o tawagan. So, ayun. Ingat kayo. Mahal ko kayo.

Kitakits sa TSAMU! :)

Hello.

So, yeah. Hello. Kmausta na kayo? Miss ko na magpost ng mga kung anu-anong naiisip ko dito sa Tumblr. Medyo busy kasi this past few weeks kaya di na ko masyado nakakapag online.

Dami ko na hindi nakkwento dito. Miss ko na din yung mga kabigan ko dito.  Ito na nga siguro yung sinasabi nila na dadating yung araw na hindi na sa Tumblr iikot ang mundo natin. In a way, masaya din pala. Pero maraming magagandang memories ang naidulot sakin ng tumblr. Ang hirap parin iwan. ♥

So, kitakits tayo sa TSAMU. Wag kayo mahihiya na iapproach ako. Pag di ko kayo pinansin, batukan nyo ko. >:) mwa.

5

Dear Puyatkada

Hi. Miss ko na kayo. Wala pa tayong picture na magkakasama. Yung kumpleto tayo. Aminin nyo yan. HAHAHA. Pero di bale, mangyayare din yun. Tiwala lang.

Si Dan na kahit may pagka-weird kausap, eh hindi pumapalya na patawanin kami ni Karen sa mga Knock-Knock jokes nya :) Si Allan na lagi tayo nakakatulugan pag confe. Tapos si Karen na laging maingay na tahimik (maingay yung background pero hindi sya nagsasalita) :D Si Jahycee na Kuya ng lahat. Minsan mabait pero madalas makulit :) At si Racy na.. wala. panggulo sa confe tapos maingay tapos ang panget panget ng boses. HAHAHA. Char lang. I love you Racy :)

Ano na nga bang balita senyo? Tagal ko na kayo di nakakakwentuhan ah? May ilan linggo na rin kase kong walang.. oo sge aaminin ko na. ilan linggo na rin akong nawawalan ng oras para sa inyo. Nakakamiss kayo. Di ko na matandaan kung kelan tayo nakumpleto kahit sa confe manlang. Siguro ako, nagsawa nalang din ako na mageffort masyado. You know what I mean? Sorry. Pero it doesn’t mean na nabawasan na pagmamahal ko sa inyo. Well, in fact kayo parin ang paborito kong Kada. Kahit konti lang tayo. Ilan nga ba tayo? anim (6) lang tayo (Si Yom at King wala na kong balita) .__. Pero aminin nyo, masaya naman tayo kahit ganun di ba? :)

Sana bago matapos ang 2012, magkaron tayo ng family picture. HAHAHAHA. Yung kumpleto kasi! :(

Kahit yun nalang christmas gift nyo saken, masaya na ko. Swear. :)

Ugh, memories. ♥

Kagabi napagkwentuhan namin ni Bheng (mabaetakokonte) yung about sa confe noon. NagGM kasi sya na namimiss na daw nya magconfe hanggang madaling araw. Sakto, mutual ang aming nararamdaman <3

Nagreminisce lang kami nung mga kagagguhan tsaka mga nangyayari sa confe noon.

Malas minsan pag ikaw ang unang matatawagan kasi ikaw din ang unang mada-drop. Totoo yun. Kasi minsan ikaw palang kausap nung host tapos magsisimula palang kayo tanungin ang isat isa kung sino pa tatawagan (pero minsan naman planado na kung sino sino ang tatawagan) pero pag tinawagan nya minsan hindi macontact, busy yung line o kaya eh sasabihin na mamaya na sya kasi may tatapusin na sya. HAHAHAHAHA. Ganun talaga. At pag magkakausap na kayo, dahil ikaw nga ang unang mawawala, minsan makakalimutan o di mapapansin na wala ka na pala dun sa confe kaya mag aantay ka ng ilan minuto pa. True story bro. :D

Masaya pag unli call lahat. Kasi madami kayo matatawagan. Hanggang sa konek-konek na yung line na di nyo namamalayan 20+ na kayo sa confe. Yung tipong ang ingay nyong lahat tapos may sisigaw “Sino sino andito?!” tapos uulitin nung isa, “Oy sino sino daw tayo dito. Pakilala na isa isa!” HAHAHAHA. At dapat kasama URL pag nagpakilala. Hahaha. Minsan di mo ala kung sino tumnatawag ng pangalan mo o kung talagang may tumatawag sa pangalan mo. HAHAHAHA. Tapos may biglang kakanta na minsan lalaitin lang pero minsan sinasabayan pero hindi naman talaga kayo sabay sabay kaya ansakit sa tenga. Lamnyoyan.

Madami ka makikilala. Peymus man o bagong kaibigan. Dahil nga madami kayo syempre iba iba makakausap mo. Uso din kasi yung iba ka-confe mo bawat gabi kaya pag may tatawag sayo sasabihin mo, “gusto mo merge ko yung call? Kaconfe ko sila *insert URLs*” Kaya instant party nanaman. O kaya pag nagpakilala na, hindi maiiwasan may magreact na “Hala ikaw pala si *insert URL here*?!” Instant friend ang nahanap mo. HAHAHAHA. Swerte pag may peymus na kasali dun sa confe. Kasi chismisan to nth power ang nangyayari. :)

Matira matibay. Hanggang 3am O 4am yung confe. Partida, may mga pasok pa ng 7am sa school man o trabaho. Pag sinabi mo na “Uy after neto tulog na ko ha. may pasok blah blah blah” asahan mo na lahat ng pagbabanta at panunumbat na sasabihin nila para lang hindi mo ibaba yung phone call. Nakakaadik diba?

Uso din ang pagmamaldita. Pag di mo/nyo trip yung kausap, ittext mo yung host na idrop kung sino man yun. At si host naman kunwari na-drop dahil ban na. Pero kayo, tuloy padin ang ligaya habang yung hindi nyo trip kasuap, nga-nga sa kakaantay na tawagan ulit sya. Mean! HAHAHAHAHA.

Malungkot? May problema? iConfe yan! yun naman siguro ang isa sa dahilan kung bakit kahit nakakapuyat eh gusto mo padin mag confe. Kasi kahit may problema ka, pag nalaman nila, confe agad. Tapos dadamayan ka. Pero pagkatapos ng ilan oras, nag-gagaguhan nanaman kayo. At kung sino yung may problema, sya na yung nangingibabaw ang boses sa ingay at kakatawa.

Kulitan. Gaguhan. Asaran. Loveteams. Issues. Friends. Gabi gabi, iba’t ibang usapan. Hanggang sa nabuo na yung Kada na lahat nalang ng word dinuktong nyo sa “Kada” pero dahil dito, naging matibay naman yung pagsasamahan nyo. Naging tunay na magkakaibigan.

BAN. Kalaban ng lahat. Charot. HAHAHA. Pag may nagGM na “Guys ban na ko.” parang gumuho mundo mo. Nakakabitin. Nakakainis. Pero parang order lang sa fast food yan, you’re always willing to wait. Diba? Kasi alam mong worth it.

I miss the old times. I miss summer of 2012. Sobrang miss ko na kayo. Sobra.