puso

Guy Best friend

Pros: 

  • Lalaking pwede mong lapitan anytime.
  • Lalaking hindi ka sasaktan.
  • Lalaking kayang sabayan ang trip mo.
  • Lalaking komportable kang kasama at kausap.
  • Lalaking poprotektahan ka.
  • Lalaking kaya kang pakisamahan.
  • Lalaking ipagta-tanggol ka.
  • Lalaking hindi ka tatalikuran.
  • Lalaking all in one. (Tatay, kaibigan, boyfriend, etc…)

Cons:

  • Lalaking maaari mong ibigin ngunit maaaring hindi nya kayang ibalik ang pagmamahal mo.

Ang mahirap lang kapag nagmamahal tayo ng sobra, hindi natin naiisip yung mga sarili natin. yung tipong lahat ng bagay gagawin mo para sa kanya, Lahat ng malabo pipilitin mong luminaw para lang sa kanya. Lahat iintindihin basta para sakanya. Kahit mga bagay na wala ka, handa mo paring hanapin para sa kanya.. Para lang sa kanya.

ang mahirap naman kapag ikaw yung masyadong minamahal. Hindi natin namamalayan, masyado na tayo nagiging abusado. Hindi mo naaappriciate yung mga bagay na nagagawa nya para sayo. Hindi mo pinapansin yung mga bagay na ginagawa nya para sayo. yung tipong masyado kang kampante kasi alam mong mahal ka nya at hindi ka nya iiwan. minsan kahit nagmumukha na syang tanga, hindi ka pa rin nya mabitawan. para lang sayo.

Mali ba?

“Mali ba? Mali bang hintayin ka? Mali bang mag-hintay na baka one day bumalik ka sakin? Mali bang mag-hold on ako sa katiting na pagasang meron ako na mamahalin mo ulit ako? Mali bang umasa? Mali bang magpakatanga ako ng ganito, na kahit na ginago mo ko, eto parin ako minamahal ka ng sobra sobra? Mali bang mahalin kita sa kabila ng lahat ng pagkakamaling nagawa mo? Masama bang magmahal? Mali bang ikaw yung minahal ko?”

Hindi ko magawang mag-move on, kasi kahit ilang beses kong itanong sa sarili ko ang mga tanong na ito, meron paring isang bagay na pilit akong hinihila pabalik sayo…

Masakit, sobra.

Masakit pala, Sobrang sakit pala kapag biglang hindi ka nalang pinapansin ng taong mahal mo. Masakit yung nag-eefort ka para sakanya pero wala lang sa kanya. Masakit mabalewala. Masakit yung bigla nalang mawawalan sya ng pakielam sayo. Ang hirap hirap ng ganito. Paulit ulit nalang kasi. Parang ikaw nalang lagi. Parang ikaw nalang yun pilit na gumagawa ng paraan na maisalba yung relasyon nyo dahil sya, matagal ng bumitaw. Masakit magpanggap na, okay ka lang, na hindi ka naaapektuhan kahit na ang hirap hirap ng huminga sa sobrang sakit, ang sakit sakit na sa puso, ramdam na ramdam mo na hirap na hirap na yung katawan mo. Masakit, sobra.