purpledemonz

Ang saya ko :)

Kanina nagpunta ako ng Bluewave nagadik ako sa DDR kaso ampanget ng pad :( huhuhuhu. Grabe ngayon na lang ulit ako nakatambay dun. WOOO saya! :) Buti nakasama ko si Mak (ambaho niya) Gab, Keith, Lester, Nick at Patrick (ambaho niya rin) Grabe yung kwentuhan at kulitan namin ni Keith. Buong maghapon puro kami tawa xD HAHAHA. Tapos nun, tumambay din kami sa RMC Bakery ayun sumunod si Alica at Jepii. Ansaya lang talaga. Kaso bitin kasi ang aga ko umuwi :(( huhuhu. Pero ansaya talaga eh. HAHAHA. Okay paulit-ulit na ko. xD Ang gusto ko lang naman sabihin ay ang saya ko :D

Kwento101

Kagabi habang nasa bakery kami si Kuya Jepii tinawag kami tapos akala namin may sasabihin. Kaso ayun wala. Pinaasa lang kami. Yung na-excite na ko kasi akala ko may joke or kwentong masaya? Kaso wala talaga eh. Asan ang kwento? Ayun nganga. haha xD Tapos maya-maya kinalabit niya ko sa balikat ko. May sasabihin siya eh. Kaso nakalimutan naman :( Nabitin ulit ako. Si Kuya Lester din, kinalabit ako kaso nakalimutan din yung sasabihin. Bakit niyo ba ko lagi binibitin? Lagi niyo ko pinapaasa eh </3 Yung akala ko sasaya na ko kasi may malalaman akong bago? Kaso wala. Binitin lang ako. Pero yung tanong talaga ni Kuya Jc eh. Angeline, bakit ganun? Lagi ka na lang pinapaasa?  Bakit nga ba? Ano bang meron saken? Ang sakit kaya sobra. Pati yung pad ng EX paasa! Akala ko S ko na yung Phantom kaso may isang miss pa. Todo kapit na nga yung paa ko para hindi bumitaw eh. Todo effort pa rin ako kahit pagod na ko. Kaso wala. Tinapakan mo na nga lahat lahat bumitaw pa rin ng walang dahilan. Tss. Teka anong pinaglalaban ko? xD hahaha. Wala lang xD

#kwento #paasa #nabitin #kawawa