punta-kayo!-:)

Siguro yung iba sa inyo narinig na ito, siguro yung iba hindi. Pero may bookshop dito sa Manila na sobrang ganda at deserving ng attention niyo.

Ito ang Solidaridad Book Shop. Ang nagmamay-ari nito? Walang iba kung hindi si F. Sionil Jose, ang ating National Artist for Literature.

(photo grabbed from the book shop’s facebook page)

1965 ginawa itong book shop na ito, so 50 na siya ngayon. Ang specialty nila? Sobrang raming Filipiniana books. As in. Lalo na ang history books (huhu kanina talaga nagkahistogasm ako dalawang aisle punong puno ng history books huhu ang ganda). At kung wala pa yung libro na hinahanap, tanungin lang sila and mag-oorder sila para sayo. O diba, san ka pa.

Ito ay nasa Padre Faura St., Ermita, Manila. Lagpas lang ng Robinson’s Place Manila. Nasa baba ng Ibarra’s Garden. Yes. For real. Once again, histogasm. (malapit rin ito sa UP Manila yo)

i dont know where im going with this pero cmon guys punta kayo dito huhu ang ganda swear pagpasok mo amoy mo agad mga libro huhu nakakainlove