8

769 of 700

Nakakapagod magluto ng napakaraming tinapay, kailangan na talaga namin humanap agad ng helper. Puro pangdeliver pa lang muna. 700 yung lahat ng order then yung 69 ibibigay naming sample sa ibang tindahan.

Tagalagay lang naman ako ng tinapay sa oven at tagaplastik ng mga luto na. Pero masaya kanina kasi madami tumulong magbalot ng tinapay, naguumpisa pa lang kasi kami. Pag mejo smooth na operation, gagawa na din kami ng hot pandesal at malunggay pandesal. Pwede din cakes pero by order nga lang.

Haha. Ok. Bye.

Namimiss kong magsulat, namimiss kong kumain ng fishball at pugo. Namimiss kong tumambay kasama ang libro. Namimiss ko ang lahat. Bakit ba kasi nauso ang salitang busy? So help me God.

Simula pa nung College ako kapag malungkot ako, pinapanood ko yung thai movie na suckseed o kaya yung 3 idiots. Kaya lang nasira yung external drive ko kaya nawalan ako ng copy. Eh ngayon nakahanap ako ng kopya ng suckseed, ang nakakatawa nakadubbed na sa tagalog. Pati kaya yung mga songs dito tinagalog? Gustong gusto ko pa naman yung mga kanta dito… “I NEED YOU!! LOVE YOU!!! WANT YOU!!”

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na napanood to pero manonood muna ulit ako. ge bye!

You know why I’m afraid of loving myself?

It’s because when I did, I know I won’t depend on anyone but my own. I won’t settle for the things which is definitely not what I deserve. I won’t wait for someone who hardly can’t treat me right. I won’t risk on things which I know is not my priority as of the moment. I won’t keep looking on the same person or things that’s pulling me back. I won’t insist and give everything of myself but I’ll choose to let go and see the bigger picture. Most of all, I may care for those people but I will care more for myself.

And that’s the thing about loving yourself, you also learn the art of letting go.

—  //love yourself

Wala akong idea kung magandang negosyo ang bakery, pero wala namang mawawala kung susubukan diba? Mas okay yung sumubok kaysa sa walang ginawa. Mas okay din naman daw sabi ng parents ko na subukan ko magnegosyo baka daw kasi yun talaga ang gusto ko. Saka hindi ko naman daw kailangan bantayan yun. Ang mahalaga daw is nagfoflow ang money at possible na maggrow.

Nung isang araw kasi binenta yung bakery na to kasi magmimigrate na yung may ari sa ibang bansa. Tapos yun binenta niya yung mga gamit. Eh naudyokan lang naman ako ng tita ko na bilhin kasi kung may pera naman daw pangbili eh magandang negosyo naman daw yun. Mamaya iopen na namin yung bakery. Marami rin kaming kinausap at pumayag naman sila na supplyan namin sila ng tinapay. Meron na kong panadero kaya lang hindi pa kami nakakakuha ng helper niya kaya eto, kami na lang din muna tutulong sakanya. Buti na lang masaya magbake. Ayon sana nga maging okay to.

Wala naman daw tapon sa tinapay eh. :)

Kakauwe ko lang galing sa bakery kasi tumulong ako magmasa ng tinapay. Ayun wala lang ako masabi kaya ako nagkwento. Huwag niyo na lang pansinin. Sige bye. Goodnight.

Month of March should remind me these things:

(1) ➡ Hey! Your two ATM cards are dusty now. Any plans? Try to deposit please.

(2) ➡ What are you doing? Procrastinating again? When are you going to plan for your future?

(3) ➡ How about a part time job? It won’t be too much, don’t you think?

(4) ➡ Where will you going to be vertically align? How’s your acads?

(5) ➡ Any plans for summer??????

(6) ➡ Are you living with your passion? Then what’s going on with your real life?

(7) ➡ Aren’t you being too busy? Make time for everybody, will you?

Heyyyyyy what’s going on your mind now? Don’t think too much.
MAKE A MOVE.
youtube

Proud Catandunganon here! Hahaha sorry na, nakakaproud lang talaga lol

Patayan ang sched. Kaka-out ko lang ng 10pm, tapos pasok ko bukas 6am. So, no choice. First time sa quarters ako matutulog. Pero baka makatulog?? HAHAHA. Tapos nyeta sa lahat pa ng araw bakit ngayon ko pa nakalimutan yung charger ko?! Chinachallenge talaga ko. Kaya ko to, strong kaya ko. Mehe. Paiyak na nga e. Haha. Night homies.

5:00 am, tutulong nga pala ko magbalot ng tinapay.

Nalimutan ko i-on ang airplane mode ko kagabi, nakatulugan ko tuloy na bukas ang data ko.

Sana ang tao may airplane mode din, para hindi basta basta nahuhulog. Korny ko. Good Morning. Ge bye.

Dati nung medyo bata bata pa ako, palagi akong umiiyak sa walang kasusta-sustansyang bagay lalo na sa pagibig. Andyan yung sinaktan ka na kasi di mo naibigay yung gusto or dahil napaglaruan ka or dahil iniwanan ka sa ere pero naisip ko lang na mabuti nalang napagdaanan ko na yun kasi alam ko na. Medyo nakakatawa kasi maga pa yung mata ko dati ng sobra, di kumakain sa tamang oras or di makakain at all or parang wala ng pakialam sa sarili. Natatawa and at the same time naiinis ako sa sarili ko kasi gusto kong tadyakan ng limang milyong beses at sabihan na “Ano na ba? Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka? Mas pinapakita mo lang na deserve mo na ganyanin ka nya.”

Ngayon naisip ko, sana pala mas nagfocus ako na maayos ako or mag-improve. Kasi taon din lumipas, siguro sayang lang pero okay lang at least di pa huli para sa lahat.

I love your voice

Dati naiinis ako kapag pinapakwento mo lang ako. Tahimik ka lang, tumatango sa lahat ng sinasabi ko. Hinahayaan mo lang ako mag monologue at naiinis ako sa ganon kasi gusto ko kapag dinadaldal kita, ganon ka rin sakin.

But I realized na kaya pala tahimik ka kasi gusto mo pakinggan yung boses ko kahit walang kwenta pa yung mga sinasabi ko. Parang pinag-aaralan mo bakit ang sarap pakinggan ng boses ko. Kahit na nagra-rant na ko, hindi ka naiinis kasi mas focus ka sa boses ko.

Kasi ganito din nararamdaman ko eh, hindi ko alam mga sinasabi mo about galaxies and milky ways, new discoveries pero nakikinig padin ako kasi ang sarap sa tenga ng boses mo. Gusto ko lang magsalita ka kasi wala lang, gusto ko i-memorize at itatak sa utak ko para di ko makalimutan gaano kasarap pakinggan sa tenga ang boses mo. @dakilanggutom