politics shitzu

Politikang UPLB: Kung anik-anik na mga palamuti.

Disclaimer: Ang susunod niyong mababasa ay pawang mga opinyon ko lamang ukol sa mga nagaganap ngayon sa UPLB na may koneksyon sa nagdaang eleksyong pang-unibersidad.

Ano na nga ba ang nangyari pagkatapos ng eleksyong nagdaan? Ano nga ba ang kaguluhang hinantungan nito?

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang tunay na nanalo ay hindi nailuklok sa pwesto dahil sa ilang mga bagay na kanyang hindi natupad.

Ayon sa sekretarya ng aming kolehiyo, ang nasabing kandidato ay hindi pa bayad sa kanyang SLB o student loan pero dahil sa isang promissory note na nilagdaan ng aming Chancellor na nagsasabing nangangako siyang magbabayad siya sa Pebrero 29, 2012. Pero nakalipas na ang araw na nakatakda at wala pa din siyang naibayad.

Ang sabi pa daw ng sekretarya ng kanyang kolehiyo ay tatlo lang ang nakarehistrong asignatura niya at dalawa dito ay lumampas na sa dami ng maaring iliban sa klase. Ibig sabihin, dismissed na siya pagkatapos ng semestreng ito.

Napaisip-isip ako tungkol sa isyung ito at habang naglalakad sa isang parte ng campus ay nakakita ako ng isang poster na nakadikit sa bulletin board na nagsasabing: “Wag sayangin ang botong achuchu na binigay kay achuchuchu." 

Nairita lang ako ng bahagya. 

Sino bang may gusto ng isang mamumuno na hindi tumutupad sa pinangako niya? Sinong may gusto ng isang delikwenteng lider? Wala naman di ba? Bakit hindi na lang tanggapin ng mga kapartido niya na hindi talaga? Ganon naman kasi dito sa Pilipinas eh, walang natatalo puro nadadaya o kung ano pa man.Ito pa nga lang hindi na niya kayang tuparin, paano pa kaya ‘yung mga pinagsasabi niya sa mga estudyante na mga proyekto achuchu niya? Eh di ganon din ang kakalabasan.

May nakita pa akong isang post dun na ukol naman sa mga tagapamahala ng pagbibilang balota, 'yung mga professors, na sinasabihan nila ng kung ano-anong mga salita.

UGH. UGH lang, promise. Ganon na ba sila kabastos? Oo, wala akong alam sa pamamahala ng mga ganyan pero 'yung magsalita sila ng ganon tungkol sa nakakataas. Sa tingin nila nakakaganda ito ng pangalan nila? Sa tingin ba nila mas paparingan pa sila ng mga tao? Ako, HINDING-HINDI.

Pagnatalo, magwewelga. Pag may nangyaring ganito, magwewelga. 'Yan na lang ba ang alam ng mga taong 'yun? GAHD, get a life.

Sa kabilang banda, kung ganito ang status ng nasabing kandidato ay bakit pa ito pinayagang tumakbo? 

FUCK Politics. Ito ang kadahilanan kung bakit ayoko nang bumoto at ayoko ng politika natin dito sa Pilipinas.